Chapter 23

200 5 1
                                    

Gabby's POV

Tanghali na, at kababalik lang ni Sir Edward mula sa pag alis niya kanina. Napansin kong iba na ang suot niyang damit

"Good afternoon Sir!" nakangiti kong bati

Nanaas nama ang kanyang kilay at tiningnan akong parang alien

Tss!

Nagbabagong buhay na ako, alam kong naging immature akong assistant at isip bata. Kaya bumabawi ako kay Sir dahil kahit papaano ay boss ko pa rin siya at siya ang isa sa mga tao na tumutulong saakin, dahil kahit ang sama ng pagtatagpo namin ay tinanggap niya parin ako sa kompanya

Pinagpatuloy ko na ang trabaho kong ginagawa which is mag type and check ng sandamakmak na files

"M-miranda" tawag ni Sir saakin na may tonong naiilang at nahihiya

Hahaha! Tama ba ang narinig ko o guni guni ko lamang? Tss

"Yes Sir?" nag angat ako ng tingin at ngumiti sakanya

"Don't you dare smile!" inis niyang sambit na nanlalaki pa ang butas ng ilong "Anong meron?" masungit niyang tanong

"Sir?"

"Bakit ang bait mo yata ngayon? Ikaw ba yan?" taas noo niyang tanong

"Uhm Sir, gusto ko lang po sanang bumawi sa mga naging kasalanan ko sainyo hehe, peace na po tayo"

Tumango lamang siya at nagpatuloy na rin sa ginagawa

6 P.M palang pero laking gulat ko ng pauwiin na ako ni Sir, ang aga pa. May sinag pa ng araw

Pero sino ba naman ako para tumanggi, syempre gusto ko agad umuwi para makapagpahinga

Ng marating ang apartment ay nagdiretso agad ako sa kwarto at tinawagan si James

[Aba't tumawag rin!]

"Loko ka! Ba't di mo ko tinatawagan ha?!" inis kong sabi

[Tsh! Sabi ni nanay wag raw kitang tawagan, hayaan daw na ikaw ang tumawag. Nakakalimot ka na raw ata kasi]

"Luh! Di ah, hindi ba pwedeng wala lang load?"

[Ayuuuun! Kuripot mo talaga! Oo nga pala kamusta ka na diyan?]

"Tsk! Kala mo siya hindi kuripot! Okay lang naman, keri pa"

[Eh yung boss mo, kamusta naman kayo? Maayos ba trato niya sayo?]

"Oo naman, ang totoo niyan eh…."

[Ano??!]

"Ako yung hindi maayos ang trato sakanya---Pero bumabawi nanaman ako, naiisip ko kasi na parang si Drake lang siya. Masungit rin hahaha kaya ayun nagawan ko ng mga kalokohan"

[Gabby,] malumanay niyang sabi

Hay nako eto nanaman

"Duh! Wala lang iyon, nakikita ko lang pagkatao ni Drake sakanya. Pero wala iyon. Tsaka pwede ba? Wala na akong pakialam diyan sa Drake na yan"

[Suuus, change topic na nga tayo. Baka umiyak ka pa diyan. Bat ka pala tumawag? Miss mo na ako no? Yieee miss niya na ako--]

"Ulul! Mangangamusta lang sana"

[Okay sabi mo eh. Si Nanay ay wala dito nasa birthdayan eh hahaha, daya hindi ako sinama! Sina Badi naman miss na miss ka na raw lalo na ni Nathan. Pero syempre mas lalong lalo na ako]

"Bwisit! Tigilan mo ako"

[Yieeeeee, kilig naman yan]

"Asa! Nga pala may girlfriend ka na ba?"

[Wala. Wala ka pa eh]

"Bwisit! Sagot kasi ng maayos. Sumbong kita kay Nathan, ahas ka! Hahaha"

[Edi sumbong mo hahaha, alam ko namang di mo masasabi sakanya dahil nahihiya ka ron sus. Porket nagustuhan ka lang nung tao nahiya ka na. Mantalang nung di pa siya umaamin, nagpapalakasan pa kayo ng dighay]

"Manahimik ka nga. Hahaha! Sabihin mo kay Nathan, miss ko na siya wahahaha"

[loka kang babae ka. Pinagttripan mo nanaman si Nathan kaya laging hiyang hiya yung tao]

"Sige na babye na, bibili pa kong pagkain sa labas. Di pa pala ako nagdidinner"

[Sige magiingat ka palagi diyan ha. Babye miss you muah muah chup chu--]

Tch!

Nagpalit ako ng damit at nagpunta sa malapit na 7 eleven at kumain

"Miss, pwedeng makiupo?" tanong ng lalaking nakasumbrero,

"Sige po" sagot ko at pinagpatuloy na ang pagkain

Naramdaman kong umupo na siya sa harapan ko,

"Dito ka ba nakatira?"

Napataas ang tingin ko sakanya, dahil baka hindi ako ang tinatanong niya

"Ako ba ang kinakausap mo?" paninigurado ko dahil hindi ko kita ang mukha niya dahil natatakpan iyon ng sumbrelo

"Oo ikaw nga"

"Ahh hahaha, Oo ay hindi. Hindi talaga ako taga rito. Uhm sige ha, una na ako" sabi ko atsaka tumayo na

Pagbalik ng apartment ay nakita ko nanaman si Joyce na palinga linga sa paligid hanggang sa ituro niya ako "I-ikaw!" takot niyang sabi at dali daling pumasok sa kanyang kwarto

A-ako?

His Promdi Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon