Chapter 29 (Finale 1)

874 16 2
                                    

"Mommy, Mommy, look oh, ang cute cute ng doll na binili sa akin ni Daddy!"sigaw ng batang si Corine na noon ay anim na taong gulang pa lang. Kasalukuyang nagbabasa ng magazine si Lucia sa sofa noon ng biglang kumandong sa kanya si Corine dahilan para matapon ang Juice na nasa lamesita. 

"Ano ka bang bata ka, napakakulit mo, tingnan mo ang ginawa mo"bulyaw ni Lucia kay Corine saka napatayo at tinulak ang bayang si Corine. 

"Yaya! Linisin mo nga to, at utang na loob, ilayo mo sa akin tong batang to!"ang tinutukoy ay ang sumisibing si Corine dahil sa pagsigaw ng ina. 

"Mommy, Im sorry, I just want to sit on your lap lang naman eh.."paliwanag nito habang umiiyak. Pero imbes na maawa ay piniga ni Lucia ang dalawang pisngi ni Corine. 

"AND WHO THE HELL TOLD YOU THAT I WANT TO YOU TO SIT ON MY LAP?"gigil na gigil na sabi nito at saka ito patulak na binitawan. "YAYA! AYUSIN MO ANG BASO DITO! AT YUNG ALAGA MO AYUSIN MO! BWISET!" 

Naiwang iiyak iyak si Corine dahil sa ginawa ng anak. 

**** 

"I cant understand, bakit kailangan pa nating isama si Corine sa party na yan, gabing gabi na, dapat sa bata tulog na.."ani Daniel na nagbibihis at naghahanda sa pupuntahang party. 

"Bakit? Masama ba na ipagmalaki ko ang anak ko?"wika ni Lucia habang naglalagay ng hikaw. 

"Come on Lucia, at kailan ka pa naging proud kay Corine?"sarkastikong sabi ni Daniel. 

"Pwede ba Daniel, wag mong kukwestyunin ang pagiging ina ko kay Corine.. "galit na sagot ni Lucia. 

"Alam ko naman na sa tuwing wala ako dito ay minamaltrato mo si Corine."sagot ni Daniel. 

"OF COURSE NOT! AT SINO ANG NAGSABI SA YO NYAN? ANG MGA KATULONG?"napatayong sabi ni Lucia. 

"Hindi na nila kailangang isumbong dahil nakikita ko ang mga pasa ni Corine!" 

"BAKIT HINDI MO TANUNGIN MISMO SI CORINE KUNG ANO ANG TOTOO! My god Daniel, of all people, sayo ko pa maririnig ang mga acusations na yan.."kunwang naiiyak na sabi ni Lucia. "Ako pa ba Daniel, ako pa ang magmamaltrato sa anak ko.. Sa kaisa isa kong anak.." 

Para namang naguilty si Daniel sa nakitang reaksyon ng asawa, nilapitan nya ito at sinuyo suyo. 

"Im sorry Sweetheart, I didnt mean to hurt you.."niyakap nito si Lucia at nilambing lambing. 

"Ikaw ang mas unang dapat nakakaalam how much I love Corine,"dagdag pang litanya ni Lucia at yumakap din sa asawa pero pagkayakap na pagkayakap kay Daniel ay isang matalim na ngisi ang pinakawalan nito na lingid sa asawa. 

"Im sorry, im really really Sorry, I should'nt have listen to those maid, Im sorry.."Mas hinigpitan pa ni Daniel ang yakap sa asawa. 

"I knew it, those maids want to destroy me.. Siguro dahil mas gusto nila yung yumao mong asawa, ano nga naman ang laban ko sa kanila, mas matagal mo na silang nakilala, samantalang ako ay kakapasok lang sa buhay mo, sino nga naman ang paniniwalaan mo.."humihikbi kunong wika ni Lucia. 

"Ofcourse not, ikaw ang asawa ko.. Ikaw ang dapat kong paniwalaan.. Dont worry, bukas na bukas pagsasabihan ko sila.."paniniguro ni Daniel sa asawang si Lucia. 

"Para ano? Para mabigyan mo na naman sila ng pagkakataon na siraan ako? Wag na Daniel, nakapagdecide na ako na aalis na lang kami ni Corine dito, doon na lang kami kila Papa makikituloy or kila Maita.."wika ni Lucia at saka bumitiw sa pagkakayakap sa asawa at humarap muli sa salamin para magayos. 

"Anong.. Ano ka ba Lucia, wag nating palakihin tong isyu na to.. Kung yung mga maid ang problema mo, im willing to fire them all"sabi ni Daniel at saka lumapit sa likuran ni Lucia at niyakap ito mula dito. "Sweetheart, dont do this to me.. Please"pakiusap pa nito. 

