A/N: Back to present time~
--------------
Pinahid ko ang mga pumapatak na luha galing sa mata ko. Hindi ko na rin kasi maiwasang mapaiyak pa. Ang tagal na ng nangyare pero masakit parin na tanggapin para sa akin."T-trust me, Mom. Kung gusto ko din lang mapahamak ang pamilya natin, I would not hesitate on doing so," I sniffed. "Kaso hindi ko magawa. Kaya lumayo ako kahit ang hirap ginawa ko," pageexplain ko kay Mom.
"Pero dahil sa pagtanggap mo sa posisyon na 'yan," umiling si Mom. "Parang ikaw na rin ang pumatay at nanakit sa mga kapatid mo. That's something that I can not forgive," umiiyak na sabi ni Mom.
I couldn't help, but to feel hurt from what she said. I knew this day would come. Alam ko rin na hindi ako mapapatawad ni Mom, I prepared myself for this. Subali't ang sakit na marinig sa kanya na hindi niya ako mapapatawad.
"Honey, p-please reconsider it. Hindi lang si Angel ang nagkamali. Pati ako nagkamali sa pamilya natin. Don't be ha-"
Napatigil si Dad sa pananalita ng sampalin siya ni Mom. Pareho kaming nagulat ni Dad. Binalik ni Dad ang tingin niya kay Mom habang nakahawak sa pisngi niya.
"I had enough of this, Derrick," Mom shook her head. "I've already lost Gardenia, ngayon si Daemon. Iisa-isa bang mawala ang mga anak natin?" Dad didn't answer and Mom just glared at me. "Ikaw, Yvy, hanggang kailan mo wawasakin ang pamilya mo?"
Isang tanong lang ni Mom sa akin pero napakasakit pa. Winawasak ko na ba talaga ang pamilya namin? Grabe, akala ko pinoprotektahan ko pero ako pala ang dahilan kung bakit ito nawawasak.
"Aida! Don't blame Angel for something that I have done!" sigaw ni Dad. "Ako ang pumilit sa kanyang pumalit sa akin sa Underground. Kaya wag mo siyang sisihin sa pagkakamali ko," pagdedepensya ni Dad sa akin.
Kaso ba't ganun? Kulang na lang patayin ako ni Mom sa mga tingin niya? Ba't kahit sabihin ni Dad na siya ang may kasalanan, para kay Mom, ako ang nagumpisa ng lahat ng ito? Sa mga mata ba ni Mom isa akong mamamatay tao?
Masakit man gawin 'to pero mukhang kailan. Sa umpisa palang masama na ang tingin sa akin, mas ganda siguro kung ipagpatuloy ko na lang. Para sa an pa't dun din naman pupuntahan ng ito.
"Shut up, Derrick!" She warned dad. "You can't protect her from her own doing. Umpisa palang dapat sinabi na niya. Dapat umamin na siya sa akin! Kaso ano? She kept quiet about it!" She pointed to me.
Trust me, Mom. Kung pwede ko lang aminin, ginawa ko na bago pa mawala si Ate Gardenia at mapahamak si Daemon.
Iniyuko ko ang aking ulo't napasilip sa gawi ni Daemon. Sana, kahit ikaw lang, mapatawad mo ako sa gagawin ko. Alam mo naman kung gaano kita kamahal, diba Daemon? Lahat gagawin ko para lang makita kitang buhay at masaya.
I'll make another sacrifice just to keep all of you alive, kahit na ang kapalit ay ang pagkawala ko sa buhay niyo. It's hard for me to do this, but it's not something new anymore. Besides, I'm sure makakatulong din ito sa akin.
Huminga ako ng malalim sabay tingin sa mga magulang ko. All I have to do is pretend, it's not something I haven't done before.
"Haha," I started off to get their attention- which I did. "Mom is right, Dad. You shouldn't protect me from what I've been doing."
"Angel, stop what you are planning right now," pagpigil ni Dad sa akin. I was kind of taken back to how quickly he catches on, but I have to play it off.
"Planning? I'm not planning anything, Dad. I'm merely stating the truth," I glanced to Mom. "I wanted this to happen..," I began to lie.
"What?" Mom gritted.

BINABASA MO ANG
The Untamable Woman
Fiksi UmumThey are both independent individuals. She's a freelancer. He's a tycoon. She's rebellious. He's serious. She's known in the underground world. He's known in the business world. No one can control her. No one can defy him. She is untamable. He i...