Chapter 10

654 8 1
                                    

EDWARD'S POV

Nakakatamad sa hotel at nakakastress ang mga gawain. Kaya't naisipan kong pumunta sa veranda at magpahangin muna. Pero nakita ko ang dalawang ugok na nagpapagalingan sa tubig

Tch,

Naengganyo ako sakanila kaya't naisipan kong magbihis at lumabas, pero paglabas ko ay nakita ko na si Miranda na papalapit kasama si Williams

Habang naglalakad siya ay hindi ko mapigilan ang humanga. Sobrang ganda niya, yea maganda naman talaga siya hindi lang niya inilalabas

PERO hindi naman ibig sabihin nun ay gusto ko na siya

Ngayon ko lang din nakita  na magsuot siya ng fitted na damit dahil puro maluluwag ang suot niya palagi kaya namangha ako at sadyang perperktong perpekto ang hubog ng katawan niya pero naiinis ako.

Masyado niya atang pinapasikat ang katawan nya!

Nung makalapit na siya ay nakita niya ako at agad na humingi ng tawad. Hindi ko non mapigilang matawa at mapatitig sa mukha niya kaya naman tumalikod ako para hindi niya makita

Ang panget niya talaga

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at sinabihang bawal siya magsuot ng ganon

Nakakainis rin ang bulaklak na iyan, kanina ay may nakita pa akong lalaking tutok na tutok sakanya. Marami. Pero may isang ang sama tingnan ng ngiti na mukhang may balak. Kaya naman sinabi ko na rin sakanyang pumasok na at may ipapagawa pa ako pero ang totoo ay wala.

Bakit paki nyo ba? Ako ang masusunod dito

| Miranda, bukas nalang pala |

| Ok sir, goodnight 😇 |

(--,)

Tsk tsk tsk

Gusto ko pa sana siyang itext kaso hindi ko alam ang sasabihin ko

Kaya hindi ako makali

Kinabukasan ay tinawagan ko siya at sinugod dahil napakabobo nila magusap ni Williams.

Kung si williams ay bobo makipag usap si miranda naman ay bobo sa direksyon.

"Sir nakapajama pa ako" 

"I don't care. Go to my room"

"B-but i–"

"No buts."

Nung makapasok sa room ko ay sinabi kong saglit lang muna dahil nakita ko nanaman ang lalaking iyon na titig na titig at habol ang tingin kay miranda

"Miranda, diyan ka muna. May kakausapin lang ako"

"Ok sir"  sagot niya habang nakaupo na rin sa may table at nagtytype

Pagkalabas ay naabutan ko ang lalaking nakangiti sa sa tapat ng pinto ni miranda at nung makita ako ay umalis. Hindi ko masyado aninag ang kaniyang mukha. Kaya't hindi ko siya namukhaan

Wtf

Kaya bumalik nalang ulit ako sa room

"Uhm miranda.."

Paano ko ba ito sasabihin

"Yes sir?"

"H'wag kang hihiwalay saakin dito dahil marami akong ipapagawa sa'yo."

"Yes na yes ng maraming yes,sir!"

(-__-)

Ng natapos ang mga gawain ay pumunta na siya sa kanyang room dahil tatlong pinto lang naman ang pagitan namin, katapat niya ang kay williams. Nakita agad siya ni williams kaya sabay silang naglakad. Buti naman.

His Promdi Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon