CHAPTER 16

283 23 21
                                    

DEDICATED TO:@plutotwister
Hi Friend........

Mayle POV

Andito pa rin ako sa kwarto ko sa ospital.
Hay nakaka bored naman , Bwisit naman kasi yung babaeng yun eh, sungalngalin ba naman daw ako nang burger, Hayyy bwisit.
Atsaka nalaman ko pang sya pala yung inaanak ni mama na minsan nyang kinuwento sakin na bagay daw kami. What the hell Yuck.
Mamatay nalang ako.

Wala na dito sina mama at papa, si Nigel naman andito nakaupo sa single sofa nagbabasa yata nang wattpad ,Yuck bakla. Samantalang si Fross at Jickwell pagkatapos akong bilhan nang pagkain umalis kelangan daw sila sa bahay nila.

Nakahiga ako ngayon dito sa kama.Gusto ko nang bumangon dito at umuwi sa bahay wala naman magawa dito, lintek kasing babae yun eh, hinding hindi ko sya mapapatawad kahit kelan ,kahit lumuha pa sya nang dugo never.

Lumingon ako ulit kay Nigel pero nakita kong tulog na sya. Hindi mapakali yung katawan nya sa kakahanap nang magandang pwesto sa maliit na sigle sofa.

Kung nandito kaya si Gen aalagaan nya ako? Kung andito kaya sya hindi ako magiging bully at hindi mangyayari sakin to?
Sana hindi nalang sya umalis , Sana hindi na lang  nya ako iniwan nang walang paalam , Sana nandito lang sya tabi ko, at sana masaya pa kami.
Inaamin ko mahal ko pa rin sya mahal na mahal to the point na hindi ko na alam kung ano yung salitang move on. Pero satingin ko hanggang sana nalang lahat nang yun dahil alam kong hindi na sya babalik.

Naramdaman ko nalang na tumutulo napala yung luha ko.
Pucha nakakabakla.
Agad ko ring pinunasan ang luha ko.

Laking pasasalamat ko dahil may mga tunay akong kaibigan katulad nila Nigel, kahit palagi ko silang nasisigawan inaaway andyan parin sila.. Salamat din sa kanila kasi natitiis nila yung ugali ko. Hayy madalang lang makahanap nang ganyang tunay na kaibigan at ang swerte ko dahil napunta sila sakin.

Sabi nang doktor bukas daw pwede na akong umuwi ,kaya magpahinga nalang muna daw ako.
Eh sa ayokong magpahinga wala akong magawa dahil sa boredom na yan.

Naisipan kong icheck yung FB account ko. As usual million peoples nanaman yung nag fefriend request sakin, ayoko ngang iaccept mga malalapit lang na kaibigan ang inaaccept ko kaya asa nalang.

’Wala namang bago sa news feed ko ,hayyy sino kayang pwedeng isearch nang may mapag tripan hahaha’

Nag isip muna ako nang pwedeng isearch, at nang may maisip na ako.

Search: Jaera Maish Santiago

Hoy wag kayo di nya ko stalker ah.

A/N: Eh anong tawag mo sa ginagawa mo ngayon.

Except sa word na stalker yun yung ginagawa ko.

Nakita ko na yung Fb ni Stupid.

Grabe ang gaganda nang post nya

Oops diko yun sinabi wag kayo.

tiningnan ko nang tiningnan yung fb nya hanggang sa makarating ako sa dulo, May bago syang nilagay na post.

JAERA MAISH SANTIAGO
Masaya naman ako na may girlfriend na sya eh ang kaso gusto ko nang mabalik yung friendship namin dahil namiss ko yun sobra.

Ano kaya toh ,ang drama naman ni stupid ,maka pag comment nga.

MAX BRYLE DOMINGUEZ -ang drama mo masyado ,wag mong ipost sa facebook sa MMK nalang para mas feel hahahaha ,Stupid.

I Think Im In Love With A Bad BoyWhere stories live. Discover now