CHAPTER 14

283 28 18
                                    

DEDICATED TO: Readnotsocialize
Hi thanks for the friendship:-)

Jaera/Isha POV

"PREPARE YOURSELF AND IM GONNA KILL YOU JAERA MAISH SANTIAGO" yan ang nakasulat sa poster at sa hindi inaasahan nakaramdam ako ng takot.

Sino naman kayang baliw ang gumawa nito pero infairness nag effort pa sya ah.

Nag isip isip ako kung sino pwedeng gumawa sakin nito nang may biglang pumasok sa isip ko.

Tama sya nga ,sya lang naman ang may kayang gumawa sakin nito eh.

Pero bakit wala naman akong atraso sakanya eh.
kaylangan pa bang humantong sa ganito.

Grabe naman sya parang kawalan na sa mundo nya ah.

Pwes kung ganyan gusto mo papayag ako.
Ako pa hinamon mo ah,  palaban yata toh ,Ang Nadine Lustre  ng school nato. Hinding hindi ka uurongan.

Humanda ka sakin Mayle yan pala gusto mo ah... pwes pagbibigayan kita.

Hinablot ko kay Venna yung poster at nagsimula nang hanapin si AniMayle hahahahha....Bagay lang sakanya yang bansag na yan ,Mukha naman syang Animal ha...

Hinahanap ko na si Mayle nang biglang nakita ko sya sa cafetiria kumakain.

Aha nakita rin kita magbabayad ka sakin.

Nakasunod parin sakin si Venna.

Sumusugod na ako ngayon kay Mayle nang hindi nya napapansin... Isusubo na sana nya yung burger nang bigla konh sungalngalin yun sa bibig nya.

Nailuwa nya yon at parang hirap syang huminga.

Teka sinungalngal ko lang naman sa bibig nya toh ah bat biglang hindi na sya nakahinga.

"Uhm uhm uhm" ungol ni Mayle habang hawak hawak yung dibdib nya.

"Jaera anong ginawa mo ,hindi mo ba alam na may sakit sa puso si Mayle nagulat sya sa ginawa moh" nag aalalang sabi ni Fross.

At biglang dumating si Nigel, si Jickwell naman umaalalay lang kayy Mayle. Pati mga estudyante sa paligid ko umiingay na.

"Whats happen?" tanong ni Nigel

"Dre, mamaya nanatin pag usapan yan dalhin na muna natin sya sa ospital" nagmamadaling sabi ni Fross "Jickwell ihanda mo ang kotse"

Tumango si Jickwell at nagsimula nang umalis.

Inakay na nina Nigel at Fross si Mayle papuntang parking lot.

"Jaera sumama ka" seryosong sabi ni Nigel

"Sige" yan nalang ang nasabi ko at sumunod na sakanila.

Hanggang ngayon humahangos parin si Mayle.

Hala kinakabahan ako sa pwedeng mangyari kay Mayle.

Hanggang sa nakarating na kami ng Parking lot agad agd agad kaming sumakay sa kotse, at pinaharurot ito.

’Ano ba kasing pumasok sa isip ko at ginawa ko yon, Bwisit mananagot ako nito’

Habang tumatagal palakas ng palakas ang hangos ni Mayle at nakadaragdag sa kaba na nararamdaman ko.

Kasi naman kung hindi nya ginawa yon hindi toh mangyayari.

Nang walang anu anoy biglang bumulagta si Mayle pahiwatig na wala na syang malay

I Think Im In Love With A Bad BoyWhere stories live. Discover now