Gabby's POV
Talaga namang kung sino sino ng nakakaalam nitong precious number ko
Tsk tsk tsk
Sino namang walangyang nagkalat nito?
Baka si James, siraulo talaga kahit kailan
Inis ko ng inoff ang cellphone ko at nagpatuloy sa pagtatrabaho. Makatapos naman ang ilang oras ay malakas na bumukas ang pinto, sobra lang makapagdabog itong si sir yabs.Nako, pag namang yang pintuan na yan eh nakalas,ewan ko nalang. Nakatingin lang ako sakanya at pinanood siya sa kabaliwan niyang pinagagagawa. Kulang nalang pati yung tv na nakakabit sa dingding ay tanggalin niya at ihagis sa labas ng bintana
"Anong tinitingin tingin mo diyan? HA!? LABAS!!!" galit na galit na sigaw niya kaya naman syempre lumabas agad ako dahil ayoko namang maihagis sa labas
Hays, hirap talaga pag may kasama sa iisang silid lalo na't anlakas ng topak ng kasama mo. Baka maging kriminal ka pa pag nagkataon
Kaya pumunta nalang ako sa cafeteria, dahil pagkain muna kadamay ko ngayon. Pero nakita ko agad si Paul kaya dali dali akong naglakad papunta sa cr
Pero nakita niya ako, pero kunwari di ko pa din siya nakikita
"Iwas pa more" sabi ni Paul na nasa harapan ko na
-___-
"Paepal pa more" sabi ko at dali daling naglakad
Hindi ko talaga kinakaya ang kakulitan nito. Kailangan ko rin umiwas dahil pag lagi kong kasama 'tong lalakeng 'to eh lagi akong napapagalitan ni Sir yabs. Tsaka kung saan ako dinadala dala nito, baka mamaya pati sa bahay ng mga langgam eh madala na din ako
"hoy babae bakit mo ako iniiwasan ha?"
"Ayoko mapagalitan" sabi ko habang dirediretso pa din sa paglalakad ng biglang may nabunggo ako
oh si ano pala, shet hanggang ngayon pala di ko pa alam pangalan neto
AMPOTEK
"Yow brodie" sabi ko pero seryoso siyang nakatingin kay Paul, kaya naman nilingon ko si Paul at tinaasan ng kilay pero ganon din siya. Seryosong seryoso ang gago ah.
Siniko ko siya pero wapakels ang bruho. "Oyoyoy williams na mapangit na ipinaglihi sa danggit"
"What the fuck??!" oa na sabi ni williams
"Oh bakit! Totoo naman a---"
"WHAT THE HELL IS DANGGIT?"
huwweeeeeeeeew rich kid talaga, sus mas okay pa talaga pag average ka lang, pag kasi mayaman eh kakaunti lang alam about sa paligid. Doon sa kasosyalan super dami
ay ay kwits lang pala, kaming mga sakto lang, wala masyadong alam sa mga alam nila.
"Isda yon, pede ring ulam" -__-
Sarap kaya ng danggit lalo na pag crunchy
"Mas mukhang isda yang kaharap mo. Tssss" sabi ni Paul at hinigit ako
Grabe ang sama
Kinaladkad niya ako hanggang sa makarating sa may tapat ng office ni Sir yabs the sir na walang abs.
joke
"Ang sama nito kay brodie eh!"
"Brodie?! Tsss, deserve niya yun. Puta. Hindi ako masama, kung alam mo lang"
k.
"Okay okay mukang magkakilala kayo at mukhang magkaaway kayo"
"chismosa" sabi niya ng parang nandidiri
"OY PUNYETA KA AH HINDI AKO CHISMOSA. OYOYOY! HINDI AKO HUNGHANG PARA HINDI MAHALATA. TSS ANTANGA"
"okay fine, basta ipagpatuloy mo yang pagiging observant mo at wag tatanga tanga. INGAT PALA AH!" sabi niya at umalis na
tch
So.. ano namang gagawin ko ngayon dito sa tapat ng pinto? Nakakatakot naman pumasok eh! Kainis banaman!
Tsk, bahala na nga
Kumatok ako at pumasok ng ingat na ingat at iniiwasang makipag eye contact kay sir.
The feels...
YUNG PAGRECITATION O NAGTATAWAG TEACHER MO, GAGAWIN MO LAHAT PARA DI KAYO MAGKAROON NG EYE CONTACT TSAKA GAGAWIN MONG BUSY SARILI MO KUNAWRI
hihi expert izz me (--,)
............Pero minsan kahit anong gawin mo, mapapansin at mapapansin ka pa rin
"Miranda"
kilabots all over my body
Dahan dahan akong lumingon at nakatitig na siya sakin
eeh?
"Why sir?"
"Saan ka galing?" seryoso niyang tanong
"Sa cafeteria po pero hindi po natuloy kasi po nakita ko po si Williams.. So, iniwasan ko po siya tapo----"
"Tch. Enough"
tsssss epal
Teka nga pala! Si brodie naiwan! kawawa naman siya, ayss!
