23

157 3 2
                                    

I've been checking the time and my phone for over an hour now. It's past midnight, and I have not gotten any reply from Blaze. Kanina pa rin nakauwi ang mga empleado ko at ang natitira na lang dito sa opisina ay kaming dalawa ni Jasmine. Pinaextend ko nga ang oras ni Jasmine para may makasama ako, pero alam ko na may sarili dapat siyang plano kaso hindi natuloy.

Nasaan na ba siya? Kanina ko pa siya tinext pero walang paramdam.

"Ma'am, may ipapagawa pa po ba kayo bago ako umalis? Gusto niyo po kunan ko ulit kayo ng ice coffee?" alok niya habang nakasilip sa may pintuan ng opisina ko.

Inalis ko ang salamin ko at nginitian siya. "It's fine, Jasmine. Pwede ka ng umuwi at pasensya na kung hindi mo nagawa ang mga plano mo ngayon," paghingi ko ng sorry.

"Wala po 'yun, Ma'am. Malakas po kayo sa'kin e," sabi niyang ikinatuwa ko.

"Thank you," ngiti kong sabi. "Alam ko wala ng masyadong masasakyan dito sa lugar natin, pero kung gusto mo, pwede akong magpatawag ng maghahatid sayo," alok ko sa kanya.

Umiling si Jasmine. "Ay naku, Ma'am, wag na lang po!" she placed her hand in front of her para lang ipakitang tutol siya sa alok ko.

"Pero-"

"Ma'am, ayos lang po ako," nagpeace sign siya. "Tumawag na po ako ng pwede na sumundo sa'kin. Kaya wag na po kayo magalala," she reaassured.

"Hm.. sigurado ka?" kinuha ko ang cellphone ko at ipinakita sa kanya ito. "Pwede kong tawagan ang kapatid ko para ihatid ka pauwi," alok ko ulit.

"Sabagay, gwapo naman si Sir Daemon," napaisip siya saglit tapos tumingin sa gilid niya. Parang may nakikita siyang bubble of image dun.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Are you-"

Tumawa si Jasmine tsaka balik tingin sa'kin. "Biro lang, Ma'am! Alam ko namang gwapo si Sir Daemon, pero hindi ako ganun kadesperada. Isa pa, may boylet na po ako. Siya nga yung magsusundo sa'kin e," sumulyap ako sa paa niya ng mapansin kong napapaikot-ikot ito.

Kinikilig ba siya dahil sa boyfriend niya? And, wow, she has a boyfriend? Buti pa siya susunduin habang ako, hindi ko nga boyfriend, pero nakalimutan pa ako.

I shook my head. "Kung ganun, magiingat kayo sa paguwi. Do text or call me para alam kong nakauwi ka ng ligtas- not that I don't trust your boyfriend," I cleared myself up.

"Gets po!" nagthumbs-up siya. "Bye po, Ma'am! Good night~" she waved her hand at umalis na.

Mag isa na lang ako. Anong pwede kong gawin habang naghihintay kay Blaze? Natapos ko na yung mga proposals, pagrereview ng documents, and checking the company budget. Past 12 na rin at wala pa akong kotse.

Yung kotse na ginamit ko papunta kay Doc Xian e pinakuha ko kay Daemon, magpapacheck up rin naman siya kahapon. Si Blaze ang nagdrop off sa'kin dito sa opisina. Ayaw ko rin naman tawagan si Kuya Ivan dahil nahihiya ako sa kanya. Tiyak ko nga tulog na siya e.

Napabuntong hiningi ako sa sarili ko't dinampot ang cellphone kong nasa gilid lang ng lamesa ko. Binuksan ko ito at wala parin akong reply na nakukuha. I rest my head on the top of my table, hoping I'll receive something.

Maybe if I sleep for a while, and let it go. Maybe, just maybe, I'll receive something, right?

"Tama nga si Jasmine, andito ka parin," rinig ko sa boses ni Kuya Ivan. Medyo napasulyap ako sa kanya pero hindi ko parin inaangat ang ulo ko sa lamesa.

"Anong ginagawa mo dito, Kuya Ivan?" alis tingin sa kanya. "Ba't hindi ka pa umuuwi?" walang gana kong tanong.

Not who I was expecting to show up. Si Blaze ang gusto kong makita pero si Kuya Ivan ang dumating. Si Ate Gardenia ba ako para bisitain niya ako ng ganitong oras? Hindi.

The Untamable WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon