Chapter 3

986 20 0
                                        

"What the fuck!?" galit na galit na sabi ni Yuan ng makitang hinagis ni Ysa ang digicam nya. "Sira ulo kang babae ka!" sigaw nito sabay susugurin sana sya pero mabilis si Lexin at napigilan niya si Yuan.

"Pare, babae yan.. Hindi ka naman siguro bading para pumatol" awat ni Lexin dito.

"Eh hindi nama babae yan eh! Aswang yan, punyeta ang babae ka ah, bayaran mo yan!"gigil na gigil na sabi ni Yuan.

Si Ysa naman ay hindi pa din makarecover sa nakita sa digicam kaya hindi nito pinansin ang mga sinasabi ni Yuan.

Mas nabwiset naman si Yuan dahil parang walang pakialam si Ysa, kumawala ito sa awat ni Lexin at saka tinulak ang babae.

Bumuwal naman si Ysa dahil sa pagkatulak ni Yuan, doon ay nahimasmasan na sya at tiningnan ng matalim si Yuan. Hinila naman ni Lexin si Yuan at inilayo don. 

"Pare, ano ka ba! Babae lang yan tas sasaktan mo ng ganyan! Mahiya ka naman!"asar na sabi ni Lexin sa kaibigan.

Ganong eksena ang nadatnan ni Corine at ng mga kaibigan, kitang kita nila ang reaksyon ni Lexin sa ginawa ni Yuan kay Ysa. At isang plano ang pumasok sa isip nya.

"Ano ka ba naman Yuan! How could you hurt a helpless girl, ano bang ginawa nya sayo to be like that!"
Sita ni Corine kay Yuan at saka tinayo si Ysa. "Are you okey? Nasaktan ka ba? Gusto mo dalin ka namin sa clinic?"mabait na wika nito.

Iling lang ang sinagot ni Ysa at saka mabilis na tumayo at tumakbo palabas.

"ASWANG!"pahabol na sigaw ni Yuan. 

"FUCK OFF!"galit na sabi ni lLexin at saka tinabig si Yuan at saka lumabas ng room.

"Lex, saan ka pupunta?" tanong ni Corine.

"WALA KA NA DOON!"malamig na sagot nya sa dalaga.

+

Takbo, lakad ang ginawa ni Ysa, masamang masama ang loob nya, ni hindi na nga nya napansin kung saang parte na sya ng school napunta, bastat ang gusto lang nya ay ang makalayo sa mga walang kwentang tao na yon.

Nakarating sya sa pinakalikod ng Campus, tahimik doon at talagang nakakakilabot ang paligid, isang malamig na hangin ang sa kanya ay parang yumakap. Napansin nya na may nakaupong babae sa isa sa bench doon, sa tantya nya ay kaedad nya ang babae, napansin nya na umiiyak ito. Nilapitan nya ang dalaga at saka umupo sa tabi nito.

"Miss, okey ka lang?" concern nya sa babae.

Pero hindi man lang ito lumingon sa kanya, bagkus ay pinagpatuloy nito ang pagiyak.

"Siguro, pinagkakatuwaan ka din nila noh? Mga tao talaga, walang magawa.." naiiling na sabi nya.

"Sinong kausap mo???" tanong ni Lexin na sumunod kay Ysa.

Nilingon naman ito ni Ysa, galit na galit itong tumayo at lumapit sA kanya.

"Anong ginagawa mo Dito? Sinusundan mo ba ako?" sita nito sa lalaki.

Pero imbes na sumagot ay tumingin ito sa tinayuang bench ni ysa. "ganyan ka ba talagang kawirdo at kinakausap mo pati sarili mo!" seryosong sabi ni Lexin.

"Anong kinakausap ko yung sarili ko! Bulag ka ba? Nakita mo ng may kausap akong..." hindi na naituloy ni Ysa ang sasabihin ng makitang wala na ang babae na kanina lang eh kinakausap.

Nakakunot ang ulo ni Lexin at saka umiling at ngumisi ng nakakaloko.

Nang makita ni Ysa yun ay naningkit na ang mata nya at binulyawan si Lexin. "Pumunta ka ba dito para lang bwisitin ako! Hoy Mister akala mo kung sino kang gwapo! Pwede ba tantanan nyo ako ng kaibigan mo!! Wag na wag ka na lalapit sa akin kahit kailan!" galit na galit na sabi nya at saka ito iniwanan.

