CHAPTER 18

234 27 3
                                    

DEDICATED TO: Aikaterina_05

JAERA/ISHA POV

Nandito na kami ngayon sa tapat ng gate ng school... Tahimik dahil Saturday ngayon walang mga estudyante.

Pinark ko lang yung kotse sa harap ng gate dahil saglit lang naman kami.

"Wala ka bang balak bumaba?" naiiritang sabi ni Jack

Hayyy grabe sya , teka may pag asa pa ba?

Bumaba na ako ng kotse. Bumaba na rin si Jack at pinagbuksan si Generie.

'Ah sweet naman'
kakainggit

Nang nakababa na si Generie saktong nahulog yung cellphone nya.

"Generie ako na" sabi ni Jack.
"No I can manage" sabi naman ni Gen.

At yon kinuha na nya yung cellphone nya.

Habang nakatanaw sa mga dumadaan na sasakyan aksidente kong nakita si Mayle.
Nakasilip sya sa bintana.
Nang makalagpas na sya , inaya na ko nila Jack pumunta sa loob.

Naglakad na kami papuntang gate sakto namang nakita ako ni Manong guard.

"Oh Jaera napadaan ka dito?, siguro namimiss mo na ako noh?" prangkang tanong ni manong.

Sya nga pala close kami nyan ni Manong guard siguro nasa age 45+ sya. Mabait yan si manong guard actually naging guard din yan dun sa elementary na katabi lang nitong campus, elementary din ako nun nung duon sya nagbabantay, kaya kami nagkakilala kasi sa uwian dati namin huli na akong sinusundo ng driver tapos saktong wala akong makausap pumupunta ako dito kay manong guard nakikipagkwentuhan.

"Oo nalang Manong, sya nga pala may ipakikilala ho ako sa inyo" sabi ko sabay lingon sa likod.

Tinuro ko si Jack na parang bored na bored kung tumayo.

"Ah manong, childhood BESTFRIEND ko po" sabi ko na may pagkakadiin sa Bestfriend.

Sa loob loob ko natatawa ako sa itsura ni Jack ang Epic.
Pero bakit ayaw nya ba talagang maging bestfriend ulit ako?.

Hayyyy sana hindi.

At tinuro ko naman si Generie.

"Ah manong , si Generie po girlfriend nya" nakangiti kong sabi.

"Ah ganon ba, kaygwapo at kaygandang bata naman nyang mga yan, sige pumasok na kayo" sabi ni manong.

at yon pumasok na kami.
Nauna akong maglakad, habang sa likod ko naman nariri.ig ko kung gaano sila kasweet sa isat isa.

Pagkadating namin sa room pina enrool ko na agad sila.
At eto yung section nila.

Kaklase ko si Generie na section green at si Jack naman section red kung hindi ako nagkakamali kaklase nya yung Mayle Kingdom.

Nang makalabas na sumakay agad kami sa kotse.

Habang nag babyahe.

"Ammm Jaera pwede ba tayong magpunta sa mall please, namiss ko kasing gumala eh" paawa nyang sabi.

Mall? Hindi na rin yata ako nakakapunta sa mall dahil sobrang busy ko sa school eh. atsaka may bibilhin din pala ako, so Go pupunta kaming mall.

"Sige ba, marami din akong bibilhin eh" sabi ko nakita ko naman yung ngiti nya na parang anghel at ginantihan ko sya ng ngiting anghel.

Habang nagdadrive biglang pumasok sa isip ko si Mayle!

Yahhh! bat sya biglang pumasok ,tresspassing to ah.

Nakita ko naman sya kanina pauwi na siguro maayos na ang lagay nya. Pero alam nyo nun ko lang na realize na nakakaawa pala sya kasi, sabihin na nating may pamilya sya pero sa tingin nya parang wala lang kasi palaging wala palaging may meeting, pero sa tingin ko nga nun lang ulit aila nagkita kitang pamilya eh sa point pa na ganun si Mayle, hindi ko talaga sya masisisi dahil ganon yung ugali nya siguro kulang sa gabay at payo ng magulang yon kaya ganon.

Buti pa si mama kahit sabay sabay ang trabaho hindi nauubusan ng time saming dalawa ni kuya, hanga nga ako kay mama eh mag isa nya kaming itinaguyod ni kuya ng walang katulong, Bwisit lang kasi yung tatay ko na yun eh iniwan kami nila mama at sumama sa babae nya, Nakakalungkot nga dahil nawalan kami ng tatay eh yung mga dapat ginagawa ng isang tatay si mama lahat ang gumawa nun yung time na dapat si papa ang gumagawa si mama na mismo ang nagtuloy. Mabuti ngang wala na si papa eh masaya ako dun ,confidence kong sinasabi sa kanilang lahat na wala na si papa patay na. Hinding hindi ako makokonsensya na sinasabi ko yun dahil ganon ako kagalit sa kanya alam ng pamilya ko at alam ng dyos kung gaano ako nasaktan nung iniwan nya kami. Ipinapanalangin ko nga dati na sana mamatay na sya at yun nga ang nang yari namantay na sya at dahil dun nagdiwang ang puso ko, pero hindi rin mawawala sakin ang kalinga ng isang ama na hahanap hanapin ko araw araw.

"Jaera umiiyak kaba?" nagulat ako kung sino ang nagtanong si Jack yung mukha nya concern, habang hawak qng balikat ko. andito parin kami sa kotse nagdadrive parin ako.

Nakita pala ako ni Jack sa rear mirror ng kotse.
Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.
Shemay hindi ko napansin ,agad agad kong pinunasan ang luha ko at umaktong parang wala lang nangyari.


"Ah. Jack wala toh wag mo nang pansinin" nakangiti kong sabi at nakita kong tumango namna sya at bumalik sa kanina nyang ginagawa.

Sige Jack tiisin mo pa ako halata ko naman na concern kasakin eh, pero as bestfriend hihintayin kita promise ko yan.



Jack POV

Hanggang ngayon malakas parin ang epekto sakin ni Jaera kaya laking pag aalala ko nalang ng makita ko syang umiiyak kanina.
Oo inaamin ko concern ako sa kanya pero wala na yung dating nararamdaman ko dahil may bago ng babaeng nagpapatibok sa aking puso.

Hindi ko pa sya magawang patawarin dahil hindi naman sa hindi ko kaya, gusto ko lang iparamdam sa kanya yung ipinaramdam nya sakin dating hirap at sakit, ewan ko lang kung nasasaktan sya.
Sa totoo lang papatawarin ko naman talaga sya eh yung tamang panahon lang talaga ang hinihintay ko.
Masaya ako sa mga ipinakikita nya sakin ngayon na parang ipinapakita nya na nagsisisi na sya sa ginawa nya.

Ramdam ko naman palagi yung sinseridad nya eh, ako lang talaga ang may problema. Pero hindi rin matatanggal sa isang side ko na nagsasabing hindi ko sya papatawarin dahil sa ginawa nya sakin noon. Hindi nyo naman ako masisisi nasaktan ako ng sobra sa point na naging miserable ako.
Kaya sana mapili ko yung tamang choice.

'Did I Forgive her or not'

A/N: Nakaka tamad talaga mag edit pero pampalakas ko Yung mga vomments nyo guys kaya thank you
Luv,sheena

I Think Im In Love With A Bad BoyWhere stories live. Discover now