31-Flashback

210 4 3
                                        

Hindi ako mapakali sa upuan ko dahil sa tanong ni Maxine sa akin kanina nang magkita kami sa opisina niya. There was something seriously wrong with her nung itanong niya sa akin iyon. Ang matindi pa dun, it didn't seem hypothetical. Pakiramdam ko may nangyare sa kanya kaya niya tinanong iyon sa akin. 

Ilang taon rin kaming hindi nagkita ni Maxine dahil busy siya sa kompanya at sa buhay niya. Minsan lang kami magusap para magkumustahan, kaso may kakaiba sa kanya kanina e. It was so... strange? Yeah, strange, because she was being strange sa pagtatanong niya. 

Huminto ako sa pagbuklat ng libro at pinagmasdan lamang ito. Nakakapagtataka talaga ang tanong niya, at the same time, may point siya. Ano nga ba ang gagawin ko kung may nangyari kay Ate at sa baby niya dahil sa ginagawa ko? Makakaya ko kaya ng konsensya ko pag nangyari iyon? 

"Pres!" 

Nagulat ako nang bumukas ang pintuan at pumasok si Sed habang hingal. Gaano ba kaimportante ang sasabihin niya para tumakbo siya papunta dito ng hindi kumakatok sa pintuan? 

I composed myself. "What? Hindi mo nakikitang busy ako?" masama ko siyang tinignan. 

"S-sorry, Pres, pero may ipinaabot po si Boss," sabi niya't ipinakita sa akin ang red envelope na hawak niya. 

Red? Kailan pa naging red ang envelope nila?

"Akin na," utos ko kay Sed. Tuluyan siyang lumapit sa akin at ibinigay ang envelope at kinuha ko naman ito sa kanya. Agad kong binuksan ito, at inilabas ang nasa loob.

Binasa ko ang mga papeles na nasa loob at napapakunot ng noo. Listahan na naman ng mga pangalan ng mga tao na dapat ay patumabahin namin. Katulad ng dati, I am amazed by how long this list have gotten to be. No wonder bihira na lang kami binibigyan ng order ni Boss, dahil dito sa listahan na 'to.

"Pres, a-anong nakasulat?" kabado na tanong ni Sed sa akin. Sumulyap ako sa kanya't halata ang takot sa mukha niya. 

Alam niya kung ano 'tong binabasa ko, pero takot lang siyang aminin sa sarili niyang may possibility na papatay na naman siya ng inosenteng tao dahil ito ang trabaho. Kumbaga isa ito sa mga gawiin ng mga taong nasa posisyon niya bilang officers. 

Inalis ko ang pagkasulyap ko sa kanya't ibinalik ang atensyon ko sa mga pangalan na nakasulat dito sa listahan. 

"Hanggang ngayon ba takot ka parin Sed?" tanong ko sa kanya. 

He kept quiet for a while pero nagsalita rin siya agad.

"Hindi sa ganun, Pres, pero hanggang kailan ba natin gagawin 'to? Kailangan ba natin idamay ang sarili natin ng dahil may atraso sila sa iba at wala sa atin?" he paused a bit. "Hindi ba pwede na ayusin 'to sa paguusap?" dagdag niyang sabi. 

Kung ganun lang kadali Sed, dati ko pa kinausap lahat ng taong may atraso sa atin. Subali't hindi ganun kadali ang kagustuhan mong mangyari. Ayaw ko rin kayo madami sa mga nangyayari, kaso nakamarka na kayo bilang miyembro ng Underground. 

Kapagnilabag ko ang patakaran dito, baka kayo din lang ang magbabayad sa bandang huli. Unfair, but the world has never been fair to anyone. Lahat ng ginagawa ng mga tao sa buhay nila may kabayaran. 

"Not every sin in this world can be fixed by talking, Sed. Minsan, kailangan may mawala para matakot ang iba," I flip through the pages. 

"Even if in the very end, it's someone close to you?" he suspiciously asked. 

Nahinto ako't lumingon sa kanya. "Even if it's someone close to you, you must get rid of them. No outsider can touch the brotherhood of the Underground," seryoso kong sagot sa kanya. Ngunit isang malungkot na mata ang tumitig pabalik sa akin. 

The Untamable WomanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon