Napaatras si Ysa dahilan para mabaliktad ang inuupuan, tayuan ang mga estudyante ng makitang nahulog si Ysa, ang iba ay nagbungisngisan, ang iba naman ay nagalala at agad syang nilapitan, dali dali namang lumapit si Marj ng makitang nakatembwang ang kaibigan.
"Ysa! Ano ba ginagawa mo diyan!Bakit dito ka pa nanghuli ng palaka"alalang sabi ni Marj at saka tinayo ang tulalang si Ysa.
"Sis, anong problema? Anong nangyari sayo?"tanong ni Marj pero imbes na sagutin ay nagtatakbo si Marj palabas ng library.
"Ysa!"tawag ni Marj ngunit tuloy tuloy si Ysa, hindi na nya ito nagawang sundan dahil tinawag na sya ng librarian para sa Librong hihiramin nya.
Si Ysa naman ay takot at naguguluhang tumakbo kung saan, ni hindi na nya tiningnan ang dinadaanan kaya hindi nya na rin napansin ang makakasalubong.
"Im sorry,"sabi ni Ysa na hindi man lang tinitingnan kung sino ang nabunggo at saka umalis ulit, kung nagtaas lang sana sya ng ulo ay makikita nya na ang nabunggo nya ay isang lalaking wala ng ulo.
Litong lito si Ysa, ayaw na nya ng gantong kababalaghan, kailangan kausapin nya ang Mama at Papa nya at magpapalipat na sya. Mas gugustuhin pa nyang bumalik sa Siquijor at magpalaprobinsyana doon kaysa naman dito, kung hindi sa mga hari hariang estudyante mga kababalaghan.
+
"Pa.."bungad ni Ysa sa ama, kasalukuyan silang naghahapunan maganak, desidido na talaga syang sabihin sa ama't ina ang plano.
"Ano yun anak?"malungkot na tugon ni Javier.
Napansin naman ni Ysa na malungkot ang ama kaya imbes na sabihin ang gusto ay inusisa nya ito.
"Bakit parang ang lungkot mo Pa?"tanong ni Ysa.
"Wala to anak, kumain ka na lang ng kumain"matamlay na sagot ni Javier.
"Naku.. Anong wala, pwede ba Javier, matanda na yang si Ysa kaya kung ano man ang problema mo ibahagi mo sa kanila."sabat ni Lina.
"Pwede ba Celerina, hayaan mo na ako, ayokong maapektuhan ang mga anak ko sa kung ano man ang problema ko"reklamo ni Javier.
Napatayo si Ysa at umupo sa tabi ng ama. "Pa, ano ba yon? Diba pamilya tayo, kung anong problema ng isa dapa ishare sa pamilya"sabi ni Ysa.
"Oo nga naman Pa, hindi na kami bata, maiintindihan na namin kung ano man ang pinagdadaanan mo"singit naman ni Flor.
"Kita mo na Javier, matatalino ang mga bata, kahit si Lewis, matalino yan.."wika naman ni Lina.
Sa puntong iyon ay bigla na lang naiyak si Javier, tumalungko ito sa mesa, nagulat naman ang mga anak nito, agad lumapit si Flor sa ama samantalang si Lewis ay tumakbo dito at pumangko, si Ysa naman ay titig na titig sa ama.
"Si Congressman Mariano, gusto nyang ibenta ko yung lupain sa Siquijor, ginigipit nya ako, may mangyayari daw sa inyo kapag hindi ko ginawa yun, alam nyo namang pamana pa ng Mama at Papa ag lupa doon, kaya lang naman ako lumipat dito dahil sa dito ako nadestino, tatanggalin nya daw ako sa pagkapulis pag hindi ako pumayag."mahabang salaysay ni Javier, yumakap naman dito ang mga anak, at si Ysa ay parang naputol ang dila,kung tutuusin mas mabigat ang iniinda ng ama kaysa sa iniinda nya, ano naman ang karapatan nyang magreklamo.
+
"So Corine, are you inviting that monster to your party, sabihin mo na nag mas maaga para magback out na kaagad ako"maaryeng sabi ni Mildred.
"So what? eh di wag ka pumunta kung ayaw mo"mataray na sagot ni Corine..
"Corine naman! Pagpapalit mo ba talaga kami sa loser na yon?!"taas na boses ni Bea.