25

150 2 2
                                    

Nang makadating ako sa trabaho, pinagbilinan ko si Jasmine na wag magpapasok o tumanggap ng meeting ngayon. Na pati ang mga appointment ko ay icancel at ireschedule niya na lang. Ayaw ko na magkaproblema pa ulit, considering nangyari yung pagkikita namin nila Lola kaninang umaga.

Nakakapagod makipagsagutan sa mga taong hindi nakakaintindi ng kahit ano. Yung tipong nireject mo na nga, pero pinagpipilitan parin nila ang kagustuhan nila. Ang gusto ko na lang mangyari ngayon ay magfocus sa trabaho.

That also applies to my Blaze problem. Hanggang ngayon hindi parin siya nagpaparamdam kaya I'll take that as a sign na talagang hindi ako mahalaga sa kanya. Kumbaga, kailangan niya lang ako kapagwala siyang magawa sa buhay niya.

"Ma'am, Sir Blaze is waiting for you. Would you like me to let him in or take a rain check?" Jasmine informed me through the intercom.

Nang hindi tumitingin sa telepono, pinindot ko ang number two. Ang mata ko ay nanatili sa pagbabasa ko sa sinend ni Dad na budget proposal about a restaurant Mom wants to build in Pangasinan.

"Rain check. Tell him I'm busy, and have no time for him today," sagot ko pabalik.

I told you, he only needs me when he has nothing better to do.

"Ah.. Ma'am urgent daw po," sabi ni Jasmine.

"Well my work is also urgent," sagot ko.

"Ma'am hindi daw po siya aalis hanggang sa makita ka niya," Jasmine said relying the threat Blaze made.

How cute of him. Not! Manigas siya sa kakahintay. Kung ako nga naghintay hanggang umaga, pwes maghintay rin siya. Ilang beses na akong naguluhan nang dahil kay Blaze. Baka kahit ngayon lang e siya naman ang maguluhan sa pagtrato ko sa kanya.

Pinindot  ko ang print button na nasa screen ko bago pa ako sumagot kay Jasmine.

"Jasmine, dalhin mo sa'kin yung mga papel na prinint ko dyan sa printer mo. Make sure it's complete, and nothing is missing. Kailangan ko pa icheck ang lahat ng documents," binalewala ko ang sinabi niya tungkol kay Blaze.

"R-right away, M-" naputol bigla si Jasmine. "Teka po, Sir! Sir!" rinig ko na lang ulit kay Jasmine.

"Jas-"

Naputol ang pagsasalita ko nang bumukas ang pintuan. Tumingin ako dun at kumunot ang noo ko habang palapit na tumutungo si Blaze sa'kin. Hawak-hawak niya ang mga document na pinapadala ko kay Jasmine dito.

"Sir bawal po kayo dyan," sinusubukan na pigilan ni Jasmine si Blaze pero binabalewala lang siya.

Such a stubborn and hard headed person. Damn him..

Blaze stared into my eyes as he puts down the documents on the top of my table. Jasmine is still trying to stop him, while I fought back with the staring.

"Ma'am sorry po. Ayaw niya kasi-" tinaasan ko ang kamay ko para pigilan si Jasmine sa explanation niya.

Nginitian ko siya ng 'di tumitingin sa kanya. "It's okay. Just leave Mr. Ayala and I alone for a while," I paused. "Pag dumating si Kuya Ivan papasukin mo kaagad at may paguusapan pa kaming dalawa," dagdag ko.

Blaze's left eyebrow twitched a bit nang banggitin ko ang pangalan ni Kuya Ivan. Puro pagtataka na ang nababasa ko sa kanya.

"Right away, Ma'am," huling sagot ni Jasmine bago pa siya umalis ng opisina ko. At nang makaalis siya, dun na nawala ang ngiti ko.

"Anong maipaglilingkod ko sayo, Mr. Ayala?" seryoso kong tanong sa kanya.

"I'm sorry..," sagot niya.

The Untamable WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon