Chapter 26

222 4 1
                                        

Gabby's POV

8-7000 calling....

*****
Inihanda ko na ang binili ko, 2 chicken joy at rice at isang large fries sa salas dahil hindi pwedeng di ko mapanood itong paborito kong palabas

Mabilis akong kumatok sa kwarto ni Sir habang nasa tv parin ang mata ko

"Tungeks! Huwag ka magtiwala diyan! Aagawin lang niyan si Josh!"

Tch. Ano ba 'tong si Sir, kanina pa ginigising ayaw gumising!

"Sir! Gising na po 7:30 na!!!"

And with that, mabilis na bumukas ang pinto

Pffft, ang pula pa ng mata niya at sobrang gulo ng buhok

Psh. Si sir ba talaga 'to? Hahaha ang dugyot niya mygosh!

"Joke lang Sir, 7:05 pa lang po talaga hehe"

*glare*

Sobrang sama ng mukha niya at mukhang papatay na, tahimik siyang bumalik sa kwarto at humiga ulit sa kama

Luh?

"Huy Sir! Gising na po kayo, gutom na 'ko. Tch."

"Oo asdfghjkl"

Tch. Oo raw eh tulog na tulog naman!

"Sir!"

"OO NGA!" inis niya ng sigaw at bumaluktot pa sa kama

Grrrrr!

"Mahal kita Josh,  pero bakit mo sakin nagawa 'to"

Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko

Bwiset! Sabi na kasing huwag maniwala dun eh! Aagawin niya lang si Josh!

Bwiset na palabas 'to, tatanga ng mga character

Grrr  kung pwede lang pumasok sa tv

Isa pa 'tong si Edwardo, kanina ko pa ginigising, di naman gumigising!

Nagmartsa ako papasok sa kwarto niya at hinigit ang paa niya

"Ano ba kasi! Babangon na nga eh!" inis niyang sabi atsaka padabog na nagpunta sa kusina

Psh. Parang baby!

"Sir, wala diyan ang pagkain. Nasa salas po"

Nanaas naman ang kilay niya "At bakit nandon ha? Saan ba ang kainan? Hindi ba't dapat sa kusina?!"

"Sa dining area po, lutuan po sa kusina eh. Char!"

*glare*

"ISA!" bilang na niya

Okay seryoso na, nagcocount down na siya

"Sir, dun nalang po pleaseeeeee"

*paawa eyes*

"Fine!"

"Yes! Bait niyo talaga Sir! Tara na naghihintay na si Jollibee!"

Umupo na ako sa carpet at hinintay si Sir, ambagal niya talaga kumilos

Umupo naman siya sa sofa

"Sir, dito oh! Para mas comfortable" nakangiti kong sabi habang tinatap ang sahig na may carpet naman

"Ay sir! para mas comfortable ay magbihis po muna kayo ng pambahay niyo"

Nakatingin lang siya saakin at saka titingin sa pagkain. Tahimik naman siyang tumayo at naglock sa kwarto

???

May nasabi ba akong hindi maganda?

Miya miya ay lumabas na uli siya at nakapambahay na nga siya. Naka shorts at tshirt na white

"Ayan Sir! Ang fresh niyo ng tingnan. Halika kain na tayo" nakangiti ko pang sabi

Umupo naman siya sa tabi ko at saka lang tinignan ang pagkain

"Kain na Sir, masarap 'yan! Favorite ko yan simula bata pa ako hehe"

"Sir eto oh gravy, masarap yan pwede na ring ulam haha, pero dabest kung isasabaw niyo sa kanin"

Natigil ako nung makita kong nakatingin lang siya saakin at nagulat ako nung ngumiti siya at saka nagsimulang kumain

"Namiss ko yung ganto," nakangiti niyang sabi habang nakain

Awww cutiee!!!

5 minutes later...

*PAAK*

"Aray!" ansakit manghampas ni Sir sa kamay

Tch!

"Bumili ka ng iyo! Akin lang to!"

"Excuse me? Ako kaya bumili niyan. Pera ko 'yan" taas noo kong sabi

Grrr

"Tch. Sino may kasalanan na isa lang binili mong fries?"

"Large naman yan eh, share tayo diyan. Tsaka mashoshort ako pag dalawa pa binili ko"

"Okay fine!" inis niyang sabi sabay bigay sakin ng limang piraso

"A-ANOO 'TO?! Hindi pa to aabot sa tiyan ko!"

"Oh edi yan" inis niyang sabi sabay dagdag ng dalwang pirasong fries

Grrr

"Ang damot!" inis kong sabi atsaka kinain na lang yun

Tch. Para namang may magagawa ako diyan. Edi kainin niya, madami nanaman akong nakuha don kanina habang tulog siya hehehehehe~












His Promdi Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon