Gabby's POV
Masaya kaming naghahalakhakan ni Gael sa isang fast food ng bigla siyang tumahimik at nanlaki ang mata habang nakaturo saakin
"Ang panget mo sa picture don," seryoso na niyang sabi na mukang dismayado sa nakita
"Ha?" nagtataka kong tanong
Nginuso naman niya ang likod ko kung saan may TV
At halos lumuwa ang mata ko sa nakita. Nakalagay sa isang news channel ang pagmumuka ko't, missing na ako. Kinuha raw ng puting van,
"At kung nakita niyo man ang babaeng ito, ipag bigay alam agad sa numerong 09***." anang reporter
Gosh!
Sa totoo'y naiinis ako dahil napakapangit ng litrato kong nakapost sa tv. Bakit yun pa ang inilagay ni Sir. Urgh, sana manlang ay pumili siya ng maganda ganda.
"Ang haggard ah" rinig kong bulungan ng mga tao sabay tawanan
"Truth hurts?" nakangising saad ni Gael kaya inirapan ko siya "Gaga! Wag ka maingay baka may makakilala sakin" pagpapatahimik ko sakanya
"Ay bakit? Gusto mo pa kong makasama no? Don't worry, pwede naman yu-"
"Che! Manahimik ka"
Pagkatapos kumain ay agad akong nagtungo sa isang store para makitawag kay Sir
*krriiing*
[Hello?] mabilis na sagot ni Sir
"Sir?"
[Miranda???!]
*toot toot toot*
Ay nawala, nubanaman yan!
Teka asan na ba si Gael grr
"Kuya, naputol po bat po ganon" tawag atensyon ko sa lalaking nagmamanage ng shop
Nginisian niya naman pero hindi ko na yun pinansin pa dahil taklob naman ang mukha niya mula sa sumbrelo niya, tanging labi lamang ang kita. Giniya niya ako at inayos ang telepono
"Salamat po" wika ko at saka ulit dinial si Sir
[Hello!??] madaling sagot ni Sir
gosh
"Hi sir! hihi"
[Nasaan ka Miranda????!]
"Hmm nasa loob po ng groceryhan sir!"
[Dang. Be specific!] inis niya ng sabi
"Ah. Tapat po ng Mcdo hehe"
[Okay. Diyan ka lang wag kang aalis jan] sabi niya at dali dali ng namatay ang tawag
Hmp!
Kaya naman umupo muna ako sa may bench malapit kay Kuyang nagmamanage
Nag aayos siya pero napapansin kong nakangisi talaga siya
Creepy!
Maputi siya at maganda ang katawan, feel ko pogi to. Naku! sarap silipin ng mukha!
Makalipas pa ang 10 minutes ay dumating na si Sir at talagang ambilis niya maglakad papunta sakin ha
"Where have you been??" tila may bakas ng pag aalala sa tono niya ng pagsasalita
