Jaera Maish Santiago (Isha) POV
"Baby Shark do do do do Baby shark do do do do Ba----"
"Argghhh!" inis kong sambit at pinatay ang alarm clock ko.
Bat ba ganun yung tunog ng alarm ko? Tsk sino ba nagpalit nun babangas--- ayt hehehe ako pala nagpalit nun kagabi hehehe.
Agad na kong bumangon at ginawa ang morning rituals ko naligo na rin ako at nagbihis pamasok pagtapos lumabas na ng pinto. Pagkalabas ko pa lang ng pinto bumungad na sakin si Jack na naka bihis ng uniform."Oh Jack bat ka nandito?"tanong ko sakanya.
"Pinapagising ka sana ng mama mo, eh mukhang di na pala kita kailangang gisingin atsaka nakaayos ka na pala"
"Ahehehe oo"
"Bat nga pala ang aga mo? Himala ah kusa ka nang nagising"
Grabe naman tong si Jack, para namang pinagmumukha nya kong tamad, ang sama ah bespren huhuhu.
"Makahimala naman toh, ewan ko dahil siguro sa bagong tunog ng alarm clock ko"
"Luh dahil lang dun? Ano ba tunog alarm mo"
"Alam mo yung 'Baby shark do do do do Baby shark do do do so Baby shark'" kanta ko with matching sayaw pa.
Eto namang si Jack tawa ng tawa."Hahahaha maganda nga, matry nga rin yang pang alarm" sabi nya pa rin habang tawa ng tawa.
Hehehehe okey baliw na si Jack.
"Tawa ka ng tawa tara na nga punta na tayo sa baba" sabi ko na lang para matigil na tong mokong na toh
At hinila ko na sya pababaPagdating sa baba bumungad samin ang masayang kwentuhan sa hapag kainan.
Hayy ang saya lang ng nandito si Jack at Tita Mazelle, laging masaya si mama."Oh nak kain na, Jack ikaw din, salamat nga pala sa pagsundo sa makupad kong anak" sabi ni mama tapos tumawa.
"Ma naman! Di nga ko makupad ngayon eh" ganting sagot ko kay mama
Sabi ko sabay upo at bumusangot.
"Oy Jaera wag kang bumusangot, nasa harap tayo ng pagkain" wika naman ng nagmamagaling kong kuya.
Sinamaan ko lang sya ng tingin at kumain na.
Habang kumakain, binuksan ulit ni mama yung topic about sa birthday ko.
"Isha mamayang dismissal mo, samahan mo ko magpareserve ng birthday theme mo okey?"
"Okey Ma"
"I want to be a perfect birthday to my unica hija" sabi ni mudrakels ko
"Ma kahit simple lang okey na" sabi ko naman.
"Kitams mare ang bait talaga ng anak mo, malayong malayo sa ugali mo nung highschool tayo"singit ni Tita Mazelle
"Oy Mazelle mabait din ako nung highschool tayo ah" turan ni mama kay tita.
"Weh? Eh halos nga gusto mo lahat bongga eh at perfect, naalala ko nga yung booth natin na food bazaar, sinabihan pa tayo ng ilang teachers na Kung flower bazaar daw ba yung booth natin sa dami mong bulaklak na nailagay eh" natatawang sabi ni Tita Mazelle habang nagbabalik tanaw sa nakalipas.
"Syempre ginawa ko yun para maka attract ng tao"mayabang na sambit ni mama.
"Nakaattract nga di naman bumili satin kasi, yung bulaklak lang kinuha" napatawa na lang si tita Mazelle, syempre kami rin hahahaha!!! LT si mama nung highschool sila Hahahahaha.
"Malay ko bang bulaklak lang pala nagustuhan nung mga kaklase natin"nakasimangot na sabi ni mama.
Napailing na lang si tita.

YOU ARE READING
I Think Im In Love With A Bad Boy
Roman pour AdolescentsMeet Jaera .... A girl that every man's dream. Bukod kasi na nasakanya na lahat ,she's so humble and adorable too. Wala syang pinipili maski sobrang baba ng katayuan mo. Pero!!! Sa kabila ng perfect girl na si Jaera... May ugali syang tinatago na ma...