Chapter 16

746 12 0
                                    

"Anong oras ka na umuwi kagabi?"sita ng ni Lina sa anak na si Ysa pagkalabas na pagkalabas nito sa kwarto.

"Ah eh.."parang kinakabahang sabi ni Ysa at saka para itong namutla.

"Ysa, tinatanong kita!!"tawag ng ina nito.

"Ma, maagang umuwi si Ysa, maaga ka kaya nakatulog.."pagdedepensa ni Flor sa kapatid.

"Hoy Ysa, kung maari lang, wag kang umuuwi ng gabi at baka mamaya.. Hay, baka mamatay na ang anak mo sa susunod na may mabalitaan na namang masama sayo!"sabi ng ina ni Ysa habang nagpipirito ng itlog.

"Wala naman po ako ginagawang masama eh, at kahit kailan naman po wala akong ginawang masama"tahimik na sabi ni Ysa at saka ito nagtuloy sa banyo para maligo.

Sa loob ng banyo ay naririnig pa rin nya ang galit na ina.

"Sinasabi ko lang sayo Ysa, tama na yung isang kahihiyan na dinala mo sa pamilya natin ah!"dinig nyang sabi nito.

"Ma, tama na.. Kay aga aga.. Baka magising si Papa.."narinig pa nyang pigil ni Flor sa ina.

Napaluha na lang si Ysa sa mga nangyayari, habang nagshashower sya ay kasabay din nito ang pagtulo sa kanyang mga luha. 

Habang nagsasabon ng mukha kung saan ay nakapikit sya ay naramdaman ni Ysa na parang masikip ang galaw nya, parang may mga nakapaligid sa kanya. Agad agad nyang binuksan muli ang gripo pero napabawi ang kamay nya bigla ng maramdamang may kung anong malamig dito, parang may kamay din. Kinusot nya ang matang may sabon at dahan dahang dumilat, wala naman sya nakita kay binuksan nya ang shower, nakapikit pa sya habang nagbabanlaw ng may parang malansa syang maamoy, tumingala sya sa tubig at sinalubong ang buhos nito at saka pinunas ang kamay sa mukha, napansin nya na iba ang amoy ng tubig at parang kakaiba ang pakiramdam nya. Kaya naman iniwas nya ang mata sa tubig at dumilat at halos panawan sya ng ulirat ng makitang imbes na tubig ay dugo ang umaagos dito. 

"AHHHHHHHHHHHHHH" malakas na sigaw ni Ysa at saka hinawi ang shower curtain at doon tumambad sa kanya ang anim na kalalakihan na parang mga duguan, wakwak ang dibdib, at ang mas nakapangilabot pa sa kanya ay ng makilala kung sino ang mga ito. Sila Yuan at ang mga kabarkada nya.

"AHHHHHHHHHHHHHH!"sigaw muli nya at saka napaatras dahilan para madulas sya at tumama ang ulo nya sa semento at mawalan ng malay.

+ S

"Ate.. Ate.. "tawag ni Lewis. "Ate"

Napamulat si Ysa at nakitang nandoon ang Papa nya, Mama nya, Ate nya at si Lewis na alalang alala ang itsura.

"Anong nangyari sayo? Bakit ka sumisigaw sa banyo kanina?"tanong ng ina na tila putlang putla sa pagaalala.

Hindi malaman ni Ysa kung paano ang sasabihin nya sa mgamahal nya sa buhay, ayaw na nya pa itong bigyan ng sama ng loob kaya naman nagsinungling napilitan na lang syang magsinungaling.

"wala po, may nakita kasi akong malaking daga"pgsisinungaling ni Ysa.

"ano ka ba naman Lina, dibat sinabi ko na sayo na tumawag ka na ng pest controller para sa mga daga na yan, ano hihintayin mo pang mabagok na naman yung anak mo??"sita ni Javier sa asawa at saka tumalikod at pumunta ng kwarto.

Parang nasiyahan si Ysa sa reaksyon ng ama dahil tilaba nagaalala ito. napansin naman ito ni Lina.

