Chapter 19

633 7 5
                                    

Gabby's POV

Guess what!

Sobrang saya ko, hindi naman sobra. Slight lang

Eh kasi naman narinig ko kanina na pupunta raw dito si Logan

Oh my gosh!!!

Nakakakilig talaga shet!

Kainis di ako ready ayyy wrong timing naman kasi eh

Lumabas si sir, may pinuntahan. Pero pinagbilinan or should I say binalaan niya akong wag lalabas

Tsss ano ba? Hindi naman ako bata na paglumabas sa opisina niyang 'to eh mawawala at sasama agad pag may nagalok lang ng candy o kaya naman may mandurukot na kukuha sakin tapos ibebenta organs ko

Tch

Dahil matigas ang ulo ko, lumabas ako at dali daling nagpunta ng cr pero bago ako makapunta ay hinarangan ako ni Jonas

Tumingala ako para makita ko ang mukha niya, mukha siyang malungkot

"Hi Jonas, bakit parang iiyak ka na diyan?"

"W-wala. B-bakit h-hindi k-ka na nagp-punta s-sa cafeteria?"

"Ahh yun ba, marami kasing kailangang gawin. Eh kung pupunta pa akong cafeteria eh makakaaksaya lang din sa oras"

"G-ganon ba? Y-yun l-lang b-ba?" nakayuko na niyang tanong

"Bakit ba?" tanong ko

"W-wala akala k-ko kasi iniiwasan m-mo n-na ako"

"Hoy halah hindi ah, sorry nga pala kung hindi na kita nasasabayan ah. Kasi naman eh may paepal"

"H-ha? Ano?"

"Wala ang sabi ko napagalitan ko na nga pala si Paul sa inasta niya sayo. At di niya na ulit yun gagawin" nakangiti kong sabi oh diba pwede na akong maging angel

"N-naku hindi m-mo naman k-kailangan gawin y-yun. P-pero s-s-salamat"

"Ano ka ba! Okay lang yun no! Magkaibigan nanaman tayo eh. Atsaka sige ha mauna na ako"

"B-bakit? S-san ka pupunta?"

"Ha? Ah dadating kasi yung crush ko, magpapaganda lang naman kahit maganda na"

"Sinong dadating? Sinong crush mo?" bigla ay seryoso niyang tanong

"Woah ang tuwid na ng dila. Joke. Ah yun? Secret baka ipagkalat mo pa atsaka baka asarin mo pa ako. Sige na byee" sabi ko at dali dali ng pumunta sa cr

Third Person's POV

Mula sa entrance ng Couie Company ay sinalubong ng malugod si Logan

Tumungo ang mga gwardiya ng siya ay pumasok, Ngunit habang naglalakad ay may naramdaman siyang kakaiba

Tumigil siya at inilibot ang mata, malinis. Magaling magtago. Napangisi siya sa isiping iyon.

Nagpatuloy na siya hanggang makapasok sa elevator na pang pribado. Sinuot niya ang shades upang hindi mahalata kung sakaling may hidden camera ang paglilibot niya ng tingin

May napansin siyang maliit na bagay na nakasingit sa gilid ng elevator

Napangisi ulit siya ng malamang voice recorder iyon,

Pasimple niya iyong sinira ng hindi inaalis kung saan yon nakalagay

~Ting~

Pagbukas ng elevator ay nagdirediretso siya sa opisina ni Edward na kanyang kaibigan, ngunit pagpasok niya ay walang tao

"Akala ko ba may tao?" tanong niya sa sarili, inilibot niya ang mata niya at napagdiskitahan ang bagong lamesa niyang nakita, ang mesa ni Miranda

Napangisi siya sa kanyang nakapa, may voice recorder nanaman siyang nahawakan

"Mukhang madami dami ah"

Nahagip ng mata niya ang bag ni Miranda, gusto niya itong tingnan para makumpirma ang kanyang naiisip

Hahawakan na sana niya iyon ng biglang bumukas ang pinto at may nakita siyang babaeng nagpatigil sa paggalaw niya

Gabby's POV

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko

HALAAAAH HAWAK NI CRUSH YUNG BAG KO OHMYGOSH

"B-bakit mo hawak yung bag ko?" tulala kong tanong

Nahihiya ako oMG

"Ah sorry, ganitong bag kasi gusto kong iregalo sa kaibigan ko"

Ayyy

Kaibigan? Sus baka girlfriend. Hays wala na naman akong pagasa sa buhay pagibig

"Ah ganon ba, bigay lang din sakin yan eh" malungkot kong sabi

"Oh I see" sabi niya at umupo na sa sofa

Okay wala siyang paki, okay okay OKAAY OKAY OKAY HUHU

"U-uh S-sir, coffee?" pagaalok ko sakanya

Napaangat naman siya ng tingin mula sa binabasa niya at ngumiti na para bang napakagandang ideya ang na isip ko

"Yes please"

"With milk sir or--"

"With milk" NAKANGITI NIYANG SABI OHMYGOSH WITH MILK RAWWWW I KENNAT

"Sure" dali dali akong lumabas at nagtimpla hehe

The best kasi ang timpla ko sa kape pag may gatas, kaya gustong gusto ko magtimpla ng may gatas

Nang matapos na akong magtimpla with all my heart ay bumalik na ako pero pagkita ko nakangisi na si crush (Logan)

"Sir" sabi ko at inabot ang kape ng biglang pumasok si sir yabs na kala moy nagmamartsa kung magdabog

-___-

Wala na! Sira na ang moment namin ni Logan

Wrong timing talaga kahit kailan

Ang sama sama ng tingin niya saamin "Why are you here?!" galit niyang tanong kay Logan

"Why? Masama na bang bisitahin ang kaibigan ko?" nakakalokong sagot ni Logan

"Oo" inis na sabi ni Sir yabs na kulang nalang eh magdikit ang kilay

-__-

"Easy dude, naglinis lang naman ako. Hmm you're welcome. Una na ako" sabi niya sabay tapik sa balikat ni Sir yabs na mukhang naguluhan

"You're welcome? What the hell ano nanaman yan!" Inis na sabi ni sir yabs ngunit nginisian lang siya ni Logan at lumabas na

T-teka! Yung kape huhu

His Promdi Assistant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon