Minsan may mga bagay talaga na hindi mo maiintindihan. Katulad ng bakit yellow si Spongebob? Bakit lumilipad ang mga ipis? Bakit kailangan magmahal ng isang tao na may iba ng mahal? Bakit mas pinipili natin na masaktan kaysa umiwas? Diba, hindi mo rin maintindihan?
Magulo na nga pero mas naguguluhan ka pa dahil nanatili ka. Embes na umalis, gusto mo pa na makita ang mga susunod na mangyayari. Siguro nga ganun talaga pag may mahal ka. Kahit harap-harapan ka ng sinasampal ng katotohanan, you still choose to stay.
"Mag sabi ka nga ng totoo, Angel, did something happen between you and Blaze?" tanong ni Siance pagkatapos niyang ilipat ang isa sa pawns niya.
"May kailangan ba na mangyari sa'min?" patanong ko pabalik pagkatapos kong kainin ang isa sa piece niya.
"Hm..," napaisip siya saglit. "Malay. Kaya nga kita tinatanong, diba?" sabi niya't kinain ang isa sa piece ko rin.
Napakamot ako sa gilid ng tainga ko. "Siguro?" hindi ko sure na sagot.
Nasa loob kami ng study room ngayon dahil gusto daw maglaro ni Siance ng chess. Stress na daw siya sa trabaho at kailangan niyang ituwid ang isipan niya bago siya mabaliw ng tuluyan. Kaya heto siya ngayon sa bahay. Saktong day off ko sa trabaho, so why not.
"That completes the list," nagtataka akong tumingin sa kanya. "You won four, correction, five times in a row already, Angel," nginuso niya ang chess board. "Hindi mo pa rin napapansin na kanina ka pa panalo, and kept on playing. Lumilipad ang isipan mo at tahimik ka," sumulyap siya sa gilid ng lamesa. "May iniinom ka na ice caramel coffee, pero may peppermint tea ka rin."
"And?"
Bumuntong hininga si Siance. "Huli ka na nga, sinusubukan mo pa na pagtakpan."
"Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo, Siance," umiling ako. "Stress ka lang kaya kung anu-ano na ang naiisip mo," I gathered all the pieces on the middle of the chess board.
Siance is not completely wrong with her thinking. Katulad niya, stress rin ako at hindi mapakali sa nararamdaman ko. Simula ng makita ko kasi si Blaze sa DeCode kasama yung babae, at nakita niya kami ni Kuya Ivan, we've been having some sort of jealousy war.
Ang masama dun ay ako ang natatalo. Ako ang mas naeepektuhan sa mga pinaggagawa naming dalawa. Kahit ako pa ang gumawa ng hagbang para pagselosin siya e ako parin ang talo. Hanggang dun na lang nga siguro ang pinaggagawa namin sa tuwing magkikita kaming dalawa. Ang pinagkaiba nga lang ay hindi ko parin nakikita ang mukha ng babae na kasama niya.
"...Makipagusap ka kasi ng maayos," huli ko ng narinig galing kay Siance.
"Siance tama na," binigay ko sa kanya yung white piece at inumpisahan ko ng ayusin ang akin. "Pumunta ka dito para maglaro ng chess, hindi para pagsabihan ako," pagreremind ko sa kanya.
"I know, pero ayaw ko nakikita kitang ganyan, Angel," she pushed the piece away from me, kaya tumigil na ako sa pagaayos.
"I'm fine," I assured her.
Siance rolled her eyes. "You love him, don't you?" biglang pagpalit niya ng topic.
Medyo tumigil ata ang pagtibok ng puso ko sa sinabi niya. Kaso hindi ko ito pinakita sa kanya, gayon pa man alam ko ng nahuli niya na ako. Ang tanga ko rin kasi dahil pinapakita ko sa kanya na may problema talaga ako. Nahalata niya kaagad.
"Maybe," walang gana kong sagot.
"Maybe?" suminghal siya. "Mahal mo nga siya!" she proudly said, slapping the top of the table.
"Maybe lang mahal na kaagad?" kumunot ang noo ko.
"Kilala kita, Angel," pinitik niya ang noo ko.
BINABASA MO ANG
The Untamable Woman
General FictionThey are both independent individuals. She's a freelancer. He's a tycoon. She's rebellious. He's serious. She's known in the underground world. He's known in the business world. No one can control her. No one can defy him. She is untamable. He i...