Pero imbes na maasar ay natuwa pa ito, si Ysa lang kasi ang kaisa isang gumawa sa kanya na sigaw sigawan sya, yung ibang babae kasi ay walang ginawa sa kanya kung hindi ang magpacute.

Lingid sa kaalaman ni Lexin ay may isang pares ng mata na sa kanya ay nakamasid. Biglang nakaramdam ng panlalamig si Lexin, pakiramdam nya ay hindi sya nagiisa sa lugar na yon, agad nyang nilisan ang lugar na yon.

+

"What the hell is that all about?" shock na shock na tanong ni Mildred kay Corine matapos nitong pakitaan ng maganda si Ysa.

"What?" patay malisyang sagot nya.

"That Fucking scene you just showed us awhile ago, being nice with that bitch!"inis na inis ni Mildred.

"and whats wrong with that?"
Nakataas ang kilay na tanong nya.

"Sis! Hindi natin sya kalevel.. Eeewww, " maarteng reklamo ni Bea.

"Bakit Bea? Hindi ka rin naman namin kalevel but we're friends" mataray na sabi ni Corine.

Natameme naman si Bea sa sagot sa kanya.

"Hindi ko pa rin maintindihan Corine, ano bang pinaplano mo.. Kilala kita.."makahulugang sabi ni Mildred.

"Masama ba makipagkaibigan sa iba?eh sa nagsasawa na akong lagi kayo kasama eh"depensa ni Corine.

Iling na lang ang sagot ni Mildred, kabisado nya ang kaibigan, alam nya na may pinaplano ito hahayaan nya na lang ito kaysa magaway pa sila.

+

"Talaga?! Ginawa nya yon? As in?" hindi makapaniwalang tanong nito kay Marj, nasa library sila noon at naikwento nya ang ginawa sa kanya ni Yuan pati ang ginawa ni Corine.

"Oo, as in.. " sagot ni Ysa.

"Naku girl, magiingat ka, tuso yang sila Corine, baka pinapakagat ka lang nila" paalala ni Aileen.

"Wag kayo magalala, hindi naman ako papauto sa mga yon" paniniguro ni Ysa at saka nila pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Wait lang guys, may hahanapin lang akong libro"paalam ni Ysa.

Nagpunta si Ysa sa bandang hulihan ng mga bookshelves, medyo madalang ang tao doon, madalang lang ang mga libro doon kaya kita ang nasa kabilang side ng shelf, pakuha na sana sya ng mapansin na may babae sa kabilang side, mahaba ang buhok, sa pagaakalang isa lang estudyante iyon ay binalewala nya iyon, patuloy sya sa paghahanap ng libro at ng makita nya iyon ay agad nyang kinuha.

At doon ay nakita nya ang babae na nakatingin sa kanya, itim ang paligid na mata at halos lumuwa.

Napaatras sya at saka nanginginig na tumakbo at saka tinungo ang mga kaibigan.

"O bakit tumatakbo ka?" tanong ni Marj.

Umiiling lang si Ysa, Ano ba naman ang nangyayari sa kanya, sa isip isip nya, panay kababalaghan ang nakikita nya.

"Hmmm, siguro nakita mo si Mrs. Librarian noh, yung galing sa kabilang buhay.."mahinang sabi ni Aileen.

"Mrs. Librarian?" takot na tanong pa din ni Ysa.

"Sya yung multo dito sa library na pagala gala, gusto non laging tahimik,"kwento ni Aileen.

"Syempre! Librarian nga eh, gusto talaga non tahimik dito" natatawang pambabara ni Marj.

Napatango na lang si Ysa pero sa totoo lang ay naguumpisa na syang kabahan sa school na yon. Hindi maganda ang pakiramdam nya.

+

"Okey Class, I want you to find a partner and we will be having a trust walk." sabi ng kanilang teacher na si Ms. Del Mundo.

Biglang nabagsak ang balikat ni Ysa ng marinig ang anunsyo ng guro. Hindi kasi nya kaklase sila Marj at Aileen sa subject na to, malamang hindi sya makapagparticipate.

"Ma'am, what is Trust walk?" tanong ni Bea.

"Trust Walk, this a test to your trust for your partner. One of you will be blindfolded and the other will be the one who'll guide them,here is the mechanics, itatap nyo lang sila sa right and left shoulder, depende kung saan nyo sila gusto papuntahin, ang tap nyo sya sa likod pag forward at pag nagstop na ang tapBawal ang magsalita. Mula dito sa tapat ng room hanggang dulo ng hallway ang layo ng lalakarin nyo, pagkatapos ng isa, palit naman kay, and afterwards, irarate nyo ang partner nyo based on their trust on you, Is that understood?"
paliwanag ng guro.

"YES MA'AM"

Mas lalong nanlumo si Ysa sa narinig, sino naman kaya ang pwede nyang makapartner dito na pwede nyang maging mapagkatiwalaan, eh lahat ng tao dito tingin ay aswang sya, baka mamaya iguide na lang sya basta sa hagdan.

"Ysa, may partner ka na?" putol ni Corine sa malalim na pagiisip.

"Ha? Ah Eh.."hindi makasagot ang dalaga.

"Gusto po tayo na alng ang partner, partner na kasi si Bea at Mildred eh"
nkangiting sabi nito.

Matagal bago sumagot si Ysa, wala nga syang tiwala kay Corine tas ito pa makakapartner nya sa Trust walk.

"Silence means Yes.." sabi ni Corine at saka bumaling sa guro. "ma'am si Ysa po ang partner ko" paalam nito sa guro.

Wala ng nagawa si Ysa, wala naman syang ibang choice, ayaw na niyang maginarte at baka mamaya mas malala pa ang gawin ni Corine pag napahiya nya ito sa pagtanggi nya, hindi naman sya natatakot, gusto lang talaga nya ng tahimik na buhay sa school na yon.

Si Corine ang unang nagtakip ng mata, at sya ang gumuide dito.
Mabilis silang natapos sapagkat sumusunod kaagad si Corine sa kanya.

Ngitngit na ngitngit naman ang dalawang kabarkada si Corine sa nakikita, kaya isang masamang ideya na naman ang pumasok sa isipan nila.

"Salamat at hindi mo ako pinahamak sis."nakangiting sabi ni Corine habang sinusuot nya kay Ysa ang pantakip sa mata.

"Class! You are not allowed to remove your blindfold hanggang sa hindi kayo nakakabalik dito!" narinig nilang sabi ni Mrs. Del Mundo.

Nakahanda na si Ysa ng biglang tawagin ni Bea si Corine.

"Wait lang Ysa, sandaling sandali lang" paalam nito sa kapartner.

"Ano ba yon? Tanong ni Corine dito.

"oily ng face mo.."bulong ni Bea kay Corine, bigla namang nagpanic si Corine sa narinig kaya nagmamadali itong pumunta sa room, nawala na sa loob nito ang kapareha, iyon ang hinhintay na pagkakataon ni Bea.

Pumunta si Bea sa likod ni Ysa at tinap sa likod, sa pagaakala ni Ysa na si Corine yun ay lumakad na to. Imbes na sa dulo ng hallway ay ginuide nya ito sa ibang daan. Huminto sila sa tapat ng pinaniniwalaang haunted restroom ng mg nandoon at pagkatapos noon ay dahan dahang tumakbo si Bea.

Si Ysa naman sy takang taka dahil sa pagtigil nila.

"Bakit tayo tumigil? Nandito na ba tayo?"tanong nya sa akala nyang nandoon pa.

Walang sumagot, bagkus ay isang tap na naman ang naramdaman nya kaya nagpatuloy sya sa paglalakad.

Sa tapat naman ng room ay galit na galit si Corine sa ginawa ng dalawa.

"Sinabi ko ba sa inyong gawin nyo yon? That is not funny!"sita nito.
"That is so childlish.." dagdag pa nya. Maya maya ay natanaw na nila si Ysa, naglalakad papunta sa kanila. 

Manghang mangha naman sila ng makita na maayos at tila may gumagabay sa paglalakad nito.

Nang makarating sa kanila ay agad tinanggal ni Corine ang blindfold ni Ysa.

"Sis, sorry sa ginawa ng mga friends ko,, sorry talaga, hindi ko talaga alam na gagawin nila ito"
hinging paumanhin ni Corine.

"Ang alin?"tanong ni Ysa at saka kinusot ang mata matapos tanggalin ang takip sa mata.

"Si Bea kasi eh, nilibang ako, sya yung nagtap sayo tapos dinala ka sa may restroom, buti nakabalik ka dito at suot mo pa talaga blinfold mo..galing!" wika ni Corine.

Parang namang naubusan ng dugo si Ysa sa narinig, kung iniwan sya sa may restroom, sino yung nag-guide sa kanya pabalik. Kilabot na kilabot si Ysa, mapabuhay at mapapatay ay ginugulo sya.

+

"Ano bang balak mo sa buhay mo Lexin? Ilang taon ka na sa college pero parang wala ka pa ding balak gumraduate!"sita ng Mr. Alberto Apostol, ang ama ni Lexin, naabutan kasi nya ang anak na nasa may pool at nag-gigitara.

Hindi kumibo si Lexin, bagkus ay nagpatuloy ito sa pag-gigitara.

Mas naginit naman ang ulo ni Mr. Apostol sa pagbabalewala sa kanya ni Lexin, kaya kinuha nya ang gitara nito at hinagis sa pool.

Tinitigan ng matalim ni Lexin ang ama.

"Aba't demonyonka talagang bata ka!!" wika ng ama at saka ito hinila sa kwelyo at saka tinulak sa pool.

"Albert! Ano ka ba!? " gulat na gulat na sabi ng lola ni Lexin na si Marietta. "Minsan na nga lang kayo magkita magama ginaganyan mo pa si Lexin!" galit na sabi nito.

"Kaya lumalaking demonyo yang apo nyo Ma eh, kinukunsinti nyo" wika ni Albert.

"at anong gusto mong gawin ko! Gayahin kita? Na kung hindi binubogbog eh pinagsasalitaan ng masama si Lexin?" galit na sabi ni Marietta sa anak.

"Dinidisiplina ko lang anak ko!!" wika ni Albert.

"Pagdidisiplina ba yang pagtulak mo sa kanya sa pool! Ang sabihin mo mainam ka lang sa ibang tao pero sarili mong anak hindi mo mapakisamahan ng maayos!" galit na galit na sabi ng lola ni Lexin.

Nakaahon na si Lexin mula sa pagkatulak sa pool, at dali dali itong umalis.

"Hindi pa ako tapos sayo bata ka.." wika ni Albert at susundan na dapat ang anak pero pinigil ni Marietta. "Ma, hwag kang makialam!" sabi ni Albert sabay tabig sa ina dahilan para mabuwal ito.

Nakita ni Lexin yon at galit na galit itong sinugod ang ama at pinitsarahan. "Huwag na Huwag mong sasaktan si Lola Mommy!" sabi nito na galit na galit at nanlilisik ang mata. 

Tumayo naman si Marieta at kinuha ang apo. "Halika na Lexin, magpalit ka na ng damit at baka magkasakit ka pa" sabi nito.

Bago pa makaalis ay pinukulan nito ng masamang tingin ang ama.

+

"Ay wait, nakalimutan ko yung Psychology book ko sa locker, hindi ako makakagawa ng assignment" biglang sabi ni Ysa ng maalala ang aklat na naiwan.

"ano ka ba naman sis, napakamakakalimutin mo naman, mauna na ako sayo at mag-oonline pa ako, magbabasa pa ako ng ghost stories sa favorite fan page ko" maarteng wika ni Marj.

"Ay oo nga pala, ako din, sarap kasi tumambay sa page na yon eh, i-like mo yun sis, Ghost Stories Mo, Post Mo Dito.. Mageenjoy ka.." dagdag pa ni Aileen.

"Ay nako, o sige sige, pag nagonline ako, sige girls, see you tomorrow!" pagpapaalam ni Ysa at saka lumakad pabalik sa school.

+

"Grabe nama, 6:30 pa lang parang wala ng tao, nakakatakot.." bulong ni Ysa sa sarili habang naglalakad sa hallway.

Malikot ang mata nito habang naglalakad, tahimik na tahimik sa pasilyo ng eskwelahan, pakiramdam ni Ysa ay bigla na lang may lilitaw sa harap nya na multo.
Mas kinabahan tuloy sya, gusto sana nya pumikit pero naalala nya yung nangyari sa trust walk nila.
Nilabas na lang niya ang cellphone at nagpatugtog. Sinabayan pa nya ang kanta sa cellphone. Narating na nya ang locker, agad agad nyang kinuha ang librong kailangan sa locker nya, kasasara lang nya ng locker ng biglang huminto ang music na pinapakinggan nya.

Isang nakakatakot na iyak ang kanyang narinig, na parang nagmamakaawa.

"Tulungan nyo ako.. Tulungan nyo ako.." 

Nagtayuan ang balahibo ni Ysa sa narinig, dali dli syang umalis sa lugar na yon pero mas lumalakas ang tinig ng babae.

"Tulungan nyo ako.. Tulungan nyo ako.."

Binilisan ni Ysa ang pagtakbo pero napatigil sya ng isang malamig na hangin ang naramdaman sa likod, dahan dahan ang ginawa nyang paglingon pero wala naman sya nakita. Nakahinga sya ng malalim pero sandali lang yon, lalakad na sana sya ng maramdamang may humawak sa paa nya at pagtingin nya ay may nakadapang babae don, mahaba ang buhok at nakakikilabot ang itsura. 

"AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH"
malakas na sigaw ni Ysa at saka hinila ang paa't nagtatakbo.

+

"Ano kaya nangyari kay Ysa? Kawawa naman sya, kay bago bago pinagtitripan ng mga loko lokong yon" alalang sabi ni Tristan.

"Oo nga eh, gustong gusto sya pagtripan, nakita ko din sya nung nagtrust walk sila, iniwan dun sa may haunted restroom" kwento din ng kaibigan nitong si Ren.

"Tsk tsk, mga bata talaga, mabuti pa ay maiwan ko muna kayo diyan at maglilinis pa ako ng cr" wika ni Mang Dante na kakwentuhan din nila, pagkaalis nila ay lumapit si Ren kay Tristan.

"May gusto ka doon sa new comer noh?!"tukso nito dito.

"Hindi noh, ano ka ba, natutuwa lang ako sa kanya.. " depensa ni Tristan.

"Talaga lang ah, asus, umamin ka na kasi, gusto mo si Ysa" tukso pa ni Ren sa kaibigan.

"Kung gustuhin ko man sya, wala din.. Masysadong komplikado." malungkot na sabi ni Tristan.

+

Sa kakatakbo ni Ysa ay hindi nya napansin na makakasalubong na pala nya si Lexin na papasok pa lang ng school kaya nabangga nya ito at tumumba sila pareho na nakapatong ito sa binata.

Napako si Ysa sa pagkakatumba at si Lexin naman ay natawa.

"Alam kong may gusto ka sa akin pero hindi ko naman alam na ganyan ka kawild" asar nito sa dalaga.

Tila natauhan naman si Ysa sa pwesto nila kaya bigla itong tumayo.

"Bastos ka talaga! Bastos!!" sigaw ni Ysa.

"Bastos? Eh ikaw tong pumatong sa akin tapos ako yung bastos, baka idemanda kita ng rape diyan"
natatawang sabi ni Lexin.

Pero iyak lang ang ginanti ni Ysa, hindi pa kasi sya makarecover sa nakita kanina.

Nagulat naman si Lexin sa reaksyon ni Ysa.

"O nagaasaran lang tayo dito, bakit ka umiiyak.." takang tanong ni Lexin pero imbes na sumagot ay napalupasay ito at nagiiyak.

Lumapit dito si Lexin at hinawakan si Ysa, doon naramdaman nya na nanginginig at nanlalamig ang dalaga.

"Bakit takot na takot ka?" nagaalalang tanong ni Lexin.

"May babae.. May babae.. " umiiyak na sabi ni Ysa at saka yumukyok kay Lexin.

"Sinong babae?"tanong ni Lexin.

Tumingala si Ysa para ikwento sana ang nangyari pero pagangat ng nukha nya ay nakita nya ang babae sa likod ni Lexin na titig na titig sa kanya..

Campus queen ( Chapter 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon