Chapter 14

422 9 0
                                        

Gabby's POV

Nagsuot akong pants, white tshirt + jacket at aking white na converse (may ganto din si James, para kasing kambal non. Pag meron ang isa, meron din ang isa dahil napakawalangya non, laging nang aagaw ng gamit ko! Makikita ko nasa bahay nalang nila, puñeta)—(share ko lang!)  Ngayon ako maglilibot dito sa Manila. 10:00 palang ng umaga pero napagpasiyahan ko ng umalis.

Tinandaan ko ang daan at nag gala gala, ang saya! Ang sarap din talaga sa feeling na magkatime ka lang sa sarili mo.

Nung magutom ako ay bumili agad ako ng pagkain, nagpakabusog ako kahit wala naman akong kabusugan

Pero atleast napunan yung walang laman kong tiyan kahit papaano...

Parang sa pagibig lang, CHAROT HAHAHA

Inabot ng 7:00 ng napagdesisyunan kong umuwi, masasabi kong gusto ko ulit itong ulitin. Pero sa iba namang lugar hehe

9:00 na ng makababa ako sa bus pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa apartment. Papasok pa kasi ito, okay din yun kasi wala sa tabi ng highway. Ang ingay kaya pag ganon rinig mo ang tunog ng mga sasakyan palagi.

Like hello ang ingay di maubos ang sasakyan sa highway

Habang nasa may hagdanan ay andoon nanaman ang kumpol ng mga babae, nagchichikahan sila. At bigla silang lahat napatingin sakin.

Ps. 3 lang sila hehe oa lang po

Nag wave ako ng kamay bilang 'hi' at ganon din naman ang ginawa nila "Gabi ka na umuuwi palagi, delikado na ngayon" sabi nung ewan di ko kilala

"Anna nga pala" sabi niya at ngumiti, kayumanggi siya at maiksi ang buhok hanggang balikat lamang. Siya iyong laging ngumingiti saakin noon

"Ria~" sabi naman nung babaeng maputi na chubby at medyo hindi katangkadan hehe peace

"Ellaine pero Ella nalang" sabi nung babaeng make up na make up kahit gabi na, at ang kikay kikay niya -kayumanggi rin siya

Ngumiti naman ako at naglahad ng kamay isa isa sakanila "Hindi naman siguro, wala namang magtatangka saakin. Gabby nga pala"

Isa isa nila iyong tinanggap at sinabi nilang sumama daw ako sakanila para naman daw makilala nila ako, kaya naman nagbihis agad ako at pumunta kami sa kwarto ni Ella na sobrang pambabae. Ang taray! Pak na pak!

"Kamusta ka naman? Kwento ka sa buhay mo girllll daliiii~" sabi ni Ria

"Eh tanungin niyo nalang ako, di ko kasi alam kekwento ko" sabi ko kasi hindi ko talaga alam, kasi syempre ang dami. Aling topic doon ikekwento ko(?)

"Bakit ka andito? I mean bakit ka lumipat sa Manila?" Tanong ni Anna banana iluvheet it alot

Jokee

"Ahh, kasi nagkasakit si Nanay kaya kailangan ko magtrabaho para dagdag nadin."

"Ohh, wala ka bang trabaho don?" - Ella

"Meron naman pero mas malaki ang sweldo dito, so ayan. Tsaka kakagraduate ko lang din kasi hahaha"

"Ah eh may kapatid ka? Kamusta na nanay mo?" - Anna

"Tch. Walang kapatid pero parang meron naman. Laging may asungot sa bahay na epal. Si nanay, okay naman."

"Ahh hahahaha epal? Siguro manliligaw mo ano?" Natatawang saad ni Anna

Ano? Ew yuck kadiri, NEVER.

Binigyan ko siya ng nandidiring tingin "YUCCCCCCCKK KADIRI, ASAAAAA NEVER EW" yuck yung baboy na balasubas na 'yon manliligaw saakin? Kadiri di ko maimagine.

"Hahahaha biro lang, eh ano mo iyon?"

"Kaibigan, kapitbahay at sabihin na nating parang kapatid ko na din"

"Ahh eh sa work kamusta ka naman?hihi~" - Ria

"Ayun, okay lang. Ang sungit ng boss ko. Parang babae na may mens kung maginarte. Daig pa din ang bungangerang nanay kung magbunganga"

Nagtawanan naman silang lahat at nagkwentuhan din kami tungkol sa buhay nila. Si Anna pala ay isang teacher at dalwang taon ang tanda niya saakin. Nakakiyak din ang mga napagdaanan niya dahil namatay ang kanyang manliligaw dahil sa isang aksidente na dapat ay sasagutin na niya nung araw na yun. Simula non ay di na ulit siya nagmahal dahil ang puso niya ay para lang daw kay Mike na na nagmamay ari na ng puso niya kahit wala na ito at iniwan na siya

Hindi nga lahat ng lovestory, may happy ending 

Siguro kasi hindi talaga sila yung nakatadhana

Hays

Si Ria naman isang taon ang tanda sakin at isang HR na pagkarami raming crush! Jusko. Pero may boyfriend na siya na si Josh daw. Yon daw ang laging nambubully sakanya noon pero tingnan mo nga naman at naging sila, ang kyut.

And Lastly si Ella at dalwang taon din ang agwat saakin na Psychiatrist. Iyon ang kinuha niya dahil gusto niyang gumaling ang boyfriend niya at makasama kahit papaano. Oo, nabaliw ang boyfriend niya pero kahit ganon ay hindi niya ito iniwan. Bukod don ay sobrang galing din niya magmake up. Make up artist talaga ang gusto niya at pangarap kaya ang lagi niyang pinagaaralan ay ang mukha ni Ria.

Nakakamangha sila kasi kahit ganon ang pinagdaanan nila ay pinili pa rin nilang lumaban at hindi sumuko

His Promdi Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon