Chapter 22

180 3 1
                                    

Gabby's POV

Nasa sakayan ako ng jeep at kabadong kabado na dahil hinahabol pala ako ng nagtitinda nitong kakaumang keychain

Tsk! Masyado pasuspense

Nung tumawag si Sir Edward ay madali ko naman iyong sinagot dahil sa kaba, pero hindi siya nasasalita

"Hello? Sir?" tanong ko ulit, nakasakay na ako't lahat lahat pero hindi pa rin siya nagsasalita, kaya't in-end ko na rin ang tawag

Pagdating sa apartment ay nakita ko ang isang babae na nagmamadaling umakyat ng hagdanan ngunit natigil nung pumasok ako

"Gabi na! Bilisan mo ang paguwi, huwag kang magpapagabi masyado. Delikado. Bilisan mo na riyan! Andito siya" takot at tarantang sabi niya saakin at saka siya nagderetso sa kwarto niya

Siya si Joyce, ang balita ay may sayad daw ito sa ulo at laging kung ano anong pinagsasabi at laging may mga tinuturo at biglang iiyak at tatawa

KINABUKASAN ay maaga akong pumasok at nakarating sa opisina, pag pasok ay nagulat ako ng makita roon si Sir Edward  na natutulog habang hawak ang cellphone niya

Dahan danan naman akong naglakad sa upuan ko at inilagay ang mga gamit ko

Teka, hindi ba umuwi si Sir? Dito ba siya natulog?

Hindi ko na inisip ang bagay na iyon at lumabas muna upang magkape. Pagdating naman roon ay naabutan ko si Jonas

"Hi" nakangiti niyang bati saakin

"Naks, ang aga mo rin?" biro ko habang kumukuha ng tasa

"Hmmm, hindi naman. I-ikaw, b-bat ang aga mo yata?"

"Para hindi na ako mapagalitan ni Sir" nakangiti kong sagot habang hinihigop ang kape "Nakakapagod mapagalitan"

"A-ah, ganon ba. U-Uhm, eto pala p-para sayo"

"Ano yan?” tanong ko habang inaabot ang paperbag na maliit "Halah, nakakahiya haha nag abala ka pa, ano ba 'to?"

"N-napansin ko kasing s-stress ka l-lagi. S-sana makatulong" sabi niya at saka umalis habang namumula

Binuksan ko naman iyon, at tumambad sakin ang stress ball na may nakasulat pang 'Gabriella'

Napangiti ako, ang thoughtful naman ni Jonas! Taray!

Pinisil ko iyon at gulat naman ako ng biglang may babaeng hingal na hingal sa harapan ko

"M-miss Miranda? S-si Sir!" kabadong kabado sambit nito

"Huh? Bakit anong nangyari?"

"Umiiyak siya, galit na galit po. Sinisigaw ang pangalan niyo. Inilock po namin ang pinto upang di siya makalabas dahil may hawak siyang panghampas"

H-ha?

Kinabahan ako ng sobra sobra sa narinig ko,

Ganoon na ba katindi ang inis niya saakin? Shet naman oh! Ayaw ko pa mamatay ng walang boyfriend!

Ibinigay ko muna sa babae ang stress ball at mabilis na nagtungo sa opisina ni Sir Edward

Sumilip ako at nakita kong galit na galit siya

Myghad! Ano bang nangyayari!

Nakatingin lamang ako at kitang kita ko sa buka ng bibig niya na sumisigaw siya at saka itinutok ang panghampas sa gawi ko

Nanlaki ang mata ko at nakita ko ring nanglaki ang mata niya at nangunot

Mabilis niyang binasag ang salaming pintuan at dali dali akong pinuntahan

"M-miranda?" takang takang tanong niya habang ako'y tulala parin at nabigla sa pangyayari

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinilit na itingin sakanya ang mata ko

"B-bat ka andito?" takang takang tanong niya ngunit nangingiti ngiti

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng sobrang higpit

T-teka anong bang nangyayari??

"S-sir? B-bakit?"

"H-ha?" takang tanong niya habang nakakunot ang noo "Nasaan tayo?" takang tanong niya sabay alis ng yakap sakin at bahagya pa kong tinulak

tsk!

"Nasa office sir, Couie company. Kompanya niyo sir" nakangiti kong sagot

"S-shit!" mura niya at saka dali daling pumasok sa loob, sumunod naman ako

"Bakit Sir? May problema po ba? Gusto niyo pong kape? Hindi pa po kayo naguumagahan, naabutan ko po kayo ritong tulog" pagkasabi ko noon ay nanlaki ang mata niya at napahilamos sa mukha

"Freakin' Idiot! Shit!" sunod sunod niyang sabi

"Sir?"

"N-nothing" iwas tingin niyang sagot

"Okay lang po ba kayo Sir? Bat po kayo nagwawala kanina?"

Napapikit naman siyang mariin at hindi sumagot

"Why do you care?! Tss!" inis niyang sabi saka mabilis na lumabas

Tsh! Problema nun?

His Promdi Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon