Dedicated to: @stephaley
Mayle POV
Andito na ako ngayon sa mansyon, nakatambay sa kwarto ko,payo din kasi ng doktor na magpahinga daw muna ako.
Eh sa ayaw ko ngang magpahinga eh sa gusto kong mag bar kayalang yung mga tukmol kong kaibigan pinilit akong magpahinga kaya eto nakahandusay ako dito sa kama ko.Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nakita ko kanina.
Si Gen ba talaga yung nakita ko o imaginanation ko lang yun sanhi na rin ng pag ka miss ko sa kanya.Pero hindi ako maaaring magkamali sya yun eh.
*FLASHBACK*
Andito ako ngayon sa kotse ni Jickwell sya yung nag dadrive katabi nya sa unahan si Fross at katabi ko naman dito sa likuran si Nigel.
Dahil sa wala akong magawa dumungaw na lang ako sa labas nang sa hindi inaasahang pangyayari, nakita ko sya ang babaeng nagpatibok ng aking puso 2 years ago na kahit wala sa tabi ko patuloy at patuloy pa ring nagpapatibok ng mala bato kong puso.
Nabuhayan ako ng loob tila sobra akong sumaya ng makita ko sya agad rin namang napawi yun ng makita kong may lalaki sa tabi nya at laking gulat ko rin ng makita ko si stupid.
Ha??? bat ganito?
Hindi pa masyadong nakakalayo ang kotse namin , nakita ako ni stupid at nang tumingin ako sa direksyon ng babaeng mahal ko, wala na sya.
Ha? Paano nangyari yun?
Bumalik sa dati ang diwa ko ,naging malungkot ang sistema ko bumalik sa pagiging mahina ang katawan ko at kalaunay bumalik sakin lahat ng alaalang hindi ko kailanman gugustuhing maalala at manatili sa isip ko.
*END OF FLASHBACK*
Siguro sa sobrang kakaisip ko sa kanya akala ko andun sya. Siguro nga hindi na nya ako babalikan , siguro masaya na sya kung nasaan man sya ngayon.
Ipapangako ko sa sarili ko na hindi ko sya kakalimutan mawala man ako sa mundong ito ang alaala nya sakin ay hindi ko makakalimutan.
Dumating man yung araw na bumalik sya sakin tatanggapin ko parin sya ng buong buo sa ngalan ng pagmamahal ko sa kanya.Martir na kung Martir basta sya pa rin ang mamahalin ko walang makakapantay at makakapalit sa pwesto nya sa puso ko, Itaga nyo pa yan sa buwan.
Napansin ko nalang na sunod sunod na pala ang pagtulo ng luha ko.
Shet nakakabakla, napapansin ko nitong mga nakaraang araw nagiging iyakin na ako.
Sakanya lang naman kasi ako ganito eh.Basta hihintayin kita Generie mahal ko.
Jaera POV
Andito kami ngayon sa mall.
Hayy nakakapagod pala kasama tong si Generie.
Pero masaya naman hahaha.Sya nga pala yung turing sakin ni Jack hindi na ganon sa mga nakaraang araw mabait na sya sakin parang dati lang.
Nagawa nanamin ni Jack yung larong na miss ko nang sobra at kasama pa si Generie yung Pag aarcade games at napagtanto ko na magaling pala talaga si Generie sa pag aarcade.
Naikwento rin nila na ito daw yung hobby nila kapag wala silang magawa sa Korea at dito daw sila unang nagkakilala.Nakatambay kami dito sa ’Aikaterina’s pastry shop’.
"Grabe ang sarap pala talaga dito ng mga cakes noh, nabusog ako promise" komento ni Generie
"Syempre kaibigan ni author yung owner nito eh" sabi ko naman.
"Anong konek?" nang aasar na sabi ni Jack.
"Sige Jack ganyan ka na ah" nagtatampo kunwaring sagot ko.
"Eto naman Joke lang" at nag piece sign sya sakin, sabay subo ng cake nya.
Kitams bait na nya sakin noh, namiss ko talag tong turingan namin, walang mapaglagyan ang saya ko ngayon promise ,thanks lord bati na kami.
Pagkatapos pumunta kami sa ’stephaley’s bookstore’
"Eto oh magandang story Jaera ’Sacrifice’ by stephaley, teka diba stephaley yung pangalan ng shop nato? bali yung owner nito sya yung sumulat ng librong toh." masayang komento ni Generie.
"Oo nga noh, tara bili na tayo" sabi ko sabay hila sya sa counter.
"Hep hep wag nyong bibilhin yan mawawalan kananaman Gen ng time sakin at puro basa nanamn gagawin mo" naka pout na sabi ni Jack na ikinatuwa ko.
"No libangan ko lang toh" sagot ni Gen
"Hindi paba sapat ng libangan ako para sayo?" naka pout na sabi ulit ni Jack.
"Syempre sapat na pero, please hindi ako mawawalan ng time sayo promise"
"Talaga?" ngumiti ng malawak si Jack
"Oo promise" sabi ni Gen sabay taas ng right hand."Alam nyo ang cute nyo tingnan"kinikilig na sabi ko.
Nangiti naman sila dahil sa sinabi ko.
Sa bandang huli pinayagan sya ni Jack na bumili ng libro at ako rin hehehe.
Last detination pumunta kami sa ’Sheena’s Botique Fashion is my Passion’
Meron din silang binibenta rito na pang mens kaya nakakapamili rin si Jack ng kanya.
Hindi ko maitatanggi na magaganda talaga ang mga damit dito.
Medyo may kamahalan nga lang ng presyo pero keri naman.
Magagalang din yung mga saleslady.Galing siguro magpatakbo ng business ng owner nito.
Pagkatapos na min sa botique na yon napagpasyahan nanaming umuwi na.
Nagpresita si Jack na sya na raw ang magdadrive kasi daw para daw kaming pagong kapag ako na ang nagdadrive.
Syempre nag iingat naman ako.
Nakauwi na kami sa bahay naabutan namin sila mama at tita na nagkukwentuhan sasala. Hindi nanamin inistorbo dahil napapasarap yata ang pag kukwentuhan.
Dumiretso na ako sa kwarto ko, pati yung couple dumiretso na rin sa kanilang kwarto.
Uy hindi sila magkasama ng kwarto ah ,may kwarto na talaga dito si Jack samantlang si Gen naman sa Guest room.Habang inaayos ko yung mga pinamili ko may kumatok.
Binuksan ko at pagbukas ko tumambad sakin si Gen.
"Pwede bang makihiga muna babalik din ako mamaya sa kwarto ko" nakangiti nyang sabi.
Tumango nalang ako.Dumiretso sya sa kama ko.
Aba ang kapal ng mukha, de joke lang.
Tumabi din ako sa kanya.
"May iiopen sana ako sayo"
"Anu naman yon?"Hala kinakabahan ako rito ah
"Tungkol kasi toh sa ex boyfriend ko"
"Oh anong tungkol sa ex boyfriend mo"Babambuhin ko nato pabitin effect pa eh.
"Yung ex boyfriend ko kasi dun din nag aaral sa school mo"
"Ano naman past mo naman sya diba?"
"Kinakaban ako pagnagkita kami"I smell something fishy
"Wala ka namang nararamdaman sa kanya diba kaya bakit ka kakabahan at isa pa past is past noh"
Hindi sya agad nakasagot at nag iba ng direkson ng tingin.
Hala hindi pa yata to nakaka move on… No way ayoko nang masaktan ulit si Jack.
A/N: sk yan lang ud ko hope you vomments guys, happy 1.04k reads nito:)
YOU ARE READING
I Think Im In Love With A Bad Boy
JugendliteraturMeet Jaera .... A girl that every man's dream. Bukod kasi na nasakanya na lahat ,she's so humble and adorable too. Wala syang pinipili maski sobrang baba ng katayuan mo. Pero!!! Sa kabila ng perfect girl na si Jaera... May ugali syang tinatago na ma...