GABBY'S POV:
~KRIIIIING~
~KRIIIIING~
~KRIIIIING~"Hmmmm"
~KRIIIIING~
"Hoy! Gabriella yung alarm clock mo kanina pa tunog ng tunog, bwiset naman oh."
"HUH!?" teka anong oras na ba?
7:30?!! Waaaah! 8:00 yung oras ng pag-aapplyan ko.
Dali dali akong bumangon at kumuha ng damit. Pumasok ako sa cr at nagbuhos "WAAAAAAAAAH ANG LAMIGGG!!!" hindi na ako nakapag-init ng tubig. Nangingisay na ako sa lamig, pero keribels lang. Para sa ekonomiya!
"1....2.....3" buhos ulit ng tubig
\(>o<)/
"WAAAAAAAAH!" ang lamig ng tubig.
Binilisan ko lang ang pagligo ko at nagbihis, hindi ko na naintindi kung maayos ba yung pagkakasuot ko ng damit. Kagabi naman kasi sobrang excited at kinakabahan ako hindi tuloy ako nakatulog.
Hindi na rin ako nakapagsuklay, mamaya nalang sa byahe. Kinuha ko na ang bag ko at dali daling inilagay ang mga gamit, basta lagay nalang ako. Bahala na.
Sinuot ko na din agad ang rubber shoes ko at nagdali daling sumakay ng jeep.
Woooh! 7 minutes.
Nagsuklay na rin ako sa jeep at kung minamalas ka nga naman sumabit at bumuhol pa yung suklay sa buhok ko.
Traffic din, kaya nagtanong ako kung saan ba yung Couie Company o yung C.C sabi mga 10 minutes daw ang layo pagnilakad. Kaya bumaba na rin ako at nagtatakbo.
Sobrang binilisan ko takbo ko, aba runner yata ako samin.
Nung makarating ako ay hingal na hingal na ako. Tubig tubig!!!
Nasa labas na ako ng C.C at pinagtitinginan ako. Grabe ang sososyal naman ng mga tao dito. Huminga ako ng malalim at pumasok na.
Dali dali kong hinanap ang elevator at yun nakita ko na. May papasok na sanang mga lalaki pero hinarangan ko at inunahan na. Mukhang nagulat yung ibang lalaki at yung isa naman ay nakasimangot na simangot kahit nakashades siya kita ko parin kaya mas sinimangutan niya lang ako. Hinubad niya ang salamin niya at sinigawan ako.
"Get out!" aba aba ang yabang ha
"Excuse me?"
Parang may kuryente ang titigan namin, kung nakasimangot siya mas sinisimangutan ko. Sabi kasi ni James nakakatakot daw ako kapag sobrang nakasimangot. Gawin ko daw to pag may sisiga siga dito.
Pero mukhang hindi nasindak yung lalaki, sobrang trying hard ko na at binigay ang best kong sumimangot pero tinitigan niya lang ako na parang walang tao sa harap niya at bigla siyang pumitik.
Dali dali naman nagkilusan yung mga kasama niyang lalaki kaya sinara ko agad ang elevator, narinig ko pa yung lalaki na napasigaw ng malakas dahil naipit yung kamay niya
"Buti nga sa'yo!" sabi ko sakanya at dinilaan
"BULLSHIT!" malakas na sigaw niya. Ayan ayan ang napapala ng mga pasaway, akala mo kung sino.
Huwag na huwag ka lang makakadaan sa kanto namin, kundi ipapabugbog kita!
Umupo agad ako at naghintay na tawagin ako. Lumipas ang 10 minuto at hindi pa rin ako natatawag, gutom na 'ko!!! Pang 30 pa ako sa pila. Pero sabi nga nila "Patience is a virtue"
Naghalungkat ako sa bag ko ng makakain dahil gutom na talaga ko, hindi kaya ako nakapag almusal. At may isang biskwit sa bag ko, salamat isa kang biyaya.
Pero mamaya ko na muna kakainin mag tatanghalian na eh. Nung tanghali na ay tinipid ko talagang kainin kailangan umabot pa 'to hanggang mamaya.
Hapon na nung ako na ang iinterviewhin. At parang nagulat pa yung nag-iinterview sa itsura ko, dahil gutom na gutom na ako at may suklay pang nakasabit sa buhok.
"Sorry, ayaw matanggal hehe" tukoy ko sa suklay sa buhok ko.
(^.^ )
Ngumiti nalang ako ng malawak at labas ang ngipin, dahil sabi ni James ngumiti daw ako ng ganito dahil tyak matatanggap daw agad ako.
Ininterview na ako at nasagot ko lahat yung tanong nila, syempre valedictorian ata 'to. Jolly ang peg ko sa pagsagot at mukha namang natutuwa sila sa'kin. Ganyan daw dapat sabi ni James. Hanga din ako dun e, daming alam.
Sana talaga matanggap ako dito. Sinabi nilang bagay raw sa'kin ang trabaho at naimpress daw sila. Tatawagan nalang daw nila ako bukas kung matatanggap ako.
Pagkatapos ng interview ay ang daming tao sa labas ng elevator, teka ba't hindi sila napasok? Isang tao lang naman nasa loob eh. Ay baka mga ayaw ng kasabay ako na nga lang.
Kawawa naman kung sino yun, ayaw nila sabayan. Ako na nga lang.
Pumasok ako sa elevator at napanganga ang mga tao sa'kin. Ano bang problema ng mga tao sa mukha ko. Ah- yung suklay.
Sinara ko na ang elevator at laking gulat ko na lang na yung tao nanaman kanina ang nandito sa elevator.
☉_☉
-__-
Galit na galit? Arte naman nito.
"It's you again!" nang gagalaiti niyang sabi
"Tch! H'wag ka nga! Feeling mo naman gusto kitang makasabay dito. Kapal! Managinip ka nalang!"
"WHAT?!"
Nagulat naman ako sa lakas ng sigaw niya.
"Beastmode? Kalma ka nga, ang siga mo eh no"
"What did you say?! Are you nuts?" galit niyang sabi
"No. I'm human" pang asar lang, masyadong galit si kuya eh.
"Get out!"
Nagmake face ako. Get out mo mukha mo, kaya naman ganito na istura niya
ლ(ಠ益ಠლ)
HAHAHA
"You're unbelievable!!!"
"Tumahimik ka nga, lalaking lalaki bungangero daig mo pa yung kapit bahay namin eh. Bakla ka ba? Siguro kaya ka inis na inis sakin kasi naiinggit ka sa beauty ko"
"I'M NOT GAY! YOU GET OUT! And you're not beautiful!" galit na galit na sigaw ni yabang
"Ang siga mo ha! Ano suntukan nalang!" pumosisyon na akong susuntok at pulang pula na sa galit 'tong lalaki na 'to.
Pero ~ting~ bumukas na yung elevator at iniwan ko na siya doon na galit na galit. Kaya dinilaan ko siya at ngumiti ng tagumpay sakanyang mapang asar.
Sumakay na din agad ako sa jeep, at umuwi na.
Pero syempre inalis ko muna yung suklay ko sa buhok. Inabot ako ng 20 minutes kakatanggal eh, naiyak na nga ako kala ko kasi hindi na matatanggal at baka gupitin yung buhok ko.
Pagkatapos ay natulog na rin ako, wooooh!
zzZZzzzZZzzzzz