Chapter 28(Chapter 26-part 2)

736 11 0
                                    

.NAPAKAWALANGHIYA MO TALAGA YSA! NAPAKAMALAS MO! NAPAKAMALAS MO, KILLER!"sigaw ni Corine habang nakahawak sa leeg nya. 

"KUNG PAPATAY MAN AKO, SISIGURADUHIN KO NA IKAW YON CORINE, SA LAHAT NG PASAKIT NA BINIGAY MO SA AKIN.."banta ni Ysa at saka pinitsarahan si Corine. "KAYA MAGIINGAT KA! DAHIL SA SUSUNOD NA MAGKAROON AKO NG PAGKAKATAON! BAKA MAPATAY NA TALAGA KITA!"pagkasabi non ni Ysa ay tinulak nya ito at saka umalis, doon ito sa rooftop tumungo, sa lugar kung saan sya tumatakbo kapag mabigat ang dinadala nya, sa lugar kung saan gumagaan ang pakiramdam nya, sa lugar kung nasaan si Tristan. 

Nang makarating sa rooftop ay doon binuhos ni Ysa ang lahat ng nadaramang sakit. Lahat ng trahedyang sunod sunod na nangyari sa buhay nya. Ang pagkawala ng mga kaibigan nya, ang pagkawala ng papa nya, ang pagkatuklas nya na magakapatid pala nila ni Lexin.. At ang mga sunod sunod na patayan na may kinalaman ang babaeng nakaitim. 

"TRISTAAAANNNNNN! NASAAAAN KAAAAAAAQ KAILANGAN KITA! KAILANGAN KO NG SAGOT!"sigaw ni Ysa, at saka nagiiyak, isang kamay nama ang biglang humawak sa kanyang balikat. 

"TRISTAN!"bulalas nya at saka lumingon. Pero hindi si Tristan ang naroon, si Mang Dante, ang janitor. 

"Mang Dante?" 

"Ako nga Hija, anong ginagawa mo diyan at bakit ka umiiyak?"mabait na tanong nito. 

"Napapagod na po kasi ako.. Pagod na pagod na po ako..."iyak ni Ysa. Tinapik muli ni Mang Dante ang balikat nito at saka tahimik na naupo sa may upuan. 

"3 years ago, may isang estudyanteng babae din ang umiiyak kong nadatnan dito sa rooftop, na tanungin ko kung bakit, kapareho ng sagot mo, pagod na pagod na daw sya.."kwento ng matanda. 

"Mang Dante, matagal na po ba kayo dito?"tanong ni Ysa at saka tumabi dito. 

"Oo Hija, magdadalawampung taon na ako dito."sagot ni Mang Dante. 

"May alam po ba kayo sa mga nangyari 3years ago?"natanong na lang ni Ysa. 

Napatanaw sa malayo ang matandang Janitor at saka nagumpisang magkwento. 

"Sariwang sariwa pa sa akin ang mga pangyayari noong nakaraang tatlong taon Hija..Pagkatapos na pagkatapos ng eskandalo sa Beauty Contest, ay sunod sunod na ang naging patayan dito sa LAC.."simula ni Dante. 

"Anong klaseng eskandalo po?"Tanong ni Ysa. 

"Katulad ng naging eskandalo mo Ysa, yun nga lang totoong video ng naging Campus Queen non ang lumabas, Video nila ng boyfriend nya.. "kwento ng matanda kasabay ng pagtingin nito sa kawalan na tila nagbabalik tanaw. 

*** 

Mahaba ang buhok, singkit, simple at probinsyana ang dating, yan si Arianne Liu, isang estudyante mula Isabella na nakakuha ng full scholarship sa LAC or Lozada Aruello College. Unang araw pa lang nya sa school ay kakaiba na dahil nakabangga nya kaagad ang grupo nila April, Lea, At Juvy. 

Palinga linga si Arianne noon at hindi alam kung saan pupunta ng mabunggo nya ang may dalang inumin non na si April, ang reigning Campus Queen noong panahon na yun at kilalang siya dahil bukod sa maganda sya at sexy ay kilala rin ito dahil sa kasamaan ng ugali nito. 

"WHAT THE FUCK!"sigaw ni April ng matapon sa kanya ang iniinom matapos mabunggo ni Arianne ng di sinasadya. 

"Ay soRry Miss, hindi ko sinasadya.. Hindi ko talaga sinasadya.."hingi ng paumanhin ni Arianne. 

"STUPID! ANG SABIHIN MO ANG TANGA TANGA MO, SA LAKI LAKI NG DAAN AT SA DINAMI DAMING TAO DITO SA LAC, AKO PA TALAGA ANG BINANGGA MO! NANANADYA KA BA?!"sigaw ni April at saka tinulak tulak ang kawawang babae. 

"Ano ba April, kay bago bago ng tao, ginaganyan nyo"awat ng isang lalaki. 

**** 

Yun ang simula ng pagiging miserable ng buhay ni Arianne, mabuti na lamang ay laging nandyan ang kaibigan nyang si Charm. Hindi sya nito iniwan, at madalas nya ito ipagtanggol kay Juvy at Lea, hindi naman makaimik ang dalawa dahil sadyang matapang si Charm na member ng isang Sorority. Maging si April ay pinangingilagan siya. 

"Look who's here. The bitch.. one big fucking bitch!"sigaw ni Lea. 

"Lea, ayoko ng gulo.."ani Arianne. 

"Eh kami gusTo namin eh, gusto namin ng gulo! Ano ha! Lalaban ka! Ha!"matapang na sabi ni Juvy na tinutulak tulak pa si Arianne. 

"Ano ba nasasaktan ako.."pigil ni Arianne. 

"Ah ganon ba, nasasaktan ka.."at saka nilakasan pa ni Juvy ang pagtulak na ikinatumba ni Arianne ng tuluyan. 

Isang sabunot naman sa buhok ni Juvy ang sumunod na eksena, sabunot galing kay Charm. 

"Ang tigas talaga ng ulo nyo noh! Ilang ulit ko na bang uulit ulitin na wag na wag nyong kakantiin si Arianne."banta nito at saka tinulak si Juvy. Susugod pa sana ulit si Juvy ng matanaw sa labas na nakamasid ang mga kasorority ni Charm. 

"Lets go Juvy, hindi natin sila kalevel.."aya ni Lea. 

Tinayo ni Charm ang umiiyak na si Arianne. "Ano ka ba sis, kailan ka ba matututong lumaban.."Sita nito sa kaibigan. 

**** 

Ilang panahon pa ang lumipas, ay unti unti ay nakitaan ng pagbabago si Arianne, bukod sa hindi na sya masyadong promding manamit, natututo na rin itong lumaban. 

"TABI!"tabig ni Lea kay Arianne ng minsang magkasalubong sila. Tiningnan ito ni Arianne ng masama. 

"Bakit lalaban ka?"paangil na wika ni Lea. 

"Huwag mong hintayin.."at saka mabilis na umalis si Arianne. 

Mula ng matutong lumaban si Arianne ay medyo tinantanan na ito ng grupo ni April pero isang pangyayari ang talaga namang nagpagalit ng husto kay April kay Arianne, nang maging malapit ito sa lalaking tinatangi ni April. 

"NAPAKALANDI MO TALAGA"isang sampal ang ang binigay ni April kay Arianne. "Sinabi ko na sayong layuan mo sya pero pilit mo pa ring sinisiksik ang sarili mo sa kanya!" 

"Ano bang sinasabi mo! Magkaibigan lang kami!"katwiran ni Arianne. 

"SINUNGALING! AKIN SYA.. KAYA KING AYAW MONG MAY HINDI MAGANDANG MANGYARI SAYO! LAYUAN MO SYA!"banta ni April at saka umalis. 

**** 

Mas nadagdagan pa ang pagdurusa ni Arianne dahil si Charm naman ang sumunod na nagalit sa kanya, siniraan kasi ito nila April, nagkataon naman na may pagtingin pala si Charm sa boyfriend ni Arianne noon at nagkataon din na gusto ni Charm na sya ang maging Campus Queen. Abot abot ang paghihirap ni Arianne, madalas matagpuan ko sya dito sa rooftop, nagiisa, umiiyak. At madalas ang karamay nito ay matalik nyang kaibigang lalaki. 

Sumapit ang Search for the next Campus Queen, at nagwagi si Arianne, pero kasabay ng pagkakakorona sa kanya ay ang paglabas ng eskandalo nila ng boyfriend nya. At hindi pa dito nagtapos iyon dahil matapos ang pageant ay nabandera ang hubad na katawan nito sa buong school.

**** 

Biglang naalala ni Ysa ang mga panaginip, kamukhang kamukha ng kwento ni Mang Dante. 

"Pagkatapos po noon?"tanong na lang ni Ysa. 

At nagpatuloy sa pagkukwento ang matanda. 

**** 

Sunod sunod ang naging patayan matapos ang Coronation Night, nakita na lang walang buhay sa CR sila Juvy, hindi pa man din natatapos ang imbestigasyon ay natagpuan naman doon ang bangkay ni Lea at lumipas lang ang isang linggo ay ang kay April namang bangkay ang natagpuan, lahat sila ay iisa ang itsura ng mamatay, bukod sa puro saksak ay bakas na bakas sa mukha nila ag takot. Sumunod na may namatay ay sa may Garden, sumunod ay sa Storage room kung saan ka namin natagpuan noon ni Tristan, at ang tatlong lalaki naman ay magbabarkada na pinagpupugot ang ulo. 

Mas nadiin pa lalo sa putik ng mga panahong iyon dahil sya ang primary suspect dahil puro konektado at may galit daw sya sa mga namatay. 

**** 

"Mang Dante, naiintindihan ko pa na may nagawa sila April kay Arianne pero yung anim, ano naman ang koneksyon nila kay Arianne"usisa ni Ysa. 

Pansin na pansin ni Ysa ang naging lungkot sa mga mata ni Mang Dante sa tanong nya. 

**** 

Ang isang estudyante na namatay sa Garden ay isang kaklase na inutusan ni April na ipakalat ang video, ang natagpuan naman sa storage room ay minsan na ring kinulong sa storage room si Arianne dahil sa utos na rin ni April. Ang tatlong lalaki naman ay pawang mga outsider, sila ang nambastos kay Arianne nung mabandera sa Quadrangle ang katawan nya. 

Kahit lahat ay yun ay tumutumbok kay Ysa ay balewala, dahil hindi nilabas ng school ang nangyari, nagawan nila ng paraan na may umamin sa patayan. 

Matapos ang ilang linggo, natagpuan naman si Arianne na patay na rin sa dorm na tinutuluyan nito. 

**** 

"Natigil po ba ang patayan ng mamatay si Arianne?"si Ysa. 

"OO, pero may isang kaso pagkatapos noon ang hindi namin malaman kung suicide or pagpatay isang araw matapos mamatay si Arianne"ani Mang Dante. 

"Ano po yun?" 

"Isang binata ang nahulog na lang sa rooftop na ito isang umaga.. Walang makapagsabi kung pinatay sya o nagpakamatay"kwento ni Mang Dante. 

Kahit madaming nalaman ay gulong gulo pa din ang isip ni Ysa, hindi rin nito nasagot, pero kahit papano ay nasagot ang ibi sabihin ng mga panaginip nya, iyon ay ang mga nangyari kay Arianne. Pero isang parte ng kwento ang biglang may naalala si Ysa. Ang kwento ng nahulog sa rooftop. 

**** 

"Walang makapagsabi sa totoong nangyari Ysa, basta nahulog sya mula dito sa rooftop, may nagsasabing nagpakamatay daw si Tristan pero hindi ako naniniwala, mahal na mahal ni Tristan ang Mama nya para gawin yon,at isa pa.. Nakausap ko pa sya bago yung insidente na yun, at masayang masaya sya...." naalala nyang kwento ni Carlo. 

**** 

"Mang Dante, yung nahulog po na yon sa rooftop.. "di sigurado at kinakabahang sabi ni Ysa. 

"Si Tristan.. Tama ka ng iniisip Ysa.."pagpapatuloy ni Mang Dante sa sasabihin sana ni Ysa. 

Napanganga si Ysa sa narinig. "Anong kinalaman ni Tristan sa nangyari 3 years ago?" 

Kibit balikat ang tinugon ni Mang Dante kay Ysa. Tila naman mas lalong naguluhan ang dalaga. 

"Malalaman mo din sa tamang panahon Ysa.. Maghintay ka lang.. Malapit na ang sagot.."makahulugang sabi ni Mang Dante at saka kinuha ang gamit. "Paano, aalis na ako.."paalam nito. 

Papalabas na sana si Mang Dante ng may maalalang itanong muli si Ysa. "Mang Dante!"tawag nito. 

"Ano iyon?" 

"Paano nyo po nalaman na si Tristan ang naisip kong nahulog sa rooftop, wala naman po akong pinagsasabihan tungkol kay Tristan bukod kay..."si Ysa. 

"Bukod kay Carlo na tiyuhin nya?"putol muli nito sa sasabihin ni Ysa. "Alam ko ang lahat Ysa, naririnig ko ang lahat lahat.." 

Napakunot at takang takang napatanong muli si Ysa. "Sino po ba talaga kayo?" 

Ngumiti ang matabda at saka sumagot. "20 years ago ng magkaroon ng sunog dito sa LAC, may isang estudyante ang nastranded sa library, isang matandang Janitor na nagiisa na lang sa buhay ang buong tapang na sumugod doon para iligtas ang estudyanteng iyon, pero sa kasawiang palad ay hindi nito kinaya ang usok na nasinghot at namatay din sya."kwento ni Mang Dante. 

Si Ysa naman ay napatango at tila naintindihan na ang lahat. 

"AKO ANG TINATAWAG NI TRISTAN NA SI CASPER, THE FRIENDLY GHOST.."ngiting dagdag pa ni Mang Dante. 

Imbes na matakot ay napangiti na lang si Ysa sa matandang Janitor. 



"Ano po ba ang mga yan Inspector?"tanong ni Adrian kay Bonker habang sinisiyasat nito ang laman ng kahon na nasa bag ni Carlo. 

"Hindi ko din alam, basta kailangan kong ibigay to sa isang tao.. Sya lang ang makakasagot.."sagot ni Bonker. 

"Kanino Inspector?"tanong ni Adrian. 

"Kay Ysabella Fajardo!" 



Gulong gulo ang isip ni Ysa ng mga sandaling iyon, madaming tanong sa kanyang isipan ang mas nadagdagan. Anong kinalaman ni Tristan kay Arianne, sino ang pumapatay, anong kinalaman ng lahat ng ito sa babaeng nakaitim. 

"Kailangan kong malaman ang katotohanan, at walang ibang makakatulong sa akin kung hindi ang Mama ni Tristan."kausap ni Ysa sa sarili at tinahak ang papunta sa bahay nila Tristan. Mabuti na lamang ay binigay sa kanya ni Fr. Miguel ang address ng mga Pangilinan. 

Sa Gate pa lang ay kabadong kabado na si Ysa, dalawang bagay lang kasi ang pwedng mangyari, ang matuklasan nya ang buong katotohanan or ang wala syang malaman dahil sa sakit ng Mama ni Tristan. 

Isang katulong ang bumungad sa kanya sa gate. 

"Sino po sila?"tanong ng maid nila Tristan. 

"Ako po si Ysabella Fajardo, pwede ko po ba makausap si Mrs. Pangilinan, importante lang.."magalang na wika ni Ysa, pero hindi pa man din nakakahuma ang katulong ay nakita na nyang sumilip ang ginang na nasa Veranda pala. 

"YSA! NANDITO KA! PASOK!"masayang bati ni Trini kay Ysa at saka inutusan ang katulong na buksan ang gate. 

Doon sila sa may Veranda nagpunta, dinalan sila ng Maid ng Cake at Juice. 

"Tita, mabuti naman po naaalala nyo pa ako.."umpisa na Ysa at saka kinuha ang baso ng juice at uminom ng konti. 

"Syempre naman Ysa, kaibigan ka ni Tristan.."nakangiting sagot ni Trini. 

"Nandito po ba sya?" Pagbabakasakali ni Ysa.. Gustong gusto talaga nya makita ang binata. 

"Wala sya dito, hinahanap nya si Carlo.."simpleng sagot nito. Bigla naman naalala ni Ysa na matagal na nga pala syang walang balita kay Carlo, sa sobrang dami ng nangyari sa kanya ay nakalimutan nya ang Inspector, ang huling pagkakaalala nya ay kasama nya tong kinuha ang address ni Charm. 

"Nasaan po ba si Carlo?"natanong bigla ni Ysa na kinakabahan at baka may masama ng nangyari dito. 

"Hindi ko din alam, ilang linggo na ang lumipas ay hindi pa din sya umuuwi.."malungkot na wika ni Trini. "Nagaalala na nga ako kaya pinahanap ko sya kay Tristan.." 

Napabuntong hininga naman si Ysa, sa isip isip nya, wala sanang kinalaman ang babaeng nakaitim sa pagkawala ni Carlo. 

"Bakit ka naparito Hija?"Si Trini. 

"Tita, mawalang galang na po, gusto ko po sana kayo tanungin tungkol kay.."hindi na naituloy ni Ysa ang sasabihin ng makita ang album na nakalapag sa lamesa. Si Tristan aT isang babae na pamilyar sa kanya. 

"Tita, sino po yang babae na kasama ni Tristan sa picture?"tanong nya at saka kinuha ang album. 

"Ah yan ba? Childhood friend yan ni Tristan, inaanak ko, sabay na silang lumaki ni Tristan.."kwento ni Trini. "At halos sabay din sila ng mamatay?"malungkot na paglalahad nG ina ni Tristan. 

"Namatay?" 

"Oo, napatay si April sa LAC 3 years ago.."sambulat nito. 

Si April, ang babaeng nagpahirap kay Arianne noon, isa s mga namatay sa LAC 3 years ago. 

"T-tita.. may k-kilala po b-ba k-kayong A-Arianne L-Liu?"nagkakandautal na tanong ni Ysa. 

Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Trini, para itong nagulat. 

"Si Arianne.. Papaanong?"nasabi na lang ni Trini at saka umiling at kinuha ang album kay Ysa at pagkadakay may kung anong larawan na hinanap. Pagkatapos makita ay agad naman nya itong pinakita kay Ysa. Si Tristan ang nandoon at nakaakbay sa isang babae, si Arianne. Napansin ni Ysa na parang putol ang larawan sa bandang kaliwa ni Arianne. 

"Kaibigan sya ni Tristan, bago namatay si Tristan ay naunang namatay ang dalaga.."si Trini. 

"Espesyal po ba sya kay Tristan?"may kung anong kumurot sa puso ni Ysa sa tanong nyang iyon. 

"Marahil.. Hindi ko alam, ang alam ko kasi ay mula pa noon ay ikaw na ang espesyal kay Tristan.."ngiting sabi ni Trini kay Ysa. 

"Paano nyo naman po nasabi iyon Tita, nito lang po kami nagkakilala ni Tristan.."nahihiyang sabi ni Ysa. 

"Kahit sa drawing ka lang, umasa si Tristan na totoo ka, na may totoong Campus Queen ng puso nya,dala na rin ng udyok ng kaibigan nya, ay matyaga silang naghanap"kwento ni Trini. 

"Sinong Kaibigan po?"tanong ni Ysa. 

Tinitigan sya ni Trini at kinabahan si Ysa ng makita ang pamilyar na ekspresyon nito. Nakita na nya ito sa simbahan ng kinukwento ang tungkol kay Lucia. 

"Sino ka Hija? Kaibigan ka ba ni Tristan?"hindi nga sya nagkamali, nakalimot na naman si Trini. 

"Si Ysa po ako, kaibigan ni Tristan.."sagot ni Ysa na nagbabakasaling may maalala ang ginang. 

"Kaibigan? sinong kaibigan? ikaw ba si Lucia? Ikaw si Lucia? sino ka?"natatarantang tanong nito. 

Sakto namag labas ni nurse Anna, kaya agad agad siyang kinuha. 

"Naku Mam, mabuti pa magpahinga na kayo.. At uminom ng gamot.."sabi ng nurse. "Pasensya ka na, pagpapahingahin ko na si Mam."hingi sa kanya ng depensa ng nurse. 

"IKAW BA ANG ANAK NI LUCIA? BAKIT KAPANGALAN MO ANG ASAWA KO? ANAK KA BA NI CRISANTO? IKAW BA?"parang nawala na sa sariling sabi ni Trini. 

"Mam, tara na po.."awat ni Anna. 

Aalis na sana ulit si Ysa ng magsalita muli si Trini. 

"CRISANTA CORINE RIVERA! ANONG IBIG SABIHIN NITO CRISANTO? NAGKAANAK BA KAYO NI LUCIA? NAGKAANAK BA KAYO NG BABAENG NAKAITIMMMMMMM!"nanlaki ang mga mata ni Ysa sa narinig. 

"Si Corine.."sabi nya at saka muling nagbalik sa kanya ang mga babala. 

**** 
"ANAK.. MAGIINGAT KA.. MAGIINGAT KA SA KANYA!!!! MAGIINGAT KA SA KANILANG MAGINA!!" 
**** 

"Anak si Corine ng babaeng nakaitim? Anak sya sa Papa ni Tristan.."sunod sunod na tanong ni Ysa sa sarili "Kailangang tapusin na ang kahibangang ito, hindi ko na hihintaying ubusin nila lahat ng malalapit sa akin.."pagkasabi noon ay dinial ang number ni Corine na nakasave sa kanya. Mabuti na lamang at iyon pa din ang gamit nya. 

"HELLO, AKO NGA CORINE.. TAPUSIN NA NATIN TO, MAGKITA TAYO SA ROOFTOP NG LAC MAMAYANG ALAS DIYES!"pagkasabi noon ay pinatay na nya ang cellphone

Campus queen ( Chapter 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon