Chapter 13

443 7 0
                                        


Gabby's POV

"MIRANDAAAA!!!" sigaw ni Sir, bakit sino pa bang Miranda tawag sakin?

Hays...

"Oh yes sir?" tamad kong sagot

"Coffee"

"Sir with mil–"

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako umiinom ng ga–"

"Pang three palang naman po" oa talaga kahit kailan tch

"UGH ANO BA TALAGA MIRANDANG PROBLEMA MO???"

"Wala naman po, gusto ko lang po talagang tikman niyo coffee na may gatas mas masarap po kasi talaga, promise!"

"Wala akong pake, bilis itimpla mo na ako"

Tch.

Gusto ko talagang matikman ni sir ang may milk, pero ayaw niya edi wag

Ibinigay ko na kay sir yabs ang coffee niya na without milk at bumalik na ulit ako sa pagtingin ng schedule ni sir

Bukas ay walang ganap, dahil bukas ay linggo. At dahil linggo ay walang pasok. Gusto ko sana magala gala muna bukas at libutin ang Manila para naman masanay din ako kahit papaano. Ang hirap kasi nung papunta lang sa kompanya ang alam ko.

Nung sumapit na ang 8:00 ay nagpaalam na ako kay sir yabs. Siya naman ay nagpaiwan sa kompanya. Ang tapang niya pala. Hindi siya natatakot na maiwan don kasi syempre may multo doon kahit papaano.

Habang naghihintay ng jeep ay tumawag si James

"Oh bakit?"

[Gabby, kainis naman eh! San mo ba nilagay yung damit ko??!]

"Anong damit? Ako nanaman pinagbibintangan mo! Ang layo layo ko kaya diyan, badtrip naman eh!"

[Tandang tanda ko yung hiniram mo yung tshirt ko yung kulay white gawa natapunan ka ng juice nung nasa bahay namin!]

"Hoy binalik ko kaya yun sayo, bintangero talaga nito"

[Wala dito!!!]

"Aba hindi ko alam, basta binalik ko yan sayo. Nayy nilabhan ko pa nga eh tapos sabi mo noon ambango pa. Kala mo diyan tandang tanda ko pa yun"

[Aba ba't wala akong naaalala–]

Aray!

Nakakaloka naman si kuya di manlang nagsorry, ang sakit nalaglag pa tuloy cellphone ko. Buti hindi nasira

Hays ayan wala na tuloy kausap ko!

~peep peep~

Oh kanino namang sasakyang 'itong nasa tapat ko.

Makalipat nga ng pwesto, hinarangan pa tuloy ako sa jeep

Dali dali naman akong sumakay sa tumigil na jeep, hays kapagod.

~Beep~

4 messages received

From: James panget ng 100x

• Nasaan??!!!! Susuotin ko bukas

•HOY ANO NANGYARI BAT PARANG NABANGGA KA??!

•Walang load 'to

•NASAAN NA NGA???!
_______________________________

Badtrip naman. Sabi ng naibalik ko na eh. Bahala siya diyan. Alam ko namang ganto talaga ugali nito dahil namimiss ako nito. Para paraan pa.

"Manong, para po!!!"

Bumaba ako at pumasok na agad sa loob.

"Hays, sampung babae na ang nawawala ang tagal na ng kasong ito, hindi pa rin maresolba" rinig kong laging pinaguusapan ng mga babae sa hallway

"Kaya nga, natatakot na akong lumabas. Parang mga tanga sila, ano kayang ginagawa nila sa mga babae?"

"Malamang ending niyan papatayin kaya't dapat magingat tayo kasi–"

Hindi ko na narinig pa ang pinaguusapan nila dahil pumasok na ako sa room ko.

Pagkatapos non ay nagayos na ako ng gamit at sarili at natulog na

2 am

Mula sa mahimbing at masarap na tulog ay nagising ako, badtrip. Naiihi ako. Ugh katamad ang lamig lamig eh sarap pa matulog, katamad bumangon huhu

Kaya't pinilit ko.

Pero di ko kaya, kaya dali dali akong naglakad papuntang cr at umihi

Heaveeeen nakakaantok paaa

Yung tipong habang naihi ka nakakatulog ka na din

At ng matapos ay dali dali akong nahiga sa kama ay nako shet sobrang heaveeen sarap matulog!

pero...

narinig kong parang may gumagalaw ng doorknob ko, parang tinitry buksan (???)

pUÑETA??? wag ako, wag ngayon gusto ko matulog!

Pero nakakainis ang ingay ah! Inis akong bumangon pero syempre di naman akong aanga anga kaya dahan dahan lang lakad ko at nakinig sa may pintuan ko

Antok pa ako!!! Istorbo naman to!

Andon lang ako, nagaabang na mabuksan niya para maihambalos ko sakanya yang pintuan

After 10 minutes ay natapos din, naghintay pa akong 3 minutes para makasiguradong wala na (pero dapat talaga 5 minutes, kaso gusto ko na talaga matulog)

KINABUKASAN

Nagising ako sa napakaingay na cellphone ko, ugh asan na ba 'yon

Pikit padin ako kaya't kinakapa kapa ko ito pero wala, kaya no choice kundi mumulat

Tss yun lang pala!

Calling Williams...

Tss! Agang aga, pambungad!

"Oh?" Tamad kong sagot

[Ayoko na sa'yo]

"Oh? Bakit gusto ba kita? "

[ANO??! ANG SAMA SAMA MONG TAO KA!!]

Buti nga ako tao eh, eh ikaw?

-.-

Charot lang

"Ano nanaman?"

[KAGABI! HINDI MAN LANG AKO PINAGBUKASAN. NAPAKASAMA MONG BABAE KA!!!]

"Kagabi?"

"OO!"

"Walang nakatok kagabi dito"

"Aba meron ako!"

"Hays, baka kaninang madaling araw!"

"GANON NA DIN YON!"

"Eh wala namang nakatok dito'y!"

Gigil mo si aqoh

His Promdi Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon