Kalalabas lang ni Marj ng Cr, hinanap nya kaagad si Ysa pero hindi nya iyon makita, napansin nya na may pinagkakaguluhan ang mga tao sa pool.
"Ano kaya yun?"takang tanong nya at saka lumakad papunta dito at laking gulat nya ng makitang si Ysa nandoon at nalulunod.
"Ysa! My god! Hindi sya marunong lumangoy!"sabi ni Marj at akmang tatalon na pero isang lalaki ang nauna ng tumalon sa sa kanya.
Si Lexin, saktong napadaan sya ng marinig nya sa isang estudyante na nahulog daw sa pool yung aswang, si Ysa lang naman ang kilala nyang tinatawag na aswang, at hindi nga sya nagkamali, dali dali nyang tumakbo at tinalon si Ysa sa pool.
Wala na tong malay ng makuha ni Lexin. Iniahon nya ito sa pool at hiniga.
"Ysa.. Ysa..!"sampal nya sa mukha nito at saka nya pinump ang dibidb nito. "Ysa.. Ysa..!"alalang alalang tawag ni Lexin.
Nakatanaw lang ang mga estudyante at kinakabahan, pag kasi may nangyari kay Ysa ay mananagot din sila dahil wala man lang sila ginawa.
Ibinuka ni Lexin ang bibig ni Ysa at nilapat ang sa kanya at saka ito minouth to mouth resuscitation.
Ilang ulit itong ginawa ni Lexin gang sa magising si Ysa at lumabas ang mga nainom na tubig at saka naubo.
"Ysa.. Okey ka lang?"alalang alala na tanong ni Lexin.
Sya namang dating ni Marj. "Ysa, ano nangyari?"tanong din nito sa kaibigan.
Si Ysa naman ay tulala at parang wala sa sarili, hindi ang pagkalunod ang kanyang kinatakot kung hindi ang babaeng nakita sa ilalim ng tubig, at ng mahimasmasan ng konti ay naalala nya kung bakit sya biglang nahulog sa pool, pinukol nya ang tingin sa dalawang may kagagawan, si Bea at Mildred na hanggang ngayon ay nandoon pa rin.
Biglang tayo si Ysa at sinunggaban ang dalawang babae, sabay nyang hinila ang mga buhok nito. Naawat nama kaagad ni Lexin si Ysa.
"Ano bang Problema mo!!"sigaw ni Mildred na inayos ang buhok na nasabubutan.
"ANONG PROBLEMA KO! ANONG PROBLEMA KO! Alam nyo kung ano Problema ko! Ganyan na ba talaga kayo kawalang hiya para itulak ako sa pool!"gigil na gigil na sabi ni Ysa, masyado ang kanyang naging takot kaya talagang galit na galit sya.
"Hoy Ysa, wag kang namimintang kung wala ka naman ebidensya!"sagot naman ni Bea.
Para namang mas lalong nagalit si Ysa at kahit hawak ni Lexin ay nagawa pa rin itong sugurin at sapakin sa mukha si Bea pero nahila na ulit ito ni Lexin.
"Wag mo akong gawing tanga! Alam kong sinadya nyo yon! Hayop ka!"galit na galit na sigaw ni Ysa na nagpumilit kumawala kay Lexin, at ng makawala ay akmang susugurin ulit ni Ysa ang dalawa pero humarang dito ang ibang estudyanteng lalaki at tinulak si Ysa, mabuti na lang at nasalo ito ni Lexin. Ngiting ngiti naman si Bea dahil sa nangyari kay Ysa.
Ngunit si Lexin ay parang sinilaban sa nangyaring iyon, itinabi nya si Ysa kay Marj at saka hinarap ang dalawang lalaki na humarang kay Ysa at tumulak, sabay nya itong pinitsarahan. "Sa susunod na saktan nyo si Ysa lalong lalo na sa harapan ko, mananagot kayo sa akin" banta ni Lexin at saka tinulak ang dalawa, hinarap nya si Mildred at Bea na takot na. "at kayong dalawa, subukan nyo pang ulitin lahat ng to, hindi nyo magugustuhan ang gagawin ko!"galit na sabi ni Lexin at saka bumaling ito kay Marj. "Ayusin mo na si Ysa.."maikling sabi nito at saka umalis.
Pag-alis na pag-alis ni Lexin ay nilapitan ni Mildred at Bea ang magkaibigan.
"Kung inaakala mo na panalo ka na dahil pinagtanggol ka ni Lexin, pwes nagkakamali ka.. You will regret every moment of your life dahil kinalaban mo kami"matapang na sabi ni Mildred.
"Hindi mo kami kaya Ysa, so better step back or else.."dagdag pa ni Bea.
"Pwede ba, kung wala kayong magwang mabuti, bakit hindi nyo itry isampay yung leeg nyo sa sampayan!"bwiset na sabi ni Marj
"Wooh, Im so Scared"mataray namang sagot ni Mildred.
"You should be.."seryosong sabi ni Marj at saka ito tinitigan ng matalim.
Sakto namag dating ni Corine. "Ano nangyari dito?"tanong nya at saka napansing basang basan si Ysa. "My god Ysa, bakit basang basa ka, anong nangyari? Nahulog ka ba sa pool"sunod sunod na usisa ni Corine.
"Baka ang ibig mong sabihin ay hinulog.."singit ni Marj
"Whaaatt!! Sinong naghulog sayo?"tanong ni Corine na kumuha pa ng panyo sa bag at pinunasan ang mukha nito.
"Bakit hindi mo itanong sa magagaling mong kaibigan"sabad na naman ni Marj.
Biglang tingin si Corine kay Bea at Mildred, parang mga batang nasukol naman ang dalawa.
"Corine, It was an accident, I mean, hindi namin sinasadya yon"paliwanag ni Mildred.
"Jump to the pool.."maikli pero matigas na sabi ni Corine.
"Corine..."reklamo ni Mildred.
"I said Jump to the pool"ulit ni Corine sa sinabi.
"Corine naman.. Wag mo naman kami ioahiya ng ganto.."reklamo ni Bea.
"NOW!!!"diin na salita ni Corine na agad naman nagpatalima sa dalawa, unang tumalon si Bea, sumunod naman si Mildred na titingin tingin pa.
Shock na shock si Ysa sa ginawa ng dalawa, napatingin ito kay Corine at kitang kita nya ang ngisi sa labi nito.
"Mabuti pa Marj, ako na sasama kay Ysa, mauna ka na umuwi, may extra akong damit sa kotse"pautos na sabi ni Corine.
Sa nakitang ginawa ni Bea at Mildred, hindi na nagawa pang magreklamo ng dalawa. Nagpaalam na si Marj kay Ysa, sinama naman ni Corine sa kotse nya at doon kinuha ni Corine ang extrang damit.
"Doon ka na lang magpalit sa CR sa first floor, kaysa pumanik ka pa"suhestyon ni Corine.
"Saan ba yun?"tanong naman ni Ysa.
"Doon lang sa malapit sa may garden, basta diretsahin mo makikita mo.."turo ni Corine.
Walang sabi sabi ay tinungo ni Ysa ang nasabing lugar, si Corine naman ay pigil na pigil ang tawa. May plano kasi sila ni Yuan para takutin si Ysa.
Pumunta si Ysa sa loob ng CR, maliit lang to kumpara sa ibang banyo, medyo may kalumaan, sa isip isip nya, hindi naman siguro haunted cr to, pumasok sya sa isang cubicle na walang lock ang pinto.
Inumpisahan na nyang tanggalin ang basang damit, habang nagbibihis ay may narinig syang pumasok, mga grupo ng estudyante.
"Ang gwapo talaga ni Lexin Apostol noh"narinig nyang sabi ng isang babae.
"Ay oo, sinabi mo pa, nakakakilig talaha sya, kaso ang suplado at saka walang taste!"sabi naman ng isa panh estudyante.
"Ay, oo, sinabi mo pa, yung aswang ang gusto nya,"sabat ng isa at saka nagtawanan.
Maya maya ay narinig nyang nagalisan ang mga ito, mga nagsalamin lang siguro.
"Kabwiset na mga yon!" kausap nya sa sarili.
Sa labas ng CR ay nakahanda na si Yuan para takutin si Ysa, nakaabang na ito sa labas ng Cr, nakita kasi nya napagkalabas nung tatlong estudyante ay may mga grupo pa ng estudyante ang nagpasukan, maya maya ay dumating na si Corine.
"Ano? Nagawa mo na ba?"bulong nya dito.
"Hindi pa at madaming tao sa loob"sagot nito.
"Ang tanga mo talaga!"asar na wika ni Corine sabay pasok sa loob ng cr pero saktong sakto namang labas ni Ysa.
"Oh, magCR ka din?"tanong ni Ysa ng makita si Corine na kasama si Yuan.
"Ah eh, hindi, madami tao sa loob kaya wag na lang"palusot ni Corine.
"Madami? Eh ako nga lang tao dun, naglabasan na yung tatlong estudyante kanina pa."sabi ni Ysa.
Napatingin naman ng masama si Corine kay Yuan na gulat na gulat sa sinabi ni Ysa na walang tao, samantalang hindi pa nga nya nakikitang lumalabas yung huling pumasok.
"Halika na nga Ysa, iwan na natin yang basura na yan!"aya ni Corine at saka inirapan ang tulala pa ding si Yuan.
+
"Ma, nandito na po ako.."sabi ni Tristan pagkapasok na pagkapasok sa bahay nila.
Hinanap kaagad nya ang ina, at sa may sala ay nakita nya ito na tulog at mukhang lasing na lasing, may alak pa ito sa tabi nito at hawak naman nito ang isang frame kung saan nandoon ang larawan nila ng ama, may kung anong kumurot sa kanyang puso ng maalala ang ama.
Tumabi si Tristan sa ina at saka ito hinimas sa ulo.
"Alam mo Ma, may nakilala akong babae, Ysa ang pangalang nya, kasing ganda mo din sya, kasing bait at kasing bungisngis, ang ganda ganda nya pag tumatawa sya, ewan ko ba, inlove na ata ako"kwento ni Tristan sa ina.
"Alam ko ma, malungkot ka ngayon, ako din, malungkot sa mga nangyari, hindi lang ikaw ang nawalan Ma, ako din po, ako din nawalan, ako din malungkot pero mas nalulungkot ako sa ginagawa mo sa sarili mo, gabi gabi na lang lasing ka, nakainom.. Ma please, wag mo naman gawin ito"naiiyak na sabi ni Tristan at saka hinalikan ang ina sa noo.
Naalimpungatan naman ang Mama nya at tumingin sa kanya.
"Tristan..." tawag nito sa anak at saka ito hinawakan sa mukha at saka yumuko ulit at nakatulog, nakita ni Tristan na may tumulong luha sa mata ng ina, doon ay tuluyang naiyak si Tristan, kaya umalis sya bigla.
+
"ANG TANGA TANGA MO YUAN! ANG TANGA TANGA MO!"gigil na sita ni Corine kay Yuan ng dumalaw ito sa kanila kinagabihan. "Simpleng pananakot lang hindi mo pa magawa" sigaw nito.
"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo, nmay tao talagang pumasok dun, hindi ko din maipaliwanag yung mga pangyayari pero ganon talaga!"pagpapaliwanag ni Yuan.
"Shut up! You shut up! Wag ka na magpalusot!"gigil na sabi ni Corine.
"Okay okay! Im sorry, wag ka na magalit, tutal mas maganda naman yung plano natin sa party diba kaya wag ka na magwala diyan"malambing na sabi ni Yuan at saka niyakap si Corine mula sa likod.
Kumawala naman si Yuan sa yakap nito. "Gawin mo muna yang sinasabi mo bago ka yumakap! pakisarado na lang ang gate paglabas mo!"mataray na sabi ni Ysa at saka umalis.
Napasipa naman si Yuan sa inis, bitin na naman sya.
+
"Bakit ba linga ka ng linga diyan? Sino bang hinahanap mo?"tanong ni Marj kay Ysa. "Hmmm, si Lexin noh, aiyeeee..." tukso ni Marj kay Ysa.
"Bruha! Hindi ah, tumigil ka nga!"pagsisinungaling ni Ysa, nakalimitan kasi nya magpasalamat sa pagsagip sa buhay nya.
"Asus, kunwari pa, teka nga pala, may tanong ako sayo, seryoso to ah, ano pangalan nung kulay violet sa Mcdo?"tanong ni Marj na seryosong seryoso pa.
"Sino? Si Grimace?"natatawang sabi naman ni Ysa.
"Oh.. Anong koneksyon nya sa Mcdo eh halaya sya?"seryosong tanong ni Marj.
"Hahahahahhahahahaha!"malakas na tawa ni Ysa at saka biglang nakita ni Ysa si Lexin, nagpaalam sya kay Marj at saka hinabol ito.
"Lexin! Lexin!"tawag nito sa binata.
Nilingon nya ito at saka hinarap, "Bakit?"
"Ah.. Ummmm... Kasi..."nasabi ni Ysa.
Kunot noo namang nakatingin sa kanya si Lexin.
"ANO?" tanong ni Lexin.
"SALAMAT KAHAPON! Yun lang, Bye!"mabilis na sabi ni Ysa at saka tumalikod.
"Ops! Teka teka, ano akala mo libre yung pagligtas ko sayo? Hindi uy.. "ppahabol na sabi ni Lexin.
Kunot noong napalingon si Ysa kay Lexin at saka tiningnan ito na parang nagtatanong.
"Maya treat mo akong dinner, punta ako sa inyo!"sabi nito at saka tumalikod.
Napanganga naman si Ysa sa sinabi ni Lexin.
+
"Ano girl? Ready ka na ba para bukas ng gabi?"tanong ni Corine kay Ysa.
"Ano meron?"sagot naman na tanong ni Ysa..
"Ano ka ba? The party ! Sa rooftop!"sagot ni Corine.
"Ahhh, o sige sige.. "napilitang sagot ni Ysa.
"Ysa.. Aasahan kita ah," paniniguro ni Corine na tinanguan naman ni Ysa.
Narinig yun ni Bea at Mildred, pagkaalis na pagkaalis ni Corine ay nilapitan nila si Ysa na nasa tabi na ni Marj.
"Hoy aswang! Kung sa feeling mo ay isa ka na sa amin! Nagkakamali ka, you can never be like us!"pagtataray ni Mildred.
Tumayo naman si Marj at saka namewang.
"So feeling nyo naman gusto ni Ysa maging katulad nyo?? Duh.. Magkakape nga kayo ng nerbyosin kayo sa sinasani nyo!"matapang na banat ni Marj.
"Hoy epal ka! Sumosobra ka na sa pagsagot sagpt sa amin ng ganyan! Sino ba pinagmamalaki mo? Yang aswang mong kaibigan?"sagot ni Bea.
Inirapan lang ito ni Bea at saka nagmake face. Hinila nito si Ysa at saka umalis ng classroom.
+
Dumiretso sa library si Ysa at Marj, dun sila pumwesto sa pinakadulong table kung saan walang nakaupo kundi sila. Unang tumayo si Ysa para kumuha ng libro samantalang si Ysa naman ay naiwan sa table kung saan sa may dulong upuan sya nakapwesto. Maya maya ay umihip ang malakas na hangin. Hindi nya iyon pinansin sa halip ay tiniloy nya ang pagbabasa. Nang maya maya ay mapansin nya na umuuga yung mesa. Napatingin sya sa kabilang dulo ng inuupuan nya at doon ay nanlaki bigla ang mata nya ng makita ang isang babe na gulo gulo ang buhok pati mga damit, nakatasabog ang mukha nito ang buhok, umaakyat ito sa mesa at dahang dahang gumapang palapit sa kanya, hindi sya maksigaw sa sobrang takot. Palapit na ito ng palapit sa kanya,ilang hakbang na lang ang natitira ay bigla syang kinalabait ni Marj, lumingon sya dito. "Eto na yung book na i-out ko, wait lang" paalam ni Marj, pagharap nya ay wala na ang babae, napahinga naman sya ng maluwag, sa isip isip nya marahi ay guni guni lang nya yon, tinuloy nya muli ang pagbabasa pero hindi pa man din sya nagtatagal sa pagbabasa ng maramdaman na may nasa harap nys. Dahan dahan nyang iniangat ang ulo at nanalaki ang mata dahil sa harap nya ay ang babaeng gumagapang, titig na titig sa mukha nya.
