Chapter 22

730 14 0
                                    

Isang babae ang tumatawag kay Lexin. 

"LEXIN, SUMAMA KA NA SA AKIN, IWANAN MO NA LAHAT NG PAGHIHIRAP MO, HALIKA NA"anyaya ng babae na malabo ang itsura. 

Parang nahihipnotismo namang naglakad si Lexin papunta sa babae. Tulala at parang dalang dala sa pagtawag ng kung sino man yun. 

"HALIKA NA LEXIN! HALIKA NA.. IWAN MO NA SILA.. HALIKA NA" 

Parang sunud sunuran si Lexin sa boses, ni wala na sya sa sariling pagiisip. 

"LEXIN, TAMA, SUMAMA KA NA SA AKIN, WALANG PAGMAMAHAL SAYO SI ALBERT, SI MAITA NAMAN AY WALA LAGI SA TABI MO AT ANG BABAENG MAHAL MO AY PINAGTATABUYAN KA"sabi pa ng babaE. 

*** 

Samantala,si Ysa at Maita ay umiiyak lang na nakatanaw sa pagsasagip ng doctor sa buhay ni Lexin. 

Nakatanaw si Ysa sa makina kung saan kitang kita nya na malapit ng magpflat ang linya na nangangahulugang malapit na ito mamatay. 

"Lexin, lumaban ka, huwag mo ako iwan..please.."wika ni Ysa. 

*** 

"TAMA LEXIN.. SIGE, SUMAMA KA NA SA AKIN.."aya pa ng babae na unti unti ng lumilinaw ang itsura, at kitang kita na eto ay ang babaeng nakaitim. 

*** 

TOOOOOOOTTTTTTTTTTTTTTT... 

Isang mahabang tunog na nangangahulugan na nabigo ang mga doctor sa pagsagip ng buhay ni Lexin. 

"NO LEX! NOOOOO"sigaw ng ina ni Lexin na si Maita. 

Si Ysa ay nakatanaw lang sa minamahal at maya maya ay agresibong pinuntahan ito kahit pigil na ng mga nurse. 

"BITIWAN NYO AKO!"matigas na sabi ni Ysa ng tangkang hawakan sa braso ng nurse. Kinabig lang nito ang kamay ng nasabing nurse. 

"Lexin.. Mine.. Wag mo akong iiwan.. Wag naman oh.."simula ni Ysa habang nakahawak sa braso ni Lexin at tumutulo ang luha. "Mine.. Gising ka na.. Please.. Wag naman pati ikaw.. Wag naman.."yugyog pa nito sa binata. 

"MA'AM kailangan na po naming asikasuhin ang pasyente"sabi ng isa pang nurse at saka ito hinila palayo sa binata. 

"HINDI.. HINDI.. MABUBUHAY SYA.. LEXIN! HOY LEXIN! BUMANGON KA NA DIYAN! BUMANGON KA NA! PLEASE! LEXIIIIN! MINE.."iyak ni Ysa sabay yakap sa binata. 

*** 

Ilang hakbang na lang ay malapit na si Lexin sa babaeng nakaitim, pero isang tinig ang narinig nito mula sa kung saan... 

"HOY LEXIIN, BUMANGON KA NA..PLEASE.."ani ng tinig. 

Para namang nagising si Lexin mula sa pagkakatulog ng marinig iyon. 

"YSA.."sambit nya at saka biglang huminto sa paglalakad. 

"HUWAG LANG HUMINTO! HAYAAN MO SI YSA.. SINAKTAN KA LANG NYA! SUMAMA KA NA SA AKIN!"agresibong sabi ng babae ng makitang tumigil si Lexin. 

"Hindi.. Kailangan ako ni Ysa.. Kailangan nya ako.. Kailangan ako ni Ysa..!!"wika ni Lexin saka tumakbo pabalik sa pinanggalingan. 

"HINDIIIIIIIIIIIII!" 

*** 

"LEXIIIINNNN, LEXIIINNNNN"iyak ni Ysa habang nakayap sa binata. 

Maya maya ay naramadaman syang pagkilos mula sa binata, kasabay noon ay ang muling pagtunog ng makina na nangangahulugan na buhay sya. 

"Uh.. "ani Lexin. "Ysa.." 

"LEXIN! BUHAY KA!"biglang panlalaking matang sabi ni Ysa, napalaki din ang mata ni Maita at napalapit sa anak. 

Dumilat si Lexin at tiningnan si Ysa, nakayakap pa rin ang dalaga sa binata. 

"Ysa.. "tawag ulit nito sa dalaga. 

"BAKIT?" 

"Ano ka ba naman, nakaratay na nga ako lahat lahat, nakuha mo pa akong tsansingan.."mahina pero natatawang sabi ni Lexin. 

Napangiti at napaiyak naman si Ysa saka tinapik ang binata at umalis sa pagkakayakap dito. "Sira ka talaga, at nakuha mo pa talaga magbiro ng ganyan"wika nito. 

Ngumiti lang si Lexin at saka tumingin sa ina na parang nabunutan ng tinik ng makitang buhay pa ang anak nya, nginitian din ito ni Lexin at saka nanghihinang inaya itong lumapit pa. Lumapit naman si Maita ay hinawakan ang kamay ng anak. 

"Ysa.. Ang Mama ko, ang nagiisang babaeng mahal ko ng hindi ka pa dumadating sa buhay ko.. "pakilala ni Lexin sa ina. "Ma, si Ysa po.. Ang buhay ko.."pakilala naman ni Lexin kay Ysa. 

At isang nakabibinging katahimikan ang pinagsaluhan ng tatlo, lingid sa kaalaman nila ay nasa labas at nakatanaw mula sa salamin ang babaeng nakaitim at nanlilisik ang mata. 

+ S 

Lumipas ang araw at unti unti na ring bumalik ang lakas ni Lexin, pinayagan na rin ito ng doctor na makalabas. 

Si Ysa naman ay sinama ang ina at dalawang kapatid na dumalaw kay Lexin bago pa lumabas ng hospital dahil napamahal na rin ito sa kanila, tuwang tuwa naman si Lexin ng makita ang kapamilya ng girlfriend nya. 

"Tita Lina, pasensya na po kayo kung hindi man lang ako nakapunta sa burol ni Tito Javier, sinisisi ko po kasi ang sarili ko sa nangyari"hingi ng paumanhin ni Lexin sa ina ni Ysa habang naguusap sila. 

"Hijo, ano ka ba? Walang dapat sisihin sa nangyari.." 

"Meron.. Merong dapat sisihin, yung babaeng nakaitim na yon!"putol ni Ysa sa sinasabi ng ina. 

"Ysa.. Wala tayong laban sa kung sino mang babaeng nakaitim na yun kaya ipagpasadiyos na lang natin ang lahat.."malumanay na sabi ni Lina. 

"Hindi pwede, lahat na lang ng taong importante sa akin kinukuha nya.. Si Papa, si Marj, si Aileen, si Tri..."biglang tinigil ni Ysa sa huling sasabihin. 

"Sino Ysa?"takang tanong ni Lexin. 

"Wala wala.. Tapos ikaw muntik na rin nyang kunin, bakit lahat nalang ng malalapit sa akin kinukuha nya.."galit na sabi ni Ysa. 

"Ysa.. Tama na yan, buti pa pagpahingahin mo na si Lexin at umuwi na tayo.. "aya ni Lina sa mga anak at saka tumayo, akma namang aalis na rin si Ysa ng pigilan ito ni Lexin. 

"Tita Lina, pwede ko po muna ba makausap si Ysa.. May sasabihin lang ako.."pakiusap ni Lexin. 

"O sige hijo, hihintayin ka na lang namin sa labas Ysa.."bilin ni Lina sa anak at saka lumabas na ng pinto. 

Naiwang magisa si Ysa at Lexin sa loob, lumapit si Ysa kay Lexin. 

"Pwedeng pakikuha yung paper bag na maliit dun sa cabinet.."utos ni Lexin kay Ysa. 

"Asus, ikaw talaga Mr. Apostol, may papakuha lang kailangan pang maiwanan"reklamo kunwari ni Ysa at saka kinuha sa loob ng cabinet ng hospital ang pinapakuha ng binata. Doon nakita nya ang isang paperbag na kulat gold, kibit balikat na inabot nya yun kay Lexin. 

"O pwede na ba akong umalis?"nakapamewang na sabi ni Ysa sa binata. 

"Asus ang sungit mo naman, lika nga dito lapit ka sa akin"aya ni Lexin kay Ysa, nakataas ang kilay na lumapit si Ysa kay Lexin. 

