DEDICATED TO: MgaDyosaaaaa
MAYLE POV
*KINABUKASAN*
Nandito ako ngayon sa isang restaurant, Na halatang pangmayaman dahil sa mga vase na display at makinang at malaking chandelier.
Marami ring tao rito na mahahalata mo ring mga bigtime dahil sa mga suot nila.Pagkatingin ko sa harapan ko napagtanto kong hindi pala ako nag iisa dito sa mesa.
May kasama akong isang babae, hindi ko makita ang mukha nya dahil natatakpan ito ng Menu.Pero ng nilapag na nya yung Menu.. Gulat at takang mukha ang mahihinuha mo sa aking mukha.
Dahil sa hindi inaasahan , sya ang makikita ko.
Hindi ako makapaniwala na sya yung nasaharapan ko ngayon at nakaupo sa iisang mesa.Si Stupid.......
Bigla syang tumingin sakin at sinabing.
"Des, Mahal na Mahal kita" nakangiti nyang sabi
Des??? anong pangalan yan.
Ewan ko pero bigla nalang akong napasagot sa sinabi nya.
"Mahal na Mahal din kita, Tiny" biglang sabi ko.
Tiny, What?? pero teka DES tapos TINY equal DESTINY!
WTF , ano yung sinabi ko, basta bigla nalang may nagtulak sakin na sabihin yun, at ang masama pa kay stupid ko nasabi.
Pucha hindi to totoo. Bakit ko ba nasabi yun.Nakagiti na sakin si Stupid ngayon , Unti Unti syang lumapit sakin at akmang hahalikan ako nang biglang....
"Lalalalalalalalalalalalalala lalalalala"
bigla akong nagising dahil sa malakas na ringtone ng cellphone ko."Sh*t, panaginip lang pala" nasabi ko nalang nang biglang magsalita si Fross.
"Uy, dre anong panaginip huh?"
"Wala nanaginip lang ako, isang masamang panaginip"
"Ah, ok"
Grabe panaginip lang pala, akala ko totoo na eh, Thanks lord panaginip lang dahil kapag totoo yun mababalitaan nyo na lang nag suicide na ako.
Pero diko ineexpect na sya yung mapapaginipan ko at ang masaklap pa sa ganoon na pangyayari, Namagsasabihan kami nang Mahal kita at yung tawagan naming Des at Tiny tapos ang hindi kinakaya nang sistema ko ay yung mag kikiss kami, Saklap.
Iniisip ko nalang na mangyayari yun sa totoong buhay? masusuka na ako , Yuck!!!
Pero bakit ko naman kaya sya napaginipan? To be honest in my whole life ngayon lang ako nakapanaginip ng babae at kaaway ko pa.
Bakit kaya sya pa? ,Pwede namang si Gen nalang o yung mga fangirl ko? Bakit sya pa?.Aish wag ko na ngang isipan nagsasayang lang ako ng vitamins sa utak pero syempre Joke lang.
Ang hinihiling ko na lang sana hindi magkatotoo.
*********
JAERA / ISHA POVNagising ako dahil sa malakas na katok na nagmumula sa pinto ko.
Tok*Tok*Tok.
Tatamad tamad pa akong tumayo sa kama ko at lumapit sa pinto.
Pagkabukas ko ng pinto nakakita ako ng isang anghel na handa na akong ayain papuntang langit pero syempre Joke lang. Nakatayo ngayon sa harap ko si Generie Girlfriend ni Mayle.
"Good Morning" nakangiti nyang sabi, grabe mukha syang anghel pero sya mukha lang eh ako pure na anghel na nakakababa lang sa lupa pero syempre Jokie lang.
"Morning den" nahiya naman ako sa ichura ko ngayon dahil magulo ang buhok ko at puno ng tuyo na laway ang gilid ng bibig ko, Geez.
"Baba kana kasi kakain na" nakangiti nanamang sabi ni MUKHANG anghel kay TUNAY na anghel at ako yun hahahah.
"Sige susunod na ako" nakangiting sabi ko.
Tinanguan naman nya ako at nilisan na ang kwarto ko.
Sinara ko na ang pinto at nag ayos.Pumunta ako sa CR at naligo ,pagtapos kong maligo dumiretso ako sa salamin at nagsuklay, Binolower ko ang buhok ko at nagpulbo.
Yan tapos.
Bumaba na ako at naabutan ko silang masayang nag kukwentuhan.
Dahil good mood ako ngayon at dahil gagawin ko na ang pinaplano kong muli kaming magbati ni Jack.Binati ko sila nang bonggang bongga.
"Good Morning Everybody!!!" nakangiting bati ko sa kanila, binati naman nila ako pero si Jack hindi.
Malungkot sa pakiramdam pero pinilit ko pa ring tumawa."Oh Jack bat hindi mo ako binati, nakakahurt kanaman bestfriend huhuhu" iyak iykang sabi ko, tingan natin Jack.
"Tsss, Morning" nakabusangot na sabi nya.
"Tipid naman" sabi ko at naupo na.
Bali ganito yung ayos namin.
TITA MAZELLE MAMA
JACK AKO
GENERIE KUYA
syempre kaharap ko si Jack.
Habang kumakain biglang nagsalita si Mama.
"Jaera Anak, Ok lang bang samahan mo sina Jack at Generie pag pa enroll sa Emerald Academy I mean school mo?"
tanong ni mama sakin.Yes dun sila mag aaral!!! Pumapabor sakin yung plano ko ah.
"Ok na ok Ma, makakaasa ka" confident na sabi ko.
"Ok Good" nakangiting sabi ni Mama.
"Habang nag papaenroll kayo Anak, magshoshopping muna kami nitong si Mazelle dahi antagal ko na ring hindi nakabonding tong bestfriend ko""Sige po Ma"
At kumain kami nang masaya at nagkukwentuhan.
After 1 hour.
Nakaayos na ako , naka floral dress ako na may kulay Pink na doll shoes at pouch pinartneran ko nang fish tail na buhok at kulay pink na lip gloss.
Perfect slash Anghel slash Dyosa.
Hinihintay ko nalang yung magnobyo at aalis na kami.After a couple of minutes sa wakas andyan na rin sila.
Kung tutuusin makikita mo talaga sakanila na mahal na mahal nila ang isat isa sa paraan palang nang paglakad nilang dalawa HHWW sa pag kukulitan nila ahhh So sweet.
Pero masaya ako sakanila kay Jack masaya ako dahil nakapag move on na sya agad, Ang tanging gusto ko lang talaga ay mabalik yung Friendship namin na naudlot.Nandito kasi ako nakaupo sa Garden inaantay sila kaya ng makarating sila sakin inaya kona sila sa Kotse , ako na ang nag presinta para mag drive.
Habang nag dadrive ako diko maiwasang mainggit sa kanilang dalawa kung pano sila magkulitan. Hayyy sana makahanap din ako ng lalaki na magiging ganyan sakin NBSB kasi ako eh No Boyfriend Since Birth, Pero kahit ganon naniniwala parin ako kay Destiny at Tadhana.
Sana mahanap ko na ang lalaking magpapasaya at magpapatibok nang puso ko , Ipagpalagay nanating sa tamang panahon nalang.Simple lang naman ang pinapangarap kong lalaki eh yung kaya akong mahalin ng buong puso at hindi ako iiwan kahit ano paman ang mangyari, Pero kailan pa? Alam ko naman ang kasagutan dyan sa tanong na yan eh sabi ko nga sa tama at itinakdang panahong.
A/N: Sana magustuhan nyo, Dont foget to Vomments
Luv Sheena.
YOU ARE READING
I Think Im In Love With A Bad Boy
Teen FictionMeet Jaera .... A girl that every man's dream. Bukod kasi na nasakanya na lahat ,she's so humble and adorable too. Wala syang pinipili maski sobrang baba ng katayuan mo. Pero!!! Sa kabila ng perfect girl na si Jaera... May ugali syang tinatago na ma...