Pigil na pigil ang ngisi ni Lucia sa ginagawang panlilinlang ng mga sandaling iyon. Hinarap nito ang asawa at umarteng inosente. 

"Pero those maids need their job.." 

"But i need you more.."putol nito sa sasabihin pa nito at saka hinalikan ang asawa. Sa kalagitnaan ng mainit na halik na kanilang pinagsaluhan ay bakas sa mga mata ni Lucia ang kagalakan na wari ba ay nagtagumpay na naman ang kanyang gusto. 

**** 

"So kaya mo pala gustong magpunta doon ay dahil nandoon si Crisanto..!"sita ni Daniel sa asawa ng nasa kotse nila, matapos makita ang eksenang magkausap ang dalawa ay agad itong nagayang umuwi. 

"Pwede ba Daniel, may asawa na yung tao.. Bakit kailangan mo pa syang pagselosan?"sagot ni Lucia. 

"Because I can see in your eyes that you sill love him.. At hindi maaalis sa isip ko na that Crisanto is Corine's real father.." 

"YOU SHUT UP!"putol ni Lucia sa sasabihin pa nito at saka nilingon ang natutulog na si Corine. "Talaga bang gusto mo pangalandakan kay Corine na hindi mo sya anak?" 

Napatingin si Crisanto sa bayang si Corine na mahimbing natutulog ng oras na iyon. 

"Mula ng pinakasalan kita, kahit pa alam kong may anak ka sa ibang lalaki, tinanggap ko yun, dahil mahal kita.. Pero sana naman wag mong sayangin ang pagmamahal ko.."madamdaming pahayag ni Daniel. 

Napatingin dito si Lucia at wariy may naramdamang pagkaawa sa asawa. 

"Kung tutuusin pwedeng pwede kita iwan Daniel, kung yaman at yaman lang din ay meron kami nyan, pero mas pinili kong magstay dahil alam kong mahal mo ako, kamo ng anak ko..kalimutan na natin to, kung gusto mo matahimik, sa states na lang tayo tumira.. "wika ni Lucia at yumakap sa asawa. 

**** 

"Hi there Lexin.. Hows my favorite nephew?"magiliw na bati ni Lucia sa batang si Lexin. 

"How come Im your favorite nephew, im your only nephew lang naman po Tita.."sagot ni Lexin. 

"You're so cute.. Kahit pa madami akong nephew, you will always be my favorite.. " 

"LEXIN!"putol ng parating na si Maita. "Anong ginagawa mo diyan? go to your room!"nanggagalaiting sabi ni Maita sa batang si Lexin. 

"BUt Tita Lucia ang I are talking pa.." 

"I SAID GO TO YOUR ROOM!"dali dali namang pumunta si Lexin sa kwarto ng marinig na nagagalit na si Maita. 

"Ano ka ba naman Maita I was just.." 

"Anong ginagawa mo dito Ate?"putol na sabi ni Maita sa sasabihin pa ni Lucia. 

"Binibisita ka Ano pa ba, masyado ka naman highblood.."pagpapaliwanag ng takang takang si Lucia sa inakto ng nakababata at kaisa isang kapatid na si Maita. 

Si Maita naman ay parang natuhan sa ginawi at napapapikit at pagkadilat ay isang pilit na ngiti ang pinakawalan. "Pasensya ka na ate at ganon ang reaksyon ko, may sakit kasi si Lexin kaya nagalit ako nung makita ko sya sa labas."pagsisinungaling nito. 

"Akala ko naman ayaw mong pakausap sa akin si Lexin, anyway, gusto ko lang sabihin sayo na pupunta na kami ng America nila Daniel at ni Corine."kwento nito sa kapatid saka sumilip sa may pool area kung saan naglalaro si Corine. 

"Oh Really, thats great, I mean.. Atleast malayo na kayo sa gulo diba.."pilit tinatago ni Maita ang labis labis na katuwaan sa pahayag na iton ni Lucia. 

"Yeah.. nagpapaalam lang ako sayo kasi baka dun na kami tumira.. Saka kay Lexin na rin dahil diko na makikita si Pogi.. "ngiting sabi nito at saka niyakap ang kapatid at saka binulungan. "Malalaman ko din ang katotohanan Maita, at pag nalaman ko yun, hindi ko alam kung anong pwede kong magawa sa inyong lahat.."nakapangingilabot na banta nito at saka kumalas sa pagkakayakap sa kapatid at kinuha ang bag at ngumiti ng nakakaloko. "Maaring nasa America ako, but I have lots of eyes and ears na maiiwan dito my dear sister.."wika nito at saka umalis. 

Naiwang tulala at parang takot na takot si Maita sa sinabing iyon ni Lucia. 

***** 

"Mommy, hindi ko na ba makikita si Lexin?"tanong ng batang si Corine kay Lucia, pauwi na sila galing sa bahay nila Maita. 

"Makikita ko pa din sila, once na malinaw na ang lahat, siguradong babalikan ko silang lahat.."seryosong sabi ni Lucia. 

**** 

"Where have you been?"tanong ni Lucia noon sa kararating lang na si Corine, 1 am na ng dumating ito. 

"Oh, its you, Mom.."lasing na lasing na ang 15 years old na si Corine that time. "I just had fun with my friends, we went to this bar and drinked some beer.." 

"Look at yourself, you look like a slut.."prangkang sabi ni Lucia. 

"And so? Why? concern ka my dear mom? Ill be suprise if you are, dahil kahit kailan naman wala kang pakialam sa akin, wala kang pakialam sa nararamdaman ko, So why are you acting as if your a concern mother.. Stop acting Mom, Dad is not around so you dont have to.."sarkastikong sabi ni Corine na lasing na lasing. 

"At sino naman ang may sabi sayong concern ako sayo, na may pakialam ako sa nararamdaman mo,"prangkang sabi ni Lucia na kinabigla ni Corine. "Wala akong pakialam kung mapariwara ka, kung magiging kaladkaring babae ka,wala akong pakialam kung masira ang buhay mo, pero hanggat nandito ka sa pamamahay ko, you will follow my rules, pero kung kaya mo na magisa, pwedeng pwede ka ng umalis sa pamamahay ko, the hell I care kung mamatay ka man sa gutom..!"pahayag ni Lucia. 

"Napakawalang kwenta mo talagang ina, kung pamimiliin lang ako ng ina, i wont choose you, dahil napakawalang kwenta mo.."matapang na sagot ni Corine. 

"me either, but iba nga lang ang sitwasyon dahil pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon, pagsisisi kung bakit ikaw pa ang pinili kong maging anak ko..!"ani Lucia. 

"What do you mean?"gulat na tanong ni Corine. 

"Ahm.. Nothing.. "patay malisyang sabi ni Lucia at saka tinalikuran si Corine. 

"Your Lying! Tell me.. Anong ibig mong sabihin.. !"emosyonal na sabi ni Lexin at saka hinila sa may balikat si Lucia pero isang sampal ang sinalubong dito nito kay Corine. 

"I said Nothing..!" 

**** 

"Home sweet home.. I Miss this house..!"ani Lucia habang pinagmamasdan ang buong kabahayan. 

"As I promise, walang pinagabago.."ani Daniel sa asawa at saka ito inakbayan. 

Nakasunod naman ang nakasimangot na si Corine dala dala ang backpack nya. 

"Dapat nagpaiwan na lang ako sa America, ayoko dito.."singhal nya. 

"Hija.. We dont belong in that country, isa pa nandito ang kabuhayan natin.. Ayaw mo ba noon lagi na tayo magkakasama.."mabait na sabi ni Daniel sa anak. 

"Ang sabihin nyo Dad, pinagbigyan nyo lang si Mommy.."pagtataray pa nito. 

"And so What? Ano naman ang masama kung pagbigyan ako ng daddy mo na asawa ko?"napatinging sabi ni Lucia. "Corine my Dear, it seems like, may tampo ka mga nangyari?" 

"Whatever.. Where is my room?" 

"Corine, dont talk to your Mom like that.. Its very disrespectful.."saway ni Daniel Kay Corine. 

"Dont Worry sweetheart, Im so used with it.. Manang Biday, pakisamahan nyo nga si Prinsesa Corine sa kanyang kwarto.."utos nito sa nandoon na palang katulong. 

"Ay Mam Lucia, mabuti po at nakauwi na kayo.."bati ng isang may edad ng babae. 

"Salamat Manang, mabuti naman po at pumayag kayong manilbihan pa rin sa akin.."nakangiting sabi ni Lucia. 

"Abay syempre naman.. Alam mo namang batang musmos ka pa laang eh ako ng nagaaruga sayo.. Kung di sanay nabuhay laang ang iyong" 

"Mang Biday! Mamaya na po tayo magkwentuhan, pakisamahan na po si Corine sa kwarto nya.."putol ni Lucia sa ano mang sasabihin pa ng matanda, agad namang tumalima ang matanda. 

"So Honey.. anong plano mo?"malambing na tanong ni Daniel sa asawa pagkaalis ng katulong at ni Corine. 

"Hmmm.. Like I said, gusto kong pagpatuloy ang propesyon ko.. Ang pagtuturo.. "sagot naman ni Lucia. 

Niyakap ni Daniel ang asawa"And I can help you with that.. Isa ako sa Major share holder sa isang sikat na school dito sa atin.. Ang LAC.." 

**** 

AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH 

Sigaw ng isang estudyanteng babae ng makitang nakabulagta at duguan ang kanilang guro sa loob ng mismong restroom nila. 

"Bakit?"tanong ng isang humahangos na gurad na hindi pa nakikita ang mga pangyayari. 

"Si Mrs. Rivera.."gulat at takot na turo nito sa bangkay na nakita, sinilip ito ng guard at muntik na itong maduwal sa nakita, bukod kasi sa duguan ito at wala ng buhay ay tanggal pa ang dalawang mata nito. 

**** 

"Mam Corine, nandito na po tayo.."gising ng driver kay Corine na naidlip pala habang nasa byahe papuntang LAC. 

Pupungas punga na bumangon si Corine at sumilip sa bintana, kapagdakay tiningnan ang oras sa kanyang relo. Quarter to 10 na, maya maya lang ay maghaharap na sila ni Ysa. Hindi nya alam kung anong kailangan ni Ysa pero kahit ano pa man ang mangyari ay handa sya, sinilip nya ang kanuang bag kung saan nakatago ang baril na ninanakaw pa nya sa drawer ng Ama. 

"Mang Dencio.. Salamat po, iwan nyo na po ako dito.."Paalam ni Corine. 

"Hindi na ba kita hihintayin Hija? 

Ngumiti lang si Corine at bumaba na ng sasakyan, pero bago nito isara ang pintuan ng sasakyan ay lumingon ito sa driver at nagwika. 

"Mang Dencio, Kayo na po ang bahala kay Daddy.."aniya saka sinara ang pintuan. 



TOK TOK TOK.. 
TOK TOK TOK.. 

Sunod Sunod na katok ang gumising kay Flor na nakatulog na sa sofa dahil sa pagbabakasakaling uuwi ang kapatid. Nakakunot na tiningnan nya ang orasan. 

"Magaalas diyes na, sino kaya ito?"sabi nito at saka tinungo ang pintuan. "Sino yan?"tanong nya. 

"Inspector Bonker Moral po..!" 

Kunot noong binuksan ni Flor ang pintuan. "Inspector? Ano pong ginagawa nyo dito sir? Ng gantong oras?" 

"Pasensya na sa istorbo Mam, gusto lang po sana naming makausap si Ysabella Fajardo.."magalang na wika ni Bonker. 

"Anong kailangan nyo sa kapatid ko?"tanong ni Flor. 

"Gusto lang namin sana syang makausap, may importanteng sasabihin lang ako.."magalang na wika ni Bonker. 

"Wala po sya dito.. Matagal na syang hindi ummuuwi, tungkol po ba saan yun sir?"usisa ni Flor. 

"May mga bagay po kasi akong kailangang itanong sa kanya.."magalang na wika ni Bonker. 

"Katulad ng?" 

"Pasensya na perp kay Ysa ko dapat idiscuss ang mga bagay bagay tungkol dito.."dagdag pa ni Bonker. 

"Ganon po ba? Sa totoo lang po sir, wala talaga akong ideya kung nasan sya, ang huling kita pa namin eh nung naghakot siya ng ilang gamit."kwento ni Flor. 

"Ganon ba.. Saan ko kaya sya pwedeng makita.."isang malungkot na mata na lang ni Flor naging sagot sa katanungan ni Bonker. 

Totoo ang sinasabi ni Flor, nung araw na mamatay si Maita Apostol, ang ina ni Lexin. Tandang tanda nya pa ng humahangos at umiiyak na umuwi ito. 

**** 

Isang malakas na katok din ang gumulat kay Flor, Lina at Lewis, agad naman itong binuksan ni Lewis at sumambulat ang takot na takot na si Ysa. 

"ATE YSA!!"tawag ni Lewis. 

"Si Ysa nandito si Ysa,"gulat namang sabi ni Lina, pero si Ysa ay dire diretso sa kanyang kwarto at nagimpake. Maya maya ay pumasok na ang ina at mga kapatid. 

"Bakit nagiimpake ka? Saan ka pupunta? Talaga bang hindi mo na ako mapapatawad at aalis ka.."emosyonal na sabi ni Lina habang pinipigil ang nagiimpakeng si Ysa. 

Pero hindi kumikibo si Ysa, bagkus ay pinagpatuloy nya ang pagiimpake, ilang ulit pinilit ni Linang tanggalin ang mga ineempake nyang gamit. Pero sadyang mapilit si Ysa kaya ng huli ay igo si Lina sa ginagawa. 

"ANAK.. KUNG KINAKAILANGAN KONG MAMATAY MAPATAWAD LANG AKO, GAGAWIN KO.."desperadong sabi ni Lina. Si Flor ay nakamasid lang samantalang si Lewis ay umiiyak. Pigil ang luhang kinuha ni Ysa ang bag at tinalikuran ang ina pero pinigil ito ni Lina sa braso. "Anak, please.. Para lang kay Papa mo.."Napatigil si Ysa at unti unting pumatak ang luha. 

"Hayaan na natin si Ysa Ma.."napatigil si Ysa sa kanyang ate,"Kung talagang iiwan tayo ni Ysa dahil hindi nya pwedeng makatuluyan si Lexin, hayaan mo na sya,atleast ngayon alam na natin na mas importante ang lalaking iyon kaysa sa atin.."parang may kung anong humaharang sa lalamunan ni Flor ng mga sandaling iyon. Imbes na sumagot si Ysa ay agad agad tong dumiretso sa labas.. 

Abot abot ang palahaw ni Lina ng mha sandalimg iyon. 

**** 

"Miss.. Miss.."para namang ginising sa pagkakahimbing si Flor ng mga oras na yun, kaharap pa rin mua amg dalawang pulis na naghahanap sa kapatid. 

"Ano po yun?"tanong nya. 

"Ang sabi po namin, kung may alam kayong maaring puntahan ni Ysa."tanong ni Bonker. 

"Sa totoo lang, wala at wala akomg pakilam kung nasan man sya, kaya mabuti pa po ay umalis na kayo at sa iba magtanong, bala nandoon sya kila Lexin"matabang na wika ni Flor. "Magmula ng talikuran nya kami nila Mama ay wala na akong kapatid.."pagkawika noon ni Flor ay sinara na nito ang pintuan. 

Naiwang nakanganga ang dalawang pulis at kapagdakay umalis ng iiling iling. 



"Mabuti naman at dumating ka.."bungad ni Ysa kay Corine pagkapasok na pagkapasok nito sa classroom kung saan napagusapan nilang magkikita. 

"Sa totoo lang, wala naman akong balak, pero maigi na to para matapos na ang dapat matapos.."mataray na sabi ni Corine 

"Tama! dapat matapos na to.. Kaya ngayon pa lang ay sabihin mo king bakit kayo pumapatay mag-ina!!"galit na galit na sabi ni Ysa. 

"Anong pinagsasasabi mo Ysabella Fajardo! Sa pagkakatanda ko, ikaw ang pumapatay.. Pinatay mo sila Yuan dahil sa kahihiyang dinulot nila sayo, kay Bea dahil sa mga panggapi nya, si Gov dahil hindi na kayo pwede magkatuluyan ni Lexin dahil sa kanya!"sagot ni Corine. 

"KASINUNGALINGAN! WAG MONG IBAHIN ANG KWENTO.. ALAM KO NA ALAM MO KUNG ANONG TINUTUKOY KO! KUNG MERON MANG MAMAMATAY TAO DITO, IKAW YON! KAYO NG DEMONYO MONG INA!"sigaw ni Ysa. 

"Oh come on, magiibento ka na lang rin, mali mali pa..Im sorry my dear.. Panong kami ng ina ko ang papatay eh matagal na syang patay!"sabi ni Corine at saka dahan dahang pinasok ang kamay sa bag kung saan nakatago ang dalang baril. 

"OO! PATAY NA PERO NAGAGAWA PA RIN NYA KAMING GULUHIN! Bakit pinatay nya ang Mga kaibigan ko! Ang Papa ko pati si Ate Alexa maging ang Mama ni Lexin.. Anong kasalanan ko sa kanya at lahat ng malalapit sa akin ay pinapatay nya! bakit!"susugod na sana si Ysa kay Corine pero agad binunot ni Corine ang baril na nakatago at tinutok kay Ysa. 

"Not so Fast you bitchy monster..!" 

Napatigil si Ysa sa pagsugod pero imbes na matakot ay lalo itong nagalit. 

"Ano! Papatayin mo rin ako Corine! Papatayin mo rin ako katulad ng ginawa mo kila Yuan! Nasaan na ang magaling mong ina! Bakit hindi sya nagpaparamdam.."sigaw ni Ysa. 

"Hindi ko alam ang sinasabi mo,"nginig na nginig na sabi ni Corine pero isa lang ang masisiguro ko, may mamatay ngayon at hindi ako yun!"pagkawika ni Corine ay pikit matang kakalabitin na sana ang baril, pero bago pa man makalabit ang baril ay dinamba na nito si Corine, nagawa nitong makipagagawan kay Corine, tumama sila sa mga desk sa paligid, at paikot ikot sila sa lapag hanggang isang putok ang kumawala, nagkatinginan ang dalawa at isang daing mula kay Ysa ang narinig, nanlalaki amg matang napatayo si Corine at binitawan ang baril. 

"Im sorry, hindi ko sinasadya.. Sinugod mo kasi ako!"tarantang sabi ni Corine sa namimilipit sa sakit na si Ysa. Akma syang lalapit pero di nya nagawa dahil sinigawan sya ni Ysa. 

"WAG KANG LALAPIT HAYOP KA! ALAM NA ALAM KONG GUSTO NYO AKONG MAMATAY! KAYO NG INA MO!PERO HINDING HINDI KAYO MAGTATAGUMPAY! HINDEEEEEE!"sigaw ni Ysa at saka mabilis na tinalon ang baril kahit masakit ang hitang natamaan ng bala. Agad nya itong tinutok kay Corine. 

"Ysa, put that gun away!"ani Corine na lalong nahintakutan. 

"HINDE! ETO NA ANG PAGKAKATAON KO! TAWAGIN MO YUNG DEMONYO MONG INA AT MAGHARAP HARAP TAYO! TAWAGIN MO ANG ESPIRITU NI LUCIA RIVERA! ILABAS MO SYA!"galit na galit na sigaw ni Ysa. 

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Ysa, matagal ng patay si Mommy, paano nya magagawa pang pumatay! Nababaliw ka na ba!"sabi ni Corine na unti unting napapaatras dahil palapit na ang iika ikang si Ysa. 

"HINDI AKO NABABALIW!"sigaw muli nito dahilan para mapapikit sa talot si Corine. "Wag ka na magmaang maangan.. " 

"Hindi ako nagmamaang maangan, talaga lang wala akong idea sa sinasabi mo.. At imposibleng maging katuwang ko sya sa mga patayan.. Unang una, yung naganap na patayan 3 years ago, paano magiging ako yun eh nasa america ako that time.. And for god sake, wala ako ni isang kilala sa mga namatay noon! And Mommy wont kill someone because of me because she hates me so much.. to the point na kahit ako ay gusto na rin nuang patayin.. At isa pa.."naging mahina na ang mga huling salita ni Corine na wari bay nananantya. "Ako ang dahilan kung bakit sya namatay" 

"Anong ibig mong sabihin.."si Ysa. 

"Siniraan ko sya kay Daddy, inimbento ko na may affair sya sa totoo kong ama.. And naniwala sa akin si Daddy kaya naman.. "napatigil muli si Corine.. "Kaya naman pinatay niya si Mommy.. " 

Nanlalaki ang mata ni Ysa sa mga narinig na rebelasyon. 

"That night, ng wala ng tao sa LAC at naiwan si Mommy ay, ay paulit ulit nya tong sinaksak..at sa sobrang galit ni daddy ay nakuha pa nitong paulit ulit itarak ang kutsilyo sa mata nito dahilan para mawala ang mata ni Mommy.."kwento nI Corine. Dahang dahang napaupo si Corine at umiiyak na inaalala ang nakalipas. 

"Kung sa tingin mo mapapaniwala mo na naman ako Corine nagkakamali ka.. Sawang sawa na ako sa palabas mo! Dimo na ako maloloko"sabi ni Ysa na di inaalis ang pagkakatutok ng baril kay Corine. 

"Hindi kita pipiliting maniwala pero yun ang totoo, kahit kailan hindi ako pinakitaan ni Mommy ni konting pagmamahal, lagi nya akong sinasaktan, physically ang emotionally.. She never been a mother to me so paanong papatay sya ng dahil sa akin.."sigaw ni Corine na naguumpisa ng umiyak. 

Si Ysa naman ng mga oras na yun ay naguguluhan at wari bay naniniwala kay Corine. 

"At pwede ba wag mo isisi sa akin ang pagpatay na ginagawa mo! I knew it was you.. So stop acting inoccent.."si Corine. 

Iiling iling si Ysa na wari ba ay sinusukol. "Hindi ako ang pumapatay.. At madami akong testigo na kasama ko nung gabi na napatay ang mga biktima.. " 

"Kung hindi ka talaga pumapatay, ibababa mo yang baril na yan.."natatakot na sabi ni Corine. 

"AT PARA ANO?! PARA AKO NAMAN ANG PATAYIN MO!! Alam ko naman na poot na poot ka sa akin dahil kay Lexin.. Pero ano pa nga ba ang ikapopoot mo.. Magkapatid kami! He's all yours.."sarkastikong sabi ni Ysa. 

"Sa tingin mo ba, ganon lang kadali lang lahat? Hmm.. Na porket magkapatid kayo ay sa akin na sya pupunta..hindi na mangyayari iyon dahil nilason mo na ang puso mya!"panunumbat ni Corine. 

"Hindi ko kasalanan kung ako ang minahal nya!"sagot pa ni Ysa. 

"KASALANAN MO! KASALANAN MO YSA! NAGSIMULA LAHAT SAYO ANG KAGULUHANG ITO KAYA KASALANAN MO! Bata pa lang kami magkasama na kami ni Lexin, he was my childhood friend.. We used to play in their house kapag nasa kanila kami, bata pa lang ako tinatak ko na sa puso ko na sya lang ang mamahalin ko.. KAHIT PA MAGPINSAN KAMI!!"pagbubulgar ni Corine. 

"MAGPINSAN? KAYO.. PAANONG.." 

"kapatid ni Mommy ang Mama ni Lexin, inuutusan ako lagi ni Mama na makipaglaro kay Lexin at kunin ang loob nito, ako naman tong tanga, nakipagkaibigan sa kanya para matuwa sa akin si Mommy.. Noong una ayoko talaga sa kanya, coz I envy him sa atensyong nakukuha nya from my mother pero he's been a very good companion at his very young age kaya naman nahulog na ako sa kanya, kahit pa pumunta na kami ng america, may communication pa kami hanggang makauwi ako ulit dito, sa panahon na yun wala akong ibang ginawa kung hindi mahalin sya hanggang ngayon tapos darating ka bigla at kukunin mo ang pagmamahal na dapat ay sa akin!"walang bahid ng galit sa mga salita ni Corine, bagkus ay para itong nagtatampo. 

"Hindi ko alam.. Hindi ko sinasadya.. Hindi ko kasalanan kung ako ang minahal nya.."nalilitong sabi ni Ysa na unti unting inaalis kay Corine ang pagkatutok ng baril, at yun ang naging pagkakataon ni Corine. 

"Kasalanan mo kasi dumating ka sa buhay namin!"sigaw ni Corine at saka dinamba si Ysa dahilan para mabitawan nito ang baril,magkapatong na pagulong gulong ang dalawa. Tumama sila sa isang upuan,pumaibabaw si Corine at pinagsasasampal si Ysa, nagawa din nitong diinan ang parteng nabaril kay Ysa dahilan para masigaw ito. 

"AAARRGGHHHHHHHHHH!"sigaw ni Ysa na namimilipit sa sakit. 

"MAS MASAKIT PA DIYAN YSA! MAS MASAKIT PA DIYAN ANG GINAWA MO SA AKIN!"sigaw ni Corine habang sinasakal naman ngayon si Ysa. 

Hindi makahinga si Ysa, pakiramdam nya ng mga sandaling iyon ay tuluyan na syang mapapasailalim ni Corine ng mapatingin sya sa bracelet na suot, ito ang bracelet na napulot nya sa dorm na pagaari ni kadormate nyang si Chel. Ang palawit noon ay isang matulis na disenyo, alam nyang maliit lang ito pero nagbakasakali na lang sya na mailigtas sya nito. Kahit hirap sa pagkakasakal ay buong lakas nya itong isinaksak sa may leeg ni Corine. 

"AWWW"napahawak si Corine sa bandang leeg, at dali dali naman syang tinulak ni Ysa at kahit hirap ay pinilit nyang tumayo at tumakabo palabas. 

"Hindi ka makakalayo!"sabi ni Corine, nilingon ito ni Ysa at nakita nuang pinupulot nito ang baril kaya naman agad tong tumakbo palabas. 

Iika ikang tumakbo si Ysa, naghahanap ng matatakbuhan. Pero imbes na bumaba ay umakyat si Ysa pataas. Dinig na dinig nya ang malakas na sigaw ni Corine. 

"Come on Ysa! Kahit saan ka magpunta di mo ako matatakasan! Papatayin kita sigurado! I dont care kahit makulong ako basta mapatay kita!"sigaw ni Corine, lalo namang binilisan ni Ysa ang pagtakbo, dahil sa sugat na natamo ay hirap na hirap sya kaya naman palapit na ng palapit si Corine. Walang ibang choice si Ysa kung hindi pumasok sa CR na nadaanan na hindi nya napansin na ang haunted restroom pala. 

Dali dali nyang pinunta ang pinakadulong cubicle pero kakasara pa lang nya ng pinto ay nadinig na nya ang pagbukas ng pinto. 

"AHAHAH, COME ON YSA, AT TALAGA NAMANG DITO PA SA CR NA TO NAISIPAN MONG MAGTAGO.. SO STUPID.."narinig nyang halaklak ni Corine. 

Butil butil na pawis ang pumapatak kay Ysa, nanginginig sa takot sa maaring pwede mangyari sa kanya. 

"Alam mo bang dito rin mismo sa cr na to pinatay no Daddy si Mommy.. "salita ni Corine habang nakaharap sa salamin, binaba nya ang baril sa lababo at kunway sinisipat sipat ang sariling repleksyon. 

"Tama ang narinig mo, dito paulit ulit na sinaksak ni Daddy si Mommy, nginudngod nya sa lababo at saka pinagsasaksak ang mata.."kwento ni Corine. 

*** 

"DANIEL!"gulat na sabi ni Lucia sa asawa. 

Madilim ang mga matang galit na galit ang itsura ni Daniel, nasa likod ang mga kamay. 

"Sweetheart, whats wrong? Why are you like that?"tanong ni Lucia. 

"Alam ko na ang tungkol sa inyo ni Crisanto, alam kong palihim pa rin kayong nagkikita hanggang ngayon.."malamig ang boses na sabi nito. 

"WHAT THE FUCKING HELL ARE YOU SAYING!"gulat na sabi ni Lucia, alam nya sa sarili nyang hindi totoo ito dahil magmula ng ikasal ito kay Trini ay di na nya ito nakausap ng sarilinan man lang. 

"LIAR! ALAM KO NA! SINABI NA SA AKIN NI CORINE! PINAGTAPAT NYA SA AKIN! SINABI NYA NA KAYA MO SYA SINASAKTAN NUNG BATA HANGGANG NGAYON DAHIL NAHULI KA NYA NA NAGTATALIK KAYONG DALAWA!" 

"OFCOURSE NOT! THATS A LIE!"SAgot ni Lucia. 

"PAANONG MAGIGING KASINUNGALINGAN ITO SAMANTALANG PINATOTOHANAN ITO NG KAPATID MO!"gigil na sabi ni Daniel. 

"WHAT ARE YOU SAYING! ANONG PINATOTOHANAN?" 

"Na sa kanya ka pa humihingi ng tulong para magkita kayo, kaya pala madalas kayo magaway dahil sinusuway mo sya! Lahat lahat! Pati ang totoong pagkatao ni Corine!"sagot ni Daniel at saka nilabas ang kutsilyo na kanina pa nasa likod. 

"Sinaktan mo ako Lucia! Wala akong ibang binigay sayo kung hindi pagmamahal! Yun pala ay ginamit mo lang ako! Pero hindi na ako makakapayag na gawin mo pa yun! Dahil papatayin kita!"pagkasabi nito ay pinahaging nya sa mukha ni Lucia ang kutsilyo at nahiwa ang pisngi nito. 

Napahawak si Lucia sa mukha at ng makita ang dugo sa mukha ay naghysterical ito. 

"OH MY GOD! OH MY GOD!"sigaw nito pero bago pa makasigaw ulit ay tinarakan sya ng kutsilyo sa mata ng paulit ulit. 

**** 

"Pero alam mo Ysa,"putol ni Corine sa pagbabaliktanaw. "Alam mo ba kung bakit alam ko lahat ng nangyari! Dahil nandoon ako! Kitang kita ko lahat ng ginawa ni Daddy.. Nagmakaawa pa nga sa akin si Mommy non na tulungan ko sya.. " 

**** 

"Mommy..?" 

Nadinig ng nagaagaw buhay na si Lucia ang anak. 

"Tu-tulungan mo ako Anak.."mahinang mahina ng sabi ni Corine. 

"Tulungan kita?"dinig nyang sabi nitO. "NO WAY!"sabi nito. "MAMATAY KA DIYAN!"sabi nito at saka naramdaman ni Lucia ang sunod sunod na namang saksak sa katawan nito gang sa bawian sya ng buhay. 

**** 

"YES YSA! AKO ANG TULUYANG TUMAPOS SA KANYA! AT ANG SARAP SARAP SA PAKIRAMDAM..I KILLED MY OWN MOTHER.."ani Corine, kilabot na kilabot si Ysa sa mga naririnig. Pero mas kinalabutan sya sa sumunod na pangyayari. 

"SINO KA!?"nadinig nyang sabi ni Corine ng marinig na bumukas ang pinto. "ANONG GINAGAWA MO, ANO YAN..ANONG.."hindi na narinig ni Ysa ang kasunod na sasabihin pa ni Corine, bagkos ay parang bumulwak na dugo ang narinig. 

Matagal na katahimikan ang namayani, maya maya ay narinig na naman nyang sumara ang pintuan. Dali dali syang lumabas upang tumambad lamang sa kanya ang putol na ulo ni Corine. Nasa lababo ang ulo at nangingisay ang katawan sa lapag na may nakabaon pang palakol sa dibdib. 

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH"tatakbo na sana ya pero isang malakas na hangin ang umihip sa likod nya, at doon ay nakita nya.. Ang babaeng nakaitim..pagkatapos nito ay hindi na nya alam ang sumunod na pangyayari dahil nawalan sya ng malay.

Campus queen ( Chapter 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon