Gabby's POV
Ilang araw na ang nakalipas at lagi nalang pag pumupunta dito si Paul ay ang tahitahimik niya. Nakakapanibago. Si sir yabs naman ganon rin. Mukha silang mga timang, seryoso.
Tapos si brodie naman, everytime na makikita ko nakakaawa. Shit lang pero lagi siyang binubunggo ni Paul sa balikat.
Pucha
I KENNAT
So tinanong ko si Paul sabi naman niya nakakairita daw kasi yung itsura. Tapos tinanong ko naman si Brodie btw tinanong ko na din name niya at ang pangalan niya ay Jonas sabi niya ewan daw niya, wala naman daw siyang ginagawa pero galit na galit sakanya yon.
Kaya heto mamaya kakagalitan ko 'tong si Paulito
**
"HOY PAULITO" tawag ko sakanya nung maabutan ko siya sa labas sa may parking lot"Oh?" cold niyang sabi
"Tss. Lamig ah, umaayon sa buwan at panahon. Disyembre"
"Ano ba yang sasabihin mo? Bilis may gagawin pa ako" iritado niyang sabi kaya tinaasan ko siya ng kilay at dali dali naman siyang nagpeace sign at niyakap ako
"Sorrrrryyy bebe gab, Badtrip kasi ako eh pero namiss talaga kita. Sorry pero ano ba kasi yon dali dali"
"Pwede bang tigilan mo na si Jonas. Wala namang ginagawa sayo yung tao eh pero lagi mong ginagago. Maawa ka naman sa tao kasi magisa nalang siya. Ni wala nga siyang kasama eh tapos lagi pa siyang pinagtitinginan ng mga tao. Paul nama---"
Hindi na niya ako pinatapos at ngumiti na siya at tinapik ang ulo ko "Sige, bye" sabi niya at dali daling umalis
hays..pwede na akong maging peace officer
TEKA BAT BA HINDI AKO NAHALAL NA PEACE OFFICER NOON?
sus dapat pala nagpeace officer ako non para di rin ako nalilista sa maingay, kaso eh nakakatamad din sumigaw ng sumigaw sa mga kaklase mong napakaiingay. Daig pa palengke sa ingay. Masasayang lang laway ko
**
Naging busy ang week na 'to pero hindi makakatakas saakin ang pagiging sobrang strikto ni Sir yabs. Lahat ng kilos ko ay bantay sarado niya, wala na akong kalayaan.Ganto na ba niya ako kacrush?
Tch
Pero kasi naman eh nakakairita. Tulad ngayong lunch na,
"Miranda, san ka kakain?"
Tss san pa ba punyeta, edi dito. Hindi niya na kaya ako pinapakain sa cafeteria. Sabi niya kasi sobrang daming trabaho at kailangan kong makicooperate, tsaka daw para hindi masayang yung oras
Hays.. Wala tuloy kasabay si Jonas
"Miranda!" gigil na sigaw niya agad
-___-
"Dito po, para namang may choice ako"
"Miranda! Anong binubulong bulong mo dyan?!" iritado niyang sagot
"Wala po, ang sabi ko dito po ako kakain"
"Okay okay" sabi niya at nagpatuloy sa pagtingin sa laptop niya
"Eh kayo sir, san kayo kakain? Or should I say.. Kakain ba kayo sir?"
tsss "ano? hindi nanaman? Nako sir pag talaga ikaw dyan eh"
Hindi kasi talaga kumakain si Sir ng lunch, baka nga pati breakfast di yan nakain eh
"Nasaan ang galang mo Miranda?" gigil nanaman niyang tanong
Naiwan ata sa probinsya
"Sorry po Sir, kumain na po kasi kayo. Alam niyo ba pag hindi kayo kumain kakainin ng malaking bituka yung maliit mong bituka tapos---"
Tumigil na ako dahil nakakatakot ang tingin niya okay shut up nalang nalang ako
"Hashtag Just saying" sabi ko nalang at nagpeace sign "Sir kain na ako, bahala ka diyan"
Isinalansan ko na ang mga folders at gamit sa isang gilid para naman may pagpapatungan ako ng baon ko. Oo nagbabaon na ako, aba'y bawal magcafeteria eh
Anduga! Nasan ang hustisya?!
Yung baon ko naman eh yung binili ko lang sa eleven. Yung giniling na tig 29 pesos. Masarap 'to promise, mura pa
Tapos may mga chocolate din ako dito para pang dessert. Medyo malapit lang kasi ang 7 eleven sa may apartment na tinutuluyan ko kaya don na din ako minsan naguumagahan tsaka nabili ng baon ko
After kong kumain ay tumayo ako at kinuha ang maliit kong bag
"San ka pupunta?" tanong agad ni Sir
tss
"Magtootoothbrush lang po" sabi ko at akmang lalabas pero
"Saglit" sabi niya at dali daling tumayo
Tumaas naman ang kilay ko sa inasta niya "at bakit?"
Dali dali namang nagseryoso ang mukha niyang mukhang aligaga kanina "May iuutos kasi ako" sabi niya
"Ah okay" wushu kailangan pa talaga sumama?
Palusot
(--,)
Sabay kaming naglalakad at diretsong diretso ang tingin niya, ang seryoso. Oh palagi naman, kailan ba 'to ngumiti hays
Pumasok na ako sa cr at naghilamos at toothbrush para fresh na fresh, pagkalabas ko ay ang saktong pagdaan ni Sir
Dirediretso siya at biglang lumingon ng nakakunot "Oh Miranda, ikaw pala. Halika sumabay ka na sakin bilisan mo at may ipapagawa pa ako sayo" sabi niya at naglakad ng muli
???
Habang naglalakad ay tumunog ang cellphone ko kaya naman dali dali ko 'tong tiningnan
From: Smart
EXCLUSIVE OFFER! Get Free 25 call minutes or 50 texts to SMART/SUN/TNT, mag-load lang ng P30 by 12/20/2017! Freebie valid for 3 days. Pagkatapos mag-load, makukuha ang iyong reward within 24hours!
-___-
Inis kong binalik sa bulsa ko ng tumunog ulit ito
Inis ko nanamang dinukot ang cellphone ko at agad na napataas ang kilay ko at napatigil sa paglalakad. Sino ba kasi 'to!!?
From: 09*********
Smile my queen, I can see you.
Nagulat nalang ako ng makita ko na ang mukha ni Sir yabs sa harap ko,
Napakachismoso talaga!
"Bakit?" tanong niya at tinuon ang mata sa cellphone ko pero agad ko iyon pinatay
Tss "Wala po, smart lang"
