Chapter 15

461 4 0
                                    

Gabby's POV

Oo na, oo na oo na oo na without milk kasi, without milk

Engot engot ba naman ni brainy brain

*pout*

Pero kasi tinitingnan ko lang naman kung magbabago ang isip niya. Tch.

Sadyang napakaarte.

"Here" sabi ko pagkalapag sa mesa niya ng kape NA HINDI MASARAP KASI WALANG MILK at nakita ko ang nag aalab na mga mata parin niya.

Tapang tapang! Kala mo naman mukang nakakatakot. Sus, di naman nakakatakot! Kala niya saakin duwag?! Ha ASA!

Pero ba't ako makikipagtalo sakanya? Di naman ako isip bata na magagalit dahil lang ayaw niya. Sadyang naaawa lang ako sa taste buds niyang di mararanasan ang kapeng may gatas.

Yun lang, wala namang big deal hehe

Pagkatapos non ay may pinagawa siya saakin, pinagtype nanaman ako ng bundok bundok na papel.

Pero keri to, wooh baka mamaya may abs na itong mga daliri ko sa kamay.

Matapos ang ilang oras ay lunch na kaya naman pumunta na ako sa cafeteria. Syempre loner ako dito, hirap pag walang friends. Kung pwede lang banaman dalhin sila Badi, Nathan, Jon (may crush sakin 'to kaso nawala gawa napagsuntok ko dahil crush siya ni Eula, yung crush ko) at nevermind wag na si James

Habang kumakain ay biglang may naramdaman akong umupo sa tapat ko, kaya't napaangat akong tingin at nakita itong nakangiti saakin.

"Hi, pwede bang makisabay?" nahihiyang tanong nito at halos di makatingin sakin

"Hello kuya, kung kailan nakaupo ka na saka ka pa nagpaalam. So ano pa bang magagawa ko? Hehehe"

"S-sorry, a-aalis n-na lang a-ako l-lipat na lang a-ako ng p-pwesto"

"Halah wag, dadami asawa mo bahala ka ikaw din!" sabi ko at sumubo ulit

"H-ha?"

"Wag ka mag alala pwede ka namang sumabay sakin eh, wala din naman akong kasabay. So tayo nalang ang magsabay!" masaya kong sabi nakita ko namang nagliwanag ang mukha niya

"S-sige! Salamat nga p-pala." sabi niya at ngumiti ngunit halatang nahihiya parin ito

"Kain ka na, wag mong pag intaying yang pagkain mo, baka mamaya makita mo na wala na iyan sayo at makita mo nalang na nasa plato ko na"

(--,)

Nakita ko namang napatawa siya pero pinipigilan niya.

Tch. Ang pagtawa ay parang utot, mahirap pigilan!

At yun kumain na kami, tahimik muna. Ganto talaga pag nakain nagiging tahimik ako hahaha busy kasi ngumuya

Napatunghay ako ng makitang tapos na siya kumain at nakatingin lang saakin

"Ay sorry, aalis ka na ba? Sige okay lang wag mo na akong intayin" sabi ko atsaka pinagpatuloy ang pagkain

Food is life

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya "Okay lang, I'll wait. Wala din naman akong kasama" sabi niya kaya napatingin ako sakanya

Wow diretso na dila niya, huaaaw

Tumango nalang ulit ako at kumain

Pagkatapos non ay sabi kong magccr muna ako pero sumunod siya saakin, seryoso ba dis boy?

"Huy! Bawal dito!" sabi ko habang hinampas siya ng malakas sa braso

"Aray!" medyo napasigaw siya ng pabulong

"Eh ikaw kasi! Bawal ka dito! Bakla ko no?"

"What?! No!" Pagdedepensa niya sa sarili

Tch.

"Eh bat ka sasama hanggang loob? Nako naman brodie. Bawal yon ay!" sabi kong iiling iling

"Ha? Ano bang s-sinasabi mo? H-hindi naman a-ako papasok eh. P-pagbubuksan l-lang s-sana k-ki-ta n-ng p-pinto"

"Ahhhh kala ko'y gusto mo sumama pati sa cr eh hahambalusin sana kita, sige sige na kaya ko naman itong buksan kahit nga isang daliri lang eh"

"S-sorry" sabi niya at tumungo

"Stop saying sorry" sabi ko at pumasok ng cr

Dali dali kong kinapkap ang sarili ko baka mamaya ay may kinabit iyon saaking video recorder at tiningnan ko din ang cr baka mamaya may secret camera eh. May pinakita kasi sakin sila Badi at James na may mga ganon daw kaya lagi daw ako magchecheck.

After magcr ay nandun parin siya "Sibat na ako " sabi ko at iniwan siya don dahil late na ako ng 1 minute. Hindi ko na inantay ang sagot niya at nagtatakbo na ako with all my strength. Tumingin ako sakanya at ngumiti at saka dalidaling nagtungo sa selda ko

Dali dali kong binuksan ang pintuan ng tahimik, laking gulat ko naman ng nag aabang na siya sakin

-.-

Tch. Epal! Napaka oa eh malate lang ng minuto ganan na agad. Tch malamang sa malamang crush ako nito! Aba't inaantay akoy. Tutok.

"You're 2 minutes late" malamig niyang sabi

"Oo nga po sir, may relo din po ako"

*glare*

"Tss." sabi niya at pumunta na sa kanyang lamesa

"Miranda" busyng sabi ni Sir yabs

"Po?"

"Coffee" at bago pa ako makapagsalita ay tumingin na siya sakin ng nakakamatay "without.milk"

"K. Fine" sabi ko at nagtimpla na ng kape

"Here" sabi ko at umupo na ulit

His Promdi Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon