"MA! MA!"nagpapanic na katok ni Flor sa pinto ng kwarto ng ina, kagagaling lang nito sa bakery para bumili ng pandesal.
"Ano ba yun?"tinatamad pang wika ni Lina pagkabukas ng pinto, piyat pa ito dahil magdamag niyon hinintay si Ysa pero nagpasya na syang matulog dahil na rin sa pamimilit ni Flor.
"MA! SI GOV! NATAGPUANG PATAY SA LOOB NGKOTSE NYA! PINATAY SYA MA!"shock na shock na sabi ni Flor.
Biglang bigla din si Lina, si Ysa kaagad ang naisip nito. "Ang kapatid mo nasaan? Nasaan si Ysa?"tanong nito at saka humahangos na nagpunta sa kwarto ni Ysa.
"Hindi pa sya umuuwi Ma, nagtanong tanong na nga ako sa malapit at baka napansin sya.."sagot ni Flor.
"Kailangan natin syang mahanap, kailangan nating mahanap si Ysa.."takot na takot na sabi ni Lina.
+
Si Ysa naman ay nasa simbahan kung saan sya dinala ni Tristan noon at kung saan nya nakilala ang ina nito. Nakiusap sya kay Fr.Miguel na doon muna sya makikitulog pansamantala.
Masamang masama ang loob nya sa mga pangyayari, buong magdamahg syang gising, umaga na ng tablan sya ng antok ng isang balita ang sa kanya ay muling gumising.
"Patay na si Gov. Apostol?"usisa nya sa pari, pinaguusapan kasi ito sa hapagkainan.
"Oo Hija, pinatay sya, kaawa awang pamilya, katatapos lang ng pagdadalamhati dahil sa pagkamatay ni Marietta, eto na naman ang isa pa.."malungkot na sabi ng pari. Si Ysa naman ay napanganga na lang at napatingin sa kung saan. Kahapon lang ay natuklasan nya na ang ama nya ay walang iba kung hindi ang ama din ng lalaking minamahal.
"Hija, wala ka bang balak umuwi sa inyo? Hindi sa tinataboy kita pero baka kako nagaalala na ang mga magulang mo"mabait na wika ng pari.
"Father, gusto ko lang po munang matahimik.. Kung maari po sana hayaan nyo muna akong magstay dito"pakiusap ni Ysa.
Para namang nahabag ang pari sa pahayag na iyon ni Ysa.
"O sige..dumito ka muna pansamantala.. Pero gusto ko pa rin makausap ang mga magulang mo.."wika ng pari.
Si Ysa naman ay hindi kumibo, bagkos ay nakatulala pa rin ito sa plato at inaalala ang mga masasakit na nangyari sa kanya.
Kapatid nya si Lexin, ang pinagalayan nya ng pagibig ay kapatid pala nya.
+
"HE DESERVES IT.."malamig na wika ni Lexin, kakatapos lang ng libing ng amang si Albert, sila na lamang ni Maita ang naiwan sa puntod.
"Lexin! Ano ka ba!"sita ng ina nito. "Baka may makarinig sayo, ano pa ang isipin.. You must remember na wala pa rin suspect sa pagkamatay ng Papa mo"ani Maita.
"You know what Ma, kulang pa yan, kulang pa ang pagkamatay ng hayop na yan, kulang pang kabayaran sa lahat ng pasakit na naramdaman ko.. "sabi ni Lexin na nakatulala sa puntod ni Albert.
Inakbayan ni Maita ang anak at hinilig ang ulo sa balikat nito.
"Tayong dalawa na lang ngayon anak.. Kailangan natin magtulungan.. Mas makakabuti siguro kung doon na lang tayo sa America tumira.."sabi ni Maita.
Si Lexin naman ay hindi kumikibo, wari bay malalim ang iniisip at sinasaloob.
Sa di kalayuan, nakamasid naman ang kanina pa pala nandoong si Ysa. Napagpasyahan nyang pumunta sa libing bilang respeto sa kanya pa lang totoong ama. At mula sa malayo ay tanaw na tanaw nya ang babaeng nakaitim na nakamasid sa magina. Tinitigan nya ito maigi ng biglang..