Napadilat muli si Ysa at saka nya napansin na nandoon pa din sya sa bahay nila Alexa.
"Anong Nangyari??"tanong nya.
"Ysa.. Kung sino man nakikita mo, magiingat ka sa kanya, sa ngayon wala syang magagawa, pero sa oras na may mamatay, unti unti ay babalik ang mga naganap na dati."nakakakilabot na rebelasyon ni Alexa.
"Pero.. Hindi ko alam ang gagawin ko, masyado ng mabigat ang mga nangyayari sa buhay ko para isipin pa yang mga kababalaghan na yan at saka anong kinalaman ko sa patayang nangyari noon at punyetang babaeng nakaitim na yan!!"sigaw ni Ysa at saka biglang nabasag ng magisa ang vase sa lamesa.
"Ysa.. Kung ano man ang nangyari noon at mangyayari ngayon, kahat yon may kinalaman sayo! Lahat yon! Mas mabigat at mas malala pa ang mga pwede mangyari kumpara sa ngayon!"paliwanag ni Alexa.
Napatulala si Ysa at saka yumuko, pakiramdam nya ay bugbog na bugbog ang katawan nya dahil sa mga nangyayari, problema sa school,sa pamilya, kay Lexin, pati ba naman multo kailangan pa nya problemahin.
"Hindi mo ba naisip Ysa na kung bakit sa dinami dami ng estudyante sa school nya, ikaw ang ginagambala nila, Ysa.. Namatay ang dalawa mong kaibigan dahil bahagya nilang naranasan ang mga nararanasan mo pero bakit ikaw buhay pa din samantalang mas madami kang nakikita"wika pa ni Alexa.
"AYOKO.. !!"biglang sigaw ni Ysa."Ayoko na! Kung gusto nila ako multuhin FINE! Wala na akong pakialam, kunin na lang din nila ako!sa nangyayari sa akin mas gugustuhin ko pang mamatay!"mataas na boses na sabi ni Ysa at saka akmang pupunta sa pinto.
"Madaming tulong Ysa.. Madaming tulong, buksan mo lang ang mata mo.."matalinghagang sabi ni Alexa.
+ S
Ilang araw ding hindi nakapasok si Ysa sa school dahil sa nangyari sa ama, isa pa, kahit pa sabihin na hindi sya ang nasa video ay gusto pa rin nya makaiwas sa usap usapan.
"Pa kamusta ka na?"bati ni Ysa sa amang si Javier pero hindi man lang sya nito pinansin at nilagpasan na lang.
"Mabuti pa Ysa, wag mo muna kausapin ang Papa mo at baka maulit na naman yung nangyari sa kanya"malamig na sabi ng kanyang ina.
"Buti pa Ysa magsaing ka na lang, hanggat maari, wag mo muna kausapin si Papa, masama pa loob sayo, kung mahalaga sayo ang pamilya natin, makibagay ka"bulong ni Flor.
Para namang sinaksak ang puso ni Ysa sa mga narinig, pakiramdam nya ay hindi na sya kabilang sa pamilyang iyon.
Habang nagsasaing si Ysa ay hindi maiwasang tumulo ang luha nya, hindi ito ang buhay na gusto nya, pero bakit parang may humihila sa kanya sa kaguluhan.
Mayamaya ay may kumatok sa bahay nila, binuksan nya iyon at bumungad sa kanya si Corine na sinalubong naman sya ng yakap.
"Sis, bakit ba hindi ka pumapasok?its been a week ni hindi ka man lang nagpaparamdam maging sa text"malambing na wika ni Corine.
Sakto namang labas ng ina ni Ysa na si Lina. "May bisita ka pala.."wika nito.
"Ma, si Corine po, Corine Mama ko."pagpapakilala ni Ysa.
"Kamusta po?"masayang bati ni Corine, ngiti at tango lang ang sinagot ni Lina.
"Sis, wrong timing ba ako? Parang mainit ulo ng Mama mo."bulong ni Corine kay Ysa.
"Galit sila sa akin, dahil doon sa video, nakadagdag pa na nahospital si Papa dahil doon.."malungkot na kwento ni Ysa.
"How sad.. Anyway, isa nga din pala yan sa pinunta ko dito, balak ko kasi kausapin si Papa ko na Chairman ng Board sa school na magimbestiga about the video, Im sure, that video is a fake, alam ko naman na hindi ka ganoong klaseng babae"sabi ni Corine.
"Talaga? Naku Maraming Salamat Corine, Ma,"tawag pansin ni Ysa sa ina na malapit lang sa kanila."narinig nyo yun, mapapatunayan ko na sa inyo na hindi ako yung nasa video!"naluluha sa kaligayahang sabi ni Ysa. "Corine, hindi pa man pero maraming maraming salamat"sabi ni Ysa at saka niyakap nito ang dalaga.
"Walang anuman sis,magkaibigan tayo diba, at ang magkaibigan dapat nagtutulungan.."nakangising sabi ni Corine habang nakayakap kay Ysa, at hindi napansin ni Corine na saktong pababa ng hagdan noon si Flor at kitang kita nya ang malademonyong ngiti ni Corine.
"Basta sis, pumasok ka ba bukas ah, mamayang gabi kausapin ko na si Daddy."sabi pa ni Corine.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Corine, si Flor naman ay nakamasid lang sa babae, masama ang kutob nya kay Corine.
"Ysa.. Kaibigan mo ba si Corine?"tanong ng kapatid habang naghuhugas ng pinggan si Ysa.
"Oo ate, mabait sya, una akala ko hindi kasi ayon sa kwento noon nila Marj may pagkamean girl daw yun pero nagkasundo naman kami"nakangiting sagot ni Ysa.
"Hindi maganda ang kutob ko sa kanya Ysa, kaya magiingat ka.."babala ni Flor.
Napakunot ang noo ni Ysa sa sinabi ng kapatid."Anong pinagsasasabi mo ate, mabait si Corine, tutulungan nya ako patunayan sa lahat ng nanghusga sa akin lalong lalo na sa inyo na wala akong kasalanan"madiin na sabi ni Ysa.
Para namanag biglang tinamaan si Flor sa sinabi ng kapatid kaya hindi na ito kumibo, pero hindi pa rin maalis sa isip nya ang ngiting iyon ni Corine, nakakatakot, parang demonyo.
+ M
"Dad.. Can I ask you a very big favor"lambing ni Corine sa ama at sinamahan pa ng masahe.
"What can I do for my Little Brat?"nakanigiting wika ni Corine.
"Diba.. Sabi mo noon na you'll do anything for your princess?"mas malambing pa na sabi ni Corine.
"Yes..anything, so speak up.."sabi ng ama nito.
"Dad.. About kasi dun sa sex scandal na kumakalat ngayon.."umpisa ni Corine.
"Oh..what about that? Gusto mo gawan natin ng paraan para wag na kumalat? Or do you want me to investigate if the video is fake?"sabi ni Mr. Rivera.
"No Dad.. Its the opposite.. I want that video in the whole campus, same with the pictures, and hihilingin ko sana na wag ipatanggal at ipagbawal, and most of all, Dad, Can you announce to the school na you have investigated the video and you found out that its the video is not edited, at wag nyo sya hahayaan magquit sa school, gusto ko maramdaman nya lahat ng kahihiyan"wika ni Corine.
"Whaaatt? Why would I do that, it will bring shame to the school, and besides, I thought that girl on the video is your friend!"mataas na boses na sabi ni Mr. Rivera.
"Gagawin mo yun kasi Love mo ang only daughter mo, and all you want for me is my happiness and putting that girl in vein will make me happy, kaya dad..please.. Sige ka, magtatampo ako sayo, and ayaw mo yun diba?"paglalambing ni Corine sa ama ay niyakap pa ito.
Walang magawa si Mr. Rivera kung hindi pumayag, mahal na mahal nya ang anak nya at ayaw nyang magdamdam ito sa kanya,at isa pa, hindi ito ang unang beses na humiling sya ng ganto, madaming beses na, ikick out ang kaklase dahil tinitigan sya ng masama, ipatanggal ang teacher dahil pinagtaasan sya ng boses at sa sobrang dami ay hindi na nya maalala.
"O sya, o sya.. Sige na.. "wika ng ama nito. Para namang batang binigyan ng manika si Ysa sa sobrang katuwaan, halik ito ng halik sa ama at niyakap pa ito ng mahigpit. "Asus, wag ka ng manguto at pumayag na nga ako, magpahinga ka na at maaga pa pasok mo"utos ng ama ni Corine.
Tumalima naman kaagad si Corine pero bago pa ito tuluyang lumabas sa kwarto ng ama ay lumingon ito.
"By the way Dad, that girl is not my frienD, never ko sya magiging friend.. I hate her so much.."sabi nito at saka tuluyan ng lumabas.
+ M
Maaga pa lang ay pumunta na sya sa school, pinipigilan sya ng kapatid pero dahil paniwala sya ng maayos ang gusot pag pumasok sya ay hindi sya nagpapigil.
Kahit kinakabahan ay dire diretso sya sa gate, kitang kita nya ang tingin sa kanya ng guard, kung dati rati ay magiliw ito ngayon ay parang punong puno ng pagnanasa ang mga tingin nito.
As she expect, madaming matang nakatingin, madaming nagbubulungan, at yung iba ay garapal na talaga dahil sadyang nagpaparinig.
"Napakalandi talaga ng babae na yan, pavirgin effect pa, baboy naman pala!"dinig na dinig na sabi ni Ysa habang naglalakad papasok sa room..
Sa pagpasok sa room ay parang nakakita ng multo ang mga kaklase, at saka ito mga nagbulungan. Hindi pinansin ni Ysa ang mga iyon, sa loob loob nya, maya maya ay lalabas na ang totoo.
"Well well well, look who's here, the bitch is back.."Narinig nyang sabi ni Mildred.
"HAHAHAHAHAH..tingnan mo nga naman Mildred, all this time, iniisip natin na aswang sya, hindi naman pala totoo, dahil ang totoo, sya pala ang nagpapaaswang, hindi lang sa isang lalaki ah, sa lima"sabat naman ni Bea.
Hindi ito pinansin ni Ysa, bagkus ay umupo ito at tumalungko, pero malakas mangasar si Bea, lumapit pa ito at namewang.
"O Miss Campus Queen, masarapbang maging sikat???"tanong ni Bea, sakto naman na dumating si Lexin, napatingin sya dito pero hindi sya nito pinansin, dire diretso ito sa upuan nya at saka tumanawsa bintana.
"Poor Ysa, ikaw nga ang bagong Campus Queen pero ano? Naeenjoy mo ba? Looks like you're starting to lose everything"sabi naman ni Mildred at saka ito tumanaw kay Lexin. "Lexin, arent you going to defend your precious girlfriend?"nagaasar pa na dagdag nito.
Hindi kumibo si Lexin, tumingin lang ito sa tahimik na si Ysa at saka tumanaw sa malayo.
Maya maya ay dumating naman sila Yuan at ang mga barkada nya, nakita agad nila si Ysa.
"Uyyyy.. Tingnan mo nga naman, ang ating reyna.."bungad ni Yuan at saka ito lumuhod kasunod ang mga kabarkada nya at umaktong parang sumasamba kay Ysa.
"LONG LIVE THE QUEEN"Sabay sabay na sabi ng magbabarakada.
Malakas na tawanan ang kasunod na narinig ni Ysa.
Gigil na gigil na biglang napatayo si Ysa at saka tinitigan ng masama sila Yuan.
"O Ysa.. Galit ka ba sa akin? Sa amin dahil lumabas yung video natin? Biktima din kami Ysa.. Nanakaw yung cellphone ko kaya wala ako kinalaman doon sweetie.."nakangising sabi ni Ysa.
"Pwede ba Yuan, tigilan mo ako!!"galit na sabi ni Ysa. "Napakawalang hiya mo talaga! Bakit nagawa mo sa akin to!"pakiramdam ni Ysa ay lahat lahat ng saloobin nya .
"Easy Sweetie.. Bakit ba nagkakaganyan ka.. Samantalang habang ginagawa natin yun ay wala kang bukambibig kung hindi sige pa sige pa.. "nakangiting demonyong sabi ni Yuan at tawanan naman ang kanyang mga kabarkada nya.
"Napakabastos mo talaga! Napakawalanghiya mo!! Siguradong ikaw ang may pakana sa video na yon! Paano mo nagawa yon? Paano mo naedit yon! Alam ko na alam mong hindi ako yon!!"nanggagalaiting sigaw ni Ysa
"Come on Ysa.. Alam mo namang ikaw yon, bakit kailangan mo pang ideny, diba nga, kaya pilit mong inaagaw sa akin yung cellphone ko noon kasi ayaw mong nakasave ang ating love making doon!"natatawang sabi ni Yuan.
"Napakasinungaling mo! Alam nating pareho kung sino talaga ang nasa video na pinakita mo saken! Napakawalanghiya mo! Bakit mo ginagawa sa akin to! Sinira mo ang buhay ko! Pati mga buong pamilya ko galit sa akin! Tandaan mo Yuan hindi pa tayo tapos! Kayo ng mga barkada mo! Pag nagkaroon ako ng pagkakataon ako mismong ang papatay sa inyo!!"galit na galit na sabi ni Ysa kaya naman kung ano ano ang nasasabi nya.
"Whew.. Im so scared.. Ysa.. Hindi ko kasalanan kung galit sayo ang mga magulang mo.. Kasalanan mo yan kasi malandi ka.."natatawang sabi ni Yuan.
Sa isang sulok naman ay gigil na gigil na si Lexin sa mga naririnig, pakiramdam nya ay sasabog ang kanyang ulo.
"Alam mo Ysa"singit ni Bea sa usapan nila Ysa at Yuan. "Wala ka naman talagang kasalanan eh, kasalanan yan ng mga magulang mo kasi ganyan ang pagpapalaki nila sayo"sabi ni Bea na parang nangaasar pa.
"Tumigil ka.."nanlilisik ang matang sabi ni Ysa.
"Totoo naman diba.. Im sure, ganyang ang nakalakihan mong environment kaya ganyan ka din, pulis pa man din ang father mo pero mukhang hindi ka naturuan ng kagandahang asal!"gatong pa ni Mildred.
"Sinabi ng tumigil kayo eh, wag nyong idamay ang mga magulang ko!"pigil na pigil na galit nI Ysa.
"Ano ka ba Mildred.. Ganyan sya kasi malamang ganyan din ang Nanay nya!!haahhahahaha!"humahagakgak na ani Bea.
Sa puntong iyon ay nagdilim ang paningin ni Ysa at parang nawala sya sa sarili, hinila nya sa buhok si Bea at Mildred at pinagsasabunutan at saka pinaguntog ang mga ulo nito at pagkatapos ay hinila at nginudngod sa sahig.
"Ayyy! Ayy! Help!"sigaw ng dalawa.
"wooooh! Woooh! Wag kayong aawat! Hayaan nyo sila!"sabi ni Yuan at saka nakipagapiran sa mga kabarkada. Sigawan din ang ibang kalalakihan at parang nasa sabungan.
Si Ysa naman ay gigil na gigil habang dinuduldol sa sahig ang mukha ng dalawang kaklase, pakiramdam nya ay dito nya nabubuhos lahat ng sama ng loob nya. Nakakasabunot din naman sila Mildred at Bea, nakalmot pa nga sya ni Bea.
"WHAT IS THE MEANING OF THIS??!!"
dumadagundong na sigaw ni Dean Aruello.
Para namang tumigil ang mundo ng mga estudyante ng marinig ang tinig ng kanilang Dean.
Si Ysa naman ay biglang napatayo at binitiwan ang dalawa, samantalang si Bea at Mildred ay agad agad tumayo at inayos ang sarili, pare pareho silang tatlong sugatan at gulo gulo ang buhok.
"NOW TELL ME! BAKIT NYO GINAGAWANG PALENGKE ANG SCHOOL AT PARA KAYONG MGA WALANG PINAGARALAN!"galit na galit na sabi ng Dean.
"Si Ysabella po kasi Dean Aruello, we are just asking kung okay lang sya tapos bigla na lang kaming sinugod ni Beatrice, kitang kita nyo naman po sa mga pasat sugat namin kung sinong agrabyado!"pagsisinungaling ni Mildred.
"Miss Fajardo, Arent you satisfied with the shame you brought us at eto ka ngayon kakapasok mo lang eh nambubugbog ka na ng kaklase!"nanggaghalaiting wika ng Dean.
"Ma'am, they insulted my mother, ano pong ineexpect nyo, magsawalang kibo!"mataas ng tonong sabi ni Ysa.
"I dont like the tone of your voice Miss Fajardo!"mataray na sabi ng Dean.
"Im sorry Ma'am"napayukong sabi ni Ysa.
"I was about to call you dahil may meeting ang board but I didnt expect na ganto ang madadatnan ko!"tarang ng Dean.
Nangingiti naman si Bea at Mildred, napatingin naman dito si Bea na matalim na matalim ang tingin nya sa mga ito.
Nasa ganong eksena sila ng tumayo si Lexin.
"Excuse me Dean Aruello, pero mukhang wala namang klase, aalis na lang ho ako at masyado ng maingay dito"sabi ni Lexin at saka walang kibong dinaanan lang si Ysa.
Hindi alam ni Ysa kung saan sya mas nasasaktan, sa mga kalmot ni Bea at Mildred o sa pagbabalewala ni Lexin sa kanya.
"Miss Fajardo, Go to my Office now!!"sigaw ni Dean Aruello.
Dali daling kinuha ni Ysa ang gamit at lumabas pero bago ito tuluyang lumabas ay tinapunan muna nito ng masamang tingin ang noon ay tawa ng tawang sila Yuan.
+ P
"What? Hindi Fake?! Paanong mangyayari yon eh hindi naman ho talaga ako yon Mr. Rivera, sino po na yang source nyo!"mataas ang boses na sabi ni Ysa, pagdating nya sa Office ay nakita nya na nandoon ang kanyang ina at ang mga board member, asang asa sya na malilinis ang pangalan nya kaya kahit hindi sya pinansin ng ina ay okay lang dahil inaasahan nyang magbabago ito. Pero taliwas iyon sa nangyari, eto ngat kakasabi lang ng Chairman of the board na hindi edited ang Video, sa madaling salita, pinapalabas nila na totoong sya ang nasa video.
"Hija.. Are you questioning me?"seryosong sabi ng ama ni Corine.
"Hindi naman po sa ganon sir, ang akin lang po, parang ang lumalabas, ako talaga ang nasa video samantalang hindi naman po talaga ako!"sabi ni Ysa na mataas pa rin ang tono.
"Hindi nga ba?"sarkastikong tanong ni Dean Aruello."Haay naku, ang mga kabataan talaga, gagawa gawa ng kabalastugan, kasalahulaan tapos hindi naman kayang paninidigan,Anong klaseng pagpapalaki ba ang ginawa sa inyo ng mga magulang nyo"
Para namang nagpanting ang tenga ng ina ni Ysa na kanina ay nakatahimik.
"Mawalang galang na ho Ma'am,hindi ko ho yata gusto ang pinupunto nyo, kung pagpapalaki at pagpapalaki lang ho ay masasabi kong maayos at maganda ang akin, hindi naman ho porket nakagawa ng miminsang pagkakamali eh huhusgahan nyo na ang buong pagkatao ng anak ko!hindi ko ho kinukunsinti ang ginawa nya pero wala ho ni sino man sa inyo ang may karapatang husgahan sya at kwastiyunin ang pagpapalaki namin magasawa."madamdaming pahayag ni Lina.
"Mrs. Fajardo, hindi naman ho sa ganoon, ang kay Dean Aruello lang ay patas na opinyon lang sa mga bagay bagay."paliwanag ni Mr. Rivera.
"Patas? Patas ho ba ito na anak ko lang ang nandito pero yung anim na lalaki wala.. ?? Sir.. Kung ganyan at ganyan lang sa eskwelahang ito ay willing naman po akong ilipat ng school ang anak ko"matapang na sabi ni Lina.
"Ay, Misis, yan naman ho ang di pwede, scholar ho dito ang anak nyo, hindi sya basta basta pwede umalis ang anak nyo, lalo nat nakakakalahating sem na sya, kapag sapilitan nyo sya inalis ay kakailanganin nyong bayaran ng kapareho sa binabayaran ng hindi scholar kasama pa ang danyos perwisyos na dulot ng eskandalo"paliwanag ng isa sa board member.
"Magkano ho ba ang babayaran?"seryosong tanong ni Lina.
"Bale ho, 25 thousand sa tuition at 30 thou para sa danyos, pero kung tatapusin po ni Ysabella kahit itong sem lang na to, wala ho kayo iintindihin"sabi ni Mr. Rivera.
"Anong klase naman yang patakaran na yan sir, ngayon lang ako nakarinig ng ganyan"reklamo ni Ysa.
"Ysa tumigil ka na.."pigil ni Lina sa anak.
"Pero Ma.."
"Sinabi ng tama na, kami na bahala dito ng Papa mo.."pilit ni Lina.
"Hindi Ma.. Ako ang bahala dito! Sige po, tatapusin ko ang sem na to..basta wag nyo lang sisingilin ng kahit magkano ang parents ko"matatag na sabi ni Ysa, mas gugustuhin nya pang lamunin ng kahihiyan kaysa mahirapan ang mga magulang.
Natapos ang meeting na yon na tila tulala ang magina, unang lumabas si Lina at sinundan ito ng anak.
"Ma.."tawag nya, pero hindi man lang lumingon ang ina. "Ma!" tawah muli nya sabay hawak sa braso nito pero isang malakas na sampal ang dumapo sa kanya.
"Paano mo nagawa sa amin to Ysa, Paano! Wala kaming ibang tinanim sa iyo kung hindi puro kagandahang asal pero bakit ka nainvolve sa ganong klaseng kababuyan"naiiyak na sabi ni Lina kay Ysa na hawak hawak pa rin ang pisngi.
"Ma.. Maniwala man kayo o sa hindi, hindi ako iyon, hindi ako ang nasa video, dapat alam mo yon kasi ikaw ang ina ko, mas kilala mo ako, mas alam mo kung ano ang mga kaya at hindi ko kayang gawin, kabisado mo bawat parte ng katawan ko kaya isang tingin mo pa lang dapat alam mo na na hindi ako yon.. Ma..ilang beses ko ng ginustong umalis sa eskwelahan na to, kung alam nyo lang.. Pero hindi ko ginawa, wala akong sinumbong sa inyo kahit ano dahil alam kong may problema din kayo, Ma.. Si Ysa pa din ako.. Walang nagbabago.."naiiyak na ding pahayag ni Ysa.
Hindi kumibo si Lina, umiiyak itong umalis.
Durog na durog na ang puso ni Ysa, pakiramdam nya ay wala na syang matatakbuhan, habang naglalakad ay nakita nya ang mga pictures ng nasabing scandal na nakapost sa bawat wall ng classroom.
Umiiyak syang tinangal isa isa yon."Hindi ako to! Hindi ako to! Hindi ako to!"sigaw nya.
Isang kamay naman ang humawak sa kanyang balikat, nilingon nya iyon at doon nakita nya ang nakangiti pero halatang nalungkot na si Tristan.
"Tristan???"umiiyak na sabi ni Ysa at para itong batang nakakita ng mapagsusumbungan at bigla na lang itong yumakap sa binata.
"Tristaaan.. Bakit ngayon ka lang..bakit ngayon ka lang.."humahagulgol na sabi ni Ysa na pinapalo palo pa ang balikat ni Tristan.
"Tahan na Ysa.. Tahan na.. Nandito na ako.. Nandito na ako.."emosyonal na ring sabi ni Tristan.
"Ayaw nilang maniwala sa akin, ayaw nilang maniwala, pati si Lexin, ayaw man lang makinig sa mga paliwanag ko..huhuhuhuhu"parang nagsusumbong na batang sabi ni Ysa.
"kung hindi kayang maniwala ni Lexin sa mga sinsabi mo.. Ako Ysa, wala ka pang pinapaliwanag naniniwala na ako"wika ni Tristan sa umiiyak na si Ysa..
At doon tila nabasag ang tinitimping tapang ni Ysa, mas lalong lumakas ang hagulgol nya.
Isang mahigpit na yakap naman ang binigay ni Tristan sa kanya.
Hindi pa umuwi si Ysa noon, maghapon silang nagusap ni Tristan sa may rooftop at maya maya ay nagaya na si Tristan na ihahatid na sya, hindi naman napansin ni Ysa na nahulog pala sa kanya ang bigay na kwintas ni Lexin.
+
"Hahahahahah, pare, laughtrip talaga ako doon kay aswang, lalo na nung binugbog nya yun dalawa, hahahahahahahha"tawa ng tawang sabi ni Yuan, ala onse na ng gabi na ay nandoon pa rin sila sa rooftop magkakabarkada at nagiinuman.
Tawanan ng tawanan ang magkakabarkada ng biglang may marinig silang kumalabog sa may labas ng pinto papuntang rooftop.
"Yung Janitor siguro, tarantad*ng yon! Sandali nga at sisitahin ko"lasing ng sabi ni Yuan.
Pagiling giling na pinuntahan ni Yuan ang pintuan at biglang binuksan.
"Hoy Janitor! Ano bang..!"napatigil si Yuan at parang nagising ng makita nya kung sino ang nandoon.
"Ikaw! Anong.." hindi na naituloy ni Yuan ang sasabihin dahil bigla sya nitong pinalo ng kung anong bagay tapos ay binalingan nito ang mga kabarkada ni Yuan at hinagisan ng parang tear gas dahilan para ubuhin sila at unti unting mawalan ng malay.
Unang namulat si Yuan at pagmulat nya ay parang malamig ang pakiramdam nya at hindi makakilos, at saka nya napansin na nakatali pala sya at walang damit at saka sya luminga linga sa paligid kung saan nakita nya ang mga kabarkada na kapareho ng ayos nya at unti unti na ring nagigising ang mga ito.
"Mga tol!"tawag nya.
"Yuan Pare, sinong may gawa sa atin nito?!"tanong ng isang kabarkada na naihi na sa takot.
"Pare si.." hindi na nasabi ni Yuan ang nais sabihin dahil biglang may dumating, at pumukpok sa ulo ni Yuan.
"Anong pakiramdam ng binababoy?"wika ng bagong dating.
"Hayop ka! Pakawalan mo kami dito!"sigaw ni Yuan.
Pero hindi ito sumagot, bagkos ay may kinuha ito sa dalang kahon, nanlaki ang mga mata nila Yuan ng makita iyon, mga linta iyon, isa isang sinugatan ng tao ang maselang bahagi nila Yuan, at ng may lumabas ng dugo ay saka niya nilagay ang mga linta dito.
"HAYOP KA! HAYOP KA! HUWAAAAGG!"nagsisigaw na sabi ni Yuan gayon din ang mga kabarkada nito.
Halos panawan ng ulirat ang mga lalaki kakasigaw.
"Kulang pa yan.. Kulang pa yan sa sakit na nararamdaman ko ngayon.."wika ng tao at saka isa isang pinatayo ang mga lalaki at vinideo, tinapat pa ito sa bahagi kung saan ay sinisipsip ng linta ang pagkalalaki nila.
Maya maya ay kinuha ng tao ang isa sa kaibigan ni Yuan at dinala sa may edge ng rooftop.
"Talon!"utos nito.
"Ayoko! Ayoko pang mamatay!!"naiiyak na sabi ng lalaki.
"O bakit ka umiiyak? Kanina lang tawa ka ng tawa."sabi ng tao at saka kinuha ang baril na nakasuksok sa bewang."Tatalon ka o pasasabugin ko ulo mo?"tanong nito habang nakatutok ang baril sa sentido ng kabarkada ni Yuan.
Kahit nagaalanagan ay tumalon ang lalaki sa rooftop, at ganon din ang ginawa nya sa iba at saka hinuli nito si Yuan.
"O nalulungkot ka ba at magisa ka na lang??"tanong ng tao habang tinututukan ng baril si Yuan.
"Parang awa mo na.. Wala akong kasalanan, si Corine ang may pakana ng lahat! Wag mo ako papatayin, parang awa mo na! Anong gusto mo pera? Madami ako noon,wag mo lang akong papatayin please!"pagmamakaawa ni Yuan na nagkandatulo na ang uhog.
Tumawa ng malutong ang tao at saka hinatak si Yuan at inakmang ihuhulog Dito.
"sige, pagbibigyan kita"sabi nito at saka tinali ang paa ni Yuan at saka tinayo sa pinakadulo ng rooftop ng nakatayo, isang galaw lang ni Yuan ay tiyak na hulog sya.
"Hintayin mo ako at babalikan ko lang yung mga kaibigan mo sa baba, hihintayin ba kita?"sabi ng tao at saka lumabas sa pinto.
Si Yuan naman ay nakatore sa pinakaedge ng rooftop, palinga linga siya, ni hindi nya makuhang sumigaw dahil baka yun pa ang maging sanhi ng tuluyang pagkahulog. Ilang minuto ng nasa ganong posisyon si Yuan ng biglang humangin sa likod nya, dahan dahan nyang nilingon ang nasa likod at doon tumambad sa kanya ang isang babaeng nakaitim at dahil sa pagkabigla ay tuluyan na syang nahulog sa school building.
+ D
Bagamat patayu na at basag ang ulo ay Hinila hila pa rin ng tao isa isa ang bangkay nila Yuan at pinasok sa room na malapit at doon ay isa isang biniyak ang dibdib nila Yuan at saka kinuha ang puso at nilagay sa isang garapon at nagsulat sa blackboard.
"MGA WALANG PUSO! WAG TULARAN!"
+
Kinabukasan..
"Natagpuang patay si Juanito De Guzman o mas kilala sa tawag na Yuan sa loob mismo ng eskwelahan nila, sinasabing wakwak ang dibdib nito ng matagpuan kasama ng mga kaibigan nya na kinilalang sila.."