Chapter 28

260 3 4
                                        

Gabby's POV

Lumipas ang isang linggo at ganoon parin ang mga ganap. Sobrang daming trabaho, sobrang busy ng mga ganap

Nakakastress!

"Miranda, tapos mo na ba iyan by lunch? Marami ka pang gagawin. Then after lunch may pupuntahan ka pa at ioorganize na event which will happen next week"

"Yes Sir" kahit ang hirap ng pinapagawa niya saakin at sobrang dami ay pipilitin ko itong tapusin

Mygosh! Gusto ko na talaga ng pahinga at tulog

Halos isang linggo ko na rin hindi nakakausap sina Nanay at mga kaibigan ko dahil kahit paghawak ng cellphone ay wala na din akong oras. Umuuwi nalang talaga ako ng bahay para ipagpatuloy parin ang trabaho dahil ayaw ni Sir na gabi masyado umuwi

AFTER LUNCH ay tulad ng utos ni Sir, ay may inasikaso akong event para sa company

Medyo naguguluhan na ako, dahil talaga namang sobrang sakit ng ulo ko, nahihilo ako

"Maam Miranda, andyan na po yung deliveries ng mga bulaklak" ani ni Joseph, empleyado rin ng Couie Company na kasama/partner ko ngayon,

"Sige, ikaw na muna bahala dito. Puntahan ko lang para mapirmahan ko"

"Sure Maam"  nakangiti nitong saad

Hahakbang palang sana ako ng muntikan na akong matumba kaya't napakapit ako sa braso niya ng sobrang higpit

"Shit! Oh I'm sorry. Maam are you okay??!"

"Y-yes I'm sorry"

"Are you sure Maam?"

"Yes, asukasuhin mo na iyan huwag mo na ako intindihin"

"O-okay"

Bagamat nahihilo ay pinilit kong makapunta sa bagong dating na mga bulaklak para icheck ang bilang at klase ng mga iyon

"Excuse me Sir" tawag pansin ko sa delivery boy na nakatalikod

Third Person's POV

Kahit alam na may masamang dinadamdam si Gabby ay umoo nalang si Joseph sa dalaga, dahil yun ang gusto nito at natatakot siyang matarayan nito

Habang sa kalayuan ay tinitingnan tingnan niya ang dalaga, dahil baka mapaano ito at napapangiwi nalang siya kung gaano na ito kabagal maglakad na tila patigil tigil

"Sir, pakicheck naman po nito" anang isang babae na nagaayos ng mga designs kaya't nalingat ang atensyon niya

"Okay. Maganda, pero mas better if walang ganto rito. Masyadong baduy. Pakialis na iyan. And please formal ang design hindi ganan" masungit nitong sagot at saka muling bumaling kay Gabby

Nanlaki ang mata niya ng makitang nakahiga na si Gabby sa sahig at binuhat ng lalaking nakasumbrero na palinga linga ng tingin ngunit hindi kita ang muka

Shit!

Dali dali siyang tumakbo pero naisakay agad iyon ng lalaki sa sasakyan na mabilis na napaandar kaya't hindi niya iyon naabutan

Dali dali niyang tinawagan si Edward dahil bilin noon na bantayang mabuti ang dalaga "S-sir" kabado niyang saad

"Yes? may problema ba?"

"S-sir, si Maam nawawala. May kumuha"

"ANO?!" malakas na malakas na sigaw ni Edward

"S-sir sorry, kasalanan ko ho"

"Pupunta ako dyan!"

**
Mabilis na nakarating si Edward sa pinangyarihan at agad na sinalubong si Joseph na takot na takot para sa kalagayan ni Gabby dahil may pagtingin siya rito

"Sir, naiwan niya po" turo ni Joseph sa mga hawak ni Miranda kanina na nasa sahig

Huminga ng malalim si Edward at dali daling nagtungo sa cctv room

Kita niya ang halatang pangungulit ng lalaking hindi kita ang mukha kay Miranda pagkatapos ay ang pagbagsak nito na dali daling isinakay ng lalaki

Dali dali ni Edward ipinause iyon ng makita ang pangalan ng Delivery Van

Sins Flower Shop

His Promdi Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon