Chapter 10

611 10 1
                                    

"Bakit mo ginawa yon?"sabi ni Ysa ng halikan sya ni Lexin.

"Im sorry, nadala lang ako ng damdamin ko"hingi ng paumanhin ni Lexin at saka bumitaw sa pagkakayakap kay Ysa.

Hindi umimik si Ysa, hindi nya maintindihan ang sarili kung bakit hindi nya nagawang magalit, sa totoo lang, kakaiba ang kanyang naramdaman sa halik na yon, para syang kinuryente at hindi nya maipaliwanag.

"Bakit ka tumatakbo?"biglang iba ni Lexin sa usapan.

Bigla namang kinakitaan na naman ng takot si Ysa ng maalala ang nangyari sa kanya, mangiyak ngiyak nyang kinwento kay Lexin ang lahat lahat.

Biglang namang sinuntok ni Lexin ang pader ng marinig ang kwento ni Ysa, hindi nya mapapalampas ang mga pangyayaring ito.

Gulat na gulat naman si Ysa sa reaksyon ng binata, kanina lang ay hinalikan sya ng mokong na to ngayon naman ay galit na galit ito sa nangyari sa kanya na para bang isa sya sa mga pinangangalagaan nito. 

Galit na galit na lumakad si Lexin patungo sa pinanggalingan nya. Kinabahan si Ysa sa maaring mangyari kaya sinundan nya ito pero hindi pa man sila nakakalayo ay isang malakas na sigaw ang narinig nila.

"Si Marj!!"sabi ni Ysa at saka tumakbo kung saan nanggaling ang sigaw, nakita naman ito ni Lexin kaya imbes na puntahan sila Yuan ay sinundan na lang nito si Ysa.

Naabutan ni Ysa si Marj na nakasiksik sa isang sulok at takot na takot. Agad itong nilapitan ni Ysa.

"Sis, ano nanagyari?"tanong ni Ysa.

"May babae.. Nakaitim.. Nakaitim yung babae, walang mata.. Walang mata.."takot na takot na sabi ni Marj habang tumuturo sa upuan.

Tiningnan ito ni Ysa pero wala namang nandoon, niyakap nya ang kaibigan na nanginginig sa takot.

"Anong nangyari?"Tanong ni Lexin na huli na ng dumating pero hindi kumibo ang dalawang babae, napakibit balikat na lang sya, pero ma nakakapangilabot ang sunod na nangyari nangyari, isang malamig na hangin ang dumaan, pakiramdam ni Lexin ay may dumaan na tao sa harap nya at hindi lang iyon, amoy na amoy nya ang dumaan, parang bulaklak, napayakap si Lexin sa sarili at saka luminga linga sa paligid, at ang mas nagpataas pa sa balahibo ni Lexin ay nang may parang telang dumaan sa braso nya.

"Mabuti pa umuwi na tayo,"biglang salita ni Ysa at saka tinayo si Marj.

"Ihahatid ko na kayo.."sagot ni Lexin at hindi nagpahalatang maging sya at may naramdaman ding kakaiba, baka kasi mas matakot pa ang dalawang babaeng kasama.

+

"ANG TANGA TANGA NYO!! Isang babae lang natakasan kayo!"galit na galit na sita ni Corine kila Yuan at sa mga kabarkada nito.

"Kung nandito ka lang noon Corine, baka pati ikaw manginig sa takot"sagot naman ni Yuan na hindi pa rin makarecover sa nangyaring kababalaghan kanina lang.

"Ang sabihin nyo puro kayo mga duwag at istupido! Ano, pagpupilitan nyo na naman na minulto kayo? Pwede ba! hindi totoo ang multo! Yung kababalaghang nangyayari dito kagagawan lang ng mga janitor na nananakot!"galaiting galaiting sabi ni Corine.

Hindi na kumibo sila Yuan, kabisado din nila ang ugali ni Corine.

"So papaano ngayon? Tiyal magsusumbong yang si Ysa dahil sa kagaguhang ginawa nyo! At sigurado pati ako madadamay!"naalalang sabi ni Corine. "Ni hindi na nga natin magagawa ang plano ayan may aberya na"asar na sabi pa nya at saka naglagay ng alak sa kopita at ininom yon.

Nangisi naman ang magbabarkada sa ginawang paginom ni Corine sa alak, nilagyan kasi nila iyon ng goat pills.

"Huwag ka magalala Corine, ako ang bahala, may plano na ako kaya pwede ba tigilan mo na pagbubunganga mo at baka kasi nakakalimutan mo, nagiisang babae ka lang dito, baka mamaya sayo pa namin maibuhos yung bitin namin sa aswang na yon"inis na ring wika ni Yuan.

Campus queen ( Chapter 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon