Chapter 30 (Finale 2)

1.7K 32 12
                                    

"TAO PO! TAO PO! TAO PO!" 

Bumukas ang pinto at niluwa ang isang matanda na nasa 70 na ang edad. "Sino sila?" 

"Magandang Umaga po, dito po ba nakatira si Elvida Yango?" 

Tiningnan sila ng matanda at sinipat pagkatapos ay nagwika. 

"Anong kailangan nyo sa kanya?" 

"Galing po kasi kami sa Hacienda Fuentes, naghahanap kami ng dating tauhan dun pero wala na daw natira mula ng umalis yung dating may ari."paliwanag ng lalaki na nakasalamin at nakacap. 

"May nakapagsabi sa amin na isang tiga doon na sa lugar na ito, nakatira si ELVIDA yANGO, ang tigapagalaga ng anak ng may ari ng hacienda dati."dagdag pa ng isa pang lalaki na najacket na may hood. 

"Bakit naman kayo interesado sa mga Fuentes?"tanong ng matanda. 

"May mga bagay lang po kaming gustong malaman tungkol sa pagkatao ng isa sa mga anak nyang si Lucia."sagot naman ng isang lalaking nakasalamin. 

"Sino ba kayo?" 

"Ako po si Carlo Sta. Ana, isa po akong inspector,"pakilala ng lalaking nakasalamin."at eto naman pong kasama ko ay si Axle, isang kaibigan." 

Imbes na magsalita ang matanda ay luminga linga sa paligid at saka binuksan ang pintuan ng mas malaki at inaya pumasok ang dalawa. Agad naman tumalima ang dalawa. 

"Maupo kayo." Lilinga lingang naupo ang dalawa. "Nagsikain na ba kayo?"tanong pa ng matanda. 

Nagtinginan ang dalawa at wariy tatanggi pero dinig na dinig naman ang pagkalam ng sikmura nila. 

Malaki ang binawas sa timbang ng dalawa mula ng mangyari ang aksidente sa sasakyan. Ilang linggo na rin ang nakalipas mula noon. 

Bago mahulog sa bangin ang kotse ay nagawang tumalon palabas ng dalawa sa kotse pero kinailangan din nilang babain ang sasakyan para isakatuparan ang plano nila. Kinailagan nilang hubarin lahat ng damit at sunugin kasama ang mga damit ni Charm na nakuha nila sa bahay nito upang hindi sila masundan ng babaeng nakaitim. Bago yun ay nagawang tawagan ni Carlo ang kasamahang pulis upang hingin ang tulong nya. 

*** 

"HELLO SIR,. Si Carlo po ito, wag po kayong magsasalita kung sino ako, kailangan ko ng tulong nyo, may misyon ako ngayong ginagawa para matunton o malaman ang nasa likod ng patayan sa LAC. Mababalitaan nyo ang nangyaring aksidente sa kotse ko, wag kayo magalala sir at okay ako, kailangan ko lang ng mga damit at ilang personal na gamit para sa dalawang tao. Pagdating nyo dun sa pinangyarihan ng aksidente ay pasimple nyong ibaba ang mga pinapadala ko, at sa loob ng kotse ay kunin nyo ang box na nasa loob ng drawer ng kotse, at pakiusap, ibigay nyo to pagkatapos ng 20 days kay Ysabella Fajardo. Mawawala ako ng ilang linggo pero pag balik ko ay baon ko ang mga sagot sa lahat lahat."pagkatapos nun ay namatay na ang cellphone. Hindi na nagtanong pa si Bonker dahil malaki ang tiwala nya kay Carlo. 

Sila Carlo naman ay kinailangang kumubli sa mga tao dahil wala sila anumang saplot. Sinunog kasi nila ang mga damit nila ni Axle. Ilang oras silang nasa ganong sitwasyon bago dumating si Bonker, pasimpleng binaba ni Bonker ang bag sa may damuhan na may lamang ilang damit at personal na gamit. May konting cash din syang natagpuan dito na pinagpapasalamat nya kay Bonker ng sobra dahil maski pera nila ay kinailangan nilang iwanan dun para di sila masundan, tanging mga gamit lang ni Axle ang tinira nila dahil maaring makatulong sa kanila ito at isa pa ay may binudbod ni Axle dito ang abo ng damit nilang sinunog. Matapos magbihis ay siniguro muna nilang makikita ng inspector ang biniling kahon at di naman sila namoblema dahil nakita din nila ito. 

Ilang araw silang naglakad paikot sa lugar na iyon, ayon kay Axle, eto daw ang paraan para maiwan ag natitirang amoy namin sa pinangyarihan. 

Pagkatapos non ay dumiretso na kami sa pakay namin, doon sa kahon ng mga gamit ni Charm na ayon na nga sa magulang nito ay pagaari ni Arianne ay may isang larawan ng babaeng nasa harapan ng Arko kung saan kitang kita ang pangalan ng lugar. "HACIENDA FUENTES" at sa likod ng larawan ay may nakasulay na "black lady" 

Nagresearch sila sa internet ukol sa nasabing Hacienda, dalawang bayan pa na may parehong pangalan ng hacienda ang napuntahan nila bago nila matunton ang mismong pakay nila. 


Isang linggo din silang nagmanman sa lugar na iyon at nalaman nilang bago na ang may ari na Hacienda, sinubukan nilang magtanong tanong sa mga taong nasa paligid, iilan lang ang nakakakilala sa mga dating may ari ng Hacienda dahil karamihan sa mga nakatira doon nuon ay lumipat na sa ibang lugar. Isa nga doon ang nakapagturo kay Elvida Yango. 

"Hijo.."putol ng matandang babae sa pagbabalik tanaw ni Carlo. 

"Ano po yun?"si Carlo. 

"Halika muna kayo sa kusina at kumain muna kayo.."aya ng matandang babae. 

"Naku po hindi na po.." 

"Naku hijo.. Eh mukhang matagal na kayong hindi nakakakain ng maayos ng kasama mo, wag na kayong mahiya.."mabait na wika ng matanda. 

Wala ng nagawa si Carlo at Axle dahil sa kakapilit ng matanda, talagang nagugutom na rin sila dahil ilang linggo ng puro nagkakasya sila sa tinapay lang. 

"Pasensya na kayo at eto lang ang nakayanan kong ihain, mangyari kasi eh kami lang ng apo ko ang nasa bahay, nasa eskwela naman sya ngayon"pagpapaliwanag ng mabait na babae, sinangag, pritong dalagang bukid, talbos ng kamote, nilagang kamatis at bagoong ang nakahain. Meron ding nakatimplang kape at sa tabi noon ay may sariling gatas ng kalabaw. 

"Naku manang, sobra sobra naman po ito, "magalang na wika ni Axle na umupo na at naghugas ng kamay sa hinawan sa mesa. 

"Wala yan, mukhang gutom na gutom at pagod na pagod kayo, magagahan muna kayo at magpahinga muna, malamig ang hangin dito, bumawi muna kayo ng lakas."wika ng matanda habang pinaglalagay ng kanin ang dalawa. 

"Naku Manang.."si Carlo 

"Manang Biday.. Ako si Elvida Yango.."ngiting pagpapakilala ni Manang Biday. "Kumain na kayo at magpahinga, pagsasampalukan ko kayo mamayang tanghalian.." 

"Pero kailangan po naming.." 

"At saka tayo magusap.."putol ni Manang Biday sa mga sasabihin pa ni Axle. Tumango lang ang dalawa at nagpatuloy sa pagkain. 



"YSA... BANGON.. BANGON YSA..KAILANGAN MO BUMANGON" 

"Sino ka?"tanong ni Ysa na hindi makuhang dumilat, pakiramdam nya ay may kung anong nakapatong sa kanya. Unti unti nyang dinilat ang mga mata para alamin kung sino ang may ari ng tinig. Pero wala syang nakita, bagkos ay mukha ni Corine na dilat na dilat ang mata ang nakita nya. 

"AAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"malakas na sigaw ni Ysa ng mapagtantong ulo na lamang ni Corine ang nasa harap, babangon na sana sya mula sa pagkakadapa pero may kung anong mabigat na nakapatong sa likod nya. Kahit hirap ay pinilit nyang bumangon at mas nakapangingilabot na eksena ang nakita nya, ang dahilan pala kaya di sya makabangon ay dahil nakadagan sa kanya ang walang ulong katawan ni Corine. 

Hindi nya nagawang makatayo agad dahil sa pagkirot ng tama ng baril sa hita nya. Pero isang kalabog sa pintuan ang nagpatayo sa kanya bigla. 

"SINO YAN?"nanginginig sa takot na sabi nya at saka hirap na hirap na lumakad. "SINO KA? MAGPAKITA KA!"iika ikang sabi ni Ysa, at saka may nahagip ang paa nya dahilan para mapaluhod sya. Tiningnan nya kung ano ito at dun nakita nya ang isang malaking palakol. Sa isip nya, marahil ito ang ginamit ng killer kay Corine. Hindi nagdalawang isip si Ysa na kuhanin iyon at saka pinilit muling tumayo. 

"AKALA MO NATATAKOT AKO SAYO! KUNG SINO KA MAN! HINDI AKO NATATAKOT SAYO! HINDING HINDI MO AKO MAPAPATAY!!!"sabi ni Ysa at saka inumang ang palakol na wari bay handang handang lumaban. 

Narinig nya na tila may nagbubukas ng pinto kaya hinanda nya ang sarili, susugurin na sananya ang papasok pero laking supresa nya ng makitang si Mildred pala Yun. 


"YSA! WHAT ARE YOU DOING.. BAKIT KA MAY HAWAK NA.."napatigil ito at isang malakas na sigaw ang pinakawalan. "AAAAHHHHHHHHHH!!"sindak na sindak na sabi ni Mildred ng makita ang putol ang ulong si Corine. "YOU KILLED HER!"nanguusig na mga mata nito at saka unti unting umatras. 

"HINDI.. HINDI AKO.."depensa ni Ysa na binitawan ang palakol at saka lumapit kay Mildred. 

"STAY AWAY FROM ME! YOU MONSTER!"at saka ito nagtatakbo. 

"MILDRED!! HINDI AKO.. HINDI AKO!"hindi malaman ni Ysa ang gagawin. Pag harap nya sa salamin ay nakita nyang nandoon ang babaeng nakaitim. "HAYOP KA! ANONG KASALANAN KO SAYO! BAKIT MO AKO GINAGANTO! BAKIIITTTTT!"pagkasabi nito ay dinampot ulit nito ang palakol at inatake ang salamin. Hindi nya ininda ang mga bubog na tumatama sa katawan nya"MASAYA KA NA! HA! MISERABLE NA ANG BUHAY KO!! BAKIT HINDI MO PA AKO PATAYIN!!"ng mapagod si Ysa sa kakahataw ng palakol sa salamin ay napaupo na lang ito at napahagulgol. 



"Sir Lexin.."tawag ng katulong sa nakatulalang si Lexin, nandoon ito sa may pool, nakaupo at nakalusong ang paa sa tubig. 

Para namag wlaang narinig si Lexin na miserableng miserable ang itsura, mahaba ang buhok at tumutubo na ang bigote at balbas nito. 

"SIR.."tapik pa ng katulong sa binata. 

"WHAT!!"iritang sagot nya. 

"Nandyan po si Attorney Moncada.."natatakot na sagot ng katulong. 

"Papuntahin mo dito.."pagkasabi ni Lexin non ay tumalima na ang katulong, si Lexin naman ay pumailalim sa malalim na pagiisip, pakiramdam nya ng mga sandaling iyon ay talagang nagiisa na sya. Patay na ang kanya lola mommy, ang kanyang ina at ngayon ay di pa nya pwedeng makasama ang lalking minamahal. 

Naputol lang ang pagmumuni muni ni Lexin ng marinig nya ang abogado. 

"Hijo.." 

"Attorney.. Ano po ba yun?"walang ganang tanong nya. 

"Nandito ako para magbasa sana ng huling habilin ni Gov, babasahin ko na sana pagkatapos ng libing nya pero.." 

"WAG NYO NA PAALALA ATTORNEY! At hindi ako interesado sa kayamanan ng Albert Apostol na yan"putol ni Lexin sa sasabihin pa nito. 

"Pero sigurado akong gugustuhin mo tong marinig...lalong lalo na ang iniwang video tape ng Mama mo.."makahulugang sabi ng abogado. 

"Anong ibig mong sabihin?"napalingon dito si Lexin at banaag sa mukha nya ang kyuryusidad. 

"Mabuti pa doon tayo sa loob, pinahanda ko na ang tape.."pagkasabi nito ay pumasok na ang Abogado. 

Agad namang sumunod si Lexin, pagkapasok ay umupo kaagad ito sa harap ng malaking tv at pagkaupo ay pinindot ni Attorney Moncada ang play button sa remote control. Bumungad kaagad si Maita na nakaupo sa mismong sofa na inuupuan ni Lexin. 

"HI LEXIN.. Anak, Sa oras na pinapanood mo ito marahil ay nasa kabilang buhay na ako..kinuha ko ito the day after your grandmothers Funeral,anak patawarin mo ako, patawarin mo ako sa pagiging selfish ako, I just hope this revelation is not too late. Im sorry for keeping it to you, I know, na kung sinabi ko to from the start, hindi ka na masasaktan pa.."sa pagitan ng mga salita ni Mita sa Video ay hikbi na wari bay hirap na hirap. "Anak.. Hindi kayo magkapatid ni Ysa.."Napanganga naman si Lexin sa mga sinabi ng Ina sa video. 

"Hindi ka anak ng Daddy mo, at.. Hindi rin kita anak.. Nung kinasal kami ni Albert, I found out na baog pala ako at hindi ako mabibigyan ng pagkakataong magkaanak thats why niregalo ka sa amin ng dyos, you just dont know happy I am.. At pinangako ko sa sarili ko na lahat gagawin ko para sayo.. Paparamdam ko sayo ang pagmamahal ng isang ina, pinangako ko din na walang makakaalam na hindi ka namin totoong anak. Pero hindi ko kayang makita kang nasasaktan.. Kaya handa akong isakripisyo ang kaligayahan ko para sayo.."hindi na nagawa pang pakinggan ni Lexin ang mga susunod na sasabihin ni Maita dahil sa lutang na lutang sya sa kaligayahan. 

"Hindi ko kapatid si Ysa! Attorney! Narinig mo yun! Hindi ko kapatid si Ysa! Hindi kami magkapatid.. Hindi"wika ni Lexin at saka tumayo at niyugyog sa kagalakan ang abogado. 

"Ganon na nga Lexin, at dahil anak si Ysa ni Albert, sa kanya papamana ng kinilala mong ama ang lahat lahat.." 

"Wala akong pakialam Attorney,"putol ni Lexin sa sasabihin pa ng abogado. "Ibigay mo lahat ng kayamanan ni Alberto kahit walang matira sa akin, hindi importante hindi kami magkapatid!"pagkawika ay agad agad tong tumakbo papanik. 

"Saan ka pupunta?"tanong ng abogado. 

"Kay Ysa.. Magaayos ako.. Kailangan kong puntahan si Ysa.."ani Lexin, sa kwarto ay naligo maigi si Lexin at pagkatapos ay nagayos ng sarili, inahit nya ang tumubong balbas at bigote. Pagkatapos makapagbihis ay nagmamadalo itong pumunta sa kotse habang sumisigaw ng. "HINDI KO KAPATID SI YSA!" 



"Putol ang ulo, may tarak ng warak ang dibdib na natagpuan ang 19 anyos na si Crisanta Corine Rivera, anak ng Chairman of tha board ng Lozada -Aruello College. Alas otso ng umaga ng marinig ng isang security guard sa naturang eskwelahan ang isang estudyante na sumisigaw ng "pinatay ni Ysa si Corine." si Ysa or Ysabella Fajardo ay kapwa estudyante ng biktima dito sa eskwelahan, ayon sa estudyanteng sumisgaw, nakita daw nya diumano si Fajardo na naliligo sa dugo, may dalang palakol at sa likod nito ang kalunos lunos na itsura ni Rivera. Ayon sa imbestigasyon ay may malalim na alitan ang dalawa, ilang beses na ring binantaan ni Fajardo na papatayin ngunit kinabigla pa rin nila ang karumal dumal na pagpatay na ginawa nito, kasalukuyang nasa presinto ang suspect na si Ysabella Fajardo na hanggang ngayon ay tulala para sa kaukulang imbestigasyon, eto po ang inyong lingkod, Jessa De Guzman, naguulat." 


Sa Presinto ay nandon ang walang kibo pa ring si Ysa, ilang ulit na syang tinatanong ng mga pulis pero tahimik lang itong lumuluha, halos tuyo na ang dugo sa mukha at katawan ni Ysa, ngunit ang dugo sa sugat ay tuloy tuloy pa rin ang pagdugo. 

"Talaga bang wala kang balak magsalita?"naiiritang tanong ng pulis na nagiimbestiga. Pero wala pa ring imik si Ysa. Maya maya ay humahangos na dumating si Bonker. 

"Sir"saludo ng nagtatanong na pulis kay Bonker. Sumaludo na rin si Bonker at kapagdakay hinarap si Ysa. 

"Ysa.. Anong nangyari?"umpisang tanong nya. Pero wala pa rin itong kibo. "Pinatay mo ba si Corine..?"bago pa man sumagot si Ysa ay nakarinig sila ng kaguluhan sa labas. 

"Sir Sir, bawas pong pumasok diyan!"narinig nilang saway ng isang pulis. 

"Bitiwan nyo ako, papasukin nyo ako, gusto kong makita ang hayop ng pumatay sa anak ko!!"sigaw ni Daniel at saka padabog na pumasok sa opisina kung nasaan sila. "HAYOP KANG BABAE KA! PINATAY MO ANG ANAK KO!!"galit na galit na sabi nito at saka sinugod si Ysa, mabuti na lamang ay naawat ito ni Bonker at Adrian. 

"Sir tama na! Tama na po"pero sadyang malakas si Daniel dahil nagawa nyang kumalawa sa awat ni Adrian at Bonker kaya naman nahagip ng kamay nya ang mukha ni Ysa. 

"Sir.. Pag hindi pa kayo tumigil ay mapipilitan kaming arestuhin kayo!"banta ni Bonker, saglit na napatahimik si Daniel. 

"Makakalampas ka ngayon Ysabella Fajardo sa galit ko pero siguradong magbabayad ka! Magbabayad ka!!"banta ni Daniel. 

"Hindi ko sya pinatay.. Hindi ako.. Hindi ako.."biglang sagot ni Ysa na umaagos ang luha, 

"SINUNGALING!!"isa pang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Ysa, dahil di inaasahan ang naging paglusob ni Daniel. "TANDAAN MO TO, MABUBULOK KA SA KULUNGAN! SISIGURADUHIN KO!"pagkawika non ay tumalikod. 

"Kailangan mabulok ka din sa kulingan!"narinig nyang sagot ni Ysa. "Kailangan panagutan mo din ang ginawa mong pagpatay sa asawa mo! Kasalanan mo to! Kung hindi mo sya pinatay hindi nya ako guguluhin"emosyonal na emosyonal na si Ysa ng mga sandaling iyon. 

"Hayop kang babae ka! Anong sinasabi mong.."aakmaan na naman sana ni Daniel si Ysa pero piniglan ito ni Bonker. 

"Sir, nakikiusap ako, kung pwede umalis na kayo at kami na ang bahala dito.."wika ni Bonker, binawi ni Daniel ang kamay at saka galit na lumabas sa opisinang iyon. 

"Miss Fajardo, gusto kong sabihin mo sa akin ngayon lahat lahat.."sabi ni Bonker at saka sinenyasan ang ibang pulis na lumabas. Agad namang tumalima ang mga ito. 

Umupo si Bonker sa harapan ni Ysa, napansin nito ang tama ng baril sa hita nito. 

"Napano yan? Bakit di ka nila agad dinala sa hospital bago ka dalin dito"gulat na gulat na sabi ni Bonker saka sinipat ang sugat. "Kailangan madala ka sa hospital." 

"Hindi ko pinatay si Corine, hindi ako! Hindi ko sya pinatay.. Ang babaeng nakaitim, sya ang pumatay!! Hindi ako!"hysterical ni Ysa. "Ako na ang isusunod nila, siguradong ako na. Anong gagawin ko, panong gagawin ko, papatayin niya ako.."nagwawala na si Ysa, sinubukan syang awatin ni Bonker pero para itong nahihibang. 

"Ysa, makinig ka, kailangan na kitang dalin sa hospital, kailangang magamot yang sugat mo.. Binilin ka sa akin ni Carlo.."pagaamo ni Bonker sa dalaga. 

Napatigil naman si Ysa sa sinabi ni Bonker. "Si Carlo, ? Buhay si Carlo.. Nasaan sya?" 

"Hindi ko alam, basta ang sinabi nya, wag kitang pabayaan, ay kung nasaan man sya ngayon, tinutuklas na nya ang nasa likod ng patayan sa LAC."paliwanag ni Bonker. 

"Naniniwala ka sa akin diba inspector, hindi ako, hindi ako ang pumatay kay Corine.."parang batang sabi ni Ysa. 

"Hindi na importante kung naniniwala ako o Hindi, ang mahalaga, kailangan ka ng madala sa hospital sa lalong madaling panahon."sabi ni Bonker saka inalalayan si Ysa patayo. 

Lalabas na sana ulit sila ng biglang pumasok ang isang pulis. 

"Sir, saan nyo po sya dadalin?"usisa nito. 

"Sa Hospital, saan pa ba?! Nakita nyo ng may tama sya pero di nyo man lang naisip na dalin sya sa hospital"angil na sagot ni Bonker. 

"Sir, di nyo po sya pedeng ilabas, bilin po sa itaas na ikulong kaagad sya."sabi ng pulis, maya maya ay kasunod na nito ang apat pang pulis. 

"Anong kalokohan ito, pero may sugat si Ysa.."di makapaniwalang sabi ni Ysa. 

"Sir, pasensya na, utos sa taas, nakausap kasi nila si Mr.Daniel Rivera."sagot ng pulis saka kinuha si Ysa. 

"Sir, ayoko makulong! Hindi po ako ang pumatay! Sir!! Wag nyo ako ikulong!"iyak ni Ysa, pero walang nagawa si Bonker kung hindi ipaubaya sya. 

"SIR WALA AKONG KASALANAN, WAG NYO AKO IKULONGGGGGGGG!" 



"YSA! YSA! YSA!"sigaw ni Lexin sa harapan ng gate nila Ysa, halos masira ang gate dahil sa pagyugyog ni Lexin. 

"Sino ba yan!"iritang sagot ni Flor na palabas na ng pinto, gad namang dumilim ag mukha nya ng makita ang panauhin. 

"At anong ginagawa mo dito!"sita ni Flor kay Lexin. 

"Ate Flor, kailangan kong makausap si Ysa, kailangan nyang malaman na hindi talaga kami magkapatid..!!"ani Lexin. 

"Anong sinasabi mo! Pwede ba Lexin, tigilan mo na ang pamilya ko, masyado ng nagulot ito buhat ng dumating ka sa buhay namin!!"galit na sagot ni Flor. 

"Pero ate, totoo ang sinasabi ko, Ysa is not may sister, inampon lang ako nila Mama, samakatuwid, hindi kami pareho ng ama.." 

"Wala akong pakialam Lexin! Wala si Ysa dito, iniwan na nya kami dahil sayo!!"sigaw ni Flor at saka tumalikod, pero papasok na sana ito ng pintuan ng may tumawag na kapitbahay. 

"FLOR! FLOR! NABALITAAN MO NA BA?!"sigaw ng kapitbahay. 

"Ang alin aling Susan?"tanong ni Flor. 

"Si Ysa, yung kapatid mo!" 

"ANONG NANGYARI KAY YSA?"halos sabay ng tanong ni Flor at Lexin. 

"Nakakulong sa presinto sa bayan! Pinatay yung anak ni Daniel Rivera! Yung may ari ng pabrika!!"bulalas na babae. Hindi na pinatapos pa ni Lexin ang mga sasabihin nito dahil agad agad tong sumakay sa kotse at saka pinasibat ito. 

"ATTORNEY, I NEED YOUR HELP, MAGKITA TAYO SA PRESINTO.." 

Si Flor naman ay naghahadaling pumasok sa bahay. 

"MA! MAMA! SI YSA!"tawag nito sa ina. Humahangos namang lumapit si Lina. 

"Bakit? Anong nangyari sa kapatid mo?"tanong nito. 

"NAKAKULONG SYA, PUMATAY DAW"si Flor. 

"O HINDE.."yun lang ang nasabi ni Lina dahil nawalan na ito ng malay. 




"Kailangan malaman ito lahat lahat ni Ysa,"Ani Carlo matapos mapakinggan ang kwento ni Manang Biday. Matapos mamahinga at makakain ng pananghalian ay ikinwento ni Manang Biday ang lahat lahat ng nalalaman nya. 

"Kailangan makabalik na tayo kay Ysa, kailangan na nyang malaman ito, baka mapahamak pa sya.."nagaalalang wika ni Axle. 

"Tama, kailangan nyo ng makabalik, kailangan matahimik na ang kaluluwa ni Lucia, tulungan nyo sya.."pakiusap ni Biday. 

"Wag po kayong magalala Manang, gagawin po namin ang tama.."paniniguro ni Carlo. 



Nakisiksik si Ysa sa isang sulok ng selda, takot na takot at titingin tingin sa paligid, sya lang magisa dito, madilim ang selda at pakiramdam nya ay anumang sandali ay may magpapakita. Isang mahinang iyak ang kanyang naririnig. 

"YSA.. YSA.." 

"SINO KA?!!"takot na takot na wika ni Ysa. 

"YSA.. " 

"SINO KA SABI!"takot man ay matapang na naglaka loob si Ysang tanungin kung sino ang may ari ng tinig. 

Imbes na sumagot ay isang nakakikilabot na hikbi ang narinig nya. 

"SINO KA BA TALAGA?!"tanong ni Ysa at nanginginig na lumapit sa rehas. 

"YSA.. YSA.. YSA.."tila galing sa lupang tawag ng lalaking wari bay hirap na hirap. 

Humawak si Ysa sa rehas at parang praning na iginala ang mata sa paligid. 

"YSAAAAAAAHHHHH"isang kamay ang biglang humawak sa kanya paa at.. 

"AAAGGGHHHHHHHHHHHH" 

Paglingon nya ay nandoon ang kalunos lunos na itsura ni Daniel Rivera, duguan ang mukha at katawan. 

"EEEEEEEEEHHHHHHHHHHHH!" 

"FAJARDO MAY DALAW KA!"biglang balikwas ng bangon si Ysa na nakatulog pala sa sobrang pagod. 

"Ysa.."si Lexin, ang kanyang si Lexin, bakas sa mukha nito ang labis labis na pagaalala, maayos na ang itsura nito kumpara nung huli nya makita. Hindi alam ni Ysa ang mararamdaman ng sandaling iyon, gusto nyang pakita kay Lexin na matapang sya pero ng ngumiti ito sa kanya ay kusang bumigay ang damdamin nya. 

"LEXIINN.."iyak nya kasabay noon ang sunod sunod na hagulgol at yumuko sya na parang bata. 

"Ysa.. Tama na, wag ka ng umiyak.. Nandito na ako.. Nandito na ako.."sabi ni Lexin na walang magawa dahil sa rehas na nakaharang, gustong gusto nyang yakapin si Ysa. Gustong gusto nyang ipadama dito na hindi nya sya pababayaan. 

"Lexin.."narinig nyang sabi ng abogado. 

"Attorney, ano? Kamusta? Mailalabas nyo ba ngayon si Ysa?"tanong ni Lexin، iling lang ang sinagot ng abogado. 

"Mukhang malakas si Daniel Rivera, nakahold lang sya dito, at mahigpit na pinagbabawalan ang pagpipyanasa kay Ysa."wika ng abogado at saka tiningnan si Ysa na umiiyak pa din. 

"Mga Putangin* pala nila eh! Anong klaseng sistema ba yan!"galit na galit na sabi ni Lexin, sakto namang may papasok na pulis, agad tong hinablot ni Lexin at bago pa ito makabunot ay nakuha na ni Lexin ang baril at tinutok ito sa loob ng bibig ng pulis. 

"MGA PUTANGN*NG PULIS KAYO! ANONG KLASENG PAMAMALAKAD MERON KAYO!"galit na galit si Lexin. 

"Lexin.. Hindi mo masosolve ang problema na ganyan, baka pareho pa kayong makulong ni Ysa.."payo ni Atty. Moncada na kinakabahan na rin ng mga sandaling iyon. Si Ysa naman ay napatingin kay Lexin ng mga sandaling iyon, para syang kinilabutan sa aura ni Lexin, pakiramdam nya ay hindi iyon ang Lexin na kilala nya. 

Si Lexin naman ay tila nahimasmasan, at pagkadakay tinulak ang pulis pero hindi binitiwan ang baril. Lumapit ito sa rehas at naalala si Ysa. 

"Ilalabas kita dito, kahit anong mangyari.."paniniguro nya, si Ysa naman ay tumayo at iika ikang lumapit Sa rehas, doon napansin ni Lexin ang tama ng baril sa hita ni Ysa. 

"May Tama ka? Bakit nandito ka? Bakit hindi ka dinala sa hospital? Baka lumala yan!!"sabi ni Lexin at saka nanlilisik ang matang binalingan ang pulis na hindi pa rin nakakarecover sa ginawang pananakot ni Lexin. 

"MGA HAYOP KAYO!!"sigaw ni Lexin at saka isang malakas na suntok ang binigay dito, huli na bago nakaawat ang abogado. "PAPATAYIN NYO BA SYA! BAKIT NANDITO SYA AT WALA SA HOSPITAL!! ANO!!"susuntukin pa sana ni Lexin ang pulis ng pumasok si Bonker at Adrian. 

"BITIWAN MO SYA!"sigaw ni Bonker habang nakatutok kay Lexin ang baril. Napahinto si Lexin at tinitigan sila. 

"Anong klaseng mga pulis kayo? Paano nyo nagawang ikulong kaagad ang taong may tama ng baril, tapos ayaw nyo pa papyansahan.."galit na sabi ni Lexin. 


"Mr. Apostol, utos po sa taas yon at hindi pwedeng.."si Adrian. 

"WALA BA KAYONG SARILING PANININDIGAN?!!"putol ni Lexin sa mga sasabihin pa ni Adrian. "MGA PULIS PA MAN DIN KAYO..pweh!"pagkasabi non ay dumura si Lexin at binitiwan ang pulis. "Gusto nyo ng palakasan? Pwes, pakisabi diyan sa nasa taas nyo na namnamin na nya kung nasaan man sya dahil huling araw na nya.."mayabang na wika ni Lexin at saka lumingon kay Atty. Moncada."Attorney, alam mo na siguro ang dapat mo kausapin.."wika ni Lexin at saka humarap sa dalawa pang pulis. "At pakisabi kay Daniel Rivera na hindi nya palalampasin ni Lexin Apostol itong pagpapahirap nya kay Ysa. Sisiguraduhin ko yan" 

Ang abogado naman ay may tinawagan sa Cellphone, si Lexin ay lumapit ulit kay Ysa na nakahawak sa rehas, hinawakan ni Lexin ang kamay nito. "Pinapangako ko na lalabas ka din dito.." 

"Hindi ako ang pumatay kay Corine.."ani Ysa na tumutulo ang luha. 

"ALAM KO.."tipid at makahulugang wika ni Lexin. 

"LEXIN, kakausapin ka daw ni Genaral.."tawag ng abogado, lumapit naman kaagad si Lexin at lumabas kasunod ang abogado. 

Si Bonker naman ay lumapit kay Ysa dala ang paper bag, inabot nya iyon kay Ysa. 

"Ano to?"tanong ni Ysa. 

"Pinabibigay ni Carlo.."sagot ni Bonker. 

"Buhay sya? Buhay si Carlo?"parang nabuhayan si Ysa. "Nasaan sya.." 

"Hindi ko din alam, basta ang alam ko, kung nasaan man sya ngayon, may kinalaman ito sa mga pinagdadaanan mo.."sagot ni Bonker, kinuha ni Ysa ang paper bag, uusisain na sana nya ang laman pero pumasok muli si Lexin, si Atty. Moncada kasunod ang dalawang pulis dala ang susi. Dire diretso sila sa kulungan at binuksan ito. 

"Anong nangyari at pinakakawalan nyo na?"tanong ni Adrian. 

"Tumawag si General, galit na galit, pag daw hindi pa nakalabas si Miss Fajardo ay tatanggalin tayo lahat.."sagot ng pulis at saka sinusian ang padlock. 

Sinalubong ni Lexin ang papalabas na si Ysa pero bago pa ito nakalapit sa dalaga ay nawalan na ng malay ang dalaga. 

"YSA!!" 



"Wala na?Paanong wala na?"si Flor, kakarating lang nila sa presinto, kinailangan muna nilang isugod si Lina sa hospital dahil hinimatay pero ng umayos ito ay dali daling nagaya sa anak na si Ysa, pero eto nga at huli na sila. 

"Sinong kAsama?"usisa ni Flor. 

"Yung anak ni Gov, sinugod nila sa hospital dahil nawalan ng malay dahil sa tama ng baril sa hita"kwento ng pulis. 

"Ang anak ko.."palahaw ni Lina. 

"Ma, chill ka lang, "pagpapahinahon ni Flor sa ina. "Sir, alam nyo po ba kung saang hospital?"tanong pa nya. 

"Hindi ko alam eh.."sagot ng pulis at nagpatuloy sa ginagawa. 

Napahawak naman sa ulo si Flor na wari bay sumasakit ito. 

"Nasaan kaya ang kapatid mo Flor?"punong puno ng pagaalalang tanong ni Lina. 

"Ma, wag kang magalala, kung nasaan man siguro si Ysa ay hindi dya pababayaan ni Lexin.."wika ni Flor pero bakas sa tinig nito ang pagaalala. 

"Flor!" 

Napalingon si Flor sa pinanggalingan ng tawag sa kanya. 

"Carlo!" 

"Anong ginagawa nyo dito??"usisa ni Carlo na kararating lang, kasama nito si Axle, oras na nalaman nila ang katotohanan ay agad agad silang umalis kasama si Manang Biday. Agad silang dumiretso sa presinto upang makipagkita sana kay Bonker at pagusapan ang kanilang nadiskubre. Pero laking gulat nya ng madatnan ang ina at kapatid ni Ysa. 

"Si Ysa, napagbintangan sya na pumatay kay Corine.."naiiyak na sabi Flor. 

"Ha! Panong.. Nasaan sya?"si Carlo. 

"Napyansahan na sya, pinyansahan daw sya ni Lexin at dinala sa hospital dahil may tama ng bala sa hita.."sagot ni Flor. Hindi naman napansin ni Ysa ang pagpapalitan ng tingin ni Carlo at Axle. 

"Partner! Nakabalik ka na pala.."narinig nila na bati ni Bonker na kalalabas lang galing sa isang opisina. 

"Sir.. ! Naibigay nyo na po ba kay Ysa yung kahon?"tanong agad ni Carlo na kinakabahan. 

"Oo. Kaninang bago sya mapalaya.." 

"Kailangan na nating mahanap si Ysa.."putol ni Carlo sa mga sasabihin pa ni Bonker. 

"Bakit Carlo? Ano ba talaga ang nangyayari?"mas tumindi ang pagaalala sa tono ni Flor. 

"Saka ko na lang papaliwanags sayo.. Hanapin na natin sya.."sabi ni Carlo at saka bumaling kay Bonker. 

"Kailangan namin ng sasakyan.." 

"Mabuti pa gamitin nyo na lang yung kotse ko, at doon kami ni Adrian sa police car."suhestyon ni Bonker. 

"Isama nyo si Axle, para maipaliwanag nya sa inyo ang lahat.."si Carlo agad binigay ni Bonker at saka lumakad na. 



"SINO KA!! ANONG KAILANGAN MO SA AKIN?!"si Daniel, nagising na lang sya na nakatali sa isang upuan, ang huling natatandaan nya ay palabas na sya sa LAC papunta sa presinto dahil nabalitaan nya na napalaya ang suspect sa pagkamatay ng anak nya. Isang matigas na bagay ang tumama sa ulo nya. Hindi na nya alam ang sumunod na nangyari. At eto nga ay nagising lang syang nakatali sa isang upuan. 

May tao sa harapan nya pero masyadong madilim kaya hindi nya ito mamukhaan. 

"SINO KA! ANONG KAILANGAN MO??PERA BA! BIBIGYAN KITA PAKAWALAN MO AKO DITO!!"sigaw nya. Isang mapait na tawa ang pinakawalan ng lalaking kausap. At kapagdakay lumapit sa kanya. 

"Pera.. Aanhin ko pera mo!"malamig na sabi ng lalaki at saka nalantad kay Daniel ang pagkatao nito.

"IKAW!!! ANONG.. " 

"Nagulat ka ba? Ako nga.. Ako nga ito..!!"sagot ng lalaki na nasa likod ang mga kamay at maya maya ay nilabas nito ang isang gunting na malaki na pinanggugupit ng damo. 

"Anong gagawin mo diyan??"pero imbes na sumagot ang lalaki ay binuka nya ang gunting at ginupit ang tenga ni Daniel. 

"AAAHHHRRGGGHHHHHHHHHH"hindi nakuntento ang lalaki sa pagpapahirap kay Daniel dahil ng sumigaw ito ay hinila nito ang dila at ginupit. Umagos ang dugo sa bibig ni Daniel pero hindi nasiyahan ang lalaki dahil sunod namang ginupit nito ay ang ilong, nagkandaihi si Daniel dahil sa hirap na nadarama. 

"Masakit ba? Masakit ba? Kulang pa yan..kasunod noon ay ang pagtusok nya ng dalawang tanim sa dalawang mata ni Daniel. Sunod nyang ginupit ang daliri sa paa nito at pinag-gupit gupit ang damit, hanggang sa mahubaran ito. Pagkadakay ginupit nito ang maselang bahagi ni Daniel. Puro dugo ang umaagos sa katawan nito. Hinang hina na si Daniel kaya naman ng kalagan ng lalaki ang tali nya ay di na nya nakuhang manlaban. Naramdaman na lang nyang hinihila sya nito kung saan. Hhuminto sila sa isang tila kwarto pero maliit ang silid, isang tao lang ang kasya, binuksan yun ng lalaki at doon ay sandamakmak na daga ang nakaabang sa duguang katawan ni Daniel. 

"Dito ka bagay hayop ka!" 



"Miss Fajardo, are you okay?"narinig ni Ysang tanong ni Atty. Moncada. Dahan dahang dinila ni Ysa ang mata. 

"Nasaan ako?"pupungas pungas na tanong ni Ysa. 

"Nandito ka sa bahay nila Lexin sa Tagaytay, regalo ito ni Maita sa anak. "sagot ng Doctor. 

Babangon na sana si Ysa pero kumikirot paa ng sugat nya. 

"Huwag mong piliting bumangon Ysa, masyado ka pang mahina, mas makakabuti sayo kung magpapahinga kang mabuti."ani ng abogado. 

Napapikit si Ysa at inalala lahat ng mga nangyari sa kanya, hindi sya makapaniwalang nangyayari lahat ng ito sa kanya, nagsimula lang ito mula ng pumasok sya sa LAC. 

"Hindi ka na pinadala ni Lexin sa hospital, doctor na mismo ang pinapunta nya dito, ayaw daw kasi nyang may manggulo sayo."kwento ng attorney na nakatanaw sa may bintana at nakapamulsa pa. 

"Nasaan po si Lexin..?"tanong ni Ysa ng maalala na wala ang binata sa paligid. 

"May aasikasuhin lang daw sya at babalik ulit. Hindi pa nga sya bumabalik mula kahapon.."sakto namang pagksabi nya noon ay bumukas ang pinto at niluwa noon si Lexin, may dala itong tray ng pagkain. 

"Good Morning.. Breakfast in Bed!"nakangiting sabi ni Lexin na gwapong gwapo sa suot nitong puting tshirt at kakhi na short. 

Isang tipid na ngiti lang ang binalik ni Ysa dito. Inilapag ni Lexin ang dalang pagkain. Hush brown, Hot dog, corned beef, may soup pa sa gilid, at may prutas pa, may isang basong gatas din ang kasama nito. 

"Kumain ka na mabuti at kailangan mo ng lakas Ysa para gumaling ka kaagad.."wika ni Lexin habang hinihiwa hiwa nito ang pagkain."Inasikaso ko na yung kaso mo, hindi ka na nila guguluhin.."saka sinubo kay Ysa ang hiniwang pagkain. 

"Sige na.. Wag ka na mahiya.. Ano ka ba.."pilit ni Lexin kaya naman sinubo ito ni Ysa. 

"Bakit mo ba ginagawa sa akin to Lexin.. Alam naman nating.." 

"Hindi tayo magkapatid Ysa.." 

"Ano? Paanong.."hindi makapaniwalang sabi ni Ysa. 

"Hindi ako tunay na anak nila Mama, pinagtapat nya sa akin sa video na ginawa nya.."ngiting sabi ni Lexin. 

"Bakit sa lahat ata ng ampon ikaw ang masaya...?"tanong ni Ysa. 

"Dahil isa lang ang ibig sabihin nito, hindi tayo magkapatid at pwede na tayo.."sambit ni Lexin sabay hawak sa mga kamay ni Ysa. 

Hindi alam ni Ysa ang mararamdaman nya ng mga sandaling iyon, walang duda na mahal na mahal nya si Lexin pero iba na ang sitwasyon ngayon, masyado ng madaming nangyari lalong lalo na kay Lexin, sinisisi nya sa sarili ang sunod sunod na kamalasan ni Lexin, pakiramdam nya ay nahawahan nya ito ng kamalasan. 

"Ysa.. Will you marry me?"naputol ang pagmumuni muni nya ng marinig ang nakakashock na tanong na iyon. 

"Ano..!" 

"Ysa look.. Mahal natin ang isat isa, doon naman tayo pupunta kaya bakit pa natin patatagalin.."sabi ni Lexin at saka hinarap si Ysa. 

Para namang hindi naging komprtable ang abogado kaya kusa na itong umalis. 

"Lalabas na muna ako.."paalam nito. Pagkalabas nito ay hinarap muli ni Lexin si Ysa. 

"Mahal na Mahal kita at wala ng makakapagpahiwalay sa atin.."madamdaming wika ni Lexin. 

Gulong gulo ang isip ni Ysa, hindi nya alam ang sasabihin, ayaw din nyang mawala si Lexin sa buhay nya pero alam nyang mali pa ang magsama sila. 

"Lexin..masyadong madaming nangyari para ituloy pa natin ang relasyong ito.."ang nasabi na lang ni Ysa saka binawi ang kamay kay Lexin. "Nagkandamalas malas ka dahil sa akin, namatay ang mga mahal mo sa buhay dahil sa akin, ayokong dumating ang pagkakataon na ikaw naman ang mawawala sa akin dahil sa kamalasan at kababalaghang nangyayari sa buhay ko.."sabi ni Ysa. 

"Wag mo sabihin yan Ysa.."pigil dito ni Lexin at saka kinuha ang kamay muli ni Ysa at hinalikan. "Ikaw ang pinakatamang nangyari sa buhay ko, ikaw ang hangin ko, tubig ko, ikaw ang dahilan ko kung bakit ako nabubuhay, at kahit kailan hindi ko inisip na malas ka sa akin dahil hindi mapapantayan ng kahit sino mang nanalo sa mga contest na yan ang kaswertahang dala mo sa akin.."sabi ni Lexin. 

Napatingin dito si Ysa at parang hinaplos nito ang kanyang puso sa mga binitiwang salita. Hinawakan nya ang mga pisngi ni Lexin at ngumiti. 

"Ikaw na lang ang natitirang magandang alaala ko sa LAC, at ayokong dumating ang oras na pati magandang ala ala ay wala na ako sayo dahil nawala ka na rin sa buhay ko.. Ayokong dumating ang pagkakataong iyon dahil hinding hindi ko kakayanin.."kinuha ni Lexin ang kamay ni Ysa mula sa pisngi nya at nilipat sa tapat ng puso nya. 

"hinding hindi ako mawawala sayo.. Pinapangako ko, kung kinakailangang pati kamatayan labanan ko.. Gagawin ko.. Mahal na Mahal kita Maria Ysabella Fajardo, ikaw ang nagiisang Campus Queen ng buhay ko.." 

"Mahal na mahal din kita, Sobra sobra kitang mahal Lexin.."bulalas ni Ysa, unti unting nilapat ni Lexin ang mga labi sa labi ni Ysa at isang matamis at maalab na halik ang kanilang pinagsaluhan. 

Nang mga sandaling iyon ay ang tanging nasa isip ni Ysa ay pagpapaubaya, sa mga gantong pagkakataon nya kailangan ng isang Lexin sa buhay nya. 

Masyadong naging mainit ang mga sandaling iyon sa pagitan ni Ysa at Lexin, kapwa sila nakalimot at hindi inalintana ang mga problemang kakaharapin, tuluyan ng pinagkaloob ni Ysa ang sarili sa lalaking minamahal, paulit ulit syang inangking ni Lexin at paulit ulit ding nagpaubaya si Ysa. 



*** 

"YSA..!" 

"TRISTAN!!"tawag niya sa binata na nasa tabing dagat, sa likod nito ang malalakas na alon. Tumakbo papalapit dito si Ysa. 

"Bakit ang tagal mong nawala! Bakit hindi ka nagpaparamdam! Akala ko ba nandyan ka lang lagi para sa akin pero bakit wala ka ng mga sandaling kailangan kita!"nagtatampong wika ni Ysa. 

Pero nakatitig lang sa kanya si Tristan at kapagdakay tumanaw sa malayo at kapagdakay lumakad papunta sa dagat. 

"Saan ka pupuntaa, baka mapano ka diyan ! Bumalik ka dito," sinundan ito ni Ysa. "TRISTAN!" 

"Ysa..kung sakaling buhay pa ako at ako ang unang nakilala mo sa LAC may pag asa kayang ako ang minahal mo at hindi si Lexin.."nagulat si Ysa sa tanong iyon ni Tristan, tinitigan nya maigi ito, wala ang nakasanayan nyang ngiti sa mga labi nito, bagkos ay seryosong Tristan ang nasa harap nya. 

"Tristan Ano ba ang sinasabi mo?" 

"Sana ako na lang sya.. Kung alam ko lang na mangyayari ito, sana pinaglaban ko ang buhay ko para mabigyan ako ng pagkakataong makilala ka.. Ako sana sya Ysa, ako sana ang mahal mo.."malungkot na wika ni Tristan at saka naglakad papalapit sa dagat. 

"ANO! IIWAN MO NA AKO! HA TRISTAN! IIWAN MO NA AKO!!"iyak ni Ysa, nilingon naman sya ni Tristan. "Wag.. Wag mo akong iwan.. Hindi ko kaya.." 

"Kung pwede lang Ysa, kung pwede lang.. Pero hanggang dito na lang ako.."pigil ang luhang sabi ni Tristan saka tinuloy ang paglalakad hanggang sa lamunin ito ng malaking alon. 

"TRISTAAAAANNNNNNNNN!!" 



Napabalikwas ng bangon si Ysa, hihingal hingal at parang may kung anong kurot sa puso nya, parang may isang parte ng puso nya ang kulang. 

Napatingin si Ysa kay Lexin na tulog na tulog,naalala nya ang mainit na sandaling pinagsaluhan nila, sa kabila ng sugat sa mga hita nya, napangiti na lang sya ng makita ang lalaking minamahal pero pilit sumisiksik si Tristan sa isip nya. Nakataglid si Lexin sa kanya, yayakapin sana nya ito ng may makitang kung ano sa may batok nito. Kunot noong hinawi nya ito at nanlaki ang mata nya ng makita nya ang natatakpan ng buhok. 

Isang tattoo, Isang maliit na butterfly na kulay itim. Pilit nyang inalala kung saan nya nakita ang markang yon. 

*** 
"Marj! Marj.. Nandiyan ka ba?!"tawag ni Ysa sa bahay nila Marj pero kusa na tong bumukas. Pumasok sila at nakita nya kaagad ang Computer nila na bukas. 

"Marj.. Marj.."tawag nya. 

"Ysa ikaw ba yan.."narinig nyang tanOng ni Marj. 

Hinanap naman ni Ysa si Marj at nakita nya to sa ilalim ng sofa na nakasiksik. 

"Marj! Anong ginagawa mo dyan?"tanong ni Ysa at saka nilapitan ang kaibigan. 

"Yung.. Y-yung p-papel s-sa I-ibabaw ng C-computer, k-kunin mo, Y-yung k-killer, m-meron sya N-noon"nagkakandautal sa takot na sabi ni Marj at saka lalong sumiksik sa ilalim ng sofa. 

"Anong Papel? Anong killer?"takang tanong ni Ysa. 

"Ysa.."tawag ni Tristan na nasa harapan ng computer. "Eto siguro yung sinasabi nya"sabi ni Tristan na hawak hawak ang papel na dinrawingan ni Marj. 

Lumapit si Marj kay Tristan para tingnan ang papel, na makita ito ay nakita nya anh drawing na paru paro. Takang taka sya sa hawak na papel. 

*** 

Napahawak si Ysa sa bibig sa ala alang iyon, naiiling at hindi makapaniwala si Ysa sa natuklasan. 

"HINDI.. HINDI PWEDE.."biglang naalala ni Ysa ang kahon na binigay ni Bonker, tumingin sya sa paligid at nagbakasakaling nandoon iyon at swerte sya ng mahagip ang kahon. Iika ika nyang tinungo ang kahon. Nanginginig ang kamay na binuksan nya ito at bumulaga sa kanya ang mga larawan ng isang babae, si Arianne, kayakap ang isang lalaki,, walang iba kung hindi si Lexin, shock na shock na tiningnan pa nya ang mga nasa kahon at isa pang larawan ang nagpalaki ng mata nya. Si Lexin at Tristan magkaakbay. "Magkakilala sila"may mga sulat doon na binasa nya, mga sulat ng pagmamahal galing kay Lexin. At sa kahong iyon ay tumambad sa kanya ang isang kwintas, kaparehong kapareho ng binigay sa kanya ni Lexin. Hindi sya makapaniwala, napahawak na lang sya sa bibig at iiling iling, nahagip ng mata nya ang tape recorder, pinlay nya ito at pinakinggan. 

"Ako si Arianne Liu, at eto ang unang araw ko sa LAC, isa akong scholar.. Sana maging masya ang araw na ito.." 

"Unang araw pa lang may nambubwiset na sa akin, mabuti na lang pinagtanggol ako ni Lexin at ng kaibigan nyang si Tristan." 

"Hay salamat at nakita din kita, akala ko mawawala ka na ng tuluyan, bwiset kasi sila April, mabuti na lang nabawi ka ni Lexin." 

"Masya talaga ako dahil ibang atensyon ang binibigay sa akin ni Lexin at Tristan, maswerte ako at nakilala ko sila" 

"Tagal ko ng di nakapagsabi sayo, paano naman puro na lang ako iyak, at madalas si Tristan ang nakakausap ko.." 

"Ang daming kakaibang nangyayari sa School, may mga nagpaparamdam sa may cr ng girls, may namatay daw kasing teacher doon.. Katakot, magisa pa naman ako ngayon.." 

"Interesado talaga akong malaman ang tungko sa teacher na namatay, kailangan kong malaman kung ano ang gusto nya at nanggugulo sya." 

"Lucia Rivera, asawa ng chairman of the board ng LAC, anak ng Congressman sa isang probinsya na nagmamayari ng Hacienda Fuentes, mabuti na lamang at tinuruan ako ni Tristan maghack ng files, kung hindi, hindi ko malalaman ang tungkol sa Black Lady, buti na lang kasi lahat ng files about doon burado na" 

"Nagtapat na sa akin si Lexin, and sa unang araw ng aming pagiging magkarelasyon ay binigay ko sa kanya ang pinakaingat ingatan kong pagkababae, mahal ko sya pero mahal ko din si Tristan.." 

"Mula ng maging kami ni Lexin ay naging mailap na si Tristan, tapos si Charm galit na galit sa akin, hindi ba ako pwedeng maging masaya na walang nasasaktan.." 

"Wala na ata akong ihaharap sa mga school after ng nangyari, napakawalang hiya nila April..mabuti na lang nadyan si Tristan at Lexin.." 

"Nakakatakot, sunod sunod na patayan ang nangyayari sa school, at karamihan, mga may atraso sa akin, sana hindi ako maging suspect.." 

"Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, nahuli ni Lexin na magkayakap kami ni Tristan at ibang Lexin ang nakita ko, naging para syang ibang tao pag galit sya..(isang tunog ng katok ang maririnig) 


"Sino yan?"boses ni Arianne at saka binuksan ang pinto. "O bakit nandito ka, gabi na, baka makita ka ni Miss Alumpihit, umalis ka na dito.." 

"eh kung si Tristan kaya ang nandito, malamang papasukin mo sya.."tinig ni Lexin. 

"Ano ka ba Lexin, umalis ka na.. Ayoko ng gulo.." 

"Gulo! Ikaw tong nagumpisa ng gulo, tinuhog mo kaming magkaibigan, anong klaseng babae ka!" 

"Magkaibigan lang kami ni Tristan! Malisyoso ka lang talaga!" 

"Sinungaling!!" 

"Alam mo namang yung babae sa drawing ang mahal ni Tristan diba! Ano pa ba ang problema mo!" 

"Sabihin mo sa akin Arianne, Mahal mo ba si Tristan! Mahal mo ba sya?!" 

"OO! MASYA KA NA! MAHAL KO DIN SYA, HINDI KO SINASADYANG SABAY KAYONG MAHALIN! PERO ALAM KONG HINDI NYO AKO MAHAL KUNG HINDI YUNG BABAE SA DRAWING NA HINDI NAMAN TOTOO! PERO ANO, PINILIT NYO PA RIN SYANG HANAPIN!" 

"alam mong minahal kita Arianne, kaya ng nagawa kong patayin lahat ng nanakit sayo!!" 

"IKAW.. IKAW ANG PUMATAY SA KANILA!" 

"Ginawa ko yun dahil sinasaktan ka nila!" 

"Peor hindi mo dapat ginawa yon!" 

"Mahal kita kaya ko ginawa yon, at pag nasasaktan ka, nasasaktan din ako at pag nasasaktan ako, pumapatay ako.. Alam mo bang nasasaktan mo ako ngayon.." 

"Anong ibig mong sabihin? Ano yan.. Lexin.. Hindi magandang biro yan, ibaba mo yang kutsilyo na yan! Lexin waag.. Waaag! Aarggggghhh!" 

Puro kalabog na lang ang narinig ni Ysa sa tape recorder. 

Nanginginig ang buo nyang katawan, pilit nyang inalala lahat lahat, namatay sila Yuan, sila Bea, si Alberto, si Corine, lahat iyon ay pawang mga nanakit sa kanya, hindi kaya, napalingon sya kay Lexin na natutulog pa rin hanggang ngayon. 

Biglang nagring ang cellphone ni Lexin, agad nyang kinuha yon, ang ate nya ang tumatawag. 

"Hello Lexin! Nasaan ang kapatid ko! Bakit ayaw mong sagutin ang mga text at tawag ko!!" 

"Ate Flor.. "sagot ni Ysa. 

"Ysa! Ysa.. Carlo si Ysa..!"narinig nyang sabi ng ate nya, maya maya ay hindi na si Flor ang kausap kung hindi si Carlo. 

"Ysa nasaan ka?" 

"Nandito sa Tagaytay, sa bahay nila Lexin dito.." 

"Mabuti na lamang pala at tama ang pinuntahan namin, nagbakasakali lang kami pero sa awa ng diyos, diyan kami dadalin ng mga paa namin, malapit na kami dyan Ysa, pero ang gusto ko ay umalis ka na diyan habang may panahon pa.. Ysa, delikado si Lexin, sya ang killer, sya ang pumapatay, sila ng nanay nya, nag kaluluwa ng nanay nya..ng tunay nyang ina.."mabilis na kwento ni Carlo. 

"Si Lucia ay kapatid ng kinilalang ina ni Lexin na si Maita, isang kahihiyan ang pagbubuntis ni Lucia noon dahil kasal na si Crisanto kaya naman ng ipanganak ito ay pinalabas nilang patay na ang bata at binigay na lang kay Maita, si Lucia naman ay hindi makapaniwala, labis labis ang hinagpis nya, ang anak nya na lamang ang pinanghahawakan para bumalik si Crisanto sa buhay nya kaya umampon siya, si Corine at pinalabas nyang yun ang anak nya kay Crisanto, pero hindi kinilala ni Crisanto ang bata kaya naman napilitan na lang syang magpakasal kay Daniel, Ysa kailangan mong umalis diyan, delikado si Lexin, kagabi ay pinatay nya si Daniel" 

"SINO YAN!"si Lexin. 

Nanginginig na napalingon si Ysa ng marinig ang boses ni Lexin na gising na pala. 

"SABI KO SINO YANG KAUSAP MO!"tanong ni Lexin na parang nanguusig. Pinatay ni Ysa ang cellphone at matapang na hinarap si Lexin. 

"IKAW BA ANG PUMATAY KAY TRISTAN?!"malakas ang loob na tanong nya. 

"ANONG.." 

"Wag ka ng magmaang maangan Lexin! Alam ko na! Ikaw ang killer, ikaw!"nanginginig man sa takot ay pinilit ni Ysang magpakatatag. 

"YSA.. LET ME EXPLAIN, KAYA KO LANG NAMAN NAGAWA YON DAHIL SINASAKTAN KA NILA.."si Lexin na akmang lalapit sa kanya. 

"HUWAG KANG LALAPIT! BAKIT PATI MGA KAIBIGAN KO AT ANG PAPA KO PATI SI ATE ALEXA DINAMAY NG INA MO!!"takot na takot na si Ysa pero hindi nya pinahalata. 

"HINDI KO ALAM ANG SINASABI MO, YSA.. DIKO PINATAY SILA AILEEN.. May sakit ako.. Pag may nanakit sa akin at sa taong mahal ko hindi ko mapigilang patayin sila.. Pinilit kong baguhin yun mula ng makilala kita, kaya nacocontrol ko na ang sarili ko pero yung ginawa nila Yuan, hindi ko mapapalampas yon!"pagpapaliwanag ni Lexin. 


"At si Tristan! Anong kasalanan nya sayo!"tanong ni Ysa. 

"Paano mo sya.." 

"Sa maniwala ka man o sa hindi ay naging kaibigan ko sya, at wala akong kaalam alam na matagal na pala siyang patay.."kwento ni Ysa. 

"YSA.. Hindi ko sya pinatay.. Hindi ko pinatay si Tristan.. Kusa syang tumalon sa rooftop.. Hindi ko sya napigil.. "si Lexin. 

"SINUNGALING! AKALA MO BA MANINIWALA PA AKO SAYO! MAMAMATAY TAO KA!!"matapang na sabi ni Ysa. 

Napayuko si Lexin at maya maya ay isang nakakademonyong tawa ang narinig nya mula dito. 

"Hahahaahahaha! OO PINATAY KO SILA! PINATAY KO SILANG LAHAT! DAHIL MGA HAYOP SILA! AT SI TRISTAN, OO TINULAK KO SYA! PERO SYA ANG MAY GUSTO NON DAHIL TRAYDOR SYA! "ibang ibang Lexin ang nakikita ni Ysa sa harap nya. 

"PATI SI ARIANNE PINATAY MO..ANONG KLASE KA!!"sigaw ni Ysa na umaatras papunta sa flower vase na malapit. 

"ayaw mo na ba sa akin Ysa? Hindi mo na ako mahal? pinatay ko sila dahil sinasaktan nila ako.. At sinasaktan ka nila.."si Lexin na lumalapit na kay Ysa. Kukunin na sana nya ang vase pero biglang lumakas ang hangin at nagliparan ang mga gamit. 

"SINO KA! GAGO KA ! SINO KA!"si Lexin iyon. Yun ang naging pagkakataon ni Ysa, iika ika nyang tinakbo ang pintuan pero nakita nyang may mga lumalabas na dugo doon sa mga gilid. 

"AAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH" 

"Saan ka pupunta?"hablot ni Lexin sa leeg ni Ysa. "IIWAN MO DIN AKO? PAPATAYIN MO DIN AKO!!"saka ito hinigpitan sa leeg. 

"EERRKK BITI-ERRK WAN MO AKERRK"hirap na hirap na sabi ni Ysa. 

"HINDI KITA BIBITAWAN DAHIL MAHAL KITA.. AKIN KA! AKIN KA!"nanlilisik ang matang sabi ni Lexin, saka hinila si Ysa sa may bintana at tinapat sa may bintana at binitwan ang leeg. 

"AYAW MO NA BA SA AKIN..HA YSA?"sabi ni Lexin at saka hinimas himas ang pisngi nito. 

Isang dura ang sinagot dito ni Ysa at dahil doon ay malakas na tinulak ni Lexin si Ysa sa may bintana dahilan para mabasag ito at mahulog si Ysa kasabay noon ay ang sunod sunod na pUtok ng baril. 



"YSA.. YSA.. "napadilat si Ysa, dahan dahan, pakiramdam nya ay ang bigat ng katawan nya. Nakita nya nakatingin sa kanya. 

"Anak gising ka na sa wakas.."nakangiting sabi ni Lina. 

"Ma, anong nangyari?"tanong ni Ysa. 

"huli na ng dumating sila Carlo, naihulog ka na ni Lexin sa bintana saktong pagdating ng mga pulis, sunod sunod na baril ang ginawa nila kay Lexin.."kwento ng ina. "Mabuti na lang at kahit mataas ang binagsakan mo ay gas gas lang ang nakuha mo, lakas mo talaga sa guardian angel mo anak.."biro ng ina, napangiti din si Ysa kahit hirap na hirap. Alam nya kasing si Tristan ang tinutukoy nito. 

Ilang araw ding naconfine si Ysa sa hosptal, pagkatapos bumuti ay pinayagan na syang umuwi, habang naghihintay na makabayad ang ina ay nakaupo ito sa may waiting area ng may isang batang babae ang lumapit sa kanya na may dalang puting rosas. 

"Kanino ito galing..?"usisa nya sa bata. 

"Sa Guardian Angel nyo po, hihihi.."sagot ng binata at saka nagmamadaling tumakbo. Hindi na nya ito nahabol kaya hinayaan na lang nya ang bata. 

"YSA SINONG KAUSAP MO?"nagulat si Ysa sa may ari ng tinig, si Carlo. 

"YUNG BATA.. " 

"Sinong bata?"kunot ang noong sabi ni Carlo. 

"Yung nagbigay sa akin ng flower.. Ano pa ba?"sagot ni Ysa. 

"Wala namang bata eh.."titinging tinging sabi ni Carlo. 

"Meron yan dimo lang nakita, hayaan mo na nga, ano bang kailangan mo?"si Ysa, lumapit sa kanya si Carlo at may inabot. 

"Ano to?"tanong ni Ysa sabay kuha ng maliit na sisidlan na kulay itim. 

"Yan yung pinakuha mo sa akin non sa bahay nila Alexa diba?"sagot ni Carlo at saka tumayo at nagpaalam ulit. "Maiwan na kita at may aasikauhin pa ako." 

"SIGE.."sagot ni Ysa at saka binuksan ang sisidlan at tiningnan ang bag, isang batong puti ang nakita nya at isang nakatikop na sulat. Binasa nya ito. 

Batong magbabago sa mga kaganapan, hilingin mo lang at ikaw ay pagbibigyan, siguraduhing natapos ang dapat tapusin upang kapahamakan hindi ka habulin, kung hindi babalik ang dapat bumalik, mauulit ang dapat maulit.. Iyo itong halikan ng tatlong beses at ibulong ang iyong nais. 

"Totoo kaya ito?"diskumpyadong wika ni Ys at saka hinalikan ng tatlong beses ang bato at bumulong. 

"Mabuhay sana ang mga napatay at mabago ang kapalaran ko, si Tristan sana ay nasa bagong simula ko.."parang dumilim ang paligid at nawalan siya ng malay. 


* EPILOGUE * 

"Mommy.. Mommy.. Gising na.. Malelate na tayo nila Daddy.."tawag ng bata kay Ysa. 

Pupungas pungas syang bumangon at napabalikwas ng makita ang bata. Tatanong na sana nya kung sino ang bata pero biglang may pumasok sa pintuan, napalaki ang mata nya ng makita kung sino ito. 

"TRISTAN!" 

"OO AKO NGA.. ANO KA BA PARA KANG NAKAKITA NG MULTO..?"takang tanong nito, napangiti si Ysa at kinausap ang sarili, eh diba nga multo naman talaga sya. 

"LEXIN, lets go na, hayaan mo na si Mommy magayos para makapunta na tayo kila Lola.."aya ni Tristan sa bata, sumama naman ang bata na nasa limang taong gulang na lalaki. 

"LEXIN.. MOMMY ? DADDY ? ANONG NANGYAYARI?"takang takang tanong ni Ysa saka nya naalala ang bato na galing kay Alexa. Napangiti sya at napapikit, "salamat po Lord.."matipid na sabi nya. 



"YSA! ANO KA BA ANG TAGAL NYO NAMAN, KANINA PA KAMI DITO..!"si Marj, kabababa pa lang nila ng kotse ay sinalubong agad sila ni Marj na buhay na buhay, masayang masya syang niyakap ito. 

"Marj, buhay ka! Miss na miss kita.."maluha luhang sabi nya. 

"Ay hindi, ysa patay ako, patay ako.."biro ni Marj, maya maya naman ay si Aileen naman ang nakita nya na buhay na buhay. Tuwang tuwa sya at hindi makapaniwala sa mga nakikita, maging ang amang si Javier ay buhay, niyakap nya ito at takang taka naman sa inasal nya dahil naiiyak pa sya. 

Mas nadagdagan ang tuwa nya ng makita nya ang ate Flor nya, 1st birthday ng anak nito ang okasyon, at ang napangasawa nya ay walang iba kung hindi si Carlo. 

Galak na galak si Ysa sa nararamdaman, lumapit sya kay Tristan at humilig sa balikat nito. 

"Ngayon ko lang narealize Tristan, kung gaano kasaya na nandito ka sa tabi ko.. "pahayag ni Ysa. 

Naguguluhan man ay tumingin sI Tristan kay Ysa at hinalikan ito sa noo. "Alam mo namang mahal na mahal kita kaya di ako pwedeng mawala sa tabi mo." 

"MAHAL DIN PALA KITA TRISTAN.."wala sa loob na nasabi ni Ysa. 

Pagkatapos nilang magusap ni Tristan ay natingin sya sa harap ng bahay nila, doon nya nakita ang bahay nila Alexa, sa isip nya, marahil ay buhay din ito at kailangan nyang magpasalamat dito. 

Pumunta sya dito at hindi na kumatok pa, dire diretso ito sa loob at doon ay hindi nga sya nagkamali dahil buhay si Alexa. Nakaupo ito sa loob ng nakapabilog na kandila sa kanya. 

"Nakabalik ka na pala Ysa.. Natalo mo na sila.."makahulugang sabi nito. 

"Anong ibig mo sabihin?"usisa ni Ysa na nagulat sa sinabi nito, para kasing alam nito ang nangyayari. 

"Nagamit mo ang bato, malamang ay natalo mo na ang babaeng nakaitim.."wika ni Alexa. 

"Alam mo pa rin.." 

"Alam ko ang lahat.." 

"Matapos ang pagkamatay ni Lexin ay pinabless muli ang puntod ni Lucia, at di na sya muling nanggulo pa, marahil ay tahimik na sila kung nasaan sila.."sagot naman ni Alexa. 

"Nasunog mo ba ang labi nya?"tanong ni Alexa. 

"Hindi Bakit?"kitang kita ni YSA ang takot na gumuhit sa mukha ni Alexa. 

"Ginamit mo ang bato na hindi natatapos ang pagsugpo sa babaeng nakaitim.. Ysa! "mataas ang boses na sabi ni Alexa. 

"Bakit? Ano bang problema?"takang tanong Ni Ysa na nagpapanic na rin. 

"BABALIK SILA YSA! BABALIK AT BABALIKAN KA NILA! MAUULIT ANG MGA DAPAT MAULIT! AT SA PAGKAKATAONG ITO AY WALA KA NG KAWALA!"pagkasabi noon ay isang malakas na hangin ang umihip kasabay ng nakakikilabot na tawa ng babae. Nagpatay sindi ang ilaw at kitang kita nya kung panong lumitaw ang babaeng nakaitim sa harapan ni Alexa at sinakal ito hanggang sa mamatay. 

Mabilis na tumakbo si Ysa palabas pero isang pamilyar na lalaki ang nakaharang sa may pinto at may dalang malaking palakol. 

"LEXINNN..."si Ysa.. 

"KAMUSTA MAHAL KO.."wika ni Lexin. 

*THE END*

Campus queen ( Chapter 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon