Chapter 11

644 13 1
                                    

"May nakikita akong hindi nakikita ng pangkaraniwang tao"pagtatapat ni Tristan at saka tinulak ang duyan na inuupuan ni Ysa.

Napalingon bigla dito si Ysa."Ano?"at saka pinigil ang pagandar ng duyan nya."May third eye ka?"tanong nya.

"Parang ganon na nga, pero.. Basta mahirap ipaliwanag, bata pa lang ako ganto na ako, kakaiba.. Ewan.."kwento ni Tristan.

Hindi alam ni Ysa kung ano ang iisipin, sa totoo lang, madami syang tanong at pakiramdam nya ay maiiyak sya dahil parang anghel si Tristan na nagmula sa langit.

"Sige lang.. Madaming oras.. Makikinig ako.. "sabi ni Ysa at saka naupo ulit sa duyan, tinulak sya muli ni Tristan.

"8 yrs old pa lang ako non ng matulaklasan ko ko lahat ng to, patay non si Lola Munte, tiyahin ng Papa ko, wala akong kamalay malay non na pag patay na pala ang isang tao hindi mo na pwede ito makasalamuha. Kararating ko lang ng masalubong ko non si Lola Munte, wala sa hinagap ko na burol na pala nya yon, niyakap pa nya ako at ako naman, yumakap din, pagpasok ko doon, nagiiyakan sila, nagtanong kung bakit, wala na raw si Lola Munte,ako naman todo bida, hindi kako,,nandiyan si Lola Munte, wag na kako sila umiyak. Ayun, galit na galit si Mama, ano daw yung pinagsasasabi ko eh patay na daw si Lola Munte, magmula non, madalas na akong managinip ng masama, madalas na akong makakita ng hindi maganda hanggang sa makalakihan ko na, at nakakatuwa nga eh, dahil sa sitwasyon kong to.. Namatay ang Papa ko.."kwento ni Tristan at saka pumiyok nung huling bahagi ng kanyang kwento.

Napatigil naman si Ysa sa pagduduyan at nilingon ang binata, doon ay nakita nya na tulala ito.

***

15 yrs old ako noon ng ayain ko si Papa sa Baguio, tutol si Mama non pero dahil mapilit ako, natuloy pa din kami.

"Hay nako nako, Tristan, tumigil ka nga, hindi kayang magdrive ng daddy mo pag ganong kalayo at saka delikado sa Baguio"pigil non ni Mama sa akin.

Pero pinilit ko pa rin ang sa akin, kaya si Papa, kahit takot magdrive ay sumige pa rin si Daddy para mapagbigyan lang anG unico hijo nya.

Habang nasa byahe kami, pansin ko na kabang kaba si Papa, ako din ay kinakabahan dahil buong byahe kasama namin ang isang babaeng nakaitim sa byahe at ako lang ang nakakakita sa kanya..

Paakyat na kami ng Baguio non kung saan matarik ang daan ng biglang..

"Pa may babae!"sigaw ko kay Papa ng may tumawid na babae, taka ko naman kung papaanong may tumatawid sa lugar na yun ng ganong oras. Bigla namang nagpreno si Papa. 

"Ano ba yun Hijo? May babae ba?"tanong ni Papa sa akin saka ito bumaba ng kotse.

"Pa.. "pigil ko kay Papa pero nakababa na sya. Pumunta sya sa harap ng kotse pero wala naman sya nakita pero ako.. Meron, yung babaeng nakaitim, nasa likod ni Papa, titig na titig, napakurap ako at wala na ang babae pero si Papa, kakaiba na ang itsura nya, para syang naging robot at naglakad sya papunta sa bangin. Lalabas na sana ako ng kotse pero ayaw nitong bumukas. 

"PA! PAPA.. !!"tawag ko sa kanya habang kinakalampag ko yung bintana ng kotse. Pero wala.. Walang nangyari, tuloy tuloy syang tumalon sa bangin at nakakapangilabot at kataka taka pa ay mismong sa harap ng kotse sya bumgsak at pag tingin ko sa paligid wala na ang kotse kung saan huminto si Papa, nasa may paanan na kami ng pagakyat sa Baguio.

"PAPAAAAAAAAA!!" yun na lang ang nagawa ko.. Ang sumigaw..

Nang dumating ang mga pulis ay hindi ko maipaliwanag ang nangyari, galit na galit sa akin si Mama, ako ang sinisisi nya. Kung hindi ko daw inaya si Papa doon ay hindi mangyayari doon.

***

Natapos magkwento si Tristan na nakatanaw pa rin sa malayo matapos maikwento nito lahat ng pangyayari.

Campus queen ( Chapter 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon