Jaera Maish Santiago (Isha) POV
Wah! Magkano kaya ibibigay na baon sakin ni mama sa trip namin? 2 or 3 thousand? Hehehe sana 3...
Tsaka may naisip na agad akong magandang idea sa booth namin, kung kaya magbenta kami ng mga street foods like kwek kwek, isaw, balot palamig oh kung ano ano pa, tapos ang bibili may libreng kiss sakin, hehehehe jokie jokie lang.
Oo tama mas magandang ganun na lang yung booth namin para naman mamulat yung mga students sa pagkaing pinoy, especially sa balot. Hehehe favorite ko yun eh, ahihihi.
Naalala ko pa dati nung una kong kita sa balot? Kahit diko pa nakakain nagkanda suka suka nako, kasi diba pag tinignan kadiri may balahibo tapos sisiw imaginin mo kakainin mo yun? Hahahaha pero nung dati siguro elem. Kami ni Jack, nakita ko siya kumakain, tapos pinilit nya kong pakainin nun iling ako ng iling kasi nga ayaw ko!
Pero nung sinabi nyang mag bebestfriend is over na kami agad agad kong sinubo. Teka seriously? Dahil lang diko kinain yung balot? FO na kami? Gad! At yun nung nakain ko na nanlaki mata ko tsaka nabigla, kasi Wah! Heaven! Ang sarap super! Kaya yun nahiligan ko na kumain ng balot, actually favorite ko pa nga yun eh super sarap kasi hahahaha.Promise ko yan! Yang plano ko sa booth na yan! Matutupad!.
Ano kaya papasuot saking gown ni mama sa prom? Awieee sana gusto ko yung simple but elegant, yung kahit simple yung gown naaangat ang beauty mo. Wala na kong poproblemahin sa gown ko since my mother is a fashion designer naman, pero alam nyo tamad yun magdesign si mama pagdating sakin, hayst ewan ko nga eh ano bang problema nun pero pagdating sa ibang tao busybusyhan ang peg, Ganun si mama eh nahuhurt na nga ko eh huhuhu.
Hmmm... Sino kaya mag aaya sakin para maging partner sa prom? Ahihihi
Sana si Jack na lang bestfriend naman kami eh.Nangingiti ako habang iniisip ang mga isiping yun hanggang sa
"Miss Santiago! Prepared 10 whole sheets of yellow paper, punuin mo yun ng dahilan kung bakit di ka nakikinig sa klase ko! I was expecting you na maiibigay mo yun sakin mamayang dismissal nyo! Are we clear?! "Nanlilisik at puputok na ugat ni Maam Medusa habang sinasabi nya sakin lahat ng yon.
Nagulat naman ako, seriously? 10 WHOLE SHEETS OF YELLOW PAPER?! ANUNG ISUSULAT KO DUN NA DAHIL HINDI AKO NAKIKINIG DAHIL EXCITED AKO PARA SA NEXT WEEK hayst life! Bat ganito tong teacher ko!
"Answer me Miss Santiago! Are we clear?! "Sabi ni Maam na gusto na yatang maging fireworks ang ulo.
Hayst No choice kesa naman bumagsak ako
"Yes Maam" psh pasalamat ka Medusa napilitan lang ako!"Okey! Dismiss!"sabi ni Medusa at kinuha ang gamit nya at dumiretso papuntang pinto.
Sana madapa ka
Sana madapa ka
Sana madapa ka
Sana madapa ka
Sana madapa kaAt boom! My wish is my command, hindi naman literaly nadapa sya natalisod lang ahihihihi buti nga sayo!
Naghagikhikan yung mga kaklase ko sinamaan naman sila ng tingin ni Medusa kaya natahimik rin.
Naku! Buset na araw! Ayun na yun excited na ako eh bat biglang ganito hayst.
Sumabay sa paglalakad ko si Venna
"Uy tutulungan na lang kita sa pinapagawa ni maam"naka ngiti nyang sabi.
Bat ambait ng bestfriend ko? Hihihihi aylabyu na talaga Venna
Sino ba naman ako para tumanggi diba?"Awieeee talaga? " syempre isusure ko muna mamaya pinapaasa lang pala ako nito, mahirap na umasa sa panahon ngayon andami na kasing mga paasa. Hehehehe.
"Oo naman!"
Pagkasabi nya nun bigla ko syang niyakap
"Thank you!"Naglalakad kami ngayon papuntang canteen. Andito kami sa gilid ng gym dumaan, wala lang trip lang naman.
Nakita kong may nagpapractice ng basketball sa gym hindi ko na lang pinansin yun kasi wala naman talaga akong pakealam diyan sa mga beasketball player na yan.
Tanging yung mga aliparot lang na babae yung may mga interes dyan
YOU ARE READING
I Think Im In Love With A Bad Boy
Teen FictionMeet Jaera .... A girl that every man's dream. Bukod kasi na nasakanya na lahat ,she's so humble and adorable too. Wala syang pinipili maski sobrang baba ng katayuan mo. Pero!!! Sa kabila ng perfect girl na si Jaera... May ugali syang tinatago na ma...