24

154 4 3
                                        

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at inayos ang buhok kong nakatali. Bumaba ang tingin ko sa damit ko at 'di maiwasang mapabuntong hininga na lamang. Ang suot ko kasi ay isang mini black off-shoulder dress that goes above my knee. Suot ko parin ang relo ko na lagi kong sinusuot, pero nakaheels na itim nga lang ako.

Oo, alam ko kung paano mag suot ng mga ganitong kasuotan. Si Lola ang pasimuno neto kaya hindi ko siya pwedeng suwayin. Sa lahat ng tao, ang Lola at Lolo ko lang ang hindi ko pwedeng suwayin dahil kakaiba silang kalabanin.

"Pst! Hinahanap ka na ni Lola," rinig ko kay Daemon, lumingon ako sa pintuan. Binubutones ni Daemon yung lupi ng navy blue polo niya.

Umiling ako. "Hinahanap na nga tayo pero 'di naman ayos ang tie mo," naglakad ako palapit sa kanya, untying his necktie. "Tingala ng unti," utos ko.

Tumingala siya. "Thank you," sabi niya. "Hindi ako magsusuot ng ganito kung wala sila Lola," dagdag niyang sabi at ibinaba na ang kamay niya ng maayos niya yung lupi ng polo niya.

"Agree," I said concentrating on his necktie. "I just wish they stop making us do this. It's really not appropriate," mahina kong sabi.

"Keeping wish. Hangga't hindi tayo nagkakaroon ng pamilya, they will keep forcing us to do stupid things," sabi niya.

Napasulyap ako saglit kay Daemon, halata ang pagkalungkot niya ng sabihin niya iyon. Kung alam niya lang talaga ang totoo, tiyak ko magbabago ako pananaw nila Lola sa ganitong bagay. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya, gagawin ko pero wala ako sa posisyon para magsalita.

Sorry, Dae, but Saira is the only one who can tell you the truth.

Tinapos ko ang pagayos ng necktie niya. "Let's go. Kanina pa sila naghihintay," sabi ko na parang 'di narinig ang sinabi niya. Kinuha ko ang shoulder bag ko na nakasabit sa tabi ng pintuan.

"Ate," tawag ni Daemon.

"Hm?"

"You'll tell me the truth if something happened to Saira, right? I mean, pag may nalaman ka tungkol sa kanya."

Napahinto ako saglit at hindi kaagad nakapagsalita. Nilingon ko ulit si Daemon at ang pagkalungkot lang ang nakikita ko sa mga mata niya.

I feigned a smile. "Oo naman!" tinapik ko ang balikat niya. "Tara na. Papagalitan na tayo," nagmadali akong umalis sa kwarto.

-x-

"I'm glad the both of you can join us," sabi ni Lola Scarlet ng makarating kami ni Daemon sa isang restaurant. Nauna na sila Lola dito at tinawagan lang kami ni Mom. Ayon nga lang, tumunganga kaming dalawa ni Daemon sa living room habang hinihintay sila.

I pulled up a chair and sat down. "Of course, Lola. Basta kayo ang nag sabi, lahat masusunod," sagot ko sa kanya.

Sumama ang tingin ni Lola sa'kin. "And what is that suppose to mean, Yvy?" palaban niyang tanong sa'kin.

"Nothing," inirapan ko siya.

Hindi ko siya sinusuway pero hindi rin ako nagpapatalo. Namana ko sa Lola ko na abot ng kasungitan.

"Mom, pasensya na po kayo pero hindi po makakarating si Derrick ngayon," rinig kong balita ni Mom, kaya tumingin ako sa kanya't napansin kong nakasulyap siya sa'kin.

"It's alright, Dear," sagot ni Lolo kay Mom. "Just take your seat, and let's order," dagdag niyang sabi.

"Yes, Dad," agad na sangayon ni Mom sabay upo sa tabi ni Daemon.

As usual, pareho parin ang pinaguusapan namin. Tungkol na naman sa kasal na hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan. Na may nahanap kuno daw si Lola na pwedeng ikasal sa'aming dalawa ni Daemon.

The Untamable WomanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon