Chapter 4

866 16 0
                                    

Turo turo ni Ysa ang babae sa likod ni Lexin. Kunot noong tiningnan naman ni Lexin ang nasa likod pero wala naman makita ang binata.

"Ano yon?!" tanong niya kay Ysa.

"May babae, may multo.." takot na takot na sabi ni Ysa.

Kumunot ang noo ni Lexin at umiling. "Buti pa, hatid na kita pauwi" nagaalalang wika nito.

"Maniwala ka sa akin, meron talaga, maniwala ka sa akin" takot na takot na pilit ni Ysa.

"Okey, naniniwala ako sayo, mabuti pa ihatid na kita."concern na sabi ni Lexin. 

Nginig na nginig naman sa takot si Ysa sa narinig kaya sumama na lang ito sa binata.

Dinala ni Lexin si Ysa sa kanyang kotse. Nang tumatakbo na ang sasakyan ay nakita nyang takit pa din si Ysa.

"sigurado ka bang uuwi ka ng ganyan ka?"tanong ni Lexin.

Napaisip naman si Ysa sa sinabi ni Lexin, siguradong mag-aalala ang Mama at Papa pati na rin ang mga kapatid nya.

"Ibaba mo na ako rito Lexin, ako na lang mag-isa ang uuwi." wika ni Ysa.

"Sira ka ba,? Na ganyan ang lagay mo? Hindi.. Ihahatid kita sa ayaw mo o sa gusto"seryosong sabi ni Lexin at saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

Napatingin si Ysa sa binata, hindi nya inaasahan na of all people, si Lexin pa anng aalalay sa kanya. Hindi maiwasang napagmasdan na naman nito ang mga mata nya, malungkot at parang puno na hinanakit.

Napansin ni Lexin na nakatingin sa kanya si Ysa. "Enjoying the view?" nangaasar na tanong nya.

Irap lang ang sinagot ni Ysa at saka tumingin na sa daan. "Bakit ang seryoso mo lagi ha Lexin?" tanong nito.

"Ako? Seryoso.. asus, lagi nga kitang naaasar tapos seryoso" nakangiting sabi ni Lexin.

"Pero iba ang sinasabi ng mga mata mo.." sabi ni Ysa at saka humarap sa binata. "Ni hindi man lang kita nakikitang nakikihalubilo sa kapwa mo estudyante, lagi kang mag-isa"

"So.. inoobserbahan mo pala ako.." nakangiting sabi ni Lexin.

"Hay naku! Ewan ko sayo.." asar na sabi ni Ysa.

Bigla namang sumeryoso si Lexin.

"Wala naman kasi ako dapat ikasaya." sabi nito.

"Wala? Hindi mo ba dapat ikasaya na buhay ka at humihinga?" tanong ni Ysa.

"Magiging masaya lang ako kapag hindi na ako humihinga" seryosong sabi nito.

Napakunot naman ang ulo ni Ysa sa narinig, sa isip isip nya,masyado sigurong malungkot ang buhay nitong si Lexin.

"Mayaman ka naman, gwapo, nakakakaen ng tatlong beses sa isang araw, madaming admirers at may..." 

"Hindi nasusukat ang happiness ng isang tao dahil masarap ang inuulam mo,minsan nalulungkot tayo kasi hindi tayo masaya kung ano meron tayo" sabi ni Lexin na nakatingin pa din sa dinadrive.

"Madami tayong dapat ikasaya, dapat ikakuntento, dapat pahalagahan.." sagot naman ni Ysa at saka pumikit.

Natingin naman dito si Lexin, ibang iba talaga si Ysa sa mga babaeng nakilala nya. Nangiti ang binata.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila Ysa sa kanilang bahay, naghihintay at doon ay parang mga nakakita ng artista ang mga kapatid ng nakitang kasama nya si Lexin.

"SINO YAN?"

"BOYFRIEND MO?"

"SAAN MO NAKILALA YAN?"

Campus queen ( Chapter 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon