Third Person's POV
Walang malay na nakahiga si Gabby sa isang masikip na kwarto. Binabantayan ng isang lalaki
*knock knock knock*
"Gael, kamusta na iyang magandang dalaga na 'yan?" tanong ng isang matandang babae
"La, malay ko hindi naman ho ako doktor eh. Intayin nalang ho nating gumising, nahinga pa naman eh" busangot na sagot ni Gael
"Pilosopo kang bata ka talaga! Hindi mo pa saakin naikekwento ang buong nangyari, ipaliwanag mo nga!"
"La, nagdeliver lang naman ako ng mga inuutos niyong mga bulaklak tapos bigla nalang 'yang hinimatay sa harapan ko. Nahimatay ho ata sa kagwapuhan ko. Tch!" maarteng saad ni Gael
Nanaas naman ang kilay ni Lola Ermaña na sobrang nipis sa narinig at mapinong kinurot si Gael sa tagiliran
"Wag kang tamad! Wala si Ruben para magdeliver kaya ikaw muna ang pinagdeliver ko. Apo kita kaya sundin mo ako, huwag kang maarte. Naku! Tigil tigilan mo akong bata ka ha. Kesyo nakatambay ka sa bahay at puro cellphone ang hawak, ay mabuti ngang mautusan kita"
"'La naman! Paano ako naging tamad eh kayo nga ho diyan ang ang utos ng utos" nakangusong sagot ni Gael habang tinitingnan ang walang malay na dalaga
"At talagang sumasagot ka pang bata ka ha!!" gigil na sambit ni Lola Ermaña na babanatan pa sana ng napakapinong kurot si Gael ng makita niyang nakamulat na si Miranda na animoy inosenteng bata na natatakot sa nangyayari
"'La! Gising na siya, huwag mo na akong kurutin! Nakakahiya! Tsk" mabilis na takbo ni Gael sa gilid ni Gabby
"Hi! Kamusta ka na?" nakangiting tanong niya kay Gabby
"Hija, huwag kang matakot hindi kami kidnapper. Napulot ka lang ng apo ko, nahimatay ka raw bigla at wala siyang matawag dahil busy lahat ng tao" malumanay na sabi ni 'La Ermaña
Unti unti namang bumangon si Gabby at tumingin sa paligid "Maraming Salamat po sainyo" nakangiti niyang sabi
Parang angel! sa isip isip ni Gael sa mukha ni Gabby
"Kamusta ka na? Siguro ay sobrang pagod mo kaya ka nalang nahilo at nawalan ng malay" ani Lola Ermaña
"Uhm okay nanaman po, salamat po sainyo" medyo pagsisinungaling ni Gabby dahil ang totoo'y ansama parin ng pakiramdam niya at pagod na pagod parin ang utak at katawan niya. At ayaw niya ng makaabala pa "Salamat sa'yo uhm?" ani Gabby habang nakatingin kay Gael
Nataranta naman siya sa biglaang pagtingin ni Gabby sakanya kaya napatingin siya sa Lola niya na nakangiti ng nakakaloko kaya napabusangot nanaman ang kanyang mukha
"Gael" maikli niyang sagot
"Salamat Gael, pasensya na pala sa abala" nakangiting sabi ni Gabby na nagpapula sa tenga ni Gael
"Welcome" maikling tugon ni Gael at nagpaalam 'muna' daw para mag cr
Gabby's POV
"Hija, kamusta na ang pakiramdam mo?"
"Okay naman na po, napagod lang siguro sa trabaho. Ako nga po pala si Gabby"
"Kaygandang pangalan, katulad ng ina ni Gael. Ako nga pala si Lola Ermaña" nakangiting saad ni Lola
Tumayo naman ako kahit hirap atsaka inalalayan ni Lola Ermaña "Maraming maraming salamat po. Pero sa tingin ko po ay kailangan ko na umalis dahil napakarami ko pa pong dapat asikasuhin. Pasensya na po pala sa abala"
"Naku Hija, wala lang iyon. Mabuti nga't may nadala kahit papaano si Gael ditong babae hahaha!"
"Naku kayo naman Lola, paissue! Haha!" pang gagaya ko sa tono niya kaya nagtawanan nalang kami
"Papaano po ba 'yan Lola, kailangan ko na umalis. Maraming salamat po talaga ha"
"Naku, walang anuman. Sana'y bumisita kang muli rito. Teka't ipapahatid na kita sa apo kong tamad"
Grabe parang si Nanay lang sakin, pag may bisita kami
"Gael! Lumabas ka na riyan sa banyo't aalis na itong si Gabby. Tama na ang pagtatago diyan ng kilig!"
Loka loka rin si Lola, ay!
Habang nasa byahe pabalik sa pinagtumbahan ko ay sadya namang napakatahimik ng sasakyan
"Hi" bati ko kay Gael
Napaubo naman si Gael at ngumiti saakin at pagkatapos ay sa kalsada na
"Salamat nga pala sainyo ni Lola" at tulad ng kanina, ngiti lamang ang isinagot niya saakin
"Grabe! Nahihiya ka ba sakin?"
"Hindi naman siguro halata?" sarkastiko niyang sabi
"Ay wow! Hahaha! Wag ka mahiya, katulad na katulad ni Lola Ermaña ang nanay ko"
Napatingin naman siya saakin at napatawa "Nga pala, kamusta naman buhay mo?"
"Uhm okay lang naman, wala masyadong nangyayari. Normal lang"
"Ahhh,"
"Ikaw ba?"
"Normal lang din naman"
"Uhm, gusto mo kumain?" tanong ni Gael
"Hmm, wag na sobra na akong nakakaabala"
"Sus! Hindi naman, tsaka wala naman akong gagawin. Tsaka di ko naman libre. KKB naman" prangka niyang sabi
Grabe!
"Hoy, grabe ka naman. Di naman ako magpapalibre. Tsaka sige na nga," pagdedepensa ko sa sarili
"Yie, defensive"
Tch!
