CHAPTER 24

199 19 0
                                    

Dedicated to:

JAERA POV

Kahit gaano nyo kamahal ang isat isa
At kahit sabihin na nating nakatadhana kayo.
Hinding Hindi magiging perpekto ang relasyon nyo kung wala kayong pagtitiwala.

Kada relasyon ay may kaakibat na responsibilidad na dapat gampanan at kasama na dito ang pagtitiwala.

Yan ang mga natutunan ko ngayong araw ,na kahit gano katibay o katatag ang isang relasyon kung wala naman kayong tiwala sa isat isa ,ay wala rin.

Nandito ako ngayon sa kusina , kanina kasi nasa kwarto ako , eh naisipan Kong bumaba para naman makainom ng sariwang gatas.
Grabe napressure ako kanina sa nga nangyari.
Wala namang dapat sisihin sakanila kasi kapakanan ng bawat isa ang inisip nila, nakakalungkot lang na ganun young nangyari ,hayyst.

Pero as in diko iniexpect na si Mayle!
Oo si myle ang ex ni Gen!
Diko sukat akalain na ang bad boy sa school ay may ganun pa lang pangyayari sa pag ibig.

Bakit kaya nya ginawa yun Kay Gen?
Mahal nya pa kaya si Gen?
Di pa kaya sya nakakamove on?
Atsaka, anung nangyari sakanila?
Bakit sila nag hiwalay?

Grr...bat ba ang dami Kong tanong?
Anu bang pakealam ko sa loser na asungot na yun.
Pero curiosity kills me!

Kumusta kaya si Jack? Kanina Di sya nag dinner tsaka si Gen , sabi nila wala daw silang gana eh.

Kaya naisipan Kong magluto nang frozen foods at dalhan sa kwarto nila.

Nilagok ko lahat ng natirang gatas sa baso atsaka nagsimulang magluto.

Mabilis lang akong natapos sa pagluluto dahil pinirito ko lang naman.

Dali dali ko silang nilagay sa dalawang pinggan at pinatong sa tray.

Kinuha ko na ito at nagsimulang maglakad patungo sa kwarto ni Gen ,dahil baba lamang eto.

Nang nasa tapat na ako ng kwarto nya kumatok ako.
Walang nagbukas ,kaya kumatok ulit ako.

Wala pa ring nagbubukas kaya tinawag ko na lamg ito.

"Gen? Buksan mo toh ,dinalhan kita ng makakain kasi di ka nag dinner kanina, diba?" Sabi ko, ngunit walang sumagot.

"Gen?" Tawag ko ulit, ngunit wala talaga.
Pinihit ko ang knob 'Aba bukas' bulaslas ko.
Binuksan ko na ang pinto at namataang wala sya sa kwarto nya.

" Asan kaya yun?" Nagtataka Kong saad.
Naisip ko na Baka nag cr lang, kaya dahan dahan Kong nilapag yung mga pagkain at umalis.
Ngayon naman pupunta ako sa kwarto ni jack ,upang dalhin tong isa.

Umakyat na ako.

Nang nasa harap na ako ng pinto ay nagulat ako ng may narinig na babaeng umiiyak ,at lalaking galit Kung magsalita...
Diko gaanong marinig yung sinasabi ng lalaki kaya itinapat ko ang aking tainga sa pinto at matamang nakinig.

"Wala na tayong dapat pag usapan pa, kaya pwede bang umalis ka nag?, ayaw na kitang makita" sabi ni Jack

"Alam Kong ngayon galit ka lang kaya ka ganyan ,pero please kausapin mo naman ako? Diko kaya Jack" may kasamang hikbi na wika ni Gen

" Nakayanan mo ngang Hindi magtiwala sakin diba?" Galit na sabi ni Jack.

Geez eto nanaman sila.

"Sorry Jack, dimo na Ba talaga ako mapapatawa?" Matapang na sabi ni Gen pero mababakas mo pa rin dito ang sakit.

"Hindi na, kaya umalis ka na" malamig na sabi ni Jack.

Nagulat ako sa sinabi nya!
Bat ganun si Jack?
Alam kong nabigla lang sya sa mga pangyayari!, kaya nya nasasabi lahat ng Yan.
Dapat di sya nagpapadalos dalos sa mga desisiyon nya!

I Think Im In Love With A Bad BoyWhere stories live. Discover now