Chapter 17

779 12 2
                                    

"OKAY CLASS, NEXT WEEK WE WILL BE HAVING OUR FOUNDATION WEEK AT GUSTO KO NGAYON PA LANG MAGHANDA NA KAYO KUNG ANONG MAGANDANG BOOT FOR THIS EVENT"sabi ni Mrs. Del Mundo.

"Ma'am, why dont we have a mini concert, , tutal madami naman tayong mga talented singers, dancer and musicians sa College natin"suhestyon ng isa sa mga estudyante.

"That is a pretty good idea,pero what will be the contribution of those who cannot sing, dance ang play the instrument?"tanong ni Mrs. Del Mundo.

"Sila po yung bahala sa production, costume, stage, at pati na rin sa ibang gagamitin, ako po I'll volunteer for that part kasi wala naman ako talent"sagot ng estudyante.

"And to make it more exciting Ma'am, sa may soccer field natin ganapin, para madami makapanood, at para mas interesting si Ysa po ang gawin nating host tutal sya naman po ang ating Campus Queen"dagdag pa ng isa pang estudyante.

"Well, magandang ideya yan, okay lang ba sayo yun Miss Fajardo?"baling ng guro kay Ysa.

Si Ysa naman ay walang kamalay malay na sya na pala ang kinakausap ng guro dahil tulala pa rin ito at nagiisip ng malalim.

"Miss Fajardo? Miss Fajardo are you still with us?"tawag pansin ng guro.

Para namang nagising si Ysa sa tawag ng guro"Ma'am?"sagot nya.

"It seems like you are not listening to what we are discussing Miss Fajardo.."sita sa kanya ng guro.

"Im sorry Mrs. Del Mundo, Masama lang po ang pakiramdam ko"sagot ni Ysa, bago pa man makasagot ang guro ay dumating ang dalawang pulis at nakiexcuse sa guro.

"Yes?"tanong ng guro at lumapit dito, sandali lang may pinagusapan ito at maya maya ay"Miss Fajardo, gusto ka makausap ng mga pulis,"sabi nito kay Ysa.

"Po?"maang na tanong ni Ysa pero tumayo din ito, sa pinto sa likod sya dumaan at doon nakita nya ang nakangising si Bea.

"Lagot ka ngayong aswang ka! Pinatay mo sila Yuan!!"inis ni Bea.

"Miss Fajardo, ako si Inspector Carlo Sta. Ana at eto naman si Inspector Bonker Moral, narito kami para tanungin ka ng iilang katanungan, pwede ka bang maimbitahan sa presinto?"magaling na wika ni Carlo pagkalapit na pagkalapit dito.

Para namang kinabahan si Ysa at hindi malaman ang gagawin"Bakit po? Ano po bang problema? Tungkol po ba saan to?"sunod sunod na tanong ni Ysa.

Saktong kararating lang noon ni Lexin at nakita nyang kausap ni Ysa ang dalawang pulis, at naroon din ang si Bea na tuwang tuwa sa mga nangyayari.

"Boss, ano po bang problema dito?"tanong ni Lexin at saka inakbayan ang kinakabahang si Ysa.

"Gusto lang namin makausap itong si Ms. Fajardo dahil may nakapagsabi sa amin na sya daw ang may ari ng kwintas na nakita namin sa Crime scene kung saan namatay sila Juanito De Guzman at ang mga kaibigan nito."paliwanag ni Bonker.

"Alin po bang kwintas yon?"kinakabahang tanong ni Ysa.

Dali dali namang kinuha ni Bonker ang kwintas sa bulsa, nakaplastic ito pero nakilala agad ni Ysa at maging si Lexin.

"Yan yung bigay kong kwintas sayo diba?"tanong ni Lexin kay Ysa"Saan nyo po nakita yan?"baling na tanong naman nya sa mga pulis.

"Sa rooftop ng school.."sagot ni Carlo.

Napatingin si Lexin kay Ysa, kitang kita ang kaba sa puso ni Ysa ng mga oras na yon. "Ysa, paano napunta to sa rooftop??"tanong ni Lexin.

Napatingin si Ysa kay Lexin at saka huminga ng malalim, "sa totoo lang po, hindi ko din po alam kung saan ko nahulog yan, kung mapapansin nyo po, kabang kaba po ako kasi hindi ko man lang napansin na wala na pala sa akin yung kwintas kung hindi nyo pa po pinakita"sagot ni Ysa at saka lumapit sa dalawang pulis."Halika na po.."aya nya sa mga ito.

"Sandali lang.."pigil ni Lexin at saka bumaling sa dalawang pulis. "Sasama ako.."sabi nya.

Napatingin dito si Ysa"Pwede ba Lexin, hindi mo na kailangan sumama, hindi ako ang pumatay sa kaibigan mo kung yun ang gusto mong kumpirmahin"seryosong sabi ni Ysa.

"Ysa naman, sasama ako dahil gusto kitang suportahan.."wika ni Lexin.

"Hindi kita kailangan"hindi tumitinging sabi ni Ysa at saka humarap sa dalawang pulis"Sir, ayoko po syang kasama, wag nyo po syang pasamahin,, hindi ko po sya kilala"pagsisinungaling ni Ysa.

"Hay naku, pwede ba kayong dalawa, kung mag e-LQ kayo, wag sa harap namin, mahiya naman kayo ng konti"singit ni Bonker.

"Mabuti pa, wag ka na lang sumama hijo.."utos ni Carlo kay Lexin.

"Hindi! Sasama sa ayaw nyo at sa gusto!"diin na sabi ni Lexin.

"Abat sino ka ba sa tingin mo para kausapin kami ng ganyan!"asar na sabi ni Carlo.

"LEXIN APOSTOL! KAISA ISANG ANAK NI GOVERNOR ALBERTO APOSTOL AT APO NI FORMER MAYOR MARIETTA APOSTOL!"mayabang na sabi ni Lexin.

Para namang napahiya ang dalawang pulis sa tinuran ni Lexin, hindi na sila kumibo, kilala nila ang Pamilya nito, masyadong makapangyarihan, hindi na sila kumibo at hinayaan na lang na sumunod ang binata, inis na inis namang inirapan ito ni Ysa.

+ S

"What? Really? You did that???"natatawang sabi ni Corine at saka tumawa ng tumawa, nasa cafeteria sila ng mga oras na yon.

"Oo.. Saktong sakto naman kasi narinig ko usapan ng mga pulis at ni Dean Aruelo, kaya yon, super singit ako,"mayabang na sabi ni Bea, kakakwento lang kasi nya ang nanagyari kay Ysa.

"Sira ka talaga! Mabuti nga sa aswang na yon!!"nakangiting sabi ni Corine.

"Corine.. Sa tingin mo ba, si Ysa talaga ang pumatay kila Yuan?"seryosong tanong ni Mildred.

"Hindi ko alam, siguro! I dont care kung sya nga o hindi, basta ang mahalaga sa akin eh magdusa sya!"sabi ni Corine sabay inom ng iced tea.

"Baka naman ikaw talaga ang pumatay sa dalawa Corine"biglang nasabi ni Bea, nagulat si Mildred at Corine sa sinabi nito. Nakayuko lang ito ng mga oras na yon.

"SHUT UP BEA! Ang kapal ng mukha mo para pagsalitaan ako ng ganyan!"asar na sabi ni Corine.

"Bakit Corine? Napahiya ba kita? Totoo naman diba? Pwedeng ikaw ang pumatay kila Yuan dahil mas madami kang motibo!"tuloy tuloy na sabi ni Bea, nananatili itong nakayuko.

"Bea! Will you shut up! You're pissing her off!"saway ni Mildred.

Bigla namang tumawa ng malakas si Bea dahilan para makatawag pansin mga nasa cafeteria.

"Hindi Mildred! SASABIHIN KO LAHAT NG GUSTO KONG SABIHIN"malakas na sabi ni Bea, kitang kita ang inis sa mukha ni Corine, tinakpan nya ang bibig nito pero hinawi lang ni Bea."SASABIHIN KO NA ANG TOTOONG NASA SEX SCANDAL NI YSA NA YON AY HINDI SI YSA KUNG HINDI IKAW!AT DAHIL DOON PINATAY MO SI YUAN AT ANG MGA KABARKADA NYA!"sigaw ni Bea kaya rinig na rinig ng mga estudyante sa canteen, kanya kanya silang bulungan.

Isang malakas na sampal ang binigay ni Corine kay Bea at bigla namang parang natauhan si Bea.

"Ouch? Bakit mo ako sinampal?"wala sa loob na tanong ni Bea.

"You ugly monkey will pay for this humiliation!"pagkasabi noon ay umalis na galit na galit si Corine.

Takang taka naman ang istura ni Bea na bumaling kay Mildred.

"Anong nangyari??"natanong na lang nya.

Naiiling na tumayo si Mildred."You're Dead bitch!"sabi nito at saka umalis.

Naiwang tulala si Bea at saka tumayo, pagtayong pagtayo nya ay nakaupo naman sa mismong kinauupuan nya ang Babaeng nakaitim na nakangisi na para bang may kinalaman sa inasal ni Bea.

+ M

"So Miss Fajardo, maari mo bang sabihin sa amin kung papaano napunta ang kwintas na to sa rooftop kung saan hinihinalang tumalon o pinatalon ang mga biktima?"tanong ni Bonker.

"Sa totoo lang po wala talaga akong idea, siguro po nung tumambay ako doon nung araw na yon, masamang masama po kasi ang loob ko noon, nagpunta po ako sa rooftop para magpalipas ng sama ng loob, tutal doon naman po ako laging pumupunta"kwento ni Ysa.

"May makakapagpatunay ba ng statement mo Hija?"usisa naman ni Carlo.

"Opo.. yung kaibigan ko pong si Tristan.."matapat na sagot ni Ysa.

"Tristan???"takang sabi ni Lexin na nandoon din ng oras na yon, hindi ito pinansin ni Ysa.

"Tristan? Sinong Tristan?"tanong pa ni Carlo.

"Opo.. Kaibigan ko po sya, engineering student, hindi ko po alam ang apelido nya eh"sagot ni Ysa.

Magtatanong pa sana si Carlo ng magring ang cellphone nito, kinausap nya ito saglit at maya maya ay bumaling ito sa kaparner na si Bonker.

"Sir, kakatanggap ko lang ng tawag mula sa isang estudyante sa LAC, sa tingin daw nila kilala na nila ang isa sa maaring pumatay sa mga biktima"sabi ni Carlo kay Bonker.

"Sino daw? May sinabi ba silang pangalan? Paano nila iyon nalaman?"tanong naman ni Bonker.

"Narinig kasi sa buong Cafeteria na may nagaaway na magkakaibigan, a certain, Corine Rivera and Beatrice Joson, ito daw Beatrice ay sinisigaw na si Corine ang pumatay, nakunan daw nila ito ng video"kwento ni Carlo.

Nagkatinginan naman si Lexin at Ysa sa narinig, napansin naman ito ni Bonker."Kilala nyo sila?"usisa nya.

"Classmate po namin sila sir, si Beatrice po yung kasama nyong babae kanina at nagturo sa akin..."paliwanag ni Ysa, napapatango naman si Bonker at para bang napagpatong patong ang mga pangyayari.

"Magkakasundo ba kayo?"ulirat pa ni Bonker pero bago pa man sumagot si Ysa ay sumabat na si Lexin.

"Actually sir, I think I can Help you with that matter"sabi ni Lexin at saka kinwento ang lahat lahat, mula sa scandal na fake na pinalabas ay si Ysa hanggang sa nalaman ni Lexin ang totoo, pinakita pa nito ang mga pictures ng totoong video at pinarinig ang Audio ng usapan ni Corine at Yuan.

"Well, mukhang may Lead na ang kasong ito.."sabi ni Bonker matapos marinig ang kwento ni Lexin.

"Mukha nga sir, marahil sila rin ang may pakana ng paglalagay ng kwintas sa mas kitang lugar, at marahil ay nanggaling siya doon kung ganoon"conclusion ni Carlo.

"Well, mukhang kailangan nating imbestigahan si Corine Rivera pati ang mga kaibigan nya."sabi ni Bonker at saka bumaling kay Ysa At Lexin."Mabuti pa umuwi na kayong dalawa, papatawag ko na lang kayo kung kinakailangan"wika nito.

"Sir mabuti pa ihatid ko na sila.."ana ni Carlo.

"Ako na lang po, may dala naman akong sasakyan eh"matalim na sabi ni Lexin.

+ P

"Ysa.."tawag ni Lexin kay Ysa habang nasa sasakyan sila, nakumbinsi kasi nya si Ysa na ihatid ito sa dorm nya, buong byaheng walang kibo si Ysa at nakatalikod lang kay Lexin.

Hindi kumibo si Ysa at nagpanggap na natutulog. Tinapik ito ni Lexin sa balikat pero hindi man lang ito gumalaw, nagpatuloy na lang sa pagdadrive si Lexin at nagsalita.

"Alam ko, masama ang loob mo sa akin, pati sa mga magulang mo, naiintindihan kita, alam kong nasaktan ka namin ng sobra sobra, pero Ysa, sana maintinidhan mo din kung gaano kasakit sa akin nung inakala kong ikaw yon, galit na galit ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko kasalan ko kung bakit nasa ganong sitwasyon ka,"madamdaming pahayag ni Lexin, dinig na dinig ni Ysa lahat yon pero hindi man lang sya kumilos. "Kung alam mo lang kung gaanong nadudurog ang puso ko sa pagiwas sayo, na makita kang nasa ganong estado.."dagdag pa ni Lexin.

Sa puntong iyon ay dumilat si Ysa at nagsalita,"Noong una, sinisi ko ang sarili ko kung bakit ako napunta sa ganong sitwasyon,galit na galit ako sa sarili ko dahil nasasaktan ko kayo.."naiiyak na sabi ni Ysa dahilan para mapahinto si Lexin sa pagmamaneho.

"YSA.."tanging nasambit ni Lexin.

"Pero ako ba talaga ang dapat sisihin, usigin at husgahan ng mga panahon na yon.. Hindi.. Hindi ako, dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako yon.. Kung may dapat mang nagdurusa, kayo yon, kayo yon Lexin, iniwan nyo ako sa ere sa pagkakataong kailangang kailangan ko ng makakapitan.."naluluhang pahayag ni Ysa at saka umayos sa pagkakaupo at akmang lalabas na sa kotse pero pinigil ito ni Lexin.

"Sige.. Kamuhian mo ako, magalit ka sa akin, kasuklaman mo ako at hindi ako magrereklamo, I deserve it..pero please Ysa.. Hayaan mo akong alagaan ka.. Hayaan mo akong ipagtanggol ka.. Hayaan mo akong patuloy na mahalin ka.."umiiyak na sabi ni Lexin at napatingin dito si Ysa, pakiramdam ni Ysa ay madudurog ang puso nya ng makita ang mga luha sa mga mata ni Lexin, gustong gusto nya itong yakapin at sabihing okay lang, pero pinigil nya ang sarili, dali dali syang bumaba ng kotse at nagpasalamat kay Lexin at saka dire diretsong naglakad at pumara ng taxi at doon sa loob ng taxi itinuloy nya ang pagtangis.

+ M

Isang sapak ang sumalubong kay Lexin pagpasok na pagpasok nya sa bahay nila, as usual, ang tatay na namana nya.

"ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA NG MONG TARA*TAD* KA!"galit na galit na bungad sa kanya ng amang si Albert.

"BAKIT NA NAMAN?!!"galit na tanong ni Lexin habang hawak ang pisngi.

"NAGTATANONG KA PA! ANO TONG NABABALITAAN KO NA IPINANGANGALANDAKAN MO ANG PANGALAN KO AT PANGALAN NG LOLA MO PARA LANG PAGTAKPAN ANG ISANG KRIMINAL!!"sagot na sigaw ni Albert.

Napatingin dito si Lexin ng matalim, tumayo ito at hindi pinansin ang ama, lalakad na sana ito papanik ng hagdan pero hinila ito sa likod ni Albert.

"Wag na wag mo akong tinatalikuran pag kinakausap kita hayop ka!!"gigil na sabi ni Albert."Ikaw pinagbibigyan na lang kita dahil sa nakikiusap ang lola mo pero sumusobra ka na! Bakit ginagamit mo ang pangalan namin ni Mama para lang paburan ka ng mga pulis! Sino ba yang Ysabella Fajardo na yan at pati pangalan ng pamilya natin kinakaladkad mo!!"mataas ang boses pa ring wika ni Albert sa anak.

"Walang kinalaman si Ysa dito kaya pwede ba, wag na wag mo syang idadamay sa usapang ito, hindi ko kinaladkad ang pangalan mo sa kahihiyan, nagpakilala lang ako at sinabi kung kanino akong anak at apo pero alam mo sising sisi nga ako sa sinabi ko eh, dapat sinabi ko na lang na apo ako ng Ex Mayor Marietta Apostol, dahil kung ako tatanungin mo, hindi ko dapat ipagmalaki na anak mo ako dahil nakakasukang maging anak mo!!"salita pa ni Lexin.

"WALANG HIYA KA TALAGANG BATA KA! At sino sa tingin mo ang pinagmamalaki mo? Yung babae mo? Sya ba yung pinagaksyahan mo ng panahon ng mga tauhan ko sa chopper! Yang babae ba na yan ang kinahuhumalingan mo ha Lexin! Eh balita ko bukod sa kriminal yan eh kaladkarin pang babae yan! Yan na ba ang tipo mo ngayon ah! Yung mga basurang katulad mo!"nanlalaking matang pahayag ni Albert.

Nginig na nginig ang laman ni Lexin sa narinig, pakiramdam nya ay pumapanik lahat ng dugo nya sa ulo nya, isang malaka at solidong suntok ang pinakawalan nya sa mukha ng ama dahilan para matumba ito.

"HUWAG NA HUWAG MONG IINSULTUHIN SI YSA HAYUP KA! KAYA KONG TIISIN LAHAT NG PANANAKIT MO SA AKIN PERO WAG NA WAG MONG IINSULTUHIN ANG BABAENG NAGPAKITA SA AKIN NG MALASAKIT AT PAGMAMAHAL NA DAPAT IKAW ANG NAGBIBIGAY!!!!"galit na galit na sabi ni Lexin at saka lumabas ng bahay at lumulan ulit sa kotse.

+ D

Nagkakagulo sa Dorm nG dumating si Ysa, sa reception pa lang ay kitang kita na nya ang mga tao na kanya kanyang kumpulan.

"Anong nangyari?"tanong nya sa isa sa mga nagdodorm doon.

"Yung isang babae sa room 203 bigla na lang nagsisigaw parang napoposses, ayun pinapakalma ng mga caretaker pero ayaw kumalma"sagot nito.

Bigla namang tumakbo si Ysa ng marinig iyon, 203 ang room nya at malamang si Chel ang sinasabi nito.

Pagdating na pagdating nya sa taas ay nakita nya na nagkakagulo ang mga tao, rinig na rinig din nya ang sigaw ng isang babae.

"Chel.. Hija.. Maghunusdili ka, halika magusap tayo, lumabas ka na diyan.."narinig nyang sabi ng isang lalaki na ng tingnan ny ay isang pari pala.

"HINDI KAYO ANG KAILANGAN KO! HINDI KAYO! HINDI KAYOOOOOOO!!!"narinig nyang sigaw ni Chel.

"Sabihin mo sa akin Hija, sinong kailangan mo? Susubukan ka naming tulungan.."pahayag ng pari.

"SI CHARM, HANAPIN NYO SI CHARM, HANAPIN NYO SI CHARM! ALAM NYA ANG LAHAT! ALAM NYA ANG MGA NANGYARI! ALAM NYAAAAAAAAA!!!"nakakakilabot na wika ni Chel na nasa loob ng kwarto nila at saka isang malakas na kalabog ang kanilang narinig, tapos ay bumukas ang pinto at takbuhan ang mga tao sa loob.

"TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA! BILISAN NYO! DALI!!"tarantang sigaw ng isang babae.

Kitang kita ni Ysa ng buhatin palabas si Chel, puro sugat ito sa katawan at naninigas, dilat na dilat ang mata, ng madaan ito sa kanya ay isang malakas na sigaw ang pinakawalan nito at saka ito tuluyang mawalan na malay.

Kilabot na kilabot ang mga nandoon sa nakita pero ang pinagtataka ni Ysa ay parang sanay na ang mga ito dahil nagpatuloy sila sa kani kanilang ginagawa na parang walang nangyari.

"Pangilan na ba yan? Panglima na ata yang nagkaganyan na nagstay sa kwarto na yan at yun at yun din ang sinasabi, hanapin si Charm.."narinig nyang wika ng isang kadorm nya.

Lumapit si Ysa sa kwarto at doon naamoy nya ang parang malansa, agad agad syang pumasok ng pinto at doon ay nakita nya na umaagos ang dugo sa bawat sulok ng kwarto, parang nagtatalsikan ang direksyon ng pinto na para bang may sinasaksak, napapikit si Ysa at saka nanalangin.

"Diyos ko, ilayo nyo po ako sa kapahamakan, naway bigyan nyo p ng katahimikan ang mga kaluluwang lumisan na"usal na panalangin ni Ysa at saka dumilat, nakita nya na wala na ang dugo ang kwarto, gulo gulo ito at parang binagyo, isa isa nya iyong pinulot at saka niligpit at ng may mapansin syang bracelet sa lapag, naalala nyang suot suot ito lagi ni Chel. Parang gawa sa abaka ang kwintas, may krus ito sa dulo at imahe ni Mama Mary. 

"YSA!"nagulat si Ysa ng biglang may tumawag sa kanya, nakita nya na iyon pala ang Namamahala sa Dorm.

"Ano po yun Miss Alumpihit?"tanong ni Ysa at saka pinamulsa ang bracelet.

"Sa janitor mo na ipaayos yang mga nagulong gamit, doon ka na lang muna matulog sa kabilang kwarto,sa tabi lang, wala pa naman umuokupa non eh.."wika ni Miss Alumpihit.

"O sige po, kuha lang po ako ng gamit.."sabi ni Ysa at saka hinarap ulit ang kwarto nya at kumuha ng ilang mga gamit at lumipat sa kabilang kwarto, paraho lang ng style ang ayos nito pero ang pinagkaiba nga lang, magkaiba ng pwesto ang kama, nakasandal ito sa dingding. Kaya kahit anong kaluskos sa kabilang kwarto ay tiyak madidinig nya, saka nya naalala na kwarto nga pala nya ang nasa kabila ng dingding.

Nang gabing iyon ay naisipan nI Ysa na magshower muna pagkakaen, nadaanan pa nya ang mga kapwa nya nanunuluyan na nanonood ng tv sa sala sa malapit sa cr, bawat Floor kasi ay may sala kung saan pwede makapanood ang mga estudyante, mga nasa apat hanggang anim ang tingin nyang bilang ng estudyante, kanya kanya pang tawanan ang mga ito, nakasalubong pa nya na palabas ang mga ibang kadorm nya na mukhang kakaligo lang.

Hindi kalakihan ang banyo,pagpasok mo ay tumbok mo na kaagad ang tatlong cubicle na paliguan, napansin nya na may isa pang nililigo sa isa sa cubicle, humarap muna sya sa salamin, king saan ang katapat naman ay ang dalawang cubicle para sa mga gustong umihi. May nanunuklay pa sa salamin ng mga oras na yon.

Pumasok sya sa loob ng isa sa cubicle na may shower at isinabit ang tuwalya at pamalit at saka isa isang hinubad ang mga damit.

Binuksan nya ang shower at nagumpisang maligo, hindi na nito napansin na natapos ng maligo ang nasa kabilang cubicle, pinatay muna ni Ysa ang shower at saka nagshampoo at nagsabon ng pamaya maya ay marinig nya na biglang parang may galit na nagbukas ng pintuan.

"Bitiwan mo ako CHARM! Ano ka ba nasasaktan ako!!"nadinig ni Ysang sabi ng babae na parang pamilyar ang boses.

"Talagang masasaktan ka sa aking babae ka! Sumosobra ka na ah! Inagaw mo na nga sa akin ang lalaking mahal ko pati ba naman pangarap ko aagawin mo din! Talaga bang sinusubukan mo ako"galit na galit na sabi ng isa pang boses at pamaya maya ay narinig nyang bumukas ang isa sa cubicle kasunod ng parang may humapas sa tubig.

"Tulungan nyo..."narinig nyang sabi ng isa pang babae na parang nalulunod.

"Yan ang dapat sayo! Ang kapal ng mukha mo! Pagkatapos kitang ituring na kaibigan ganto lang ang igaganti mo sa akin! Hayup ka!!!"gigil na gigil na sabi ng babae.

Minadali ni Ysa ang paliligo, naririnig nyang nagmamakaawa na ang babae at maya maya ay tumahimik, agad nagtapis ng tuwalya si Ysa at lumabas pero nagulat pa sya ng makitang tahimik na tahimik ang paligid at walang bakas ng away na kanina lang ay dinig na dinig nya. Lumabas sya sa banyo at nakita nya ang mga kasamahang nagdodorm doon ay parang wala man lang nadinig na kaguluhan.

Bumalik sya sa loob ng banyo at nanlaki ang mata nya ng makitang maybakas ng tubig na nanggaling sa isa sa cubicle at pamaya maya ay narinig pa nya ang isang iyak.

"Miss.. Okay ka lang? Sino ba yun?"wika ni Ysa na naguumpisa ng kilabutan dahil palakas ng palakas ang iyak, iba na ang kutob ni Ysa kaya naman imbes na usisain pa ang umiiyak ay kinuha na nya ang mga gamit at mabilis na lumabas.

Humahangos na tumakbo sya sa kwartong tutulugan nya, kabang kaba si Ysa, at saka umusal na naman ng maikling panalangin, at saka inayos ang mga pinaghubaran at doon bumagsak ang bracelet ni Chel. Tinitigan nya ang bracelet, nakatapat sya sa salamin noon ng mapansin nyang hindi lang reflection nya ang nasa salamin kung hindi isa pang babae, tumingin sya sa salamin mabuti para siguruhin pero wala na doon ang babae, pero hindi iyon ang mas nakapagpakilabot kay Ysa, dahil ang kaninang hawak lang na bracelet ay suot na nya ngayon. At kahit anong pilit nyang hubad ay hindi nya ito mahubad hubad.

Manghang mangha sya sa mga nangyayari ng biglang marinig nyang tumunog ng cellphone.

Agad agad nyang sinagot ito ng hindi kinikilala kung sino ang tumatawag.

"HELLO?"bungad nya.

"HELLO YSA? SI ALEXA ITO"narinig nyang takot na takot na sabi ng babae.

"ATE ALEXA? O napatawag ka.."kinakabahang sabi ni Ysa.

"YSA.. MAGIINGAT KA! MAGIINGAT KA..SA TOTOO LANG AY HINDIANG KABABALAGHAN ANG DAPAT MO PAGINGATAN YSA, HINDI LANG.."nakasisindak na rebelasyon ni Alexa.

"ANONG..??"

"YSA.. MAY DARATING NA TULONG, TIWALA LANG, KILALANIN MO MABUTI..WAG MONG HUSGAHAN KUNG SA PAANONG PARAAN DARATING ANG TULONG.. BASTAT KILALANIN MO.."sabi pa ni Alexa na parang hirap na hirap ang boses.

"ATE ALEXA! ANO PO BA TALAGA ANG NANGYAYARI??"kinakabahan ng sagot ni Ysa.

"Hindi sya mawawala Ysa hanggat hindi nya nakukuha ang gusto nya"nakakasindak na rebelasyon ni Alexa at saka naputol ang linya..

Tiningnan ni Ysa ang cellphone at nakitang patay na ito, lowbatt na. SA isip isip nya ay bukas na lang sya makikipagusap dito at pagod na sya. Nahiga na si Ysa at pamaya maya ay nakatulog na ng ilang sandali pa ay..

"Ayoko na! Ayoko na! Umalis ka na!!"narinig ni Ysang sigaw ng isa sa kabilang kwarto at maya maya ay nakarinig sya ng kalabugan at sigawan. Napabangon tuloy si Ysa at dali daling lumabas pero takang taka sya dahil tahimik naman ang hallway na para namang walang komusyon, papasok na sana sya ng kwarto ng mapansin nyang bumukas ang kwarto nila ni Chel. Lakas loob nyang pinasok ang kwarto at..

"ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!"sigaw ni Ysa ng makitang may babaeng nakabigti sa harapan nya na duguan at punong puno ng saksak.

+ GSMPMD

"CORINE??"tawag ni Bea sa kaibigan, tinawagan kasi sya ni Bea at sinabing pumunta sya ng school ng alas dose ng hating gabi at kakausapin sya ni Corine at papatawarin na ito sa nagawang kasalanan. Dahil ayaw ni Bea na mawala ang fame nya kuno ay matapang at walang tanong tanong syang pumunta at tinakas pa ang sasakyan ng ama.

"CORINE.. "tawag pa ulit ni Bea ng nasa may school cafeteria na sya, doon kasi ang sabi ni Mildred na magkikita sila pero walang Corine ang sumagot.

Takot na takot na naglakad pa si Bea hoping na pinagtitripan na naman siya ng dalawa.

"GUYS? OKAY.. TAKOT NA AKO.. SIGE NA LABAS NA KAYO.. YUHUUU, CORINE.. MILDRED"sigaw ni Bea, maya maya pa ay nakarinig ng kalampag si Bea at halos mapatalon ito sa pagkagulat.

"Sino yan? Corine? Mildred? Kayo ba yan? Guys.. Wag nyo na kasi akong takutin, kasi naman eh.. "parang batang nagmamaktol.

Biglang nagsara ang pintuan sa cafeteria at nagkalabugan sa may kitchen ng cafeteria.

"TAMA NA YAN AH! HINDI NA NAKAKATUWA, PAG HINDI PA KAYO NAGPAKITA PAGKABILANG KONG TATLO UUWI NA TALAGA AKO!!"banta ni Bea.

"ISA.. DALAWA.. DALAWAT KALAHATI.. TATLO!!"at saktong tatlo ay nagring ang cellphone ni Bea, tumatawag si Mildred.

"Hello Bea?"bungad ni Mildred.

"Hoy ano ka ba! Nasaan ba kayo? Magpakita na nga kayo!"galit na sagot nya.

"Huh? Pumunta ka ba sa school? Hahahahaha, sira ka talaga, umuwi ka na nga, niloloko lang kita, pinasubukan lang naman ni Corine Loyalty mo eh, uyyyy, loyal sya, umuwi ka na girl at wala kami dyan"sabi ni Mildred pero bago pa makasagot ang dalaga ay..

Napalingon si Bea at nakita nya ang isang taong nakaitim na may hawak na kutsilyo, nanlaki ang mata ni Bea ng makilala iyon..

"IKAW! ANONG.."dinig na dinig ni Mildred na sabi ni Bea at saka isang malakas na sigaw ang sumunod dito.

"BEA? BEA? BEA!!"tawag ni Mildred.

Si Bea naman ay mabilis na tumakbo papasok sa kitchen, sinara nya iyon at takot na takot na hinarangan ng lahat ng mkitang mabigat ng bagay.

"Tulong! Tulungan nyo ako!"sigaw ni Bea at nagbabakasakaling may makarinig sa kanya. Pagkatapos nyang harangan ang pintuan ay hinarap nito ang mga kitchen knife na nakatago doon at wala sya ni isa man lang makita.

"Bea.. Magtago ka na.. Pagkabilang kong tatlo nakatago ka na, pag hindi.. PAPATAYIN KITA!!"naririnig nayang sabi ng tao.

Si Bea naman ay takot na takot na sumiksik sa ilalim ng lamesa, iyak ito ng iyak lalo ng lumakas ang iyak nito ng marinig nyang pilit binubuksan ng taong iyon ang pintuan na hinarangan nya, at maya maya ay narinig nya ang isang malakas na kalabog, natanggal na ang harang sa pinto, takot na takot si Bea, kitang kita nyang palapit na ng palapit ang tao sa lamesa kung nasaan sya. Kaya kahit kinakabahan ay takot na takot syang gumapang sa kabilang lamesa pero malapit na sana sya doon ng maramdaman nyang may kung sino sa harapan nya, tiningala nya ito at nakita ang isang babaeng nakaitim na walang mata. Nawala sa loob nitong napatayo at sumigaw at saka naharap sa taong humahabal sa kanya at kitang kita nya ang ngiti nito.

"PUNG BEA!"sabi nito at saka sunod sunod na saksak ang ginawa nya dito.

+

Kinabukasan ay gulat na gulat ang tigaluto sa cafeteria ng makitang gulo gulo ang gamit sa kusina, agad nya itong niligpit kahit puno ng pagtataka. Maguumpisa na sana syang magluto, kaya namang pumunta sya sa malaking freezer para lumuha ng lulutuin, pagkabukas na pagkabukas nya ay tumambad sa kanya ang putol putol at naninigas na katawan ni Bea.

"EEEEEEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHHH"

Campus queen ( Chapter 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon