Ysa.. Ysa.. Ysa.. hoy! Ano na ba nangyari sayo.. " tawag pansin ni Aileen sa kaibigan.
Para namang nagising si Ysa sa pagkatulog.
"Ano nangyari?" tanong ni Ysa na nakakunot ang noo.
"Ano nangyari? Bigla ka kayang natulala diyan nung pagpasok namin ni Aileen, kinulwento ko pa naman na muntik ko ng sapakin si Bea. Ano ka ba? Okey ka lang? Ano ba nangyayari sayo?" nag-aalalang sabi ni Marj.
Napapikit si Ysa at inalala ang nangyari sa kanya, kinilabutan sya ng maalala ang pangyayaring yon.
"Ysa.. Ano?" tawag pansin ulit ni Marj.
"Aileen.. Marj.. Natatakot ako sa school na to.. Parang.. Parang.." paputol putol na sabi ni Ysa.
"Parang may kakaiba? Parang may.." mahinang sabi Aileen.. "parang may multo.." bulong nito sa huling salitang sinabi.
Tila kinilabutan si Ysa sa binanggit ni Aileen. "Oo, nagpaparamdam sila sa akin, nagpapakita.." kwento nito.
"Madaming ganyan sa school na to Ysa, hindi lang doon sa Haunted Restroom, sa lahat.."nakakakilabot na pahayag ni Aileen.
"Paano mo.."tanong ni Ysa.
"Nararamdaman ko din sila Ysa, hindi ko nga lang sila nakikita pero nararamdaman ko sila.." sagot ni Aileen.
"Guys, wag naman kayo mag-takutan, hello, nandito ako, natatakot.. Baka lang nakakalimutan nyo na may isang takot dito" reklamo ni Marj.
"Bakit may ganto sa school na to, alam ko may mga ganyan talaga sa mga school pero bakit sila parang kakaiba.."tanong ni Ysa na hindi pa rin pinansin ang sinabi ni Marj.
"Basta ang alam ko, at ayon na rin sa bali balita, mga kaluluwang galit daw yun, sila yata yung mga biktima sa sunod sunod na patayan 3years ago" kwento pa ni Aileen ng pabulong.
"Patayan?!" gulat na tanong ni Ysa.
"Yup, ayon sa bali-balita, 3years ago daw ay sunod sunod ang naging patayan sa school na to, ayaw lang ilabas kasi baka daw wala ng mag-enrol" tuloy pa ni Aileen sa kwento.
"Guys.. Natatakot na talaga ako, umalis na kaya tayo dito.." natatakot nang sabi ni Marj pero parang walang naririnig ang dalawang kaibigan.
"Nahuli ba yung pumapatay?" tanong ni Ysa.
"Hindi, paano mahuli eh wala namang nangyaring imbestigasyon, wala ni isa man nagreklamo sa pulis, kasi wala naman nakitang bangkay, gang ngayon, pinaniniwalaan na pakalat kalat lang sa school yung bangkay ng mga namatay. At yung pamilya nila binayaran ng school para lang wag mag-demanda at makakaladkad ang pangalan ng school" mahabang kwento ni Aileen at saka luminga linga.
Nasa ganoon silang usapan ng biglang magpatay sindi ang ilaw. Kanyan kanyang tilian ang tatlo at saka nagtakbuhan palabas ng clinic.
+
"Oy Tristan, loko ka ah, saan ka galing" sita ni Renren sa kaibigan.
"Kanina pa kita hinihintay"
"sa clinic lang, nakita ko kasing dinala si Ysa doon eh." sagot naman ng binata.
"Naks naman, shining armor to the rescue ka ah" ngiting tukso ni Renren.
"Sira! Alam mo pare, iba pakiramdam ko, malakas ang kutob ko na may hindi magandang mangyayari kay Ysa" sabi ni Tristan.
"Ano ibig mo sabihin?!" tanong naman ni RenRen.
"Basta, kaya pare tulungan mo ako, bantayan natin si Ysa."pakiusap ni Tristan sa kaibigan.
"Sure pare, walang problema.." paniniguro naman ni RenRen kay Tristan.
+
Sa isang Bar naman ay magkausap at nag-iinuman si Yuan at Corine.
"Anong masamang hangin naman ang nasinghot mo at inaya mo ako dito" tanong ni Yuan sabay tungga sa iniinom.
"Ano ka ba naman Yuan.. Masama bang imbitahan kang mag-unwind?" wika ni Corine at saka nilagay ang kamay nito sa hita ni Yuan.
Para namang kinuryente si Yuan sa ginawa ng dalagang kaharap, sino ba naman ang hindi mag-iinit kay Corine lalo na sa suot nitong super ikling dress at sobrang baba pa ng neckline.
Alam ni Yuan na may kailangan ang dalaga sa kanya, kaya sasamantala nya ang pagkakataon para makuha si Corine.
"May kailangan ka sa akin??"diretsong tanong nya dito sabay hawak sa kamay nito na nasa hita nya.
"Hmmm, alam mo kasi, Im having a headache because of that Ysa, can you something about it"sabi ni Corine sabay dikwatro para ipakita pa lalo ang makinis nyang legs.
"Yung Ysa na yon, ano gusto mo gawin sa kanya?"sabi ni Yuan at saka lumapit kay Ysa at humawak sa legs nito.
"I want her out of that school, gusto ko umalis sya doon ng wala ng mukhang ihaharap sa lahat, I want her to be so miserable.." malanding sabi ni Corine sabay dikit ng labi nito sa tenga ni Yuan.
"I will be very happy pag nangyari yon sa aswang na yon.." sabi ni Yuan sabay hila kay Corine palapit sa kanya.
"But lets take it slowly Yuan, hayaan na muna natin matikman nys yung fame na gusto nya.." sabi ni Corine at saka tinanggal ang kamay ni Yuan sa kanya at saka binulungan ang binata. "Saka na yung reward mo ah" sabay talikod nito.
Para namang binuhusan ng tubig na malamig si Yuan dahil sa ginawa ni Corine, gigil na gigil na sya maangkin ang dalaga, kailangan magawa nya ang nais nito.
"Humanda ka Aswang ka.." nakangising sabi ni Yuan.
+
Antok na antok pa si Ysa ng pumasok ng umagang yon, paano naman ay hindi man lang sya dinalaw ng antok dahil naaalala nya ang kwento ni Aileen.
Papasok pa lang sya ng gate ay pansin na nya si Tristan na ngiting ngiti sa kanya, naiiling na syang nilapitan ito.
"Anong nakakatawa??" pasungit kunwaring tanong ni Ysa.
"Hahaha, yung mata mo kasi, halatang halatang puyat ka.. Iniisip mo ako noh?" nakatawang asar ni Tristan.
"Ang kapal mo! Asa ka pa.." sabi ni Ysa sabay irap at saka nilagpasan si Tristan.
Tinanaw lang ni Tristan si Ysa, banaag sa mga mata ng binata ang pag-aalala.
+
"Hi Ysa!" masayang bati ni Corine sa kararating lang na si Ysa. "Hows your sleep, hmm, kamusta ka na?" sunod sunod na tanong ni Corine.
"Ah eh, okey naman" maikling tugon ni Ysa at saka pumunta ng upuan nya.
Lumapit si Corine dito at tumabi kay Ysa. "Tabi tayo Ysa ah, " nakangiting sabi ni Corine.
Yun ang eksenang nadatnan nila Bea at Mildred.
"Corine! Why are you talking to that aswang!?" nakakairitang tanong ni Bea.
Tiningnan ng matalim ni Corine si Bea."sawa na kasi ako sa mga malignong tulad mo.." matapang na sagot nito,
Isang malakas na tawanan ang narinig mula sa mga kaklase na nandoon, maging si Ysa ay hindi napigilang matawa.
"Corine, pwede ba kita makausap?" wika ni Mildred.
Tinitigan ito ni Corine at tumayo din at saka pumunta sa bandang likod ng classroom.
"Ano bang kalokohan ito sis? why are you wasting your time with that bitch"sita kagad ni Mildred.
"Mil, im not wasting time with her, and to be honest with you, mas nasasayang ang oras ko sa inyong dalawa ni Bea because of your stupidity!" mataray na sabi ni Corine at saka tinalikuran ang nakangangang si Mildred.
Naguguluhan naman si Ysa sa nangyayari kaya lakas ng loob itong nagtanong kay Corine pagkaupo nito sa tabi nya.
"Corine, bakit ginawa mo yun sa mga kaibigan mo??"tanong ni Ysa.
"They are not good enough for me, puro na lang sila pambubully and paniinarte, Im so Fucking tired with that, gusto ko naman ng serious life, tumatanda na tayo.." paliwanag ni Corine.
Nagkibit balikat na lang si Ysa, ayaw nyang magpadala sa gimik nitong si Corine kaya wala syang balak makipagclose dito.
+
"ALBERT! ALBERT TAMA NA! TAMA NA! TIGILAN MO NA YAN! MAPAPATAY MO SI LEXIN!!"pigil ni Marietta sa anak, naabutan kasi nitong binubugbog na naman ang apo.
"MA! WAG KAYONG MAKIALAM! KAILANGANG MATUTO NITO NG LEKSYON!!"galit na galit na sabi ni Albert habang binubugbog si Lexin na hindi kumikilos.
"PARANG AWA MO NA! TIGILAN MO NA ANG ANAK MO" sigaw ni Marietta at saka sinampal ang anak. "Sinabi ko ng tumigil ka na eh! Ano ka ba naman!" Galit na sabi nito.
"Diyan kayo magaling, ang kampihan yang tarantado nyong apo!!"nang-gagalaiting sabi ni Albert. "Alam nyo ba kung anong kalokohan na naman ang ginawa nyang apo nyo! Alam nyo ba! Naglasing sa bar at saka bunugbog yung isang costumer doon at yung costumer na yon anak ng kliyente ko! pati ako ngayon damay sa kagaguhan nyang apo!!!" malakas at galit na sabi ni Albert.
"Kahit na ano pang ginawa ni Lexin wala ka pa ring karapatang saktan sya!!"sagot ba sigaw ni Marietta at saka pinuntahan ang apo.
"May karapatan ako dahil anak ko sya!" sagot ni Albert.
Biglang natayo si Marietta sa sinabi ng anak at saka binigyan ito ng isa pang sampal.
"Mas wala kang karapatang tawagin syang anak! Lumayas ka sa harap ko!!" galit na galit na utos ni Marietta at saka binalikan muli ang apo at niyakap ang tulalang si Lexin. Walang nagawa si Albert kundi ang umalis.
+
Sa cafeteria naman ay sabay sabay naglunch si Ysa, Aileen at Marj.
Masaya silang nagkukwentuhan ng biglang dumating si Mildred at Bea.
"Whats that smell? Eeewww.. Amoy Tuyo.." parinig ni Bea sa grupo nila Ysa at saka dumaan sa table nila ng nakatakip ang ilong.
"EEEEEEEEWWWWWWWW, WHAT IS THAT SMELL, AMOY PALAKA.." ganting parinig naman ni Marj at saka tumingin kay Bea.
Galit na tiningnan naman ito ni Bea at saka inirapan.
"Marj, hayaan mo na sya, wag mo na lang pansinin, nakagalit kasi nila si Corine kaya mainit ulot" bulong ni Ysa.
"Oo nga Marj, papapansin lang yan," sang-ayon ni Aileen at saka tumayo para kumuha sana ng tubig, napadaan ito sa table kung nasaan si Bea at Mildred ng biglang tumayo si Bea at binuhusan si Aileen ng softdrinks.
"Ooppppss, sorry, my Fault.." natatawang sabi ni Bea at saka naman pinahid pa ang cake na kinakain.
Natulala si Aileen sa ginawa Bea eh.
"O ano? Iiyak ka na.. Kawawa ka naman.. Ano gagawin mo ngayon? Magsusumbong ka sa tatay mong kriminal? Whoa.. Papapatay mo kami ha Aileen" nang-aaaar pang sabi ni Bea.
Nakita ni Marj ang ginawa na yun ni Bea, kaya agad agad itong tumayo, hindi na to napigilan ni Ysa.
Tinulak kaagad ni Marj si Bea, tatayo na sana si Mildred para saklolohan ang kaibigan pero nginudngod na ito ni Marj sa kinakaing pasta.
Si Bea naman ay tatayo na sana pero biglang kinuha ni Marj ang bote ng softdrinks at inakma dito.
"Sige pa palaka ka! Wag ka pang tumigil at siguradong ipapalo ko sayo tong bote na to, Ano?!!" banta ni Marj.
"Iskwater na iskwater ka talaga Marj! Hindi ka bagay sa school na to"at saka tumayo at inayos ang sarili.
"ULUL..sino kaya sa atin ang mukhang iskwater, wag kang filingera Beatrice, mas nakakahiya pa background ng pamilya mo kaysa kay Aileen, ano, gusto mo ikwento ko sa lahat ng nandito?"
Banta ni Marj.
"Wala ka tlagang breeding noh! Siguradong makakrating tong ginawa mo sa Dean at sa Daddy ko!" singit ni Mildred.
"magsusumbong ka? Sige lang, samahan pa kita diyan eh, tingnan natin kung sinong unang makikick out.. " mataray na sagot ni marj.
Nagmamadaling umalis si Bea at
Mildred. Si Aileen naman sy tulala pa din. Nilapitan ito ni Ysa.
"Aileen, okey ka lang?"tanong nito sa dalaga na tulala at umiiyak.
Kinuha ni Ysa ang panyo para punasan ang dalaga pero bigla itong tumakbo.
"Aileen! " tawag ni Marj at Ysa dito at saka nila ito hinabol.
+
Si Aileen naman ay iyak ng iyak habang tumatakbo. Pakiramdam nya ay aping api sya. Wala syang ibang mapuntahan kaya dahil sa bugso ng damdamin ay sa Haunted restroom sya biglang pumasok.
Tinungo nya ang pinakadulong cubicle at doon sya ay nagkulong. Iyak sya ng iyak. Maya maya pa ay napansin nya na hindi lang sya ang umiiyak, isang iyak din ng babae ang kanyang narinig. At doon tila natauhan na ang emosyonal na si Aileen, saka nya naalala kung saang restroom sya naroon. Dinig na dinig nya ang iyak na palakas ng palakas at palapit ng palapit sa kung nasaan sya. Bigla bigla ay narinig nyang bumubukas ang cubicle isa isa. Dali daling tumayo si Aileen at saka binuksan ang pintuan ng cubicle na kinaroroonan nya pero hindi nya iyon mabuksan.
"Tulong! Tulungan nyo ako! Tulungan nyo ako! Marj! Ysa! Tulungan nyo ako!!"sigaw ni Aileen habang pilit binubuksan ang pintuan. Sa sobrang desperado nya ay tumuntong sya sa toilet, balak na nya akyatan ang pintuan, ngunit hindi pa man din nya nagagawa ang plano ay bumukas na ang pintuan ng cubicle at isang malakas na hangin ang biglang umihip. Sa tapat ng cubicle na iyon ay kita nya ang sarili sa salamin pero laking pagkagimbal nya ng makita na sa likod nya ay may isang babae na mahaba ang buhok, duguan at sira sira ang damit. Nakatingin din ito sa salamin tulad nya. Nilingon nya ito dahan dahan at....
+
"Sigurado ka ba Ysa na dito tumakbo si Aileen??" nagaalalang tanong ni Marj.
"Oo, sigurado ako, dito!" pilit ni Ysa, naroon sila sa tapat ng Haunted restroom.
"Pero imposibleng pumunta si Aileen diyan, iniiwasan nya yang lugar na yan." Sabi naman ni Marj ng isang malakas na sigaw ang narinig nila.
"EEEEEEEEHHHHHHHHHHHHHHHHH!"
"Si Aileen!!"sabay na sabi nila Ysa at Marj.
Binuksan nila ang pintuan pero hindi nila iyon mabuksan. "Marj, tumawag ka ng pwedeng tumulong sa atin!" utos ni Ysa dito.
Tarantang tumakbo naman si Marj, pinilit naman buksan ni Ysa ang pintuan at hindi sya nabigo dahil kusa naman itong bumukas, dahan dahan pumasok si Ysa at sa bungad pa lang ay naririnig nya ang boses ni Aileen na umiiyak at nagsasalita.
"ayoko na.. Wag mo gawin sa akin to.. Mahal na mahal kita.. Mahal na mahal kita" naririnig nyang sabi ni Aileen kasabay ng iyak nito.
"Aileen.."tawag nyo dito. Binuksan nya isa isa ang cubicle, at ng makarating sa dulo ay nakita nyang nakalabas ang paa ni Aileen sa cubicle, tinungo nya kaagad ito, nakita nya ito na nakadukdok sa may toilet at kinakawkaw ang tubig dito.
"Aileen.. Aileen.. " tawag nya dito pero parang wala ito naririnig.
"Ysa.. Ysa.." narinig nyang parating si Marj kaya bumalik ito sa may pinto, sakto naman na nakapasok na sila Marj at isang teacher.
"Marj, si Aileen.. " pero hindi na nya naituloy ang sasabihin ng makita nya na natulala si Marj at napatingala, maging ang teacher na kasama nito.
"Aileen...."turo ni Marj sa may likuran ni Ysa.
Unti unting lumingon si Ysa at doon ay bumungad sa kanya ang isang paa na nakalutang, tiningala nya ito at doon ay nakita nya si Aileen na nasa ere at bumubuga ng kulay dilaw na likido.
"AILEEEEEEEEEEEENNNNNNNNN!!!