Hinawakan ni Lexin ang kamay ni Ysa at saka ito nilagay sa dibdib nya. 

Napangiti sI Ysa at saka kinuha ang kamay pero pinigil ni Lexin. 

"Ysa.. Alam ko sobrang laki ng kasalanan ko sayo, ilang beses kitang sinaktan, ilang beses pinaiyak at hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil doon,"umpisa ni Lexin. 

"Asus.. Ano ka ba, tapos na yon, ang importante ngayon magkasama tayo, buhay ka.." 

Napahinto si Ysa ng ilapit ni Lexin ang mga kamay nya sa labi nito at halikan at maya maya ay may kinuha sa paperbag na isang maliit na kahon na kulay itim, at saka binuksan iyon, at doon tumambad kay Ysa ang isang napakagandang singsing na napapalibutan ng diyamante. Napanganga si Ysa at hindi malaman ang sasabihin. 

"MARIA YSABELLA FAJARDO, MAARI BANG IBIGAY KO SAYO ANG APELIYIDO KO?"nakatitig na sabi ni Lexin kay Ysa. 

"LEXIN.." 

"pwede bang ikaw na ang maging buhay ko?"tanong pa ni Lexin. 

Hindi malaman ni Ysa ang sasabihin, napayuko sya at nabitaw sa pagkakahawak ni Lexin at saka tumayo. 

"So?! Akala mo ba gusto kitang mapakasalan Lexin Apostol!!"nakapamewang na ismid ni Ysa. 

"Ysa! Hanggang ngayon ba galit ka pa din sa akin?? Akala ko ba.."napatigil ng sasabihin si Lexin ng ilagay ni Ysa ang hintuturo nito sa bibig ni Lexin. 

"KUNG INAAKALA MONG PAPAYAG AKONG PAKASAL SAYO.. PWESSS! TAMA ANG AKALA MO!"ngiting sabi ni Ysa. 

Namaang si Lexin at biglang sumigaw ng pagkalakas lakas na kinagulat ni Ysa. 

"YESSS! YESS! HUH! I LOVE YOU YSA! MAHAL NA MAHAL KITA!!"hiyaw nito, agad namang tinakpan ni Ysa ng kamay ang bibig ng nobyo. 

"Wag ka ngang maingay! Nakakahiya.."pigil ni Ysa. 

Tinanggal ni Lexin ang kamay ni Ysa sa bibig at saka ito tinitigan pagkatapos ay saka nito dinampi ang kanyang labi sa labi ni Ysa. 

At pagkatapos ng halik na yon ay nagyakap sila ng mahigpit. 

Ganong eksena ang naabuta ng kararating lang na si Albert. 

"tingnan mo nga naman,"sabi ni Albert sa nadatnang eksena, para namang napaso si Ysa sa pagkakayakap kay Lexin. 

"O hija, wag kang mahiya, sanay akong nakikita si Lexin na kung sino sinong babae ang kakalantari, so hindi na iba sa akin"sarkastikong wika ni Albert. 

"Pwede ba pa, kung nandito ka lang para bastusin ang fiancee ko, ngayon pa lang pwede ka na umalis!"asar na sabi ni Lexin na hindi binibitiwan ang kamay ng nobya. 

"FIANCEE?"ulit ni Alberto at saka humagalpak ng tawa. 

"You heard it right Pa, im going to marry Ysa.."seryosong sabi ni Lexin. 

"Are you crazy Lexin? You are going to marry that.. "tiningnan ni Albert mula ulo gang paa si Ysa."At sa tingin mo papayag ako?" 

"Nasa edad na ako kaya diko na kailangan ng consent mo.. magpapakasal kami ni Ysa sa ayaw mo at sa gusto.."mariing sabi ni Lexin sabay pisil sa kamay ni Ysa na naramdaman nyang nanginginig. 

Samantala, si Lina ay nainip na sa paghihintay kay Ysa sa may hagdan kaya naman bumalik ito sa kwarto ni Lexin at doon ay dinig na dinig nya ang komosyon. 

"AT SA AYAW MO MAN AT SA HINDI, HINDI AKO PAPAYAG NA MAHALUAN ANG PAMILYA NATIN NG ISANG PAKAWALA! Baka akala mo Lexin hindi ko alam na may sex video yang babaeng yan.."malakas na sabi ni Albert. 

"HINDI SYA ANG NASA SEX VIDEO AT NALINAW NA YUN!"mataas na bose na sabi ni Lexin. 

"totoo at hindi, hindi pa rin mababago ang paniniwala ko na walang kwentang babae yan kaya di ako papayag na makasal kayo at masama yan sa apamilya ko!"galit na sabi ni Albert. 

Hindi na kinaya pa ni Lina ang mga naririnig kaya sumali na to sa usapan. 

"At wala din ho akong balak isama sa pamilya nyo ang anak ko, baka mahawa pa to sa kasamaan mo! Dahan dahan ka sa pagsasalita sa anak ko ng.."hindi na naituloy ni Lina ang sasabihin ng makita ng harapan si Albert. 

"CELY...?"gulat na bulalas ni Albert ng makilala ang Babaeng nasa harap. 

"Albert!? Ikaw ang ama ni Lexin??"hindi makapaniwalang sabi ni Cely. 

"Ma, magkakailala kayo?"nagtatakang tanong ni Ysa. 

"Kung alam ko lang na ikaw ang ama ni Lexin, noon pa lang ay nilayo ko na ang anak ko sa anak mo! Halika na Ysa, uuwi na tayo, at kahit kailan, ayoko ng makikipagkita ka kay Lexin, ayokong magkaroon ng koneksyon ka sa demonyong lalaking to!"galit na sabi ni Lina at saka hinila ang anak. 

"PERO TITA LINA BAKIT PO?"maging si Lexin ay naguguluhan. 

"Bakit hindi mo itanong sa walang hiya mong ama!"pagkawika non ay walang pakundangan itong umalis. 

Naiwang tulala si Albert, lalong lalo na si Lexin na gulong gulo, galit na binalingan nito ang ama. 

"O masaya ka na? Nasaktan mo na naman ako, pero this time hindi physical, dito mo ako sinaktan"ani Lexin sabay turo sa dibdib nito. 

"Pwede ba Lexin! Tigilan mo ako sa pagdadrama mo"nakabawing sabi ni Albert. 

"Umalis ka na!"mahina pero may diing sabi ni Lexin. "Umalis ka na bago ko makalimutang ama kita" 

"Bastos ka talagang bata ka!"mabalasik na sabi ni Albert. 

"UMALIS KA NA! AYAW NA KITANG MAKITA! UMALIS KA NA! UMALIS KA NA!"pagwawala ni Lexin at saka pinagkakabig lahat ng makita sa paligid. 

Biglang pasok na naman ni Maita kasama si Marieta na nakarecover na rin mula sa pagkaatake. 

"Anong nangyayari dito?"tanong ni Maita saka pinuntahan ang anak na nagwawala. "Ano na naman ang ginawa mo sa anak ko Albert! At talagang hindi mo hinintay na makauwi sa bahay at makapagpahinga si Lexin bago mo gawan ng kawalang hiyaan!"sita ni Maita sa asawa. 

"Hoy Maita! Wag ako ang sisihin mo sa kawirduhan ng anak mo! Ayusin mo yan.. Wag kayong magkalat dito magina na parehong sira ulo!"galaiting sagot ni Albert. 

"ALBERT!"si Marieta, pero bago pa man makahuma si Albert ay isang suntok ang tumama sa mukha nito galing kay Lexin na mabilis na nakapuntta sa harap nya. 

"Punyeta kang.."magsasalita pa sana ulit si Albert pero isa na namang suntok ang sa kanyay tumama dahilan para matumba ito, dali dali itong pinaibabawan ni Lexin at saka pinitsarahan. 

"TARANTAD* KANG BATA KA! NAPAKAWALANG KWENTA MO TALAGA!!"galit na sabi ni Albert pero si Lexin ay parang wala sa sariling pinagsususuntok ito. 

"Lexin tama na!"awat ni Maita pero ayaw tumigil ni Lexin, sunod sunod na suntok na ang pinakawalan ni Lexin, nilapitan na ito ni Maita at umiiyak na inawat ang anak kapagdakay niyakap ito. 

"Anak.. Listen to Mama.. Tama na.. Tama na.. Sshhh.. "sabi ni Maita sa nagwawala pa ring si Lexin, hinawakan pa nya ito sa mukha saka parang batang inuto uto. 

Tulala pa din si Lexin at humihingal, maya maya ay tumayo ito at mabilis na tumakbo palabas ng pinto. 

"Lexin!"Si Maita. 

+ M 

Buong byahe ay walang kibo si Lina kaya hindi ito magawang tanungin ng gulong gulong si Ysa, sa isip isip nya, bakit sa tuwing abot abot na nya ang kasiyahan ay panibagong problema na naman ang dumarating. 

Nang makarating ng bahay ay dali daling pumunta si Lina sa kawarto at maya maya ay lumabas ito na may dalang maleta. 

"Bilisan nyo! Aalis na tayo.. Magimpake na kayo! Flor, tulungan mo magayos ng gamit si Lewis.. Ikaw Ysa, magayos ayos ka na rin.."tarantang sabi nito. 

"Ma.. Bakit po ba? Ano po bang problema?"nagtataka na ring tanong ni Flor. 

"Basta! Hindi na tayo pwede magtagal dito! Dalian mo.."wika nito habang kinukuha ang mga gamit sa aparador. 

"Ma ano ba talaga ang koneksyon mo sa PAPA ni Lexin?? Bakit nagkakaganyan ka!"hindi na nakatiis na tanong ni Ysa. 

"Basta ayoko na makikipagkita ka pa sa lalaki na yon! Ayokong magkaroon ka ng kaugnayan sa lalaki na yon maliwanag ba! Kaya kumilos ka na diyan..!"utos ni Lina. 

"AYOKO!!"matigas na sabi ni Ysa. 

"ANONG AYAW MO! PAG SINABING AALIS TAYO! AALIS TAYO..!"nanagagalaiting sabi ni Lina. 

"Ma ano bang nangyayari sayo?!"takang tanong ni Flor at pinigil sa pagiimpake ang ina. 

Pero naghysterical si Lina at inagaw kay Flor ang gamit ngunit malakas na di hamak si Flor kaya nagawa nitong bawiin sa ina ang mga damit. Walang nagawa si Lina kung hindi ang maupo sa sahig at magiiyak. 

"Hindi nyo ako naiintindihan, hindi nyo kilala si Albert, hindi nyo siya kilala!"tangis ni Lina. 

"Ma ano bang kinalaman nyo sa Papa ni Lexin..??"tanong ni Ysa. 

Napatingin lang si Lina kay Ysa at saka umiyak. 

"Ma, ano ba? Anak mo kami, sabihin mo sa amin ang problema?!"kumbinsi ni Flor sa ina pero hindi pa rin ito kumibo. "Ma, hindi tayo basta basta pwede umalis, wala na tayong babalikan sa Siquijor.. Isa pa, paano si Ysa, may kasunduan sa LAC na hindi nya basta basta pwede balewalain, at yung trabaho ko ma, nandito.. Nandito ang kabuhayan natin, ang business mo, ang pagaaral ni Lewis.."paliwanag ni Flor. 

Maya maya ay nahimasmasan na si Lina at saka nakapagisip isip. Bumaling agad to kay Ysa. 

"Ysa, wag na wag ka na magpapakita kay Lexin, naiintindihan mo.."wika nito. 

"Pero Ma! Bakit kailangang madamay pa kami ni Lexin diyan! Alam naman natin na hindi talaga magkasundo si Lexin at ang papa nya.." 

"KAHIT NA! WAG KA NA MAGPAPAKITA SA KANYA! AYOKONG MAGKAKAROON KA PA NG KAHIT ANONG KONEKSYON SA ALBERTO APOSTOL NA YAN!"sigaw ni Lina. 

Sa puntong iyon ay parang nagpanting na rin ang tenga ni Ysa. 

"Ma! Hindi pwede.. Mahal ko si Lexin.. Alam nyo yun.. At para sabihin ko sa inyo.. Inaya na nya akong magpakasal..."pagtatapat ni Ysa. "At pumayag na ako.." 

"Hindi! Hindi ako papayag! Hindi ako papayag!"nagwawalang wika ni Lina at saka biglang sinugod si Ysa at pinagsasampal, mabilis namang umawat si Flor. 

"MA ANO BA?! BAKIT NAGKAKAGANYAN KA!!"naguguluhan na ring wika ni Flor habang akap akap ang ina. 

Kumawala si Lina at saka nagtatakabo sa kwarto. 

+ P 

"Hayop talaga yang bata na yan?!"daing ni Albert habang ginagamot ng nurse ang mga sugat at pasa dulot ng pambubugbog ni Lexin. 

"Hiningi mo yan kaya binigay sayo ni Lexin"nakaisimid na wika ni Marietta. 

"Kaya lumalaking hudas ang put*ngin*ng batang yan eh, sobrang pangungunsinti ang ginagawa nyo ni Maita, kaya kita mo pati ako sinusuwag"galit na wika ni Albert. "Wag na wag magpapakita sa akin yan at doble pa sa ginawa nya sa akin ang gagawin ko!"banta ni Albert. 

"Pwede ba Albert, tumigil ka na..baka sa susunod nyan eh mapatay ka na ng anak mo.. "banta ni Marietta. 

Pero tila walang naririnig si Albert, abala ito sa pagiisip kay Cely, o Lina, ang ina ni Ysa. 

"Alam mo ba Mama, anak ni Cely ang girlfriend ni Lexin.."iba ni Albert sa usapan. 

"Si Ysa?"hindi makapaniwalang sabi ni Marietta. 

"Oo Ma, at hanggang ngayon, maganda pa rin sya.."nangiting sabi ni Albert. 

"Alberto, kung ano man ang pinaplano mo, utang na loob! Magkakaproblema lang kayo lalo ni Lexin nyan!"sita ni Marietta. 

"Hindi Ma, hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito.. Kailangan makausap ko sya.."seryosong sabi ni Lexin. 

Naiiling na lang si Marietta, kabisado nya ang anak at hindi maganda ang kutob nya sa kung ano man ang iniisip nito. 

+ M 

Samantala, si Carlo ay nakalulan sa kotse nya papunta sa address na binigay ng ina ni Grace, inabot ito sa kanya ni Ysa bago pa man magpunta ng hospital. 

Dinilim na sya sa daan kaya kinailangan pa nyang magtanong tanong sa mga nadadaanan tungkol sa lugar, pursigido syang malaman ang totoo kaya hindi nya ininda kahit magdilim na sya sa daan. 

Sa kanyang pagtatanong tanong ay natuntun nya ang nasabing baryo. Madalang ang bahay sa lugar na iyon kaya naman napakatahimik, bukod doon ay walang ilaw ang daan, tanging ilaw lang sa kotse ni Carlo ang nagsisilbing liwanag nya sa daan. 

Tahimik na nagdadrive si Carlo papunta kila Charm ng maya maya ay makarinig sya ng isang bulong.

"Huwag kang makialam.." 

Napalingon si Carlo sa narinig na yun, ngunit wala naman syang nakita, kinikilabutan man ay naiiling na pinagpatuloy ni Carlo ang pagdadrive. Maya maya na naman ay isang mahinang bulong na naman ang narinig.. 

"PAKIALAMERO.." 

"MAMAMATAY KA.." 

"MAMAMATAY LAHAT NG NAKIKIALAM.." 

Nagtayuan ang balahibo ni Carlo sa narinig kaya bigla itong napahinto at napalingon muli pero wala pa din sya nakita kaya naman nagpatuloy na lang sya. 

"Carlo.. Carlo.. Maging matapang ka.. Hindi ito ang oras para matakot ka.."kausap ni Carlo sa sarili at nagpatuloy sa pagmamaneho, bigla nyang naalala ang huling pagkakausap nila ni Axle na anak ni Alexa nung isugod nila sa hospital ang tatay ni Ysa. 

*** 

"Paano mo nagawa yon?"tanong ni Carlo nun kay Axle ng magkausap sila sa hospital. 

"Ang alin?"tahimik na tanong ni Axle. 

"Paano mo napatigil ang nangyayari kay Sir Javier?"usisa pa nito. "Ano yung sinaboy mo?" 

"Ordinaryong lupa lang yon.."tipid na sagot ni Axle. 

"Ordinaryo? Pero panong? Panong naitaboy mo kung sino mang espiritu yun kung ordinaryo lang sya"si Carlo. 

"Dinasalan ko lang yung lupa.. "sagot ni Axle. 

"Anong dasal..??" 

"Dasal ng pagbasbas.."Sagot ni Axle muli. "at kasabay mo dapat sa basbas na yun ay ang isang kamamatay lang, at kamamatay lang ni Mama nun, 

*** 

Naputol ang pagbabalik tanaw ni Carlo ng maalala ang namatay na si Alexa at ang nakuha nya sa ilalim ng carpet. Isang maliit na sisidlan na itim. May isang bahagi sa utak nya na gusto nyang buksan ang lalagyan pero alam nyang hindi para sa kanya yun, nakakalimutan nya lang iaabot kay Ysa. 

Nasa ganong pagmumuni si Carlo na may biglang kumalabog sa kotse nya. Biglang bigla si Carlo na napalabas para tingnan ang kumalabog sa kotse. 

Matapang na nilabas ni Carlo ang kung sino man ang nandoon pero wala naman syang nakita, binunot nya ang baril at saka pumusisyon at dahan dahang umikot sa kotse pero nakailang ikot na sya pero wala pa rin syang nakita kaya bumalik na lang sya sa loob ng kotse at saktong pagupo nya ay may kamay na sumakal sa kanya. 

"PAKIALAMERO! PAKIALAMERO! PAKIALAMERO!!MAMAMATAY KA!" 

Nanalalaki ang mata ni Carlo at nagpupumiglas na tumakas sa pagkakasakal sa kanya. At saka sya tumakbo palabas ng kotse, dumakot sya ng lupa at nagbakasakali. 

"Kung may kamamatay lang sa paligid, pakiusap, tulungan mo akong basbasan ang lupang ito.."dalangin ni Carlo. 

"Sa ngalan ng ama ng anak ng espiritu santo..."dasal ni Carlo at saka sinaboy sa babaeng nakaitim ang lupa. Nauubong pinikit ni Carlo ang mata upang wag mapuwing at kapagdakay dumilat din at doon ay tumambad sa kanya ang isang babae. 

"Kuya? Nawawala po ba kayo?"tanong sa kanya ng babae. 

Hindi kaagad nakasagot si Carlo pero maya maya ay nahimasmasan din. 

"Ah, kasi pupunta sana ako sa address na to.."pagpapakita ni Carlo sa papel kung saan nakasulat ang address. 

"Ah, alam ko yan, malapit na yan dito, gusto mo samahan na kita?"alok ng babae. 

Sinipat muna ni Carlo ang babae at saka tiningnan sa mukha na wari ba ay sinusuri ang pagkatao nito. 

"Kuya wag kang magalala, hindi ako masamang tao"nakangiting sabi nito. 

"Hindi naman ako nagaalala, kasi kung sakali namang masamang tao ka eh walang problema sa akin yun at pulis ako"sagot ni Carlo at saka sumakay muli sa kotse. "O ano pa ang hinihintay mo Miss?"tawag ni Carlo sa babae. "Sakay na.." 

Sumunod naman ang babae at sumukay. Habang nasa biyahe ay walang kibo ang babae, napansin ito ni Carlo at tinanong. 

"Miss, okay ka lang?"tanong nya. 

"Opo kuya, malungkot lang ako, kasi may namatay dito sa baryo namin nitong kailan lang.."sagot ng babae at saka tumingin sa labas ng kotse. 

Napaisip si Carlo at naalala ang lupang sinaboy, siguro at tinulungan sya ng kung sino mang yumao na yun. 

Maya maya ay nakarating na sila sa lugar na nakasaad sa address, napansin nya kaagad na madaming tao dito, may mga upuan sa labas at may mga nagsusugal. Naunang lumabas ang babae at dire diretso sa loob ng bahay. 

Bumaba na rin si Carlo at sumunod sa babae, pagpasok nya ay hindi na nya makita ang babae na may edad na. 

"Hijo, sino po sila?"tanong ng isang matandang babaeng tingin nya ay nasa 60 na ang edad. 

"Ah.. Pwede ko po ba makausap si Charmaine Hizon? Pulis po ako, Inspector Carlo Sta. Ana po,"pagpapakilala ni Carlo sabay pakitang chapa nya. 

Nakatingin lang sa kanya ang matanda. "Sandali lang hijo"paalam nito at saka lumapit sa isa pang babaeng mas bata ang itsura sa kanya. Dun na lang nya napansin ang kabaong na nasa may sala. 

Lumapit sa kanya ang babaeng kinausap ng nauna nyang kausap. 

"Hijo.. Anong kailangan mo kay Charm?"tanong ng sa hula ni Carlo ay nanay ni Charm. 

"Ah, may mga gusto lang po akong malaman sa kanya.."magalang na wika ni Carlo. 

"Hijo.. Gustuhin ko mang pakausap sayo si Charm pero.."hindi na naituloy nG ina ni Charm ang sasabihin dahil nagiiiyak na to, agad agad namang dumamay dito ang nasa paligid at saka sya inupo. 

"hijo..halika dito"tawag ng naunang matandang nakausap, nasa may ataul ito. 

Lumapit naman si Carlo nanlaki ang mata nya sa nakita. 

"magiisang linggo na buhat ng namatay si Charm"wika ng matanda. 

Hindi makapaniwala si Carlo na ang nasa ataul ay ang babaeng kanina lang ay sinamahan sya sa bahay na ito. 

+ D 

Napagitla si Ysa ng marinig ng nagring ang cellphone, nakatulog pala sya ng hindi nya namamalayan, sumilip sya sa bintana at nakitang malakas ang ulan. Narinig muli nya ang cellphone na nagriring kaya agad nyang sinagot to. 

"YSA.. MINE.." 

"Lexin?"si Ysa. 

"Nandito ako sa labas ng bahay nyo"sabi nito. 

Agad sumilip si Ysa sa bintana at doon lang nya napansin ang basang basang si Lexin. 

"Bakit nagpapaulan ka?"ani Ysa. 

"Kahit bagyuhin pa ako, hindi ako mapipigilan nito para puntahan ka.."sabi ni Lexin sa phone. 

"Sira ka talaga.. Eh kung masira ang phone mo!"iba ni Ysa sa usapan. 

"Kita mo to, basang basa na nga ako cellphone pa ang inalala mo"nadinig ni Ysang natatawang sabi ni Lexin. 

Sinilip muli ni Ysa sa bintana ang nobyo at saka sinenyasan na sandali lang. 

Nagmamadaling bumaba si Ysa at lumabas ng bahay upang humanap ng payong at pagkatapos ay saka lumabas, dun nya nakitang nakaupo si Lexin sa may gate. 

Pinuntahan nya ito at saka inirapan kunwari. 

"Hoy Mister Apostol, napakayabang mo talaga! Kagagaling mo lang sa hospital at nagpaulan ka na! saka mahiya ka naman sa suot mo napakanipis! Kita ko na lahat lahat sayo.."sabi ni Ysa na natatawa. 

"Asus, kunwari ka pa, eh alam ko namang gustong gusto mo yung nakikita mo.."biro ni Lexin saka tumayo at hinubad ang tshirt na basa. 

Napanganga si Ysa ng makita ang katawan ni Lexin. 

"O laway mo.."natatawang sabi ni Lexin. 

"Sira! Bakit ba nandito ka! Imbes na mamahinga ka eh dito ka pa nanggugulo at nagpapaulan, naku! Wanted ka na kay Mama at.."hindi na natuloy ni Ysa ang sasabihin dahil niyakap sya bigla ni Lexin. 

"Walang makakapagpahiwalay sa atin Ysa.. Hindi man umayon sa atin ang buong mundo.. Isigaw man nila ang sampung libong dahilan kung bakit hindi tayo pwede.. Wala akong pakialam.. Dahil sa ngayon.. Isa lang ang pinaniniwalaan ko.. Ikaw at ako ay para sa isat isa.. At lalabanan natin ang buong mundo ng magkasama.."pahayag ni Lexin. 

Kusang napayakap si Ysa kay Lexin at kapagdakay umiiyak na sinabi. 

"hindi mapapantayan ng isang libong dahilan na yan ang nagiisang rason ko para lumaban.. At ikaw yun Lexin.. Ikaw!"sabi ni Ysa. 

Nakangiting bumitiw si Lexin kay Ysa at saka sumigaw sa ulan. 

"YSABELLA FAJARDO! MAHAL NA MAHAL KITAAAA! WALANG MAKAKAPAGPAHIWALAY SATINNN!!"sigaw ni Lexin. 

"Ano ka ba! nakakahiya!"sita ni Ysa pero parang walang naririnig si Lexin, hinila pa ni Lexin at saka inalis ang payong ni Ysa at saka sila parang batang naglaro sa ulan at nagyakap, maya maya pa ay huminto si Lexin at isang matamis na halik ang pinagsaluhan nila sa ilalim ng ulan

Campus queen ( Chapter 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon