"TRISTAN.."nasabi na lang ni Ysa, sa totoo lang ay masyado na syang madaming pinagdadaanan ngayon at ang mga salita ni Tristan ang gusto nyang marinig, umupo si Tristan sa tabi nya at akmang hahawakan ang kamay ni Ysa pero hindi nya tinuloy, tumingin na lang sya sa malayo at kapagdakay nagsalita.
"Kaya mo yan Ysa, kung ano man yung mga pinagdadaanan mo kaya mo yan, si Bro at lahat ng nagmamahal sayo ang kakampi mo"sabi ni Tristan at saka nakanginting tumingin kay Ysa"at kasama na ako doon"
Gulat na napatingin si Ysa kay Tristan pero nakaiba na ng tingin si Tristan, kitang kita nya ang ngiti sa labi nito pero mas napansin nito ang lungkot sa mga mata.
"Ysa..may pagkakataon kaya na pwede mo rin akong mahalin katulad ng sa kanya?"tanong ni Tristan.
Napanganga si Ysa sa tanong ng binata, hindi nya malalaman ang isasagot, sa totoo lang, si Tristan ang isa sa mga nagbibigay lakas sa kanya, kahit wala pa sya masyadong alam sa binata ay sobra na syang komportable dito.
Naptingin sa kanya si Tristan at kitang kita nito na titig na titig si Ysa sa kanya, napangiti si Tristan at tumayo.
"Hindi mo kailangan sagutin Ysa, tanggap ko naman na ibang lalaki ang mahal mo, pero ang hindi ko lang matanggap ay bakit si Lexin pa"pansin na pansin ang pagtigas ng boses ni Tristan ng banggitin ang pangalan ni Lexin na syang kinagulat ni Ysa dahil tila bago sa kanyang pandinig na ganong tono kay Tristan.
"Anong problema kay Lexin?"di maiwasang itanong ni Ysa pero hindi kumibo si Tristan bagkus ay humarap muli ito sa may bintana at sumigaw.
"BROOOOO! WAG NYO PO PABABAYAAN SI YSAAAA, SOBRANG HALAGA NYA PO SAAA AKIIIIIIN!"sigaw ni Tristan na kinangiti naman ni Ysa, tumayo si Ysa at saka pumwesto dun sa may bintana.
"BROOOOOOO! KUNG PWEDE LANG POOOOOO! WAG NA WAG NYO PONG ILALAYO SA AKIN SI TRISTAAAAAN! MALULUNGKOOOOT PO AKOOOO NG SOBRAAAAA!"sigaw ni Ysa, sa pagkakataong ito si Tristan naman ang napatingin sa kanya. "Tristan, salamat, sa dinami dami ng inaasahan kong susuprta sa akin ng ganto, ikaw pa na ni hindi ko alam ang buong pangalan, nakakatawa mang isipin pero gusto ko lang malaman mo na.. Isa ka sa mga kokonting dahilan ko kung bakit ako nananatili sa LAC"nakangitiing sambit ni Ysa.
"YSA.."sa pagkakataong ito ay si Tristan naman ang natameme.
+
"Sino po sila?"tanong ni Flor kay Carlo ng mapagbuksan na sya nito ng pinto.
"Ako si Inspector Carlo Sta. Ana, gusto ko lang po sana makausap si Ysa."magalang na wika ni Carlo.
"Wala si Ysa dito, nasa dorm na kasi..."
"Flor, sino ba yan? Bakit ayaw mong papasukin"tawag ni Javier na noon ay nasa kusina.
"Pa, inspector Sta. Ana daw, hinahanap si Ysa.."sagot naman ni Flor.
"Inspector ano?"tanong ni Javier na maya maya ay lumabas ng kusina para makita ang bisita.
"INSPECTOR STA. ANA?"pagkumpirma ni Javier.
"Spo1 Fajardo?"balik na tanong ni Carlo.
"Ay ako nga po Sir, kamusta po, bakit po napadpad kayo? Ano pong kailangan nyo sa anak kong si Ysa?"tanong ni Javier at saka sinenyasan si Flor na papasukin ang bisita na sya namang ginawa ni Flor.
"Anak nyo po si Ysabell Fajardo?"gulat na tanong ni Carlo kay Javier.
"Kilala nyo Pa?"naguguluhang tanong ni Flor.
"NBI agent yan anak, akalain mong nagpalipat lang sa department namin as inspector"pagbibida ni Javier.
"Eh ganon, anong ginagawa nya dito at hinahanap si Ysa?wag mong sabihing may kaso si Ysa?"usisa ni Flor.
