"YSABELLA FAJARDO.. "basa ni Ysa sa sariling pangalan na nakapost sa bulletin board, isa sya sa candidate sa gaganapin na Campus Queen 2011. "Hala, sinong nagsali sa akin?"takang tanong nya.
"Ako..!"sagot ni Corine na kararating rating lang.
"Naku, eh pangmaganda't pangmayaman lang yan eh, ayoko ng ganyan!"tanggi ni Ysa.
"Ano ka ba?! Kung ganda at ganda lang, in na in ka noh, kung yaman naman, anong ginagawa namin ni Lexin, o ayan na pala si Lexin"sabi ni Corine ng makitang dumadating na si Lexin.
"O bakit? May problema ba mine?"tanong ni Lexin kay Ysa at saka umakbay dito, hiyang hiya naman si Ysa samantalang si Corine ay asar na asar pero hindi nya ito pinahalata.
"Sinali ko kasi si Ysa sa Campus Queen 2011 kaso etong girlfriend mo ayaw at hindi daw sya maganda"kwento ni Corine kay Lexin.
"Mine.. Anong hindi maganda.. Eh ikaw nga ang pinakamaganda dito sa buong LAC eh, kaya sigurong panalo ka na"lambing ni Lexin at habang nakahawak sa kamay nito.
"See, sabi ko sayo eh, at isa pa, maganda na to para mabura na yung bad image mo sa school"iba ni Corine sa usapan.
"Hmmm.. Sige na nga, pero sagot nyo ako ah..!"payag ni Ysa.
Isang nakakalokong ngiti namang ang ginawa ni Corine. "GOTCHA!"
+
"Really, wow.. Pangbeauty queen talaga ang lahi namin, I knew it.."tuwang tuwang sabi ni Flor ng ibalita ni Lexin na isasali ito sa Campus Queen.
"Syempre naman, mana ata sa akin ang anak ko.."pagyayabang naman ng Papa ni Ysa. Tawanan silang lahat.
"Dahil po diyan, kakain tayo sa labas! My treat" anunsyo ni Lexin.
"Ano pang hinintay natin? Bihisan na!"tuwang tuwa namang sabi ni Lewis.
Agad agad namang gumayak ang Pamilya ni Ysa at saka sila. Nagkataon naman na pangmaramihan ang sakay ng dalang sasakyan ni Lexin.
Sa ARIAN's nila napiling kumaen, kanya kanyang order na ang pamilya ni Ysa. Pagkakain ay nagtuloy sila sa Theme Park dahil request ni Lewis. Sagot lahat ito ni Lexin.
"Hmmm, sobra sobra naman to Lexin, hindi pa naman ako nananalo ah"sabi ni Ysa habang pinapanood nila sa Merry go round si Lewis.
"Lahat handa akong gawin para sayo Ysa.. Lahat lahat.."seryosong sabi ni Lexin aT saka ito hinalikan sa noo.
Ngiti lang ang tinugon ni Ysa, pakiramdam nya ay secure na secure sya pag kasama nya si Lexin.
+ S
"Whaaatt? Tutulungan mo si Ysa to be the next Campus Queen? Come on Corine, akala ko ba galit ka sa kanya?"gulat na sabi ni Mildred, nasa bahay sila ni Corine sa may pool area.
"Just wait and see Mildred, Just wait and see.."nakangiting sabi ni Corine, maya maya ay may tumawag dito.
"Hello? hi! Okay na ba ang lahat? Good, siguraduhin nyo lang na maayos ang pagkakagawa nyo ah.. Okay, bye.."tapos ni Ysa sa paguusap nila ng nasa kabilang linya.
"Sino naman yon?"tanong ni Mildred.
"Sabihin na nating isa sya sa susi para masira ng tuluyan yang Ysa na yan!!"tawa ni Corine.
+ M
"Alam nyo mga pare, solve na solve ako sa girlfriend ko na si Corine, paano Virgin pa, hindi tulad ng syota ng iba jan na PaVirgin!"pagpaparinig ni Yuan ng makitang kabababa lang ni Lexin sa kotse.
"Kung sa bagay pare, mahirap nga yon, lalo na kung yung syota mo pinagpasasaan na ng iba ibang lalaki!"gatong pa ng isa.
"Tapos ang masaklap pa, lolokohin ka pa na muntik na syang marape kaso gusto naman nya!"dagdag ni Yuan.
