DEDICATED TO: mspottybiscuits
JAERA/ISHA POV
"Generie , ano bat dika makasagot?" medyo naiirita na ako sa kanya.
Umayos sya ng pag kakaupo sa kama ko at tumingin ng diretso sakin.
"Jaera, wag kang mag alala... naka move on na ako" halatang pilit lang yung pinapakita nyang ngiti.... At inalis ang tingin sakin.
Para sakin nagsisinungaling sya ,halata naman sa facial expression nya eh.
"Pwede ba Generie , umamin ka nga...naka move on kanaba talaga sa ex mo?!" medyo natataasan ko na sya ng boses
Hanggang ngayon hindi pa rin sya nakatatingin sakin at hindi nagsasalita kaya pinilit ko syang iharap sakin.
"Generie, ano ba... makikipagplastikan ka na lang ba sakin alam kong kakikilala palang natin nung isang araw pero tinuring na kita as sister kahit sa maikling araw lang... dahil para na rin sa bestfriend ko na alam kong masaya na ngayon sayo... kaya nga ganon nalang ako kabait sa yo diba...pero kung ibang ta----"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko nagsalita na sya
"Hindi ko pa alam kung naka move on na ba talaga ako sa kanya pero alam ko ring mahal na mahal ko ang bestfriend mo...." naiiyak na talaga sya.
Pero hindi ako maaawa sa kanya...Two timer sya...
Paano nalang kapag nalaman to ni Jack... masasaktan nanaman sya, ayaw ko na hindi na .. hindi ko na hahayaan pang masaktan sya.. ayaw ko ng ulit makita syang miserable."Kung ganyan ka mas mabuti pang maki pag break ka nalang sa kanya" maawtoridad kong sabi
Iyak na talaga sya ng iyak pero hindi nyo rin naman ako masisisi eh ginagawa ko toh para sa bestfriend ko.
Bigla syang tumayo at umalis sa kwarto ko.
Aba dapat lang baka mapatay ko pa sya.
Nang nakaalis na sya humiga na ako sa kama.
Grabe lang sya binoyfriend nys bestfriend ko hindi papala sya nakaka move on sa ex nya.
Tsk tsk tsk... Naku po dapat hindj to malaman ni Jack... na trauma na ako sa nangyari sa kanya.
Gagawa nalang ako ng paraan para hindi nya malaman....Nang may kumatok sa pinto ko.
Tumayo ako at binuksan na ang pinto.
Nagulat ako ng makita ko si Jack."Oh Jack bakit?"
"Pupunta sana ako dito kasi sabi sakin ni Mama na andito daw si Gen kayalang nakasalubong ko sya kanina parang umiiyak, may nangyari ba sa inyo?" tanong ni Jack
Ano ba sasabihin ko ba sa kanya? Kung sasabihin ko masasaktan sya pero kapag hindi ko sinabi sya yung mag mumukhang tanga, hala.
Siguro hindi nalang.
""Ewan ko kung bakit sya umiiyak baka napuwing lang... eto naman si Jack iyak agad?" fake na ngiting pagpapakita ko
"Nag aalala kasi ako sa kanya." nakangiting sabi ni Jack.
Mabigat sa loob ko na magsinungaling sakanya pero kailangan eh.. para din naman sakanya tong ginagawa ko.
"Sweet naman"
"Syempre mahal ko eh... mahal na mahal" nakangiti nyang saad.
Sa likod palang ng mga ngiti nya alam mong masaya sya sa kung ano man ang nasa kanya ngayon eh.
"Oh ito Jack walang samaan ng loob ah... Kung sakali mang umamin sayo si Gen na hindi pa sya nakakamove on sa dati nyang boyfriend at sabihin na nating rebound ka lang nya anong mararamdaman mo o anong gagawin mo?"tanong ko sa kanya.
Umayos ng tayo si Jack at sumagot.
"Syempre masasaktan baka nga siguro higit pa sa nangyari dati yung mangyari sakin eh baka siguro mag suicide na ako"
sa ganoong sabi nya may mabigat na lungkot sa bumagsak sa kalooban ko... Pekeng ngiti ang inakto ko."..... pero syempre alam ko namang hindi mangyayari yang bagay na yan at hinding hindi nya sakin gagawin yan" confidence nyang sabi..
Para hindi mailabas ang kalungkutan ko pinagpasyahan ko nang sabihin kay Jack na inaantok na ako kahit hindi para makapag isip isip.
Sinarado ko na ang pinto at sumubsob sa kama ko.
Tumihaya ako at nilagay ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid ng bewang ko.
'Naku Gen sana lang hindi to malaman ni Jack dahil kung malaman nya to mapapatay talaga kita...Kitang kita naman kay Jack na super love nya si Gen ,matutuwa na sana ako kayalang ganon naman tong si Gen.. Aish sana pala hinayaan ko nalang dati na magkagusto ako kay Jack para hindi sya naging ganon...Paano kaya to another plan nanaman? Aish Bahala na si Batman.'
Ilang minuto lang nakatulog na pala ako.
Generie POV
Sa sobrang tense sa mga pinagsasabi ni Jaera umiyak na ako at nilisan na ang kawarto nya... Nakasalubong ko pa nun si Jack at hinawakan ang braso ko.. dapat hindi nya ako makitang umiiyak kaya inagaw ko ang braso ko at umalis.At napagtanto ko nalang na pupunta pala si Jack sa kwarto ni Jaera. For sure tatanungin nun si Jaera kaya palihim akong sumunod sa kanya nagtago ako sa gilid ng isang pader, pumuwesto ako sa maririnig ko ang pinag uusapan nila at narinig ko nga.
Tama nga ako tinanong ni Jack at yun nag usap sila pinakinggan ko naman.
Nagulat ako sa tinanong ni Jaera... nabigla rin ako sa mga pinag usapan nila.
Pero buti nalang hindi sinabi ni Jaera kahit papaano may care parin sya sakin.
Pagtapos ng pag uusap nila umalis na rin ako pumunta na ako sa guest room slash kwarto ko at humiga.At eto nga ako ngayon.
'Hindi ko namang sinasadyang di papala ako nakakamove on sakanya eh naalala ko lang sya nung nakita ko yung school eh.. at napagtanto ko na miss ko paparin sya.
To be honest gusto ko syang makita kayalang may pumipigil sakin eh yung isip ko at inaamin ko rin na mahal ko na talaga si Jack kayalang talaga may space talaga dito sa puso ko na nakalaan lang talaga sakanya.
Sana pag nakita ko sya maayos sya sana hindi sya galit sakin.Pero hayaan mo Jack pipilitin kong kalimutan sya para sayo dahil ikaw na ngayon ang may mas malaking space sa puso ko hanggat maari kakalimutan ko sya para sayo Jack dahil mahal kita.
Sana lang maging succesful ako.
At sana hindi naman ganon kagalit sakin si Jaera.Ipinapangako kong hindi ko lalapitan at hindi ko kakausapin si
Mayle.
A/N: sana magustuhan nyo dont forget to vomments
YOU ARE READING
I Think Im In Love With A Bad Boy
Novela JuvenilMeet Jaera .... A girl that every man's dream. Bukod kasi na nasakanya na lahat ,she's so humble and adorable too. Wala syang pinipili maski sobrang baba ng katayuan mo. Pero!!! Sa kabila ng perfect girl na si Jaera... May ugali syang tinatago na ma...