"Ate," I called to her.
She stopped what she was doing to face me, a smile formed across her lips. I gulped in guilt.
"Hey, what are you doing here?" she asked.
My body trembled, but I kept it composed. "I wanted to drop off your favorite food, baked salmon with asparagus on the side," I showed her the plastic I am holding.
"Thank you," she stood up from sitting. My eyes dropped on her swollen tummy, a symbol that she is pregnant.
Am I really going to do something that I will regret? Do I have to..?
"Yeah," tuluyan akong pumasok sa opisina niya at ako na ang lumapit pa. "Baka kasi hindi ka pa kumakain," sabi ko at inilapag sa lamesa niya yung dala kong pagkain.
Binuksan ni Ate yung plastic. "Mhm.. Hihintayin ko sana ang Kuya Ivan mo kaso may lakad daw siya ngayon," inilabas niya yung pagkain, sabay binuksan ito.
Again, I felt guilty. "Ganun ba.. Saan daw lakad niya?" pagkukunwari ko na tanong, kahit ang totoo ay alam ko kung nasaan si Kuya Ivan.
"Hindi ko alam e," sumubo si Ate ng asparagus. "Basta ang sabi niya magkikita kami mamayang gabi kasama si Alethea. You know, bonding time," she said even giggling.
"Ah..," bumaba ang tingin ko sa tyan niya ulit. "Ang laki na talaga ng tyan mo, Ate..." sabi ko.
"Hay naku, sinabi mo pa! Hindi na nga ako makapaghintay na lumabas siya e. Ang sakit na ng likod ko tapos namamaga pa ang paa ko," umiling si Ate.
"Ang hirap pala," sabi ko't hinaplos ang tyan niya.
"Talagang mahirap, pero sa umpisa lang naman 'yan," sumilip ako sa kanya't nakangiti siyang nakatingin sa kamay ko at tyan niya. "Everything will be worth it once she's here," maligaya niyang sabi.
Hininto ko ang motorcycle ko sa parking lot at tinanggal ang helmet ko. I let my hair get swayed by the air, at umalis sa motorcyle ko.
Gamit ang kanang kamay ko, tinanggal ko ang susi at inilagay sa handle yung helmet ko. Atsaka ako naglakad patungo sa entrance ng sementeryo. I decided to visit Ate's grave dahil matagal na rin akong hindi nakakabisita sa kanya.
Sinusubukan ko naman kaso nawawala rin sa isipan ko. Lagi kasi ako nadidistract sa trabaho ko kaya hindi ko rin maalalang bumisita. Baka nga nagtampo na sa'kin 'tong si Ate kaya minsan napapaniginipan ko siya at naalala ang mga pinaguusapan namin.
Tumigil ako sa paglalakad nang makarating ako sa puntod niya. Lumuhod ako at napangiti nang makita ko na may bulaklak siya dito. Napakaganda talaga ng Gardenia. Iisang tao lang ang kakilala ko na magdadala niyan kay Ate.
"Napapadalas ata ang pagbisita sayo ni Kuya Ivan, Ate," mahina akong napatawa. "Hanggang ngayon hindi parin siya nakakamove on sayo. Ang haba kasi ng buhok mo e," biro ko na paguusap sa kanya.
"Alam mo Ate, namimiss na kita," mapakla akong ngumiti. "It's really not the same when you aren't here. Lagi kasi ako ang nakikita ng magulang natin e, hindi katulad dati na parang invisible lang ako sa kanila. Panay utos tuloy si Dad sa'kin, tapos si Mom naman e wala ng ginawa kung 'di ang magtanong kung anong pinaggagawa ko.."
Napatingala ako at bumuntong hininga, saktong medyo lumakas ang ihip ng hangin. Hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa gilid ng mata ko. I sniffed, and stayed looking up to the sky.
BINABASA MO ANG
The Untamable Woman
General FictionThey are both independent individuals. She's a freelancer. He's a tycoon. She's rebellious. He's serious. She's known in the underground world. He's known in the business world. No one can control her. No one can defy him. She is untamable. He i...