"O wag kang ngumiti diyan, natural lang na magalala sayo ang ama mo, hindi naman komo may nagawa kang mali ay titigil na kami sa pagmamahal sayo, o sya, gumayak ka na at kumaen, may pasok ka pa!"utos ni Lina sa anak at saka dire diretso itong pumunta sa kusina.

Si Ysa naman ay papunta na sa kanyang kwarto para magbihis ng marinig ang balita sa telebisyon.

"ANIM NA KALALAKIHAN ANG NATAGPUANG WALANG BUHAY SA SCIENCE LABORATORY NG KILALANG SCHOOL NA LOZADA-ARUELO COLLEGE, KINILALA ANG MGA BIKTIMA NA SINA JUANITO DE GUZMAN, AIFREDO GUANZON, ARCADIO DUZON, MAMERTO LISANO, FLORANTE PACHO AT SI MARIO GUINTO. SINASABING WAKWAK ANG DIBDIB NG MGA BIKTIMA AT WALA NG PUSO, SA TABI KUNG SAAN SILA NAKARATAY AY MAY ISANG GARAPON NA MAY LAMANG PUSO NA KAPAREHO ANG BILANG SA MGA NAMATAY. AT SA BLACKBOARD AY MAY NAKALAGAY NA "WALANG PUSO, WAG TULARAN, AYON PA SA IMBESTIGASYON, HINULOG MUNA SA MATAAS NA LUGAR ANG MGA KAAWA AWANG BIKTIMA AT SAKA HINILA SA SCIENCE LABORATORY AT DOON WALANG AWANG WINAKWAK ANG DIBDIB, LEIGH TENCHAVEZ NAGBABALITA SA GSMPMD NEWS"

Napanganga si Ysa sa narinig,agad agad itong tumakbo sa kwarto at nagbihis, maya maya lumabas na to at dire diretso sa pinto.

"Ysa? Papasok ka?"tanong ni Flor sa kapatid pero dire diretso ito sa labas."YSA! YSA! YSA!"tawag ni Flor.

"Ano yon Flor? Bakit ba ang ingay ingay mo at tawag ka ng tawag sa kapatid mo?"tanong ng ina nila ng marinig ang tawag ni Flor.

"MA,"nanlalaki ang matang umpisa ni Flor. "Yung mga kasama ni Ysa sa video, natagpuang patay sa school, wakwak ang dibdib"sabi ni Flor.

Napahawak sa bibig si Lina at saka napaupo"Diyos ko! Anong nangyari? Teka, bakit nagmamadali si Ysa? Bakit dimo pigilan ang kapatid mo?"nagaalalang wika ni Lina.

"Pinipigilan ko nga po kaso dirediretso sya eh.."sgot ni Flor.

"Dyos ko.. Wag naman po sana.. Wag naman po sanang tama ang iniisip ko.."nasambit na lang ni Lina.

+ P

Sa eskwelahan ay nagkakagulo ang mga teachers, estudyante at iba pang nakikiusyoso lang sa nangyari.

"Sa tingin nyo aswang ang may gawa?"tanong ng isang estudyante.

"Hindi ko alam pero sonrang karumal dumal naman ng ginawa sa kanila, parang ang laki ng galit"sabi naman ng isa pang estudyante.

Sakto namang napadaan non si Bea kaya agad agad itong tumakbo sa room at doon nakita nyang nagiiyakan ang iba pang mga kaklase, sa isang sulok nama ay nakita nyang tulala si Corine habang katabi ang umiiyak na si Mildred.

"Guys.. Sa tingin nyo sino ang may gawa nito??"tanong ni Bea sa dalawa.

"Ano ka ba Bea, mukha ba kaming imbestigador para tanungin mo ng ganyan? "asar na sagot ni Mildred.

"Hindi Mildred, hindi mo kailangan maging imbestigador para malaman at kung sino ang may gawa nyan kila Yuan."nanlalaki ang matang sabi ni Bea.

"Anong ibig mong sabihin Bea?"tanong ni Mildred.

"Sino ba ang may malaking galit kIla Yuan dahil sa pagkasira ng buhay nya? Sino ba ang pwedeng gumawa ng ganong kabrutal na parang hindi gawa ng tao?"makahalugong tanong ni Bea.

"oh my god.. Dont tell me its.."napamanghang sabi ni Mildred.

"Its Ysa.."si Corine na ang nagtuloy ng sinasabi ng kaibigan. "Si Ysa ang tinutukoy mo diba Bea?"baling ni Corine kay Bea.

Tango lang ang sinagot ni Bea, saktong sakto ang pinaguusapan nila ng biglang pumasok si Ysa, dire diretso ito kay Corine.

"Corine, anong nangyari? Sino daw may gawa non?"bakas sa mukha ni Ysa ang pagaalala.

Isang malakas na sampal ang sinalubong sa kanya ni Corine, nabigla naman si Ysa at napahawak sa pisngi.

"Bakit?"takang takang tanong ni Ysa.

"Ang kapal ng mukha mo Ysa! How could you do that! Bakit kinailangan mong patayin silA Yuan? Ha! Aswang ka! Aswang ka! Aswang ka!"gigil na gigil na sabi ni Ysa at saka tinulak ng malalkas ang dalaga dahilan para matumba ito pero bago pa man ito lumapag sa sahig ay nasalo na ito ni Lexin na saktong kararating lang, napatingin si Ysa at parang nabigla pa ng makitang si Lexin ang sumalo sa kanya.

"Lexin??"gulat na sabi ni Ysa, tinayo sya ni Lexin at saka hinarap sila Corine.

"Ano Corine? Di mo na ba kinaya ang pagarte?"tanong ni Lexin at saka nilagay sa likod si Ysa.

Napalaki ang mata ni Corine ng makitang pinagtatanggol ni Lexin si Ysa.

"O bakit Corine? Bakit nagulat ka?hindi mo ba inaasahan na ipagtatanggol ko si Ysa.. Ano naman ang kabigla bigla sa pagtatanggol ko sa girlfriend ko???"mayabang na sabi ni Lexin.

Para namang naipon lahat ng galit ni Corine kay Ysa at bigla na lang sumabog sa narinig.

"Girlfriend mo? Girlfriend mo yang pokpok na yan???"gigil na gigil na sabi ni Corine.

"Corine? Bakit ba nagkakaganyan ka??"tanong ni Ysa na takang taka sa inaarte ni Corine.

"YOU SHUT UP YOU WHORE! Stop acting like you still dont know! Im so tired of this scheme!"matalim na titig na sabi ni Corine kay Ysa.

Si Lexin naman ay humarap kay Ysa at niyakap ito.

"Now what Lexin? Are you still after that bitch pagkatapos nyang magpababoy kila Yuan at ngayon after mareveal ng scandal nila ay pinatay pa nya ang mga to!!!"gigil na gigil na sabi ni Corine na nanlalaki pa ang mata.

"Hindi ako ang nasa scandal na yon Corine! Alam mo yon! Alam mo ang totoo, mas higit ka dapat makaalam noon dahil ikaw yon!!"ganting sigaw ni Ysa na parang unti unti ng nagigising sa katotohanan na pinaglaruan lang sya ni Corine.

"LIAR! At ngayon naman ako ang idadamay mo sa kalandian mo! Come on Ysa.. Sinong maniniwala sa mga sinabi mo? Lexin, that girl is a bitch, bakit pinagtitiyagaan mo pa yan!"mataray na sabi ni Corine.

"Dahil alam ko na ang totoo,"umpisa ni Lexin at saka may kinuha sa bag nitong mga pictures at hinagis sa mukha ni Corine.

Isa isa itong kinuha ni Corine at nagulantang sya ng makitang sya ang nasa larawan habang binababoy nila Yuan, pumulot din ng isa si Bea at Mildred pero galit na galit na binawi ito isa isa ni Corine.

"Akin na yan! Hindi totoo yan! Gawa gawa lang nila yan!"sigaw na sabi ni Corine habang isa isang hinahablot sa mga kaibigan ang pictures at saka ito pinagpupunit.

"Ano Corine? Nagulat ka kung paano ko nalaman?"nakangising sabi ni Lexin kay Corine saka dito lumapit at saka kinuha ang cellphone, at doon ay may pinlay na Audio.

"Napakawalanghiya mo talaga Yuan, ang usapan natin susunugin mo na yang video na yan! Ano pa bang gusto mo!" galit na galit ang tinig ni Corine sa Audio.

"Wala naman, gusto lang kitang tuluyang mapasaakin, tutal madami na akong nagawa para sayo, napahiya na natin si Ysa sa buong school at galit na galit sa kanya si Lexin, at gusto ko makuha ko yung reward ko, alam mo bang napakaraming picture nito sa kotse ko, sa Locker ko at maging sa kwarto ko"nakakalokong sabi ni Yuan.

"NAPAKADEMONYO MO TALAGA! HINDI MO ALAM ANG KAYA KONG GAWIN YUAN! NAPAKAWALANG HIYA MO, NAPAKAWALANG PUSO MO!"sagot ni Corine.

Tumigil na ang Audio at si Corine ay napanganga at saka hinarap si Lexin.

"Paano mo nakuha yan?"tanong ni Corine, natawa lang si Lexin at saka nilabas ang isang maliit na bagay."Isa tong device na gamit para makapakinig ng lihim sa usapan ng iba, si Yuan mismo ang nagbigay sa akin nito nung magkaayos pa kami, hindi ko naman akalaing sa inyong dalawa ko pala to magagamit, dudang duda na ako sa inyo ng nakita ko kayong magkausap kahapon ng mapapunta si Ysa sa office, bakit makikipagusap ang nagbabait baitang kaibigan ni Ysa sa lalaking nagkalat ng video ng tinuturing nyang kaibigan, at hindi nga ako nagkamali, kagagawan nyo lahat!"sabi ni Lexin, dinig na dinig lahat yon ni Ysa, galaiting galaiti sya sa narinig mula kay Lexin.

"Hayop kang babae ka! Hayop ka! Hayop ka talaga!"galit na galit na sinugod ni Ysa si Corine pero naawat agad ito ni Lexin.

"Ang kapal ng mukha mo! Tinuring kitang kaibigan tapos ganto ang gagawin mo sa akin! Anong kasalanan ko sayo!! Ano!!"galaiting galaiting sabi ni Ysa at saka hinila ang buhok ni Corine pero nabawi agad to ni Corine.

"Anong kasalanan mo sa akin!? The moment na tumuntong ka sa school na to Ysa nagkaroon ka na ng kasalanan sa akin, inagaw mo sa ang kaisa isang lalaking minahal ko! Inagaw mo sa akin si Lexin!"sabi ni Corine.

"Kahit kailan Corine hindi ako naging sayo! Hindi kita minahal o kahit ano mang interes, wala ako noon para sayo"sabat naman ni Lexin.

Parang tinarakan si Corine ng kung anong matulis na bagay sa kanyang dibdib.

"You'll never get away with this Lexin, lalong lalo na yang girlfriend mo, im sure sya ang pumatay kila Yuan!"sabi ni Corine at saka aalis sana pero pinigilan ito ni Ysa.

"Akala mo na Corine ganong kadali lang lahat, pagkatapos mong sirain ang buhay ko at pagkakaintindihan namin ng pamilya ko, hindi ko pwedeng palampasin ito Corine"nanginginig sa galit na sabi ni Ysa, inalis ni Corine ang kamay ni Ysa sa kanyang braso at saka hinarap ito.

"Bakit Ysa? Papatayin mo din ako katulad ng ginawa mo kila Yuan?"nanlalaking mata na sabi ni Corine.

"Ano naman ang ebidensya mo na ako ang pumatay kila Yuan? Eh ikaw nga tong nagbabanta sa kanya doon sa audio"matapang na sabi ni Ysa.

"Ikaw ang pumatay sa kanila dahil aswang ka!!"sigaw ni Corine kay Ysa.

Galit na galit na sinampal ni Ysa si Corine..

"Kung meron man akong gustong patayin ngayon, ikaw yon Corine! Ikaw yon!"sabi ni Ysa kay Corine at saka ito tumalikod, sinundan naman ito ni Lexin pero hindi sya pinansin ni Ysa.

"Ysa, Ysa? Saan ka ba pupunta?"tanong ni Lexin dito habang sinasabayan ng lakad si Ysa."Ysa kausapin mo naman ako, ngayon makikinig na ako sa mga sasabihin mo!"

Huminto sa puntong iyon si Ysa, at saka tumingin kay Lexin at kapagdakay tumawa ng tumawa gang sa maiyak sa kakatawa.

"Ysa.."nasambit na lang ni Lexin.

"Gusto mo bang matuwa ako dahil sa wakas, nagising din ang boyfriend ko sa katotohanan? Ang boyfriend ko na nangakong kahit anong mangyari nandyan para sa akin pero hinusgahan agad ako dahil sa isang video, alam mo ba kung gaano kasakit sa akin na yung mga taong inaasahan kong maniwala sa akin ang sya pang pinakaunang lumayo at nanghusga sa akin, alam mo ba yon Lexin? Ilang gabi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit! Bakit ayaw nyong maniwala sa akin? Sabi kayo ng sabi na mahal nyo ako pero dahil sa scandal na yon, napatunayan ko, hindi nyo talaga ako Mahal, dahil ang pagmamahal, hindi mapanghusga.."naiiyak na sabi ni Ysa at saka lumakad.

Naiwang tulala si Lexin at napayuko, pakiramdam nya noon ay ninakawan sya ng mamahaling bagay. Wala syang nagawa kung hindi tanawin lang si Ysa palayo.

+ P

"Magdodorm? Anong kalokohan yan Ysa? Bakit ka magdodorm?"galit na tanong ni Lina sa anak, nasa sala sila noon at pinaguusapan ang mga pictures at audio tape na galing kay Lexin, natuklasan na nila na inosente si Ysa. Tahimik lang si Ysa habang pinaguusapan nila yon, nang bigla nang siningit na magdodorm na lang sya sa school.

"Opo Ma, magdodorm na lang ako, tutal kasama naman yun sa benefits ng scholarship ko ko"tahimik na sabi ni Ysa.

"Nasisiraan ka na ba Ysa? After ngahat ng nangyari sa iyo..."

"Nangyaring ano? Nangyari pong panghuhusga? Wala na po akong pakialam Ma, labis labis na pong panghuhusga ang tinanggap ko Ma, mula sa mga kaklase ko, mula sa boyfriend ko, mula po sa inyo.."nakatingin sa inang sabi ni Ysa.

"Ysa.. "

"Hayaan mo sya Lina"sabat ni Javier sa usapan ng magina.

"Javier!"sAbi ni Lina.

"Siguro nga dapat ibigay na ntin ito kay Ysa, kulang pa nga ito kumpara sa sakit na binigay natin sa kanya,dahil hinusgahan natin syang pamilya nya na dapat ay nagtatanggol sa kanya,anak kung sa tingin mo anak eto ang makakabuti sayo, sige, pumapayag na kami ng Mama mo,basta ingatan mo na lang sana ang sarili mo"madamdaming sabi ni Javier at saka tumayo at pumasok sa kwarto.

Si Ysa naman ay napayuko at pigil pigil ang pagluha, sa isip nya, sa mga pagkakataong ito, kailangan mas maging matapang sya.

+ M

DORM 203

Basa ni Ysa sa numerong nasa pintuan. Ito kasi ang dorm na nakaassign sa kanya. Hindi na sya nagpahatid sa mga magulang bagkos ay kumuha na lang sya ng taxi para mapagkargahan ng mga gamit nya. Sa totoo lang, mula ng malaman ng pamilya nya ang totoo ay parang lumayo ang loob nya dito.

Binigay ng Caretaker ang susi sa kanya at agad agad syang pumunta doon dala ang dalawang malaking bag.

Bubuksan na sana nya ang pintuan ng bigla itong bumukas, at doon niluwa ang isang babaeng mahaba ang buhok, maputi, at chinita, nakauniform ito ng katulad ng uniform ito ng katulad ng sa nursing student ng LAC kaya gets kaagad nya na schoolmate nya to.

"Hi.."bati nya pero ngiti lang ang sinagot nito. "Dito ka rin? Ako nga pala si Ysabella Fajardo, Ysa na lang for short, ikaw?"nakangiting pagpapakilala ni Ysa.

Ngumiti lang ulit ang babae at saka tinuro ang name plate nya.

"ARIANNE LIU, hmmm, Chinese ka?"sabi ni Ysa at tumango ang babae, parang hiyang hiya ang babae sa kanya.

Napansin ni Ysa na dumudugo ang ilong ng babae, kinuha nya ang panyo pero hinawi nito ang kamay nya at doon ay kinilabutan si Ysa dahil napakalamig ng kamay na dumampi sa kanya, napatingin sya dito at nakita nyang dumudugo pa rin ang ilong nito.

"M-Miss, dumudugo yung ilong mo"kinikilabutang sabi ni Ysa dahil biglang lumamig ang pakiramdam nya, napatingin sya sa paa nito at doon ay gimbal na gimbal si Ysa sa nakita dahil bukod sa nakaapak ito ay puro galos ang paa nito at madusing, naramdaman na lang ni Ysa na humawak ito sa braso nya, tiningnan nya ito muli at nakita nya malakas ang daloy ng dugo sa ilong nito.

"Tulungan mo ako.. Tulungan mo ako, hirap na hirap na ako.. Ayoko na.."wika ni Arianne na ang boses ay parang galing sa hukay at pagkasalita nito at bumuga ng dugo sa bibig nya.

Nanlaki ang mata ni Ysa dahil dito, gustong gusto nyang tumakbo pero nakahawak ito sa braso nya at maya maya ay isang eksena ang tila pinapakita ng babae sa isip nya.

***

Kitang kta ni Ysa ang eksena sa labas ng LAC kung saan si Arianne ay naglalakad at parang hiyang hiya pa sya sa, naalala tuloy ni Ysa ang unang araw nya sa school. May lumapit dito na tatlong babae at pinaligiran sya. Nakita pa nya na tinulak ito ng isa sa tatlo.

Sinundan ang eksena ng sunod sunod na pambubully ng tatlo kay Arianne, may isang eksena kung saan tinapunan ito ng Juice, may isa naman ay pinatid ito habang papunta sa black board, nabago ang eksena at nakita nyang tatalon ito sa rooftop ng building pero may isang lalaki ditong pumigil at

***

"Miss?"tawag pansin sa kanya ng isang babaeng lumabas sa kwartong tutuluyan. Wala na si Arianne kaya luminga linga sya sa paligid.

"Miss Sinong hinahanap mo?"usisa ng babae.

"Ah, wala wala.. "pagsisinungaling nya a saka binuhat ang dalang bag.

"Ikaw ba bago kong dorm mate?"tanong nito sa kanya.

"Ah, oo ako nga, Im Ysa, ikaw?"tanong nya sa makaksama sa kwarto, pinagmasdan nya ito mabut, maganda ang babae at mukhang mabait kaso mukhang magaso dahil sa nakalagay pa lang sa tshirt nito. "MAKULIT AKO, PAKI MO"

"Im Chelzea Centeno, Chel na lang"masayang pagpapakilala nito."Scholar ka ba sa LAC?"tanong ni Chel, hula ni Ysa ay hindi ito estudyante sa school nya dahil makikilala sya kaagad nito kung doon sya nagaaral dahil sa eskandalong nangyari.

"OO, scholar ako dun, ngayon ko lang naisipang magdorm kasi ngayon ko pa lang nararanasan ang stress sa pagaaral"paliwanag ni Ysa at saka pumasok sa kwarto, medyo malaki ang kwarto kumpara sa iniimagine nya, dalawang kama ang nandoon, ang isa ay nasa tabi ng binatan at ang isa nama ay nakasandal sa may dingding,may dalawang maliit na cabinet sa gitna nito, ang isang cabinet ay may picture frame, alarm clock, at kung anik anik pang gamit malamang ni Chel. Sa tapat ng mga kama ay ang dalawang aparador na nakadikit sa wall, may salaming malaki sa isang aparador at kitang kita nila ang sarili kahit nakahiga doon, sa tapat naman ng bintana ay ang study table, meron ding ganong study table sa kabilang bahagi naman ng isang higaan, may bedsheet na ang isang kama kaya alam nyang doon nakapwesto si Chel, nagtataka lang sya kung bakit ayaw nya sa may bintana na usually ay pinagaagawan pa.

"Hmm, Saan ang restroom?"tanong nya kau Chel.

"Sa dulo ng hallway, isang cr bawat floor, may 3 tatlong shower at dalawang palikuran"sagot ni Chel na humiga sa kanyang kama.

"Matagal ka na ba dito Chel?"naisipan nyang itanong.

"Oo, mga 2 years na siguro"sagot naman ni Chel.

"Kailan ka pa walang room mate?"tanong na naman ni Ysa at saka umupo sa may study table at tumanaw sa binatan, doon nakita ay kitang kita nya ang likod na bahagi ng LAC, sa likod kasi ng school nya ang nasabing dorm. Tanaw na tanaw nya din mula doon ang rooftop kung saan sila madalas tumambay ni Tristan, napangiti naman sya ng biglang maisip si Tristan.

"2 weeks ago lang, wala kasi tumatagal dito sa room, ewan ko ba, kaya nga nagsawa na ako makipagclose sa mga nakakasama ko at di rin naman tumatagal, pinakamatagal na siguro dalawang linggo, tas sa dalawang linggo na yun napakadalang pang magstay, tas ayun umalis din, paano may nagmumulto daw dito, eh ang tagal tagal ko na ditong nagkukwarto wala naman akong nararamdaman, saka hindi naman totoo yang multo multo na yan."kwento ni Chel, nangiti na lang si Ysa, gustuhin man nyang sumangayon kay Chel na walang multo pero hindi nya magawa dahil kanina lang bago sya pumasok ay may nakaharap syang isa.

+ D

"Magandang Umaga po Dean Aruello, "bati ng pulis na nakaassign sa kaso nila Yuan.

"Ano yon?"masungit na tanong ni Dean Aruello sa Pulis.

"Ako ng po pala si Inspector Bonker Moral, ako po ang nakaassign na magimbestiga sa kaso nila Juanito De Guzman, at eto naman po ang aking partner na si Carlo Sta. Ana"pagpapakilala ng pulis.

"O ano? Anong gusto nyong gawin ko?magpaparty na nandito kayo? Di nyo ba alam kung ganong perwisyo ang dinudulot nyo sa school!"masungit na sagot ni Dean Aruello.

"Madame, hindi ho namin kasalanan kung may namatay sa eskwelahan nyo at kailangan naming imbestigahan, ginagawa lang ho namin ang trabaho namin"paliwanag naman ni Carlo.

"O sya O sya, ano bang maipaglilingkod ko??"naiiritang tanong ni Dean.

"May nakita po kasi kaming kwintas sa roof top kung saan hinihinala pong hinulog ang mga biktima"sabi ni Bonker at saka nilabas ang isang plastic na may lamang kwintas. "Gusto po sana naming tanungin isa isa ang mga estudyante nyo tungkol sa kwintas na to, malakas po kasi ang hinala namain na may kinalaman itong kwintas na to sa naganap na patayan"salaysay ni Bonker.

"Yung may ari ba nyan ang pumatay?"seryosong tanong ni Dean Aruello.

"Maari po, pero maari ding sinet up ang mayari nito dahil doon po namin ito nakita sa lugar kung saan madaling makikita ng kahit sinoman, maging ng mayari kung sakaling nahulog nga nya ito, unless, hindi talaga ito doon nahulog sa may ari at sinadyang lang ilagay sa madaling makita ng kung sino man para mapagbintangan ang may ari ng kwintas na to, or pwede din naman na hindi talaga nya napansin na nahulog doon."seryosong sabi ni Carlo.

Lingid sa kaalaman nila ay nandoon si Bea at nadinig ang buong usapan ng mga ito.

"Ako po kilala ko kung sinong may ari nyan, at malamang yung mayari nga nyan ang pumatay dahil malaki ang motibo nya"nakapamewang pang sabi ni Bea.

"Kanino ito Hija?"halos sabay na sabi ng dalawang pulis.

"Kay Ysabella Fajardo po, ang aming Campus Queen!"

Campus queen ( Chapter 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon