Gabby's POV
Ilang linggo na ang nakakalipas, at talaga namang malapit na ang pasko
Excited na excited na ako umuwi at makasama sina Nanay at mga kaibigan ko
"Miranda" tawag ni Sir
"Yes Sir?" masaya kong tugon
*glare*
"I told you not to smile. Tss!" inis niyang sabi sabay iwas ng tingin
Nawala naman agad ang ngiti ko at napapokerface nalamang
Tss
"Sorry po Sir, masaya lang po"
"Bakit?" taas noo niyang tanong
"Hindi ba kayo excited Sir? Malapit na magpasko oh, 20 days nalang pasko na yieee"
"Tss. Childish" mahinang sabi niya sa huli
Tch. Kj
Pansin ko nga pala sa mga nakaraang linggo, simula nung magwala si Sir ay lagi niya na akong pinapauwi ng maaga. Minsan pa'y nahuhuli ko siyang nakatingin saakin,minsan ay tulala rin saakin
Crush talaga ako neto! Tsk! Grabe talaga alindog ko, abot hanggang Maynila
Napangisi na lamang ako at pinagpatuloy na ang trabaho
~Kriiing kriiing~
Eto nanaman,
"Miranda, sino ba iyang tumatawag lagi sa'yo? Kada minuto ay tunog ng tunog 'yang cellphone mo"
"Hindi ko rin po alam Sir eh,"
"Psh. Edi iblock mo" masungit niyang dada
Nakailang block na ako sa number na 'to pero kada block ko ay may numerong bago naman na nagtetext saakin at paniguradong siya pa rin yon. Ayoko nga sanang magpalit ng simcard pero dahil kinikilabutan ako sa mga narereceive kong messages ay napilitan rin ako magpalit
Ngunit
Kada palit ko ay nalalaman at nalalaman niya parin 'yon. Hindi ko na alam,
Hindi kaya isa ito sa mga kaibigan ko? Tss siguro pinagttripan ako lalo na't malapit na akong umuwi
Nako! Bat nga ba hindi ko agad naisip yon psh!
Tatayo sana ako pero sinita ako agad ni Sir
Tss! Wala na talaga akong kalayaan, kung mahigpit siya noon ay doble ang hinigpit niya ngayon "S-saan ka pupunta? Bat ka natayo?"
"Wala po Sir, bibili lang ng simcard sa baba"
"B-bakit ka bibili ha? Parang araw araw ka ng nagpapalit ha!"
"Eh sir--"
Hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil hinablot niya agad ang cellphone ko
"Siya nanaman?!" galit niyang tanong habang tinitingnan ang messages at missed calls sa cellphone ko
"Nanaman? Sir? Paano niyo po nalaman?"
Nanlaki naman ang mata niya, mukhang ngayon niya lang narealize ang sinabi niya
hmmm, bakit mo alam sir?
Nginisian ko siya at sobrang pula na niya habang nakatingin sakin, halatang walang maipalusot
"Sir? Pinapakialaman niyo po ba ang cellphone ko kaya lagi niyong hinihiram bago ako umuwi? Pinaparing niyo lang po ba talaga cellphone niyo kasi laging nawawala o binabasa niyo mga convos ko?" nakangisi kong tanong sakanya
Binugahan nama niya ako. Napikon. Tch! "Wag ka ngang magpantasya! Ba't ko naman babasahin, ano bang paki ko sa'yo?"
"Ay grabe ang hard niyo Sir, assistant niyo po ako pero wala pala kayong pake sakin" kunwaring nagtatampo at nasaktan kong sabi at saka bumalik sa pagkakaupo
Hahahaha!
Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na natigilan siya at mukhang naguilty. Hahaha! Pwede ka na talagang mag artista self
Maya maya ay naramdaman kong naglakad siya papalapit saakin, nagkunwari akong hindi ko siya napapansin
"Ehem" rinig kong ubu-ubuhan niya
"EHEM" ulit niya pa
"EHEM!" malakas na niyang ulit
Habang nagtytype at hindi tumitingin ay nagsalita ako "Sir, may ubo po ba kayo? Pwede po bang magtakip kayo? Baka po kasi mahawa ako, atsaka talsikan po ang laway niyo. Matuto po sana kayong gumalang at magtakip ng bibig pag-uubo" malumanay kong sabi
Hahahaha!
"WHAT?" gulat niyang tanong at tiningnang mabuti kung may talsik nga ba siya ng laway "Nasaan ang laway riyan? Wala! Laway mo iyang tinutukoy mo!" inis na niyang sabi
"Don't worry Sir, okay lang po iyan. Pero sana po ay wag ng mauulit pa. At nga pala pwede ko na po bang mahiram ang cellphone ko?"
"I-ito! Sayo na" masungit niyang sabi at nagmartsa pabalik sa upuan niya
Tss hahaha
"Saakin naman po talaga ito Sir" nakangiti kong sabi kaya't pinanlakihan niya ako ng mata
"Ang cute niyo Sir hahaha" natatawa kong sabi sabay itinuloy na ang ginagawa ko
"T-thanks" rinig kong parang nahihiya niyang sabi
"Syempre sir, joke lang yun hahaha"
"MIRANDA!!!!"