Chapter 27

197 2 0
                                        

Gabby's POV

Nakasakay ako sa sasakyan ni Sir ngayon, ihahatid niya ako pauwi...

...habang nakapambahay siya. Haha!

"Saan dito?" busy sa pagmamanehong tanong ni sir at saka mabilisang bumaling saakin

"Turn right sir haha!" oh diba pwede na pumalit sa nagsasalita sa waze app

"Psh,"

Makatapos ang ilang tanong ni Sir ay narating na rin namin ang apartment na tinutuluyan ko. Tahimik lang siyang nakatitig dito

"Sir, baba na po ako ha. Thank you po sa paghatid"

"Who's that girl?" tanong ni Sir habang nakatingin sa taas ng bintana

Mygosh! Natakot naman ako, akala ko multo

"Ah Sir haha, wag niyo na pong pansinin ganan po talaga siya. Hehe"

"Oh, btw ito pala bayad sa kanina---"

"Wag na Sir, libre ko na sainyo 'yan at pasasalamat for accepting me sa company hehe. Sige po una na po ako ha"

"O-okay, t-thanks Miranda"

"No problem Sir! Sige po babye po, ingat po sa byahe" nakangiti kong paalam atsaka tuluyang bumaba sa sasakyan at kinawayan si Sir hanggang mawala na ang sasakyan nito sa paningin ko

Pumasok na ako sa apartment at paakyat na ng hagdanan ng bigla akong harangin ni Joyce "Lagot ka!" tila may pagbabanta niyang sabi saakin

"Ha?" medyo kabado kong tanong dahil baka kung anong gawin niya saakin

"Nakita ka niya!" tila natatakot na niyang sabi at pabaling baling ang tingin na kala mo'y may hinahanap

"Sino ang lalaking kasama mo? Asan na siya?" aligagang tanong ni Joyce habang niyuyugyog na ako

"H-huh? T-teka Joyce nasasaktan ako. Ano bang sinasabi mo?"

"Si---"

"Naku!!!!!" natigil ang sasabihin ni Joyce ng dumating ang kanyang tagabantay "Pasensya na talaga Gabby! Ganito talaga si Joyce, huwag mo nalang isipin ang mga sinasabi niya" paumanhin ni Gerlie

"Okay lang. Pero sana mas maging alerto ka sa pagbabantay kay Joyce. Baka kasi makalabas siya sa susunod, delikado pa naman"

"Naku pasensya na talaga ganda ha, sige una na kami"

"Sige."

Sus, nang uto pa! Haha!

Pagkarating sa kwarto ko ay dali dali akong naglinis ng katawan at nagbihis, GRABE GUSTO KO NA MATULOG

KINABUKASAN ay maaga akong pumasok, naunahan ko si Sir, oraaayt!

Umabot ang tanghali, wala pa rin si Sir

Mygosh! Kung boss lang ako lagot na saakin yan ng bonggang bongga!

Pero syempre medyo bongga lang, kailangan ko rin intindihin ang reason, kailangan maging considerate din ako at tayong lahat

Haysss...

Umabot ang tapos ng araw, hindi pumasok si Sir

Anyare kaya dun? Text ko ka kaya?

To: Sir Yabs

Good evening Sir! Remind ko lang po na may meeting kayo bukas ng 8am sa Villaroso Company.

Sent.

After 2 seconds..

From: Sir Yabs

Okay, thanks.

To: Sir Yabs

Sir pwede po magtanong? hehe

From: Sir Yabs

What is it?

To: Sir Yabs

Bakit po kaya absent? Okay lang po ba kayo? Hope you're fine Sir :)

From: Sir Yabs

Bawal magtanong. Okay.

Tss! Sungit!

KINABUKASAN ay ang init ng dugo saakin ni Sir. Wala naman akong natatandaang maling ginawa ko, pero kung makatingin siya saakin ay akala mo ipinahiya ko siya

"Miranda!" sigaw nanaman ni Sir

"P-po?"

"I said, tapusin mo lahat yan! Busy ka ba ha?!"  turo niya sa halos kasingtangkad na ng  kalahating katawan kong paperworks

Hayss, 

"Y-yes Sir"

"Yes!? Sige sabihin mo saakin ang kinabubusyhan mo't kahit pagrereply ay di mo magawa!"

"Sir! I mean gagawin ko pa 'yan. Sorry po kung mali ang pagkakaintindi niyo"

Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi dahil halos pabulong na iyon

Hays....

Nagsimula na ako sa pag gagawa, at talaga namang sobrang ngalay na ngalay na ako. Sobrag sakit na ng mga braso at kamay ko pati na rin ang leeg, binti at likod ko. Isama na rin ang mata kong parang magaapoy na sa hapdi

"Miranda, coffee pls"

"Yes Sir"

***

Gosh! Sobrang sakit sa ulo nitong mga ginagawa ko, wala pa sa kalahati ang nagagawa ko. Puro computations ito na may sobrang hahaba ng solution at mahabang mga paliwanag

Feeling ko nasa school ako huhu!

"Miranda, paprint nito and paxerox naman nito ng 500 copies"

"Y-yes Sir" 

***

"Miranda, pakigawan ng sulat na may 5 copies  ang Goriary Company"

"Yes Sir"

**

"Miranda, pakigawan mo ng report ito"

"Yes Sir"

"Make it creative."

"Yes Sir"

***

"Miranda, tapos mo na ba iyang pinapacompute ko!?"

"M-medyo Sir"

"Bilisan mo na riyan, madami ka pang gagawin"

"O-okay Sir"

**

"Miranda, coffee pls"

"Miranda, eto pa pakitapos agad"

"Miranda, pakicheck naman kung napirmahan ko na lahat ito"

"Miranda, pakibilang kung ilan lahat ang papeles diyan sa table"

PUSANGGALA! I. AM. NOT. A. ROBOT.

Kung pwede lang,

Kung pwede ko lang sana sabihin yan


His Promdi Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon