Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. I can't believe what that man just ordered me to do. To think I still consider calling him my father.
"Ugh! T-tama na, Pre...s," pagmamakaawa ng trainer ko.
"Get the fuck up, Avnie!" Utos ko sa kanya't hinila siya patayo. "Hangga't hindi ko sinasabing tumigil tayo, hindi tayo titigil!" Sabay tadyak sa tyan niya.
"Ack!" Avnie groaned nang tumama ang likuran niya sa pader. I saw blood trailing down on the sides of her lips.
Fuck! This isn't helping me at all. The anger is building up too much that I don't know how to contain it.
Naglakad ako patungo kay Avnie at hinawakan ko siya sa magkabila niyang braso. Itatayo ko na sana ulit siya ngunit na patigil ako nang may magsalita.
"Angel, tigilan mo na 'yan. Maawa ka kay Avnie," pagpigil ni Kuya Ivan sa akin.
Nilingon ko siya likuran ko. "Anong ginagawa mo dito?" Galit kong tanong sa kanya.
"I had a spare time kaya dumaan muna ako dito," his eyes went to Avnie. "I didn't expect to see you beating Avnie up."
I tsked. Inalis ko sa pagkahawak ko si Avnie't tumungo papunta sa mga gamit ko. Tinanggal ko yung hand wrap ko't tinapon iyon sa loob ng bag ko.
"Umalis ka na dito, Kuya Ivan. Hindi ka namin kailangan," pagtataboy ko sa kanya.
"No. Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako-"
"Just stop it, already!" I screamed to him. I faced myself to Kuya Ivan- irked and fustrated.
Kuya Ivan's eyes narrowed. "Ano ba ang nangyayari sa'yo, Angel? May problema ka ba? Hindi kayo nagkakaintindihan ni Boss? Ano?" napaiwas ako ng tingin.
Sorry Kuya. Hindi ko naman ginustong maging ganito sa'yo pero ang sakit lang kasi sa akin e. Ayokong mag sinungaling sa'yo kaso 'di ko pwedeng suwayin ang kagustuhan ni Dad. Kahit tatay ko siya, kailangan ko parin sundin ang patakaran niya dito.
Alam ko magagalit ka pag nalaman mo ang katotohanan ngunit mas gugustuhin ko pang itago na lang ito. Walang kasiguraduhan kung hanggang kailan ko ito maitatago sa'yo, sana lang ay 'di mo ako kamuhian sa araw na malaman mo ang katotohanan sa mangyayari kay Ate.
"Angel?" tawag niya sa akin.
Huminga ako ng malalim at tinignan ulit siya. "Madami akong problema, Kuya. Kaya kung nais mong isa-isahin ko baka abotin pa tayo ng isang taon. So it's better not to know it," kinuha ko yung bag ko at inilagay ito sa balikat ko.
"Angel, makasama na tayo ng matagal. Sa tingin mo 'di ko mahahalata kung nagsisinungaling ka o hindi? You can't fool me," umiling-iling si Kuya.
Nagumpisa na akong maglakad patungo sa kanya. Nang lalagpasan ko na siya, huminto ako saglit sa gilid niya. I patted on his shoulder.
"I'm sorry..," mahina kong sambit. Sabay tuluyan ng umalis sa training ground.
-x-
Binulsa ko ag magkabila kong kamay sa bulsa ng jacket ko. Inaral ko ng mabuti ang paligid ko. Ang mga kasama ko ay nakastand-by lang dyan sa tabi-tabi't pinapanuod ako. Bakit? Dahil ngayong gabi na ito, madaming magbabago. Hindi lang sa buhay ko kung 'di sa buhay ng ibang tao- malapit man sa akin o hindi.
"Walkie check," rinig ko sa boses ni Sed sa earpiece ko.
Pinindot ko ito. "Walkie recognized," matamlay kong sagot.
"Angel," tawag ni Sed. Hindi ako sumagot. "Alam ko nahihirapan ka ngayon, pero hindi mo kailangang gawin 'to. Kung gusto mo ipapatawag ko na lang si Ivan para ituloy 'to," pagaalala ni Sed sa akin.
BINABASA MO ANG
The Untamable Woman
General FictionThey are both independent individuals. She's a freelancer. He's a tycoon. She's rebellious. He's serious. She's known in the underground world. He's known in the business world. No one can control her. No one can defy him. She is untamable. He i...
